Jacko
“Mom we don’t have food anymore, i am hungry;” sabi ko kay mom but she doesn’t response at me. She is just there sitting down looking at the gate. She drowning herself from pain and longing. She is like that ever since dad left us. She had forgotten na andito pa ako na nangangailangan ng kanyang gabay.
Wala akong nagawa kundi ang kumilos mag-isa, kung hihinyahin ko pa si mom magising pareho aming mamatay sa gutom. Wala kaming pwedeng lapitan na kamag-anak kasi ang pamilya ni dad galit sa amin ng dahil kay dad at nasa malayo sila. My mom's family andun din sa malayo.
I decide na pumunta sa palengke, maghahanap ako ng pwede magawa para magkapera. Wala na kaming pwedeng ibinta, nabinta namin lahat last time.
May nakita ako na nagkakarga ng mga gulay galing truck patungo sa loob ng palengke. Alam ko na ang tawag dun sa mga tao ay labor. Nilapitan ko baka pwede akong tumulong para kumita.
“Ali pwede ba akong tumulong magkarga para may pambili ako ng bigas?” Pakiusap ko sa babae na nagtatally ng mga nakarga na. She just looks at me.
"Bata ka pa totoy, di pwede sayo ang ganitong gawain baka makasuhan ako niyan kung pagtatrabahuin kita dito." Nalungkot ako sa sinabi niya pero siya nalang ang pag-asa ko na kumita ngayon. Maging regular ako dito kapag nagkataon.
"Okay lang po Ali, wala pong magagalit, kailangan ko lang po ng pera pambili ng pagkain, gutom na po ang mga kapatid ko, wala pa kaming kain;” drama ko sa kanya para payagan ako.
“Bakit, nasaan ba ang mga magulang mo?” Interesado niyang tanong. Nakuha ko ang simpatya niya.
“Iniwan na po kami, umalis at di na bumalik;” saad ko sa nakakaawang boses.
"Huh, kawawa ka naman, kaya mo ba talaga ang bigat nito? Eh sa porma mo pa lang di ka sanay sa hirap." Alam ko may kabutihan ang kalooban niya.
“Kakayanin ko po para lang may pambili kami na makakain ngayon.” Balik kong saad.
“Ah siya papayagan kita basta di kita kargo kung may mangyayari sayo.” Tumango ako at nagsimula ng maghakot. Sobrang bigat ang mga hinahakot ko, halos di ko kayanin ang bigat at gutum pa ako pero ang isip ko nagsabi na kailangan kong gawin to kasi ito lang ang paraan, kaya kinaya ko na.
Lunch time tinawag ako ng Ali, tama din na natapos na ako sa aking paghahakot. Nakikita ko na mabait siya sa lahat, pinakain pa niya ako ng libre.
“Di kita dapat tinanggap dito kasi bata ka pa. Ang isang katulad mo di dapat nagtrabaho sa ganitong gawin pero mapilit ka at sabi mo kailangan mo ng trabaho at nakita ko pursigedo ka. Kaya simula ngayon kung kailangan mo ng pera lumapit ka lang sa akin baka may ipagagawa ako sayo para kumita ka. Heto ang kita mo ngayong araw.”
Binigyan niya ako ng pera, sobrang saya ko kasi makabili na ako ng bigas, bahala na ang ulam basta may bigas pero bumili din ako ng noodles, itlog at sardinas. Umuwi ako kaagad para magsaing pero ramdam ko ang pagud sa aking katawan. Di ko akalain na makaya ko lahat yun.
Pagdating ng bahay nakita ko si mom na yun parin ang porma. Baliwala sa kanya na wala na kaming makain, palaging wala sa sarili. She’s not eating this days, she’s losing weight. Naawa ako sa kanya at same time nagagalit kasi sarili lang niya ang iniisip.
Nagsaing ako at nagluto ng noodles at itlog pinakain ko si mom. Para siyang bata na inaalagaan ko.
Simula nun, palagi na ako sa palengke, ginawa ang kahit na ano para lang kumita. It becomes my routine at nakasanayan ko na rin ang systema dito sa palengke. Imbes sana mag-aral i stop schooling kasi wala naman kaming pambayad sa school. Paano kami makakain kung di ako magtatrabaho. I was just 15 years old pero naranasan ko na lahat yun, ang hirap ng buhay.
As the years passed, mom got sick because of depression and kidney failure kasi palaging umiinum ng hard liquor at wala pang kain. I can’t bear losing her, siya nalang ang natira sa akin kaya pinangako na gagawin ko ang lahat para lang mabuhay siya. Dinala ko siya sa public hospital, ginapang ko ang gastos at mahal na gamot. Nangutang ako sa palingke, mas marami pa akong tinatrabaho ngayon. Nasanay na din ang katawan ko sa hirap ng trabaho pero lahat ng kita ko di parin sapat sa gamutan ni mom, kahit nag double kayod na ako. Marami pang naghihintay na mga utang ko.
Isang araw may lumapit sa akin na gawin daw akong delivery ng mga illegal drugs. Malaki ang alok sa akin basta di ako magsusumbong. Dala ng hirap ng buhay at matinding pangangailan sa time na yun, sumugal ako, tinanggap ko ang trabaho.
“Boss saan ko ba makikita si Lucas?” Tanong ko sa isang tambay sa maliit na iskinita ng Tondo, umabot ako dito sa aking delivery. Ako ang pinagkatiwalaan nila kasi bata pa ako. Di mahahalata sa mga police na may dala ako na bawal at di kami pwede kasuhan if mabulilyaso ang lakad kasi minor de idad pa. Sa katagalan gamay ko na ang pasikot sikot ng trabaho.
“Anong kailangan mo kay boss Lucas?” Balik sabi niya na parang siga ang dating, ina-underestimate niya ako. Para siyang sanggano tingnan, may balbas at mahaba ang buhok, nanlilisik ang mga mata. Drug addict ito.
“May delivery lang ako galing kay boss Rex;” pagkasabi ko nun, agad niya akong tinanguhan at sinenyasan na sumunod sa kanya. Mata pa lang alam ko na ang ibig sabihin nun. Sa ganitong gawain dapat alam mo kung paano basahin ang bawat kilos ng mga katrabaho mo.
Ilang beses ko na itong ginagawa pero natatakot parin ako kasi baka mapagtripan, di ko ito teretoryo. Bago lang ako na assign dito at maliit pa ang katawan ko sa kanila, pero nilakasan ko lang ang loob.
“Oh ito ang pera ikaw ba ang magdadala?” Tanong ni Boss Lucas sa akin. Tumango ako kasi sabi ni Boss Rex dalhin ko daw ang bayad. Mas natakot ako ngayon na may dala akong pera. Nagmamadali ako sa aking kilos kasi pwede akong abangan ng mga tambay sa labas kapag alam nila na may dala akong pera.
Nakarating ako sa aking destinasyon na safe. Nakita ko ang laking ngisi ni boss pagkabigay ko sa pera.
“Good, okay ka bata ilang delivery mo na ito sa akin pero di ka pa pumalpak, medyo malaki ang dala mo ngayon pero nabigay mo ng buo.” Nakangisi niyang saad, mukhang enjoy sa malaking kita.
“Boss, trabaho lang po ang ginagawa ako, di ako mangkukupit kung yun ang ibig mong sabihin. Ang kinatakot ko lang ay kapag nasa labas ako baka may maka-alam na may dala akong pera at abangan ako” Share ko sa kanya ang alalahanin ko, kung pwede sana sila na ang magdadala ng pera.
“Well, kasama yan sa trabaho mo ang siguraduhin na di ka papalpak, alam mo na ang kalalagyan mo, ayaw ko ng traydor. Oh dahil malaki ang kita ko ngayon mas malaki ang share mo ngayon.” Wika ni Boss Rex.
Malaki man ang kita ko dito pero di parin matutumbasan ang possibleng panganib na naghihintay sa akin sa lansangan, lalo na sa mga halang na kaluluwa ako nagtatrabaho. Gustuhin ko man umalis di ako basta basta maka-alis dahil malaki pa ang utang ko sa palengke dahil sa gamot at hospital bill ni mom. At alam ko din na di ako basta basta bibitawan ng mga boss ko ngayon na pinagkatiwalan na nila ako at may alam na sa gawain nila.
Sa ganitong pagkakataon maiisip ko si dad, di ko mapigilan na umusbong ang galit sa kanya. Di ko dapat gawin to, kasi di ko ito obligasyon pero ako ang sumasalo sa obligasyon nila.
Medyo okay na si mom. Nakalabas na siya ng hospital. Nabunutan na ako ng tinik.
“Anak, pasensya ka na kay mommy huh, naging pabaya ako. Nakalimutan ko na may responsibilidad pa ako, instead ako ang bumuhay sayo ikaw ang bumuhay sa akin. Bayaan mo sa susunod magtatrabaho na ako.” Napangiti ako sa reaction niya. At least ngayon, nagising na siya, natauhan na.
Nagpatuloy ako sa aking trabaho sa palengke at sa delivery. Di insakto ang oras ko sa trabaho, kapag may gawain tinatrabaho ko kaagad at kapag may message si boss Rex, puntahan ko siya kaagad.
“Oh ito i-deliver mo kay Macoy dun sa Aurora, dating gawi kunin mo ang bayad." Tumango ako kay boss Rex, sakay ng aking bike, dumeretso ako sa aking destination. Nagmamadali ako kasi baka abutin ako ng gabi dun. Mahirap na.
Nakapagdeliver na ako kay Macoy dati kaya kilala ko na siya at alam ko kaagad kung saan ko siya pupuntahan kaya lang di ko siya pinagkatiwalaan, ang mukha niya ay mukhang manggagantso.
Medyo alanganin na talaga sa oras ang dating ko, dumeretso ako agad sa lungga niya. Maraming addict sa lugar na ito at snatcher.
“Boss pinabigay ni Boss Rex;" yun lang saad ko pagdating sa lungga niya, nagmasaid masid ako habang nanghihintay sa kanyang bayad.
"Oh ito bilangin mo;" sabay balya sa akin ng supot ng pera. Binilang ko talaga baka kulang ang bayad niya, ako pa ang malintikan ni boss, insakto naman.
"Sige boss alis na ako;" nagmamadali ako sa aking kilos, halos takbuhin ko na ang labasan kasi kitang kita ko ang mga mata na nakatingin sa akin. Parang sinusubaybayan ako, na feel ko na kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. May panganib na naghihintay sa akin kaya nagdasal ako sa panginoon habang naglalakad ng mabilis.
Pagdating sa labasan na may lagayan ko ng bike, bigla may tumutok sa akin na medyo matulis na bagay sa aking tagiliran. Alam ko kutsilyo yun.
"Ibigay mo ang iyong dala kung ayaw mong masaktan;" sabi ng dalawang lalaki sa aking tagiliran at alam ko may isa na nakatingin lang. Look out nila.
"Mga boss kay boss Rex ito baka malintikan ako; napag-utusan lang din ako." Pakiusap ko sa kanila, baka kilala nila si boss Rex.
Kung ibibigay ko ito sa kanila, ako ang malilintikan ni boss at kung magmatigas ako posible nila akong sasaksakin ora mismo.
"Wala kaming paki-alam sa boss mo na yan, basta amin na ang dala mo ngayon na." Saad pa ng lalaki na nasa aking tagiliran. Alam ko na may mga taong nakatingin sa amin pero alam ko din na walang sasaklulo sa akin kung magkagipitan man.
May nakita ko na mga police nagroronda pero sa malayo pa, ang plano ko ibibigay ko pero itatakbo ko agad sa lugar ng police.
"Oh ito"; saad ko at kumaripas ako ng takbo ng makabwelo dala ng pera pero na nahagip ako ng isa at sinaksak ako agad; sumigaw ako ng tulong kaya nasaklolohan ako ng mga police, dinala agad sa hospital. Nasaksak ako sa tagiliran, agad akong naoperahan
Nang nalaman ni mommy, sobra siyang umiyak at sinisisi ang sarili, naawa ako sa kanya pero mas nadagdagan ang galit ko kay dad, kung di niya kami pinabayaan, kung di siya umalis di ko ito dadanasin sa mga kamay ng masasama.
At ng nalaman ni Boss Rex na natangay ang pera sobrang galit niya sa akin, halos gusto akong patayin.
"Boss Rex, ginawa ko lahat para protektahan ang pera pero nadali talaga ko nila. Tatlo sila laban sa akin at maggagabi na, tingin ko inaabangan na nila ako paglabas pa lang. Baka kasabwat nila ang taga loob, kasi alam nila kaagad ang pagdating ko at nong pag-alis ko pa lang sa bahay ni Macoy sinusundan na ako." Paliwanag ko kay boss.
Dahil sa sinabi ko nahimasmasan siya. Pero nakita ko ang galit niya sa mukha.
"Magsisi sila na tinaydor nila ako;" yun ang dinig kong sabi ni boss Rex. Buti naman at siya ang nagbayad ng hospital bill ko at naniniwala sa akin kasi ilang beses na ako nagdeliver sa kanya at wala naman palpak at mas malaki pa ang halaga nun kaysa dala ko last time.
Dun ko naranasan kung gaano kahirap ang buhay, minsan malagay ang sarili mo sa delikado para lang mabuhay. Di ko masisi ang iba na kumapit sa patalim katulad ko para lang makaraos sa hirap. Kasi wala namang tutulong sayo kundi ang sarili mo lang.
Ang trabahong yun ang nagdadala sa akin sa mas malalim pa at pagkalunod ko sa kasamaan, mas delikado pero maraming pera. Mas nalulong ako sa pera at gawaing illegal. Yun nag nag-udyok sa akin na mag-iba ng direction sa buhay. Direction na mahirap baliin kasi nakasanayan at nakaugat na.