Chapter 9

2706 Words
Ang Lihim ng Gabi: Isang Paglalakbay sa Pag-ibig at Pagtataksil Sa kalaliman ng gabi, habang ang buwan ay nagniningning sa kalangitan, hindi mapakali si Georgie sa kanyang higaan. Pabaling-baling sa higaan si Georgie; Hindi siya makatulog, at ang kanyang isip ay puno ng mga alalahanin at katanungan. Nilingon niya ang kabilang kama, kung saan mahimbing na natutulog ang kanyang pinsan. Ang mahinang paghilik nito ay nagpapahiwatig ng isang tahimik at payapang pagtulog. Hindi maiwasang mainggit ni Georgie sa kanyang pinsan, na para bang ang pagtulog ay isang madaling bagay para dito. "Haist, mabuti pa ang bruhang ito, ang bilis makatulog," saad niya sa kanyang sarili habang naiiling na pinagmamasdan ang kanyang pinsan. Pagkatapos ay bumangon siya at nagpalit ng damit. Gusto niyang lumabas at magpahangin. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, at ang sariwang hangin ay maaaring makatulong sa kanyang kalooban. Lumabas siya ng hotel at naglakad-lakad sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin at nakakagaan ng pakiramdam. Sa gitna ng kagandahan ng hardin, naglalaro ang mga alaala ni Georgie sa kanyang isipan, nagdadala ng sakit at panghihinayang. Ang panloloko ng kanyang ex-boyfriend ay isang sugat na hindi pa niya lubusang nakakalimutan. Ang masakit na katotohanan na nahuli niya ito sa condo na may katalik na ibang babae sa mismong kama ng kanyang dating minamahal ay nagdulot ng matinding sakit sa kanyang puso. Bagama't hindi naman niya lubos na mahal ang lalaki, ang pagkakasakit na naramdaman niya ay dahil sa tinamaan ang kanyang ego at pride. Ang pag-iisip na siya ay niloko ay parang isang matinding suntok sa kanyang pagkatao. Ngunit mas malala ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang pag-iisip na ipapakasal siya sa isang lalaking mas matanda kaysa sa kanya ay hindi niya matanggap. Ang ideya na hindi siya makakapag-desisyon sa kanyang sariling kapalaran ay nagdulot ng matinding pagkabalisa sa kanyang puso. Nang marinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang tungkol sa pakikipag-asawa niya sa isang mas matandang lalaki, nagmadali siyang pumunta sa kanyang silid upang kumuha ng mga gamit. Hindi niya matanggap ang plano ng kanyang mga magulang, at nagdesisyon siyang umalis ng bahay. Sa kanyang pag-alis, sinabi niya sa kanyang mga magulang na pupunta siya sa U.S., ngunit sa kanyang puso, alam niyang sa Pilipinas siya patungo. Doon, maghahanap siya ng bagong simula, isang buhay na malaya sa mga panggigipit at kontrol ng kanyang mga magulang. Sa kanyang paglalakbay, dala-dala niya ang sakit ng panloloko, ang pangamba sa pakikipag-asawa, at ang paghahangad ng kalayaan. Sa kanyang paglalakbay patungo sa Pilipinas, naghahanap siya ng bagong pag-asa, isang bagong simula, at isang pagkakataon na makapili ng kanyang sariling landas. Napabuntong-hininga na lamang si Georgie at napatingala sa kalangitan; kitang-kita niya ang mga bituin sa langit. Sobrang ganda nito. Ang bawat kislap ay parang isang maliit na diyamante na nagniningning sa kadiliman. Parang nagkukuwentuhan ang mga bituin, nagbabahagi ng mga lihim na hindi niya maintindihan. Ngunit kusang natigilan siya nang may narinig siyang nag-uusap sa hindi kalayuan kung saan siya nakaupo. Dalawang tao, isang lalaki at isang babae, ang kanilang mga boses ay dahan-dahan at malumanay, parang bulong ng hangin. Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng iba, kaya nais na niyang umalis sa lugar. Akmang tatayo na sana siya nang marinig niyang nagsalita ang babae. Ang gabi ay tahimik, ang hangin ay malamig at nagdadala ng amoy ng ulan. Sa Garden kung saan sinag lang ng buwan ang tanging ilaw may dalawang tao ang gumagawa ng milagro ang kanilang mga labi ay magkadikit, ang kanilang mga katawan ay magkayakap. Habang patuloy na nag-uusap. “Oo, tuloy na ang plano para bukas. Hindi ako sisipot sa simbahan kung saan kami ikakasal,” sabi ng babae sa kausap nitong lalaki kasabay ng paghalik nito sa labi. “Dahil sa mismong kasal natin ako pupunta,” dagdag na wika pa ng babae habang nakayakap ito sa lalaking kausap. “Kaya mahal na mahal kita, Babe,” wika naman ng lalaki kasabay ng paghalik nito sa labi. “Ano kaya ang nararamdaman ni Adam Des Conde once na malaman niyang hindi na tuloy ang ‘inyong kasal, at pagkatapos tayong dalawa ang ikasal?” sabi ng lalaki pagkatapos nitong halikan ang babae. “At sigurado, mapapahiya siya sa buong lalawigan ng Quezon. Magiging headline siya sa tv at balita ang butihing Governor ay tinakasan ng fiance nito.” Usal pa nito. Ang mga salita ng lalaki ay puno ng pagmamalaki at paghihiganti. Ang kanilang pag-ibig ay itinayo sa pundasyon ng pagtataksil, ng pagsira sa pangarap ng isang tao. Ang babae, sa kabila ng kanyang pag-ibig sa lalaki, ay nagdadalawang-isip. “Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa natin,” wika ng babae may pag-alinlangan pa rin ito ngunit kailangan niyang sundin ang lalaki sa nais nitong pasakitan si Adam. “Huwag kang mag-alala,” sagot ng lalaki. “Hindi siya ang para sa ‘yo. Ako ang para sa ‘yo.” “ayaw mo ba ‘yun makakaganti kana sa pamilya ‘yun?” nakangisi turan pa ng lalaki habang hinahalikan ang leeg ng babae. Napapaungol naman ang babae sa ginagawa romansa ng lalaki sa kanya. At tama ito makaganti na siya sa pamilya Des Conde dahil sa ginawa nito sa kanyang ina. "Kampante ang dalawa, lalo na ang babae; hindi siya mapapahiya dahil hindi naman siya ipinapakita ni Adam sa ibang tao o sa publiko. Tanging ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng lalaki lamang ang kanyang pinakilala," wika ng lalaki, ang kanyang boses ay puno ng pagmamayabang at pagkawalang-hiyaan. Ang babae ay napangisi. Hindi naman talaga niya mahal ang lalaking iyon. Ang kanyang hangad ay paghihiganti sa pamilya Des Conde. "Paano ba 'yan, magiging Mrs. Herrera ka na bukas at hindi Mrs. Des Conde?" wika pa ng lalaki, sabay halakhak ng mga ito. Narinig ni Georgie ang lahat ng pinag-usapan ng dalawa. “Haist, kaawa naman, ang lalaki hindi sisiputin sa simbahan,” sambit niya sa kanyang sarili. Umalis na siya sa pinagtataguan at bumalik sa kanilang silid. Ngunit habang nakahiga pa rin si Georgie, naisip niya ang mga sinabi ng dalawa kanina. “Hmmmm, bakit hindi ko gawin!?” ani niya sa kanyang isipan habang naglalaro ang isang plano sa isip niya. Ang totoong nangyari hindi naman talaga nagkamali ng simbahan si Georgie, pinili niyang pumunta sa simbahan kung saan naghihintay ang lalaki. Kaysa siputin ang pinsan para photoshoot na gagawin nila. Kapag nalaman ng pinsan niya ang totoo sigurado malalagot siya rito, kaya panatilihin na lamang niya lihim ang lahat hanggan sa matapos ang contract nila ni Adam. Bilang isang mag-asawa. “Georgie,” boses ng mommy ni Adam ang tumawag sa kanya, kaya nagising siya sa pag-alala kung paano nangyari ang lahat. “Po?” nalilito niyang tanong. “Ayos, okay ka lang ba, hija?” nag-alalang tanong ng ginang sa kaniya. “O-ho, ayos lang po ako?!” magalang niyang tugon, at inayos niya ang kanyang sarili. “Ah, sa nga po pala, magpapaalam po ako na babalik muna sa hotel kung saan kami tumutuloy ng pinsan ko para kunin po ang mga gamit ko. Babalik na po sa Maynila ang pinsan kong si Karisa para na rin po makapag-bonding muna kami bago siya bumalik sa Maynila,” pagpapaalam niya. Nang makarating si Georgie sa hotel, sinalubong siya ni Karisa ng mga nakakalokong ngiti at nakakatuwang tanong. “Kamusta ang unang gabi mo na may asawa?!” tanong ni Karisa, ang kanyang mga mata ay kumikislap ng nakakalokong interes. “Kamusta ang pulot-gata ninyo? Masarap ba?” tila kinikilig na tanong ni Karisa kay Georgie at tumabi siya sa upuan ni Georgie at kinikiliti siya. Nagsalubong ang mga kilay ni Georgie sa tinuran ng pinsan niya. "Anong pulot-gata ang sinasabi mo?" maang na tanong niya, at kita sa mukha niya ang pagkalito sa sinabi ng pinsan. “Hindi mo ba alam ang sinasabi kong pulot-gata?” tanong ni Karisa kay Georgie. Umiling-iling naman ang pinsan sa kanyang tinuran. “Ay, ang tanga mo naman, bruha! Ang pulot-gata na sinasabi ko! ‘Yung bang unang gabi na pinagsaluhan ng bagong mag-asawa sa honeymoon, ang English! Hindi ko lang alam kung ano ang tawag sa Korean.” Shuta ka!” sambit pa ni Karisa. “Wag mong sabihin na wala kayong ginawa ng asawa mo sa unang gabi ninyo bilang isang mag-asawa?” pag-uusisa pa ni Karisa sa kanyang pinsan. Nag-iwas ng tingin si Georgie, at hindi niya maiwasang mapulang mukha dahil naalala niya ang paghalik ni Adam sa kanya. “Oh, bakit namumula ang mukha mo?” nakangising turan ni Karisa. “Siguro, naibigay mo na ang iniingatan mong bulaklak, ‘no?!” turan pa nito. “Hindi, ah!” pagtangi ni Georgie sa sinabi ng pinsan niya. “Kung hindi, bakit ganyan ang mukha mo, parang kamatis sa sobrang pula?” panunukso pa ng kanyang pinsan. Napakagat ng labi si Georgie, at mas lalong namula ang kanyang mukha. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," bulong niya, ang kanyang boses ay halos hindi marinig. "Sus, sige na, aminin mo na! Huwag kanang mahiya, pinsan mo naman ako alam kong naibigay mo na ang bulaklak kay Adam! Naisuko mo na ang bataan, ‘no?” Panunukso pa nito sa kanya. Napailing si Georgie. "Hindi, hindi ko alam ang sinasabi mo!” sabi ni Georgie sa pinsan niya. "Eh, bakit ka namumula?" panunukso pa ni Karisa. "Sige na, aminin mo na! Para kang hindi pinsan. Huwag kannag mahiya kahit sino, kung ganon ba naman ka gwapo ang asawa at katabi sa pagtulog ay naku. Kahit maya't maya pa kami mag pulot-gata hindi ako tatanggi.” sagot pa ng pinsan niya. "Hindi, ako namumula," pagtanggi ni Georgie. Pero alam niyang hindi niya kayang itago ang kanyang pamumula. Nararamdaman niya ang init na tumatakbo sa kanyang mukha. Dahil sa panunukso ng pinsan niya. "Sige na, Georgie, aminin mo na!" Tumawa si Karisa. "Alam kong may gusto ka kay Adam.” Napabuntong-hininga si Georgie. "Wala ako gusto sa bastos nayon!” nakasimangot na tugon niya. “At kahit kailan hindi ako magkakagusto ‘don,” aniya sa kanyang pinsan "Sus, talaga lang ah?” Alam mo, hindi ako tanga. Alam kong may nararamdaman ka kay Adam. At huwag na huwag kang magsalita ng tapos, baka sa huli kainin o bawiin mo rin ang lahat ng sinasabi mo!” mapang-asar na wika pa ani Karisa sa kanyang pinsan. Natahimik si Georgie. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit siya namumula sa tuwing nakikita niya si Adam. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa tuwing kausap niya ito. Ngunit hindi siya aamin sa kanyang pinsan. "Alam mo, Georgie, hindi masama ang magkagusto," sabi ni Karisa. “Mag-asawa naman kayong dalawa. Kaya ayos lang ‘yun mainlove ka sa asawa mo!” tugon pa ng pinsan niya. Napailing si Georgie. Sa mga pinagsasabi ng pinsan. “Ewan ko sa’yo, Karisa! Ang kulit mo talaga!” natatawang sagot ni Georgie. “Sus, nagtatago ka lang, ‘no? Aminin mo na, may gusto ka kay Adam!” Pangungulit ni Karisa. “Wala, ah! Ang kulit mo talaga!” pagtanggi ulit ni Georgie, ngunit hindi na niya maitago ang pamumula ng kanyang mukha. “Sige na nga, hindi na kita kukulitin. Pero alam mo, hindi naman masama ang magkagusto. Kung may gusto ka kay Adam, sabihin mo na sa kanya. Baka pareho pala kayo ng nararamdaman.” Payo ni Karisa, na may ngiti sa kanyang labi nito. “Hay naku, sa sungit at suplado ng lalaking ‘yun hindi ko type ang mga tulad niya,” katwiran pa ni Georgie sa kanyang pinsan. “May kasabihan nga tayo, tulak ng bibig kabig ng dibdib.” Kahit itanggi o sabihin mo wala kang nararamdaman para sa asawa mo sa huli lalabas pa rin ang totoo.” usal pa ni Karisa. Napaisip si Georgie sa sinabi ng kanyang pinsan. Totoo nga ba na may gusto siya kay Adam? Hindi niya alam, pero ang totoo, tuwing nakikita niya si Adam, parang tumitibok ng mas mabilis ang kanyang puso. At tuwing nag-uusap sila, parang nagiging masaya ang kanyang araw. “Bahala ka kung ano gusto mong isipin!” suko niya sa pinsan. “Naku, mahirap pigilan ang pusong umiibig maniwala ka sa akin.” tugon pa nito. Napailing si Georgie. "Ewan ko sa'yo, Karisa! Ang kulit mo talaga!" natatawang sagot niya. Pero sa kanyang puso, alam niyang may katotohanan ang sinabi ng kanyang pinsan. Hindi niya maitatanggi na may nararamdaman siya kay Adam. Ngunit hindi pa niya alam kung ano ang damdamin na namumuo sa kanyang puso. Sa gitna ng isang hindi inaasahang pag-aasawa, naglalaban ang puso at ang pangako ni Georgie. Ayaw niyang pangunahan; baka sa huli, magsisi siya. Alam naman niya na contract lang ang namamagitan sa kanila ng asawa. Dahil, aminin man o hindi, nakikita pa niya sa mga mata ni Adam na nasasaktan pa ito at sariwa pa rito ang panloloko ng ex-fiancée nito. Kahit sabihin na okay na ito ang bibig, maaaring magsinungaling, ngunit ang mata at puso ay hindi. Ang pag-ibig, sa kontekstong ito, ay isang kumplikadong emosyon na hindi basta-basta mapapawi. Ang sakit ng panloloko ay isang malalim na sugat na hindi basta-basta naghihilom. Ang mga mata ni Adam, na nagpapakita ng kanyang tunay na nararamdaman, ay nagsisilbing isang salamin sa kanyang kalooban. Sa kabila ng kanyang mga salita, ang kanyang mga mata ay nagsasabi ng isang ibang kwento. Ang pag-aasawa ni Georgie at Adam ay isang kasunduan, isang kontrata na naglalayong iligtas ang reputasyon ng pamilya Des Conde. Ngunit sa likod ng mga pangako at obligasyon, nagtatago ang isang mas malalim na katotohanan: ang pag-ibig ay hindi maaaring mapilit. Ang pag-ibig ay isang natural na emosyon na hindi maaaring kapalit o mapilitan. Ang pag-ibig ay isang proseso, isang paglalakbay na nangangailangan ng panahon, pagtitiwala, at pag-unawa. Ang pag-ibig ay hindi isang pakikipag-usap, kundi isang pakikipag-ugnayan. Ang pag-ibig ay hindi isang kasunduan, kundi isang pagpili. “Ikaw na nga ang bahala,” sambit ni Karisa. ***** "Buo na ba ang desisyon mo, Adam?” tanong ni River, isa sa mga kaibigan niya. “Oo nga,” segunda naman ni Geller, isa ring kaibigan ng binata. Bumisita ang mga ito sa opisina ng kaibigan. “Yes,” tipid niyang tugon. “Inaantay ko lang ang inutusan ko para malaman ang totoong pagkatao ng aking asawa, si Georgie,” sambit pa ni Adam sa mga kaibigan. "Alam ninyo naman na contract lang ang kasal namin," sagot ni Adam, ang kanyang boses ay tila walang emosyon. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Geller. "Bakit mo naman aalamin ang totoong pagkatao niya? Ano bang nakikita mo?" Napabuntong-hininga si Adam. "Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang may itinatago si Georgie. At hindi ko alam kung anong dahilan." Parang kasing kakaiba siya.” Dagdag na turan pa niya. "Alam mo ba kung ano ang mga dahilan kung bakit kayo nagpakasal?" tanong ni River. "Hindi ba't sinabi niya na nagkamli lang siya ng napuntahan na simbahan?" usal ni Geller. "Oo, pero parang hindi lang iyon ang dahilan," sagot ni Adam. "Parang may iba pang dahilan." Anas niya. "Ano ba ang iniisip mo, Adam?" tanong ni Geller. "Parang may naglalaro sa isip mo." May kutob akong hindi lang ‘yun nagkataon lang,” sagot niya. "Hindi ko alam kung paano ipaliwanag," sagot ni Adam. "Pero parang hindi ko lubos na kilala si Georgie. Parang may itinatago siya sa akin sa atin." "Anong gagawin mo?" tanong ni River. "Ano ang plano mo?" "Aalamin ko ang totoo," sagot ni Adam, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa determinasyon. "Gusto kong malaman kung sino talaga si Georgie." "Pero paano mo gagawin iyon?" tanong ni Geller. "Anong plano mo?" "Hindi ko pa alam," sagot ni Adam. "Pero gagawa ako ng paraan." Napabuntong-hininga ang dalawang kaibigan. Alam nilang hindi madali ang gagawin ni Adam. Pero alam nilang determinado siya sa kanyang desisyon. "Alam mo, Adam," sabi ni River, "kung gusto mong malaman ang katotohanan, kailangan mong siyang magtiwala sayo, Kung hindi siya magtitiwala, hindi mo makikita ang tunay niyang pagkatao." "Alam ko," sagot ni Adam. "Pero hindi ko alam, kung paano ko gagawin tila ang hirap niyang paamuin.” “Oo, sa klase ng asawa mo kakaibang babae siya,” sang-ayon ni River at Geller.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD