chapter 10

1331 Words
Ang pag-aalala ng pinsan niya nakakapangiti sa puso ni Georgie. Ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Karisa ay hindi niya maitatanggi. Pero sa kabila ng mabuting intensyon, nararamdaman niyang kailangan niyang harapin ang pagsubok na ito nang mag-isa. “Sure ka ba, Georgie, na ayaw mong magpahatid pauwi sa mansyon ng asawa mo?” tanong ng pinsan niyang si Karisa. “Pwede naman namin, ikaw ihatid muna ni kuya Ruel bago kami umuwi sa Maynila,may oras pa naman,” dagdag na wika pa ni Karisa sa kaniya. Sunod-sunod naman na umiling si Georgie sa kanyang pinsan. "Hindi na, ayos lang ako, saka kaya ko naman nang umuwi mag-isa. Alam ko naman kung saan ang address ng mansyon," nakangiti niyang tugon sa pinsan. “Sige kung ‘yan ang desisyon mo,” nakangiti turan pa nito. “Basta, kapag nagkaroon ng problema, tawagan mo agad ako ah!” bilin nito. Bago siya yakapin ng mahigpit ng pinsan. Mahal na mahal talaga siya nito. Noon pa naman ay maalalahanin na ang pinsan niya at ang turingan nilang dalawa ay parang magkapatid na. “Oo, tatawagan kita,” nakangiti sambit naman niya sa pinsan. Ang mga gamit niya ay unang dalhin sa mansyon ng driver na naghatid sa kanya kanina. Ngunit bago siya umalis, bumaling siya kay Karisa at sinabi, "Salamat, Karisa. Alagaan mo ang sarili mo." nakangiti turan pa nito. "Ikaw din, Georgie," sagot ni Karisa. "Mag-ingat ka." Habang magkayakap pa rin silang dalawa, “Sige, aalis na kami. Ayaw mo talagang magpahatid?” muli nitong tanong sa kaniya nang magbitaw silang dalawa. Hindi niya maiwasang irapan ito dahil sa kakulitan na taglay ng pinsan. “Oo nga, ang kulit mo talaga kahit kailan!” nakasimangot na turan ni Georgie sabay pisil sa ilong ni Karisa. “Naku ang pinsan ko nagsusungit naman, wag na wag mong susungitan ang asawa ah!” bilin pa nito. Ngunit sa kabila ng pagtawa, nararamdaman ni Georgie ang pagkalungkot. Alam niyang ang paglalakbay na ito ay hindi magiging madali, at hindi niya alam kung kailan sila muling magkikita. "Mag-ingat ka, Georgie," sambit ni Karisa, ang kanyang boses ay nanginginig nang bahagya. "Tumawag ka kung may kailangan ka." Tumango si Georgie, ang kanyang mga mata ay puno ng pasasalamat. "Salamat, Karisa. Ikaw din, mag-ingat ka." Naghiwalay na sila. Si Karisa ay sumakay sa kotse at umalis patungo sa Maynila. Napabuntong-hininga si Georgie habang pinapanood niyang umalis ang kotse ni Karisa. Ang kanyang puso ay puno ng magkahalong emosyon. Kalungkutan dahil sa pag-alis ng kanyang pinsan, pero mayroon ding pag-asa na magagawa niya nang maisaayos ang kanyang mga iniisip. Sa panibago buhay niya ngayon na may asawa na. Nagpasya muna siyang maglakad-lakad, maglibot sa paligid at ma-appreciate ang ganda ng probinsya ng Quezon. Bagamat probinsya ito, masasabi niyang ito ay isa sa pinakamagandang lugar na kanyang napuntahan. Ang sariwang hangin, ang mga puno, at ang tahimik na kapaligiran ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng kapayapaan. Para nais na lamang niya tumira dito. Habang naglalakad si Georgie palayo sa hotel, ang kanyang mga paa ay naglalakad nang walang hanggan, hanggang sa mapunta siya sa parke kung saan maraming tao at mga bata ang naglalaro. Hindi niya maiwasang mapangiti sa mga pamilyang nag-picnic sa lugar, at tila ang saya-saya ng mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Naalala niya ang hindi mabilang na mga hapon na ginugol sa paglalaro ng taguan sa kanilang bakuran, ang amoy ng mga bagong lutong cookies ng kanyang ina, ang tunog ng malakas na tawanan ng kanyang ama habang naglalaro sila ng board games. Naalala niya ang init ng kanilang mga pagtitipon sa pamilya, ang mga ibinahaging kwento, ang nakakaaliw na presensya ng kanyang mga kapatid Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga alaala, sumagi sa kanyang isipan. Na-miss niya tuloy ang mga kapatid at magulang niya. Umupo siya sa isang bangko, habang pinapanood ang mga batang naghahabulan, bakas sa mukha niya ang kasiyahan habang pinagmamasdan ang mga pamilya masayang nagtatawanan. Habang pinagmamasdan si Georgie ang mga batang naghahabulan at ang mga pamilyang nagtatawanan, nararamdaman niyang unti-unting bumabalik ang sigla sa kanyang puso. Parang ang mga bata ay nagpapaalala sa kanya ng mga simpleng bagay sa buhay na minsan niyang nakalimutan. Ang saya, ang pag-asa, ang pagmamahal. Ilang oras siyang naroon sa parke, naglalakad-lakad at nakikipag-usap sa mga tao. Napapansin niyang mababait ang mga tao sa lugar, at malugod silang tumatanggap sa mga bisita. Nararamdaman niya ang init ng pagtanggap ng mga tao sa lugar na ito. Parang isang bagong pamilya ang natagpuan niya. Ilan oras pa siyang naroon sa parke, bago nagpasyang lisanin na ang lugar at umuwi na sa mansyon ng kanyang asawa. Nagpasya na siyang lisanin ang lugar at umuwi na sa mansyon ng kanyang asawa. Tumayo siya at naglakad palayo sa parke, nag-aabang siya na pwede masakyan pahatid sa hacienda ng mga Des Conde. Naglakad siya sa gilid ng daan, at nagbabakasakaling may makasalubong siyang sasakyan. Habang naglalakad siya, napapansin niya ang mga tao na nagtatawanan at nagkukuwentuhan sa mga sulok ng kalye. Ang mga bata ay naglalaro sa parke, at ang mga matatanda ay nagkukuwentuhan sa mga tindahan. Ilang sandali pa ang lumipas nang may taxi siyang napara at sinabi niya ang lugar kung saan siya ihahatid. Sinabi naman ng driver na hanggang bungad lamang siya ng Hacienda, dahil hindi na hinahayaan ang magpapasok ng ibang sasakyan maliban na lamang kung isa kang Des Conde. Sinabi naman niya sa driver na ayos lamang, lalakarin na lang niya ang patungo sa mansyon. Nang makarating si Georgie sa bungad ng Hacienda, nagpasalamat siya sa driver ng taxi. Napakaganda ng tanawin. Malawak na lupain na puno ng mga puno ng mangga, niyog, at iba pang mga puno. Mayroon ding malaking bahay na gawa sa bato, na mukhang isang kastilyo. "Maganda nga talaga ang hacienda na ito," bulong niya sa kanyang sarili. Nagsimula siyang maglakad patungo sa mansyon, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa paligid Habang naglalakad si Georgie, sa malawak na lupain ng mga Des Conde may masasalubong siya na Limang bata, at ang tansya niya nasa edad na Sampu o labing isang taon gulang ang mga ito. Napatingin rin sa kanya ang mga bata, tila kinikilala siya ng mga ito. Ngunit nagpatuloy na ang mga ito sa paglalakad. Nang tumapat sa kanya, binati niya ang mga bata. Habang nakangiti. “Hi,” nakangiti, bati niya sa mga ito. Napahinto naman ang mga bata at bahagyang tumingin sa kanya bago nagkatitigan ang mga ito. Tila nahihiya rin sa kanya. “H-hello po…” nauutal na balik-bati sa kanya ng mga bata. . “B-bakit,po?” nahihiyang tanong ng mga ito. “Ano pangalan ninyo?” tanong niya sa mga ito habang may ngiti sa mga labi. “Ako po si Ana,” sagot ng isang batang babae. “Ako naman po si Juan,” sagot ng isang batang lalaki. “Ako po si Maria,” sagot ng isa pang batang babae. At isa-isa nang nagpakilala ang mga bata. Hindi alam ni Georgie kung bakit magaan sa pakiramdam niya ang mga bata, marahil siguro namimiss lang niya ang mga kapatid. “Ako naman si Ate Georgie, ninyo,” pakilala niya sa sarili. “Nice to meet you po, Ate Georgie,” sabay-sabay na sabi ng mga bata. "Nice to meet you too," sagot ni Georgie. “Saan kayo pupunta?” maang niya tanong sa mga ito. “Ah?” sabay-sabay na tanong ng mga bata. "Mangnguha po kami ng bayabas, sa loob ng gubat gusto ninyo po bang sumama?” maang na tanong ni Ana. “Kaya nga po, gusto ninyo po bang sumama!?” Ulit na tanong ni Maria. Napaisip si Georgie. Mukhang masaya ‘yung sinasabi ng mga bata sa kanya. "Sige ba," sagot niya. "Pero saan ba tayo mangunguha ng bunga ng bayabas?" “At, ano ba ang bayabas?!” Takang tanong pa niya sa mga bata hindi niya kasi alam kung ano bayabas ang sinasabi ng mga ito hindi siya pamilyar sa pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD