Cadley
"Cadley, anak gising"; bigla akong naalimpungatan sa boses na narinig. Nakatulog pala ako sa kahoy na upuan dito sa sala.
"Papa"; sigaw ko bigla sa kanya at yumakap ng mahigpit. I am just happy to see him again. "Papa saan ka galing, bakit ngayon ka ng umuwi?"
"Pasensya na anak, galing ako sa kaibigan ko para manghingi ng tulong pampahospital ko sana pero natagalan ako." Naawa ako sa kanya kasi alam kong hirap na siyang maglakad at huminga.
"Papa, may dala ka na pagkain? Gutom na kasi ako, hinihintay kita"; sabi ko sa kanya, nakalimutan ko na ang gutom kanina pero ngayon bumalik na naman uli.
"Bakit, di ka ba pinakain nila kanina?" Tanong niya na may-awa sa akin. Hinahaplos niya mukha ko. Lumingo ako.
"Sabi ni Auntie Lily hintayin daw kita kasi magdadala ka ng pagkain para sa akin. Kulang pa daw sa kanila ang pagkain nila eh." Parang wala lang na sumbong ko sa kanya. Totoo naman pero di ko lang sinabi na pinagtrabaho pa niya ako ng maraming bagay.
"I’m sorry anak, wala akong dala eh. Kulang kasi pera ni papa, sige lang bukas hanap tayo ng pagkain. Kaya mo pa ba ang gutom? Inum ka nalang muna ng tubig." Tumango ako at nagtungo sa water dispenser at kumuha ng tubig.
Kinabukasan narinig ko ang sigawan sa labas.
"Kuya, alam mo naman na kulang pa sa aking pamilya ang kita ko, paano ko pa pakakain iyan? Ibalik mo nalang yan sa pamilya niya o ama niya, di yung ikaw pa ang mamoblema sa kanya"; rinig kong sabi ni Aunti Lily.
"Lily anak ko siya, ako na nagpalaki sa kanya, sa ginawa mo parang ako na din ang ginawan mo ng ganun, sobrang gutom na ang bata ng umuwi ako." Nakita ko ang tinitimping galit ni papa. Pinagtitinginan na kami ng kapitbahay kasi malakas boses nila.
"Pwes di ko siya obligasyon Kuya, ikaw lang ang mapapakain ko"; balik sagot niya kay papa.
"Lily nong may pera ako, di naman kita pinabayaan ah, pati pamilya mo busog sa akin. May narinig kaba galing sa akin every time may hinihingi ka? Bakit ngayon ganyan ka sa akin?" May hinanakit na tinig ni papa.
"Kuya, pinamumukha mo ba sa akin ang nangyari nuon? Sinusumbatan mo ba ako?"
"Di naman sa ganun, ngayon ko kailangan ang tulong mo, bakit naman ganun ang trato mo sa anak ko?"
"Kuya di ko yan kadugo, pasensya na. Malas yan sa buhay mo." Di ko na natiis kaya lumapit na ako at umalis na din si Aunti Lily sa harapan ni papa.
"Papa; tama na, di na po ako gutom"; awat ko sa kanya baka aatakihin siya ng hika niya.
"Anak, aalis ako uli huh, maghahanap ako ng pera, dito ka nalang uli." Tumango ako sa kanya. Pag-alis ni papa tinawag ako ni Auntie Lily.
"Hoy sampid halika nga dito". Hinawakan niya ako sa aking buhok at bininat ito.
"Wag po auntie, masakit po"; sa sobrang higpit ng hawak niya masakit na sa anit.
"Nang dahil sayo nagalit sa akin ang Kuya ko kasi sumbungera ka, kaya masasaktan ka talaga sa akin ngayon."
"Auntie di naman ako nagsumbong, nanghingi lang ako ng pagkain kung may dala ba siya kasi sabi mo hinyahin ko si papa para sa pagkain ko." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Aba mangatwiran ka pa, punyeta kang bata ka"; sinaktan niya ako at pinalo sa puwet.
"Sige magsumbong ka uli kay Kuya, mas malala pa diyan ang aabutin mo sa akin." Umiyak nalang ako dun. Walang nagawa
"Oh kumain ka, baka magsumbong ka na naman"; binigyan niya ako ng tatlong piraso ng pandesal.
"Pagkatapos diyan labhan mo lahat ito huh. Wag kang pasenyorita dito, di mo ito pamamahay." Tumango lang ako sa kanya.
Pagkatapos kung kumain ng tinapay, naglaba na ako. Maraming pile yun. Di ko alam kung paano maglaba, pero nakikita ko si papa naglalaba dati kaya sinunod ko yun. Sobrang hapdi na ng kamay ko, maraming sugat.
"Diosko Cadley, anong nangyari sa mga damit ko, bakit namumuti ito? Saan na ang sabon, bakit ubos na? Bakit ito nalang natira at ilan lang natapos mo?" Sunod sunod na tanong ni Aunti at bigla akong natakot sa aura niya, sobrang galit. Di ako makasagot.
"Punyeta ka talaga, walang silbi, yan na nga lang inutos ko sayo di mo pa magawa ng tama. Inubos mo pa ang sabon ko." Kinaladkad niya ako at hinampas ng kahoy.
"Wag po Aunti, masakit po"; pagmamakaawa ko sa kanya. Malaki na kahoy ang ginamit niya sa paghampas sa akin. Umiyak ako ng umiyak, sobrang sakit na ang puwet ko at hapdi pa ng kamay dahil sa sugat.
"Aray po Auntie, masakit po"; sabi ko habang umiiyak. Ang mga anak niya nakatingin lang sa akin.
"Lily, bakit sinaktan mo ang anak?" Dumating si papa at niyakap ako.
"Papa"; sambit ko sa kanya, di ko akalain na darating siya sa ganitong sitwasyon.
"Lily di ko akalain na kaya mong manakit ng bata, kasing idad lang siya ng mga anak mo. Nang dahil lang sa sabon at damit, di mo man lang tiningnan na mas magkasugat sugat na ang bata sa dahil sa paglalaba. Walang alam yan sa gawaing bahay, di mo man lang tinuruan ng maayos. Ikaw ang matanda, daig mo pa ang bata."Wika ni papa kay Auntie na tahimik lang.
"Halika anak alis na tayo dito, di ko kayang sikmurain ang pag-uugali sa mga tao dito." Nakita ko na umiiyak na din si papa ng makita ang mga sugat ko.
"Balang araw Lily, maranasan mo rin ang naranasan ng anak ko sayo at mas higit pa. Ang lupit mo, wala kang patawad, ang sama mo." Kaya umalis kami sa gabing yun sa bahay ni Aunti Lily.
"Papa, saan tayo patungo? Gutom na ako papa, wala pa akong kain, 3 piraso lang ng pandesal ang almusal ko kanina."
"Oh my goodness. Sorry anak, dinamay ka ni papa"; sabi niya ng hinaplos ang mukha ko. "Punta tayo ng probinsya, sa kamag anak ko baka tanggapin tayo dun. Sa ngayon kailangan natin ng pamasahi at wala na akong pera dito."
"Manghingi nalang tayo papa para maka-uwi na tayo sa inyo." Parang wala lang sa akin yun.
"Saan naman tayo manghingi?" Napangiti siya sa akin.
"Diyan sa tabi tabi papa, manghingi ako. Sige bantayan mo lang ako papa"; agad akong pumunta sa may park sa may maraming tao.
May nakita akong ali na magara ang porma, tingin ko maraming siyang pera kaya nilapitan ko siya.
"Ali pwede po bang manghingi ng pera pamasahi namin pauwi?" Tiningnan lang niya ako. "Sige na po kahit kaunti lang." Nilakbayan lang niya ako at binaniwala. Akala ko magbibigay kasi maraming kumikinang sa katawan at mukhang mayaman.
Nanghingi ako uli sa isang lalaki na galing sa simbahan.
"Kuya, pwede po bang manghingi ng kaunting pera, pamasahi lang po namin pauwi?" Pareho parin, di ako pinakinggan, parang walang naririnig. Galing siya ng simbahan, akala ko magbibigay kasi mabait. Bakit kaya sila ganun, di naman malaki ang hinihingi ko?
Gutom na talaga ako. May nakita akong bata kasama ang papa niya at kumakain sila ng burger.
"Wow ang sarap siguro nun." Natatakam ako habang tinitingnan sila, di ako nakatiis, nilapitan ko sila.
"Pwede po ba humingi ng burger niyo? Gutom lang po ako." Tiningnan ako ng Kuya.
"Saan ba ang mga magulang mo bata, bakit ka andito sa park na mag-isa?" Tanong ng Kuya at mukhang mabait.
"Patay na po mama ko at si papa anduon sa gilid may sakit yun, pinalayas kami ng kapatid niya at gutom na kami. Manghingi lang ako ng pera dito pamasahi namin pauwi ng probinsya." Di ko napigilan sabihin lahat kasi sa dami ng nilapitan ko kanina, sila lang ang kina-usap ako.
"Sige sayo na ito ang burger namin may dalawa pang natira, saan ba ang papa mo?" Nilingon ko kung saan si papa nakaupo kanina.
"Andun po"; tinuro ko si papa sa may gilid ng malaking kahoy, nakatulala. Nilapitan niya si papa.
"Pre sayo na to; sabi ng anak mo gutom na daw kayo?" Sabi ng Kuya at binigyan siya ng burger at ako kinain ko na ang binigay niya sa akin. Wow sobrang sarap.
"Salamat pre, oo nga eh. Wala pa kaming kain"; tinanggap ni papa ang burger.
"Ito pre baka makatulong sa iyong paglalakbay"; bumunot ang lalaki ng kulay yellow na papel galing sa wallet niya.
"Salamat pre, buti ka pa di namin kilala, tinatrato kami ng maayos pero kamag anak ko grabe ang ginawa nila sa amin. To think ako ang tumutulong kanila nuon." Wika ni papa sa lalaki na naiiyak na at tinanggap ang bigay ni Kuya.
"Ganyan talaga minsan Pre, kung sino ang di mo kadugo ay siyang may malasakit sayo ng tunay. Sige Pre good luck sa byahe niyo." Umalis na ang lalaki kasama ang anak niya.
"Papa masarap noh? Ang galing ko ano?" Masaya kong saad sa kanya at napangiti lang siya sa akin.
"Yes Cadley, magaling ka, kaya tiis muna huh, one day you will get a reward from up there." Tinuro niya ang langit.
Natulog kami ni papa sa park, dun kami nagpalipas ng gabi, naglagay lang kami ng cartoon sa may semento at jacket.