Chapter 5 Malas

1305 Words
Cadley "Papa, bakit ka umiiyak? Sorry di na ako iiyak, big girl na ako kaya wag ka ng magcry for me"; I saw how he smile a bit. Di ko maintindihan kung bakit nagalit yung lalaki sa kanya. Di ko alam kung sino siya. "Cadley dun ka muna sa mga katulong may pag-uusapan lang kami ng tita Sherry mo"; tumango ako sa kanya. Dinala ako ng katulong sa may garden. "Wow ang ganda dito, marami ang mga tanim, may flowers pa na ibat ibang kulay." Di ko mapigilan na mapahanga sa aking nakikita, sa tv ko lang yun nakikita. I don’t know but i am fascinated with different colors. "Wow may butterfly"; sigaw ko katulong at napangiti naman siya sa akin. Kaya hinabol ko ang butterfly na lumilipad, gusto ko lang kunin kaya lang mabilis lumipad. Ngayon lang ako nakakita ng butterfly kasi sa lugar namin magulo lang, walang tanim, puro usok at ingay ang maririnig, dikit dikit pa ang bahay. Sa kakatakbo ko at kakahabol sa paruparo, di ko namalayan na napunta na pala ako sa may pool area. Sobrang saya ko nun ng bigla ko naman narinig ang dagundong na boses. "What are you doing here? Go back to where you come from"; malakas na sigaw ng lalaki sa akin, kaya natakot ako sa kanya, his face shows too much anger while looking at me. "Papa"; sigaw ko kay papa kasi natakot ako sa lalaking nasa tubig naliligo. Kahit natatakot di ko parin mapigilan na humanga sa kanyang katawan, he has a big body structure. I never had seen anyone having a body like him, like a body of superman i saw on tv. "Cadley, bakit anong nangyari sayo?" Papa runs towards me when he heard me shouting. "Bakit andito ang batang yan? She already made a lot of damage in this house. Bakit andito pa kayo sa bahay?" Galit na sigaw ng lalaki sa akin at kay papa. "Jacko, wag kang ganyan, bahay parin ito ng papa mo, wag kang bastos"; saway ng babae sa lalaki. "He already surrenders his rights nung umalis siya at iniwan niya tayo, Ma. Huwag mong kalimutan na naghirap tayo nung wala siya at halos walang makain, we mostly sold most of the things here. It’s me who bought this new stuff now. Kaya ako ang may karapatan dito." Di nakapagsalita ang babae. "Now, i want you to leave, you already had disturbed my peace." Matiim niyang sabi kay papa. Umalis ang lalaki sa harapan namin, pumunta sa taas ng hagdan kahit basa ang damit niya sa tubig. Di ko mapigilan na sundan siya ng aking mga tingin. "Jimmy, gustuhin ko man wala akong magagawa. Si Jacko na ang bumubuhay sa akin, marami siyang pinagdaanan nong wala ka kaya ganun ang galit niya sayo. Hayaan mo kakausapin ko siya sa kalagayan mo." "Naintindihan ko Sherry, malaki ang pagkukulang ko sa kanya, di ko man kagustuhan pero iyon parin ang nangyari. Aalis na kami." I found myself slowly walking away from that big house. "Papa, saan tayo pupunta? Sabi mo dun tayo titira sa malaking bahay?" Tanong ko kay papa ng nagsimula na kaming maglakad palayo sa bahay. I still keep looking back kahit medyo may kalayuan na kami. I love that place kahit galit yung lalaki. Marami akong nakita na kakaiba at nakakamangha. "Sorry anak, pero di tayo pwede dun, magagalit si Jacko." Wika ni papa sa malungkot na boses. "Sino yung lalaki papa? Bakit galit siya sa atin?" Tanong ko kay papa kasi I'm curious why galit siya eh ngayon lang kami nagkita. "He’s my son kaya lang iniwan ko siya nuon kaya nagalit sa akin ngayon." "Iniwan mo ba siya para sa akin, para may papa na ako?" Lumingo lang si papa, nakita ko ang paghihirap niya sa mukha. "You still cannot understand the situation anak, someday soon you will understand it more. Di na ako nagsalita pa. We keep walking. Wala kaming nakita na pwede namin masakyan, nasa mataas na bahagi ang bahay na pinuntahan namin, kailangan pa namin bumaba para makarating sa baba at makasakay ng sasakyan. "Saan tayo papunta ngayon papa?" Tanong ko uli ng makasakay na kami ng trisikel. "I don’t know anak, siguro dun muna tayo sa kapatid ko pansamantala." Nakita ko ang pagud sa mukha niya. Nakarating kami sa isang bahay na sakto lang, parang same sa tinirahan namin dati. At maraming kapitbahay ang nakatingin sa amin, dikit dikit ang bahay dito, masikip ang daanan. "Lily, pwede bang pansamantala muna kami dito makitira kahit ngayon lang?" Tumango ang babae. Sabi ni papa kapatid daw niya yun sa labas. Nakita ko maraming bata sa loob ng bahay, anak siguro ng babae. "Kuya, bakit di ka lumapit sa dati mong asawa, balita ko mayaman na uli sila at may karapatan ka sa bahay dun." Rinig kong pag-uusap nila. "Dun kami galing Lily pero ipinagtabuyan lang kami ni Jacko, galit siya sa akin. Galit siya na iniwan ko sila dati." "Matigas pala ang puso ng anak mo. Anak ba yan ng sa babaing kinakasama mo?" Tumango si papa, nakikinig lang ako sa usapan nila, katabi ko si papa. I know they are talking about me. "Wala bang ibang kamag-anak yun? Saan ang ama niyan? Bakit ikaw ang nag-alaga, di mo siya obligasyon, Kuya." Nakita ko na di niya ako gusto pero di ako kumibo. "Parang anak ko na rin ito Lily, kasi ako na ang nag-alaga, ako na ang kinagisnan niyang ama." Then narinig kong umubo siya at nahihirapan huminga. Binigyan siya ng tubig ng babae. Naawa ako kay papa. Alam ko hirap na siya. May sakit siya at kailangan niyang magpagamot, pero wala kaming pera. "Kuya, alam mong wala din akong pera, mas mahirap pa ako sa daga. Ang kita ko di sapat para sa mga pangangailangan namin. Kaya di kita maipagamot, tirahan lang pwede ko maibigay sayo pansamantala. Iwan ko ba sa ibang kamag-anak natin, may pera sana pero di naman tayo tanggap." "Hayaan mo na sila, makakahanap din ako ng paraan, ngayon lang na wala akong malapitan." Sabi ni papa may pera daw ang mga kamag-anak niya pero itinakwil siya nong sumama siya kay mama. Si mama pala ang first love niya pero nagkahiwalay sila kasi di nagustuhan nila si mama kasi mahirap lang. Pansamantala kaming nakatira dun sa bahay ng kapatid ni papa, minsan umaalis si papa para daw maghanap ng pera. "Bata halika ka dito"; tawag ng ali sa akin. "Anong pangalan mo?" Ang tinig niya ay may diin at galit. "Cadley po"; magalang kong sagot. "Di ka sinyorita dito hah, di ka namin kamag-anak kaya kumilos ka, nakita mo yan, magwalis at maglinis sa paligid. Dagdag ka pa sa pakainin ko. Malas ka sa buhay ni Kuya. Kung di dahil sa nanay mo di siya maghihirap ngayon at sana pati kami may ambun sa grasya. Ngayon ng dahil sa nanay mong haliparot pati Kuya ko nadamay sa malas niyo;" sigaw niyang saad. Kahit bata pa ako naintidihan ko ang mga sinasabi niya. Kaya pala galit siya sa akin. Ginawa ko ang utos niya. Di ako nagsasalita, marami siyang inutos at naramdaman ko na ang gutom. Nakita ko na kumakain na ang mga anak niya pero di ako binigyan. "Maghintay ka kung may dala ang kuya ko kasi ang pagkain namin dito ay di sapat para sa amin"; sabi ng babae at wala akong nagawa kundi tiisin ang gutom. Gusto ko man maiyak kasi kagabi pa ang last ko kain at hapon na ngayon pero wala akong magagawa. "Papa asan ka na? Sana may dala ka na pagkain"; usal ko sa aking isipan. Parang pinipiga na ang tiyan ko sa sobrang gutom. At marami pa akong ginagawa na utos ni Aunti Lily. Sana darating ang araw na makakaahon din kami sa hirap. Hanggang sa nakatulugan ko na ang gutom kasi gabi na at wala pa si papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD