Chapter 3

1649 Words
Seryoso lang nakatingin si Adam sa babae na papalapit sa kanya. Hindi niya alam kung hahawakan niya ang kamay nito. Pero wala siyang nagawa kundi hawak ang kamay nito hindi alam niya kung bakit tila na kuryente siya sa paghawak sa malambot na kamay ng babae. Tila naramdaman din ng babae ang naramdaman niya dahil napahinto ito at bahagya napatingin sa kaniya “Sino, ka? Mahina ngunit madiin na tanong ni Adam habang naglalakad na sila papunta sa pari. Hindi sumagot ang babae sa kanyang tanong. Magsasalita pa sana siya ngunit, nasa harapan na sila ng pari. At tinuloy na ang seremonya ng kasal. Mamaya na lang niya tanungin ang babae at malaman kung bakit narito ito sa simbahan kung saan sila ikakasal sana ni Yasmien. Lumipas ang ilang sandali misa ng kasal, hanggan magsalita na ang Pari na. “Kiss the bride,” wika ng pari nagkakasal sa kanila. “What,” gulat na gulat na wika ng babae. Sa sinasabi ng pari. “Iha, ang sabi ko kiss the bride? Bakit ayaw mo bang halikan ang asawa mo?” Tanong ng pari. “jamkkan gidalyeoyo,” {“Sandali po!” } Ngunit bago ba makapagsalita muli ang babae itinaas na ni Adam ang bilo ng kanyang unexpected bride. Natigilan siya makita at matitigan niya ang mukha ng babae. Napakaganda nito, alam niyang maganda si Yasmien, ngunit iba ang ganda ng mukha ng babae para itong dyosa, sa paningin niya ang liit ng hugis pusong mukha nito ang kulay brown nitong mga mata na pagkasingkit tila, mahahabang pilik mata ang liit ng tangos na ilong, makapal na kilay na bagay sa mukha at lalong na ang mapulang labi nito. “jamkkanman-yo, kiseuneun wae issneun geojyo?” “Sandali, bakit may halik?” wika ng babae at kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito. Imbes na sagutin ni Adam ang tanong ng babae yumukod siya habang hinawakan niya sa panga ang babae kasabay ng paghalik niya sa mapulang labi nito. Bukod sa mapula sobrang lambot pa. Naramdaman ni Adam ang tila natigilan ang babae, sa kanyang ginawa. Kahit siya natigilan dahil sa paglapat ng labi niya sa labi ng magandang babae. Narinig nila ang palakpakan ng mga taong nakasaksi ng kasal na ‘yun. “Mabuhay ang bagong kasal!” Masayang wika ng mga taong nasa loob ng simbahan at narinig nila ang palakpakan ng mga naroon. Doon palang tila natauhan si Adam at nabitawan na niya ang labi ng babae. Na bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha nito. Sila na lamang natitira sa simbahan halos lahat ng bisita pinapunta na nila sa reception. Sinabi na lamang nila na susunod. Hinarap ni Georgie ang lalaking humalik sa kaniya. At pagkatapos binigyan niya ito ng isang malakas na sampal kabayaran ng walang pakundangan na paghalik nito sa kaniya. i saekkiya, wae nahante kiseuhan geoya?” geuneun geu namja-ege hwaleul naemyeo malhaess seubnida. Korean na salita ni Georgie. {Bastos, ka bakit hinalikan mo ako?” Galit niyang wika sa lalaki.} nae ibsul-e kiseuhan geon balo neoyeoss-eo. nae namjachingudo nahante kiseuleul an hae! geuleodaga moleuneun dangsin-i nahante kiseuleul hadeogun-yo." jojineun chalyelo malhaessda. geuga han il-e chung-gyeog-eul bad-ass-eul ttae. {Alam mo bang ikaw palang ang lalaking, humalik sa akin? Kahit ang boyfriend ko hindi ko hinahayaan humalik sa akin.” } Napanganga naman ang magulang, kapatid, at mga kaibigan, at kamag-anak ni Adam sa ginawa ni Georgie. At sa pagsasalita nitong ng ibang language. “Heiseuteu, nae sachon-eun nugunga na-ege kiseuhan geos-e daehae amu maldo haji anh-ass-eoyo.” {“Haist, wala naman sinabi ang pinsan ko na may hahalik sa akin,” } “Geuleom wae naega seomyeonghan gyeolhon jeungmyeongseoleul gajgo issneun geojyo?" jojineun nollaseo solichyeossda. {“Saka bakit, meron marriage certificate akong pinirmahan?” nagtataka bulalas pa ni Georgie.} “Miss,” wika ni Skylar at lumapit kay Georgie. Napatingin si Georgie kay Skylar. “Ye,” {Yes}tugon nito. “Miss, marunong ka bang magsalita ng English o tagalog? Tanong ni Skylar sa babae. “Kung magsasalita ka kasi ng ibang language, hindi tayo magkakaintindihan,” sabi pa ni Skylar. “At ako na ang humihingi ng pasinsay kung hinalikan ka ng kapatid ko.” Sabi pa nito alam ni Skylar ang mga pinagsasabi ng babae. Nakita naman nila ang pagbuntong-hininga ni Georgie. Bago ito muling humarap sa kanila. “Ang sabi ko. “Isa ka rin bang sa modelo kinuha ng pinsan ko?” Tanong niya sa babae. “Modelo?” Sabay-sabay na wika ng mga ito. “Yes, modelo, mga modelo ba kayo na kinuha ng aking pinsan” usal pa ni Georgie. “Anong modelo, sinasabi mo miss?” Tanong ni Elio ang isa sa pinsan ni Adam. “Saka marunong ka palang magtagalog, pinahirapan mo pa kami. Intindihin ang salita mo?” wika pa ni Aljur. Inirapan lamang ni Georgie ang mga lalaki, pati na doon sa lalaking humalik sa kanya. “Hindi mo ba alam na totoong kasal ito?” Tanong naman ni River isa rin sa pinsan ni Adam. “Anong totoong kasal, pinagloloko ‘nyo ba ako? Saad pa ni Georgie. Sabay harap muli sa lalaking humalik sa kaniya, kita niya ang pagdilim ng mukha nito. Ngunit siya rin ang unang nagbawi ng tingin, dahil tila natutunaw siya sa paraan ng pagtitig ng lalaki sa kaniya. Lumapit naman ang isang magandang ginang. Sa kanya at kahit may edad na ito bakas pa rin ang kagandahan taglay nito. “Hija,” tawag nito sa kanya kaya napatingin siya rito. “Hija, hindi mo ba alam na totoong kasal itong pinuntahan mo?” maayos na pananalita ng ginang sa kanya. Umiling-iling siya sa ginang. “ Hindi po, ang alam ko ay isang shooting ito at kinuha ako model ng aking pinsan,” magalang niyang sagot. “Nasaan ba ang pinsan ko si Karisa?” tanong niya. Dahil simula ng dumating siya ay hindi pa rin niya alam kung na saan ang kaniyang pinsan. “Wala kaming, kilalang Karisa miss,” wika ni Skylar. Akmang magsasalita ulit si Georgie ng nagmamadali lumapit sa kanya ang driver ng van na sinakyan niya patungo dito sa simbahan, kung saan siya magiging modelo sa mga gown ng kaniyang pinsan. “Miss. Georgie,” tawag ng driver. Nagmamadali itong lumapit sa kanya. “Ma'am, maling simbahan po ang pinuntahan natin.” Sabi nito. “Ano!” Malakas na pagkakasabi niya. “What do you mean,manong?” usal niya. “Hindi po. St Michael ang simbahan na dapat pupuntahan natin. St Francis po,” sabi pa nito na napapakamot sa ulo. “Oh, God!” tanging nasabi niya sa kanyang sarili. “At ito po ang cellphone ‘nyo, kanina pa po may tumutunog.” Sabi pa nito sabay abot ng kanyang Cellphone naiwan niya ito sa loob ng van sa kakamadali niya. Sakto pag abot nito siyang pag rinig ng kaniya telephone at nakita niya ang kanyang pinsan ang tumatawag. Agad niyang sinagot. “Hello,” wika niya sa kabilang linya. Hindi siya umalis sa pwesto at sinadya niyang i loudspeaker ang cellphone para marinig ng mga tao. Naroon ang sasabihin ng kaniyang pinsan. “Anong hello, nasaan kana bang bruhang koreana ka!” Galit na wika ni Karisa sa kabilang linya kanina ka pa namin hinihintay rito. Saan lupalop ka pa pumunta?” Sabi pa nito halata sa boses ang galit at inis. “Sinasabi, ko sayo Georgie. Kapag ako nawalan ng trabaho sayo. Ipapadeport talaga kita. Para bumalik kana sa Korea.” Inis na wika pa ng kaniyang pinsan. “Karisa,” sambit niya sa pangalan ng kanyang pinsan. At tumingin muna siya sa mga taong nakapaligid at alam niyang nakikinig ang mga ito. “Ano!” Usal nito. “Pinsan–” nahihirapan niyang saad dahil sigurado magagalit ito sa kanya. “Ano, ba kasi ‘yun Georgie kanina ka pa. Pinsan ng pinsan. Ang gusto kong malaman kung nasaan kana!” anas nito sa kabilang linya. “Pinsan, ano kasi…!” Usal muli niya. “Georgie… huwag mong sagarin ang pasensya ko.” “Sabihin muna kung nasaan ka!” Gakit na nitong wika. “Karisa… nagkamali ako simbahan na pinuntahan,” tanging nasabi niya. “Ano!” sambit nito sa kabilang linya. “Anong nagkamali ka ng simbahan, sinabi ko kay kuya Roel. Kung saan simbahan ka ihahatid? Paanong nagkamali ka ng pinuntahan,” istirikal nitong wika sa kabilang linya. “Saan simbahan ka ba?” Pagtatanong nito. “Sabi ni kuya Roel, St Michael daw,” sagot niya. “Sige… sige sabihin mo na lang kay kuya Roel. Na pumunta na lamang kayo rito sa St Francis,” saad pa ni Karisa. Hindi pa rin nito alam ang kanyaang kalagayan. “Karisa,” bigkas niya sa pangalan ng pinsan at bago muli siyang magsalita. Napatingin muna siya sa mga taong nasa paligid na naririnig ang usapan nilang dalawa ng kaniyang pinsan. “Ano?” Wika nito. “Kaysa panay tawag ka sa pangalan ko. Bakit hindi ka na lang pumunta dito. Para matapos na ang pag shoot natin. Kanina pa naiinip ang mga kasamahan ko. Dito,” saad pa ni Karisa sa kanyang pinsan. “May nangyari kasi,” aniya sa pinsan. “Anong nangyayari, sinasabi mo? “Bakit kasi hindi mo na lang sabihin.” Anas pa nito. “Anong nangyayari, sa'yo?” pag uulit na tanong pa ni karisa at bakas sa boses ng ang pag-alala. Baka kung ano nangyari rito kaya mali ang napuntahan na simbahan. “Pwede, puntahan mo ako. Dito ko na lang sasabihin,” saad ni Georgie sa pinsan sabay patay sa Cellphone. Lalo naman nakaramdam ng kaba si Karisa sa ginawa ng kanyang pinsan. At sinabihan na lamang niya ang team na bumalik na lang muna sa hotel. Kung saan sila naka check-in. Nang matapos makausap ang pinsan. Hindi alam ni Georgie ang kanyang nararamdaman, napaupo na lamang siya sa upuan sa loob ng simbahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD