Chapter 2

1169 Words
“Kaya matulog kana, dahil bukas kailangan ikaw ang pinaka maganda model na nakasuot ng wedding gown.” usal pa nito. “Oo, na,” tanging sagot na lamang niya sa pinsan. Kinabukasan: Halos lahat ng mga bisita at malalapit na kamag-anak ng mga Des Conde nasa simbahan. Ngunit kapansin-pansin na wala pa ang kamag-anak ng bride. Kahit ang bride na dapat ay dumating na wala pa rin halos kalahating oras na ang lumipas. Napakaganda ng ayos ng simbahan, Ang mga upuan ay puno, ng mga bulaklak ay nag-aalok ng kaaya-ayang amoy, ang mga petals ng red at pink na roses ay nagkalat sa red carpet. Parang isang prinsesa ang ikakasal at prinsipe. Sa ayos ng simbahan ay nag-aanyaya sa isang masayang okasyon. “Sweetie,” tawag atensyon ni Sandy sa asawa niyang si Bryan. Magkatabi silang mag asawa kasama ng iba pang mga kamag-anak nila, habang ang anak nilang si Adam ay katabi ng mga pinsan at kaibigan nito. “Yes, Sweetie,” tugon naman ni Bryan. Halata sa boses ng dating governor ang “Hindi, mo ba napapansin wala pa dito ang kamag-anak ni Yasmien, kahit ang tiyahin niya wala pa rito. Halos kalahating oras na ang nakalipas, dapat nagsisimula na ang kasal ng anak natin,” wika ni Sandy sa kanyang asawa. “Yan din, ang tanong ko. Sweetie,” sagot ni Bryan nanatili pa din kalmado ang mukha nito. Kahit nakakaramdam na siyang tila may mangyayari hindi maganda ang araw na ito. “Sweetie, kinakabahan ako. Baka–” hindi na natapos ni Sandy ang kanyang sabihin ng pigilan siya ng asawa. “Sss, Sweetie, huwag kang kabahan. Malay natin papunta na rin ang mga ‘yun,” wika ni Bryan at hinagod ang likuran ng asawa para kumalma ito. Kahit siya nakakaramdam ng kaba para sa anak niyang panganay na kambal na si Adam. “Paano kung hindi. Dumating si Yasmien. Paano ang anak natin,” nag-alala tanong ni Sandy at napatingin sa anak na nasa unahan ng simbahan. Samantalang hindi na mapakali si Adam sa unahan, dahil halos kalahating oras na ang lumipas wala pa rin ang kanyang Bride, tinawagan niya ito ngunit nakapatay ang cellphone nito. Kahit ang driver nito hindi niya ma contact. Kahit panatilihin niyang kalmado ang kanyang loob ay kinakabahan pa rin siya. Dahil halos kalahating oras na wala ang fiancé niya. Napansin na rin niya nagbubulungan ang mga bisita naroon sa loob ng simbahan panay tanong na rin ng mga kamag-anak nila. “Where are you, Yasmien,” bulong niya sa kanyang sarili. “What!” Malakas na wika ng kakambal niyang si Skylar kaya napatingin siya at lahat ng mga taong naroon. “Sigurado ka ba, sa sinasabi mo?” Dagdag na sabi pa nito sa kabilang linya. “Oh, God,” bulalas na sabi. “Okay…okay, i-send mo sa akin ang video kung saan naganap ang kasalan na sinasabi mo?” Galit nitong wika. Matapos makipag-usap sa telephone. Agad na tiningnan ang hawak ng Cellphone. At may nakita kung ano ang kapatid niya. Kitang-kita ang galit na bumalatay sa mukha ng kakambal niyang kapatid. “f**k!” narinig jiyang mura ng kapatid. “Skylar, ang bibig mo!” pagsasaway ng mommy nila at lumapit ito sa kanyang kapatid para sawayin ang kakambal niya. “Sorry, Mom!” Paghingi ng paumanhin nito sa amin ina. “Skylar, ano bang nangyayari? tanong ng ama nila. Kahit siya nagtataka sa reaction ng kapatid kitang-kita galit ito. “Adam, panoorin mo ito,” sabi pa nito, ng lumapit sa kanya sabay abot ng cellphone. Kahit nagtataka inabot niya ang cellphone at napatingin rito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at napakunot. Kitang-kita niya ang kanyang fiance naglalakad sa simbahan. Nakasuot ito ng gown ngunit hindi sa simbahan kung saan sila ikakasal ngayon. Halos nanginig sa galit ang kanyang buong kalamnan ng makita ang video. Ang babae sanay papakasalanan niya ay nagpakasal na sa iba at ngayon araw din. Naikuyom niya ang kamao at nagtiim bagang siya. Gusto-gusto niyang magwala dahil sa napanood niya. Halos mahimatay naman ang kanyang Mommy dahil sa nakita video. Naglapitan din ang mga pinsan at kaibigan niya. “Sinasabi na nga ba, umpisa palang hindi ko na gusto ang babaeng ‘yun,” gigil na wika ni Skylar. Hindi alam ni Adam kung ano ang gagawin. Nag blangko ang isip niya, hindi niya matanggap na niloko siya ng babaeng minahal niya. At isa pang hindi niya matanggap ng iwanan siya nito sa kahihiyan alam ng lahat ng tao na ikakasal siya ngayon araw. “Daddy, Mommy, ano ang gagawin natin?” tanong ni Skylar sa mga magulang. “Sigurado kapag nalaman ng mga tao. Ang nangyayari, malalagay sa kahihiyan si Adam,” wika ni Skylar. Nanggagalaiti ang kalooban niya dahil sa ginawa sa kanyang kapatid. Noon pa man alam niya hindi na gagawa ng maganda ang babaeng ‘yun una pa lang niya nakita ito. Ngunit ayaw niyang masaktan ang kapatid. Kahit tutol siya sa minahal nitong babae sinuportahan na lamang niya si Adam. Ngayon hindi niya palalampasin ang bagay na ito. “Humanda ka sa akin, babae ka,” usal niya sa kanyang isipan ayaw niyang magsalita ng masama. Lalo't pa nasa loob siya ng simbahan sigurado mapapagalitan siya ng kanyang mga magulang. “Wala tayong magagawa kundi sabihin sa mga tao, hindi na matutuloy ang kasal,” sambit ng ama nila. “Pero, Daddy!” Usal ni Skylar. “Ako na ang magsasabi!” Walang emotion na wika ni Adam at akmang tatayo na sa unahan ng simbahan para sabihin sa mga bisita hindi na matutuloy ang kasal. Ng napahinto siya dahil sa pagbukas ng pintuan ng simbahan. “I'm sorry, I'm late,” malakas na sigaw ng babae nakasuot na gown. Napatigil sila lahat at nagtataka sa bagong dating nakasuot ng wedding gown. Nagtinginan silang lahat. “Hay sa wakas nariyan na ang Bride,” wika ng mga bisita at ng wedding coordinator. Hindi naman alam ng mga bisita nila kung sino ba ang kanyang pakakasalan. “Ready na po ba ang lahat, magsisimula na po tayo,” sambit ng Coordinator. “Sino siya?” Marijng tanong ni Adam sa mga kasamahan at nagtatanong ang kanyang mga mata tumingin rito. “Kung sino, man siya! Isa siyang hulog nang langit,” sambit ng kakambal niya. “Huwag muna, isipin kung sino siya umakto ka na lang muna ayos, saka nalang natin isipin kung sino siya,” dagdag na wika niya. Kahit nagtataka at naguguluhan ang mga kamag-anak, kaibigan, pinsan, magkapatid, magulang at si Adam. Sa pagdating ng isang babae nakasuot ng gown. Umarto na lang muna sila ng normal ang lahat ng mga nangyayari. Saka na lamang nila aayusin ang gulo kapag natapos na ang kasal.Mas okay na rin ito kaysa ilagay sa kahihiyan ang kanyang pangalan dahil sa kagagawan ng babaeng minamahal niya. Hindi maaninag ni Adam ang mukha ng babaeng naglalakad sa gitna ng simbahan. Hindi alam ni Adam kung ano ang nararamdaman halo-halo emotion galit, pagtataka kung sino ang babae ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD