Chapter 4

1028 Words
Hija, ayos ka lang ba?” nag-aalang tanong ng ginang ng lumapit ito sa kanya. Napatingin siya rito. Umiling siya, “Hindi ko po alam kung maayos ba ako ngayon, dahil naikasal ako sa lalaking hindi ko kilala.” Magalang na sagot niya. “Hija, maraming salamat, dahil nailigtas mo sa kahihiyan ang aking anak,” sabi nito at nagulat na lamang si Georgie. Sa biglaan pagyakap nito ng mahigpit. Kahit hindi alam ang gagawin ni Georgie sa ginawa ng ginang, nahimas na lang niya ang likuran nito. “Georgie,” boses ng pinsan niya ang tumawag sa kaniyang pangalan. Mabilis itong lumapit sa kanya. “Anong nangyayari?” tanong nito. “Karisa,” sambit niya rito. “Naikasal ako,” sabi niya rito. “Ano!” Ulitin mo nga ang sinabi mo? Ikaw at governor ng bayan na ito kinasal kanina lang?” hindi makapaniwala tanong ni Karisa sa kaniyang pinsan. Nasa mansyon na sila ng lalaking pinakasalan niya kanina. Dito sila dinala sa bahay ng lalaki. Para makapag usap sila ng maayos ng walang iba tao kundi sila lamang. “Jusko, ka naman Georgie. Bakit pumayag kang ikasal,” hindi mo naman kilala.” Sabi pa ni Karisa habang sapo-sapo nito ang noo dahil sa stress na nararamdaman. “Ang sabi mo kasi, gawin ko ang lahat ng sasabihin ng mga tao. Kapag dumating na ako sa simbahan,” katwiran niya. “Malay ko bang, mali simbahan ang pinuntahan ko. Sabi ko naman kasi sayo na hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa lugar na ito. Lalo na ang mga bayan.” Aniya pa. “Paano ‘yan kapag nalaman ito ng Daddy mo, sigurado malalagot tayong dalawa.” Wala silang pakialam na magpinsan kahit naririnig ng mga pamilya Des Conde ang kanilang usapan. “Ano'ng gagawin, natin? Anas pa ni Georgie. “Ewan, ko sayo naloloka ako sa ‘iyo. Alam mo ba ‘yun.” Imbes na wala akong problema magkakaroon tuloy ako. At sigurado lagot ako sa Daddy mo. Sabi kasi sayo sa U.S ka na lang magbakasyon bakit dito pa sa pinas.” Usal pa nito. “Luh, ikaw. Kaya ang may kasalanan nito.” Untang ni Georgie sa kanyang pinsan. “Kung hindi mo ako pinilit na maging model ng mga Gown mo. Hindi ako mapupunta sa simbahan na ‘yun at hindi ako makakasal ng wala sa oras.” Balik na wika pa ni Georgie, sa pinsan niya. Nagtatalo silang dalawang magpinsan habang palipat-lipat ng tingin ang mga tao sa kanilang paligid. “Ganyan ba talaga ng usap ang dalawang ‘yan?!” sabay-sabay na bulong ng mga pinsan at kapatid ni Adam. “Siguro,” untag ni Skylar. “Hindi ba, magsampalan ang dalawang ‘yan?” kinakabahan wika ng isang pinsan ni Adam. Bumuntong-hininga si Karisa at napahalukipkip ito. “Hay, nako. Huwag na nga tayo mag sisihan na dalawa, narito na ito ang gawin na lamang natin kung paano ang solusyon!” Sambit pa nito. “Okay, inaamin ko may naging kasalanan din ako. Pero ikaw naman kasi bakit hindi ka nagtatanong,” sabi pa nito. Isang matalim na irap naman ang sinagot ni Georgie sa kanyang pinsan. Sabay baling sa lalaking na nakaupo sa katapat niya. “Hoy, lalaking magnanakaw ng halik!” turo ni Georgie kay Adam. Ngunit muli siyang napatingin ng sa kanyang pinsan nang naramdaman niya ang pagsiku nito sa kanyang tagiliran. “What?” Mataray niyang wika rito. “Umayos, ka nga,” mahinang bulong nito. “Isang governor ‘yang kausap mo?” dagdag na wika pa nito. Ngunit imbes na pakinggan ang pinsan isang irap lang ang tinugon ni Georgie. Mabilis siyang tumayo at pagkatapos nilapitan niya ang lalaking. Sabay sa paghawak niya sa mga kamay nitong nakapatong sa hita nito. Alam ni Georgie na nagulat ang lalaki sa kanyang ginawa, ngunit wala doon ang kanyang atensyon. Kahit ang ibang kapamilya ni Adam nagulat sa ginawa ni Georgie. “Pwede pa naman siguro. Na hindi natin iparehistro ang ating kasal. Diba?” Sabi niya sa lalaking at seryoso niya itong tinitigan sa mga mata. “Wala pa naman tayong isang araw na kinakasal,” usal pa niya rito. “Kaya pwede pa nating mahabol ang marriage certificate na pinirmahan natin,” untag pa niya sa lalaki. Ngunit kahit isang letra, wala siyang nakuhang sagot si Georgie. Mataman lamang siyang pinakatitigan nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaking kaharap. Tila naman kung anong meron sa kanyang puso, nang masilayan ni Georgie ang gwapong mukha ng lalaki. Naglalakbay ang kanyang mga mata sa gwapong mukha ng lalaki, na tila naglalaman ng kahulugan at misteryo. Ang bawat bahagi ng mukha nito ay tila isang obra ng sining, na nagpapakita ng kanyang kagwapuhan at karisma. Mula sa mga kilay na nagbibigay ng ekspresyon, ilong na nagbibigay ng karakter, at ang mapupulang labi na tila imbitasyon sa tamis ng pagmamahalan. Ang kulay tsokolate at malamlam na mga mata nito ay tila nagpapahayag ng damdamin at pagkatao ng lalaki; Hindi maintindihan ni Georgie ang kanyang sarili kung bakit tila parang tinatambol ng kung ano ang kanyang puso sa bilis ng pagtibok nito. At parang napaso siya sa pagkakahawak sa kamay ng lalaki. Humarap si Karisa sa governor. “Oo nga, po Gov. Baka pwede huwag na iparehistro ang kasal ng pinsan ko sa inyo. Nagkamali lang naman siya ng pinuntahan ang aking pinsan at nagbabakasyon lang ‘sya dito hindi siya taga dito sa pilipinas dahil. Sa Korea siya nakatira,” segunda ni Karisa sa mga taong naroon. “No,” isang salita lang ang tinugon ni Adam. Napatanga ang lahat sa sagot ni Adam, ang akala ng mga ito sasang-ayon. Sa gusto ng dalaga na hindi irehistro ang marriage certificate. “What! “Anong No? Hoy lalake hindi kita kilala kaya. Please lang huwag ninyo iparehistro ang kasal natin.” nawiwindang na sabi ni Georgie. At mariing niyang pinakatitigan ang kaharap. “Hindi, mo nga ako kilala pero nagpakasal ka sa akin. Ng ganon kabilis lang?” Sabi nitong. “At ngayon mag-asawa na tayong. Dalawa,” baliwa lang tugon ni Adam. Hindi makapaniwala si George sa sagot ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD