Chapter 1

1315 Words
“Please, pinsan, tulungan muna ako!” saad ni Karisa sa kanyang pinsan, si Georgie Ilang araw na niyang kinukulit ang dalaga simula nang dumating ito sa Pilipinas mula sa Korea. Nangangailangan siya ng Korean model na pwedeng maging modelo niya sa mga nagawa niyang wedding gown. Si Karisa ay isang baguhang designer na nagsusumikap na maitatag ang kanyang sariling pangalan sa mundo ng fashion. Sa kanyang paglalakbay, at nagtrabaho sa isang company at ngayon inutusan siya ng kanyang boss para maging official tanggapin siya dapat may model siyang makuha at magsusuot ng kanyang mga nagawa wedding gown. Ngunit may condition ang boss niya bago siya tuluyan tanggapin dapat ang makuha niyang modelo ay isang korean. At tamang tama ang pinsan niyang si Georgie. Dahil isa itong half korean at half filipino isang maganda at hindi naman gaanong katangkaran mas matangkad pa nga siya sa pinsan ngunit kakaiba ang ganda ni Georgie. Ang dalaga na may natural na kagandahan at karisma. Alam ni Karisa na si Georgie ang perpektong modelo para sa kanyang mga disenyo, lalo na't may Koreanong kagandahan na hinahanap niya para sa kanyang koleksyon. “Please…. Parang awa mo na! Insan ikaw na lang ang gagawin kong modelo,” nakikiusap na wika ni Karisa sa kanyang pinsan na si Georgie. Gagawin niya ang lahat mapapayag lamang ang kanyang pinsan. Dahil kailangan niya talagang magawa ang bagay na ‘yun. “Bakit ako?” sagot lang ni Georgie, habang busy ito sa pagtingin ng cellphone na hawak at hindi pinapansin ang pinsan. Sa pakiusap nito. “Bakit ikaw?” tanong ni Karisa kay Georgie. “Tinatanong mo ako kung bakit ikaw?” “A-ha,” tango-tango naman na sagot ni Georgie. “Simple lang naman, kapag hindi mo ako tinulungan sa aking trabaho, sasabihin ko kay tito! na ang ama mo. Na ang kanyang anak na Alam niyang, nagbabakasyon sa U.S. ay narito pala sa Pilipinas at nagtatago, imbes nasa U.S. ka!” Nakangisi turan ni Karisa, habang lihim na nagbubunyi sa nakitang reaksyon ng kanyang pinsan. Napahinto ito sa pagtingin sa cellphone at tumingin kay Karisa nagsukatan sila ng tingin na magpinsan. “Binablackmail mo ba ako?” tanong ni Georgie sa pinsan niya. “Will… sorry pinsan. Pero parang gano’n na nga,” sagot pa ni Karisa. Bumuntong-hininga si Georgie, dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. Ayaw naman niyang agad malaman ng ama niya kung nasaan siya. Wala naman kaso kay Georgie, kung sabihin ng pa nito sa Ama niya. Ngunit ayaw pa ni Georgie ang bumalik sa kanila. Gusto muna niya gugulin ang sarili dito. Humingi siya ng anim na buwan na bakasyon, bago niya sundin ang kagustuhan nito at nagpaalam siya sa kanyang ama na sa U.S siya pupunta, ngunit ang totoo ay sa Pilipinas lamang siya. Mas gusto niya rito. “Talagang, gagawin mo kausapin ang Daddy ko! Para mapapayag lang ako,” sambit pa ni Georgie sa pinsan. Humugot muna ng malalim na hininga si Karisa. Bago tumabi sa pagkakaupo sa sofa kay Georgie. “Georgie , alam mo naman na matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling fashion line. At ngayon, sa wakas, nakagawa na ako ng mga wedding gown na talagang pinaghirapan ko. Pero kulang pa ang lahat kung wala akong magandang modelo na magpapakita ng kagandahan ng mga ito,” paliwanag ni Karisa. At isa pa pangarap ko talagang makapag trabaho sa company.” aniya nito. “Ikaw rin, kapag hindi mo ako tutulungan, mawawalan ako ng trabaho,” patuloy pang pangungunsensya ni Karisa. “Alam mo naman, pinsan, hindi ako sanay sa ganitong mga bagay. Mas sanay ako sa alam muna kung ano talaga ako.” Sagot ni Georgie. “Saka alam mo naman kung ano ako sa korea baka makita nila ako!” Nag aalangan pa rin na saad ni Georgie sa kanyang pinsan. “Pero alam mo naman na magaling ka sa pag-pose, at ang ganda-ganda mo pa! Alam kong kaya mo ‘to,” pakiusap ni Karisa. “Mas okay na ikaw ang gawin kong modelo, kaysa naman kumuha pa ako ng Korean na babae, eh may pinsan naman ako korean at ikaw yun? Saka narito ka na rin,” dagdag pa ni Karisa sa kanyang pinsan. Sa huli, ang pangungunsensya ni Karisa ang nagtagumpay. Naisip ni Georgie na mas mabuti pang tulungan ang kanyang pinsan kaysa mawalan ng trabaho. "Mas okay na ikaw ang gawin kong modelo. Dahil gusto kong ikaw ang magsuot ng mga nagawa kong design ng wedding gown at alam kong babagay sayo ang lahat ng ‘yun,” wika pa ni Karisa. “Oo na ang dami pang sinasabi, pumayag na nga eh,” saad ni Georgie. Hindi rin naman niya kayang tiisin ang pinsan dahil mahal niya ito at ito lamang ang kanyang kakampi sa lahat ng oras kaya dito nga siya lumapit ng may kinakaharap siyang problema kahit sa korea nakatira si Georgie marunong siyang mag-tagalog at nakakaintindi ng salitang Filipino. “Thank you pinsan, the best ka talaga kaya nga mahal na mahal kita at ikaw ang paborito kong pinsan,” usal pa ni Karisa at mahigpit niyang niyakap ang dalaga. “Yuck, Karisa tigilan mo nga ako sa ganyan mo? Saka anong paborito pinsan eh, ang alam kong ako lang naman ang pinsan mo nakasundo mo no? Maliban sa mga impakto kong mga kapatid.” Nakataas kilay na wika ni Georgie. “Ay, oo nga no!” Natatawa wika ni Karisa. Masamang tingin lang ang ibinigay ni Georgie sa pinsan na ngayon ay pakamot-kamot sa ulo nito. “Basta tahimik mo ‘yang bibig mo? Lalong huwag kang maingay sa matandang ‘yun na narito ako sa pinas.” “Once na nalaman nilang narito ako, ng dahil sa'yo humanda ka sa akin,” sambit pa ni Georgie. “Oo, promise hindi ko sasabihin. Kina tito na narito ka sa Pinas,” ani pa ni Karisa. Nang makita ni Georgie ang determinasyon sa mga mata ni Karisa, at ang posibilidad na masira ang kanyang pagtatago, wala siyang nagawa kundi sumang-ayon. "Sige na, tutulungan na kita," sambit niya, ang boses ay puno ng pagkadismaya. "Talaga? Salamat, pinsan!" masiglang tugon ni Karisa, ang mga mata ay kumikinang sa tuwa. "Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat." Inirapan lamang ni Georgie ang pinsan. Agad namang nagsimula ang paghahanda para sa pagiging "modelo" ni Georgie. Si Karisa, na isang aspiring fashion designer, at nagtatrabaho sa malaking kompanya dito sa pinas bilang fashion designer at nangangarap magtayo ng sarili kumpanya balang araw. ay nagsimulang mag-sketch ng mga damit na kanyang ididisenyo. Si Georgie naman, na isang modelo sa Korea, ay nagsimulang mag-pose at mag-practice ng kanyang mga galaw basic lang sa kaniya ang mga galawan na ganito. “Ano ba kasi ang gagawin? Tanong ni Georgie sa pinsan. “Sa simbahan mo imomodelo ang suot mong gown, kaya kailangan natin pumunta sa simbahan bukas ng umaga. Ngunit mauuna ako doon dahil kailangan ko masigurong maayos ang lahat. Para wala maging aberya dahil once na magkaroon sigurado last ko na ito sa aking boss,” malungkot na wika ni Karisa. “Oh, paano ako! Magsosolo akong pupunta sa simbahan na sinasabi mo?” Naguguluhan tanong naman ni Georgie. “Hoy, Karisa umayos ka. Ilan araw pa lang ako dito sa pinas at alam mo naman hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Lalo na rito sa Quezon province,” dagdag na turan naman ni Georgie. Sinama siya ng pinsan sa lugar na ito, dahil dito raw gaganapin ang shooting ng pagmomodelo habang suot ang mga ginawa nitong wedding dress. Kasalukuyan silang nasa hotel kung saan sila na check-in. “Ano ka ba naman, pinsan. Hindi ka maliligaw dahil may susundo sayo, patungo sa simbahan. Dapat nakasuot na ang gown dahil ilang kuha lang naman ang gagawin natin para hindi na masyado makakuha ng oras,” sambit naman ni Karisa. “Okay, sige,” Pagsang-ayon naman ni Georgie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD