Chapter 7 Pinagtabuyan

1308 Words
Cadley Kinabukasan, nakakain na kami ng maayos ni papa kasi maaga kaming nagising. Nanghingi ako uli ng pera sa park at may nagbigay sa amin. Masaya kami ni papa kasi nadagdagan ang pera namin at makakain na kami ng masarap na pagkain sa karenderya. Bumiyahe kami patungong probinsya sakay ng bus. Nahihilo pero tiniis ko lang, nasusuka ako sa haba ng byahe. "Papa, punta tayo kina lolo at lola?" Curious kong tanong kay papa kasi sabi niya may papa at mama pa daw siya. Tumango siya sa akin na nakangiti. Naramdaman ko ang saya kasi di ko pa sila kailanman nakikita at di ko pa naranasan ang magkaroon ng lola at lolo, katulad ng mga kaibigan ko dati. "Oo, dun muna tayo magpapalipas ng ilang araw at kung tatanggapin tayo eh di dun na tayo maninirahan." Mas lalo akong na excite sa sinasabi ni papa, pero nakita ko ang takot ang pangamba sa mukha niya. Kaya niyakap ko na lang siya para pawiin ang anumang naramdaman niya. Sa ilang oras byahe namin pa probinsya, nakarating kami isang malaking bahay na may gate na mataas. Katulad nong pinuntahan namin noon na inaway si papa. "Papa, ito na po ba ang bahay niyo, ang laki naman?" Namamangha ako sa laki at maraming puno sa loob, malaki ang gate. May lalaki dumating na nakaunifrom na white at black, tingin ko siya ang nagbabantay sa gate. "Ano po ang kailangan nila?" Magalang na tanong ng lalaki kay papa. "Guard, gusto ko sana makausap ang mama at papa ko, sabihin mo si Jimmy Guerra. Tumango lang ang guard at umalis papaunta sa bahay, di man lang kami pinapasok muna. Di naglaon may lumabas na matandang lalaki na nakasungkod at ang babae na nakapostura at maraming nakasabit na kumikinang sa katawan at inaalalayan ang lalaki. "Anong kailangan mo dito?" Dagundong na boses na wika ng lalaki kay papa. "Di ba nong umalis ka at pinili mo ang babaing yun ay binawian na kita ng karapatan? Wala ka ng babalikan dito. Wala na kaming anak na sumuway sa amin." Nagulat ako bigla sa galit niya para kay papa at dinuro pa siya ng tungkod ng lalaking matanda. "Please ma pa, may karamdaman po ako ngayon, kailangan ko ang tulong niyo"; pakiusap ni papa sa kanila. "So ngayon naalala mo na kami kasi may kailangan ka? Magaling." Nakangisi niyang tingin kay papa. Di ko maintindihan ang kanilang pinag-usapan pero bakas sa kanilang mukha ang galit. Ang aking mukha papalit palit kina papa at sa kanyang mga magulang. "Pa, ilang panahon nalang ang natitira sa akin sa mundong ito, di niyo parin ba ako kayang patawarin? Matanda na kayo, matanda na rin ako, di natin madadala ang pera sa langit. Buksan niyo naman po ang puso niyo, maging mababa naman kayo." Naluluhang saad ni papa na halos lumuhod na sa kanila. "May gana ka pang sabihan ako ng ganyan ngayon? Wala kang mahihita sa amin, hampas lupa ka nalang ngayon." Bigla nalang silang umalis sa aming harapan, ni di kinamusta ang kalagayan ni papa, naawa ako sa kanya. "Ma, parang awa niyo na, di na ako magtatagal dito, gusto ko lang makasama kayo habang kaya ko pa"; naiiyak na sabi ni papa. Nakita ko na gustong bumalik ang mama niya sa amin pero nagalit ang lalaki. "Guard wag yan hahayaan na tumapak uli dito lalo na ang pumasok sa loob. Wala akong anak na sumusuway sa aking utos." Striktong mando niya sa guard. Tumango naman ang guard. "Bakit sila galit sa atin papa?" Di ko akalain na ganun maranasan namin dito, malayo pa ang pinanggalingan namin. "Di ko alam Cadley, ang nagawa ko lang naman ay sundin ang aking puso, yan ay ang mahalin ang mama mo. Pero di ko alam kung bakit ganun katigas ang puso nila. Pera at kapangyarihan parin ang lumukob sa kanilang pagkatao." "Ibig sabihin galit sila sayo dahil kay mama?" Tumango si papa. "Dahil po ba ayaw nila kay mama?" "Ayaw nila kasi mahirap lang ang mama mo na pinili ko. Kahihiyan sa pamilya pero kahit kailan di ako nagsisi na minahal ko ang mama mo. Siya ang nagpakulay ng buhay ko at naranasan ko na maging tao at mapagkumbaba dahil sa kanya." "Kaya ikaw Cadley, wag mong baguhin ang sarili mo, stay strong, mabait at masayahin, wag kang magpapadala sa pera. Di yan magbibigay ng totoong kasayahan sayo, kasi lulunurin ka niya, maging gahaman ka, di makento sa buhay at mas lalong maghahangad ka ng mas mataas pa, dun papasok ang kasamahan. Kung makontinto ka sa maliit na pamumuhay, ma-appreciate mo lahat, madama mo ang totoong kasayahan dito sa ating puso. Tulad ngayon wala tayong pera diba, pero masaya ka ba na magkasama tayo ngayon?" "Yes po papa basta kasama lang kita palagi akong masaya." Totoo yun, si papa ang kasayahan ko at si mama pero wala na siya. "Yan ang gusto kong itanim mo sa iyong isipan Cadley, simpli na buhay lang basta masaya." Paalala niya sa akin. "Tatandaan ko yan papa, di po ako magbabago. Isa lang ang hiling ko ay iyung maging malakas ka at mawala ang sakit mo."Ngumiti siya sa atin. "Saan tayo patungo ngayon, papa?" Naglalakad parin kami sa kalsada at sobrang init na. "Punta nalang tayo sa kakilala ko dito baka pwede tayong tumuloy pansamatala sa kanila." Naglalakad lang kami ni papa at alam ko mahihirapan na siya. Nakarating kami sa isang na bahay na parang bahay kubo pero may kalakihan ng kaunti. "Tao po?" Tanong ni papa sa bahay na nakasarado, ilang sandali may lalaki na nagbukas ng pintuan. "Lando?" Ngiti na saad ni papa "Jimmy ikaw ba yan?"Tumango si papa. Mabuti pa sila mainit nag pagtanggap sa amin at nakangiti. "Halika pasok ka, di na kita halos nakilala ah, kumusta ka na?" Sunod sunod na tanong niya. Halata na namimiss niya si papa. "Ito medyo nahihirapan, may sakit na kasi, galing ako sa mansion pero pinagtabuyan lang nila ako." Sumbong ni papa sa kaibigan niya. Umupo kami sa kawayan na upuan. "Ganun ba, grabe naman, dahil ba dun sa pagsama mo kay Myla?" "Oo di nila matanggap ang situation. Pinili ko lang naman ang puso ko Lando. Matagal din akong naging alipin nila, sinunod ang bawat utos, pero lahat yun di sapat. "Grabe talaga ang mga mayayaman noh kahit sarili nilang anak kayang iabanduna ng dahil lang sa pera." Napapalingo lang siya. "Wag kang may alala Jimmy, pwede na dito ka muna sa bahay, mahirap lang kami pero makakain naman kahit papaano." "Mabuti ka pa Lando, napatuloy mo ako, sarili kong pamilya kahit pagpakain sa akin, di nila magawa. Bakit kaya sila ganun, dati naman ako ang bumuhay sa kanila ah. Para bang nawalan ako ng silbi ngayon na may sakit ako." "Kung wala lang ako inindang sakit di ako lalapit sa kanila. I'm hoping na matulungan nila ako kahit papaano para madagdagan ang buhay ko pero matigas talaga sila." "Yung asawa at anak mo?" Tanong ni Mang Lando. "Tanggap ako ni Sherry pero hindi si Jacko at walang magagawa si Sherry na salungatin si Jacko. Nasaktan talaga siya ng umalis ako, di ko naman intention na mapabayaan sila, nagkaroon lang din ako ng problema at di nakabalik." "Dumito ka lang muna. Hanggat wala kang matutuluyan, pagsaluhan natin ang kaunting kita ko sa bukirin. Ganito parin ako katulad nun, mahirap pa sa daga pero kahit papaano nakaraos naman." "Pero masaya ka naman Lando, kahit mahirap." Singit ni papa. "Ah oo naman masaya ako, mga malalaki na din anak ko na sa Manila. Kami nalang dito ni mises ang natira." Masaya silang nagkukwenthan dun ni papa, binalikan ang nakaraan nila. Masaya ako kahit papaano, medyo naging okay si papa at may tumanggap sa amin at mukhang mabait. Nang gabing yun nakatulog kami ng maayos at nakakain ng masarap kahit gulay lang ang ulam. Ang importante maganda ang pakikitungo sa amin ng kaibigan ni Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD