Chapter 11

1332 Words
"At, ano ba ang bayabas?!” Takang tanong pa niya sa mga bata. Hindi niya kasi alam kung ano bayabas ang sinasabi ng mga ito, hindi siya pamilyar sa pangalan. Napakunot ang noo ng mga bata. “Bayabas po, ate. Alam niyo po ba ‘yon? ‘Yung prutas na bilog at berde?” paliwanag ni Ana. Kay Georgie. Napangiti si Georgie. “Ah?” tanging nasabi na lamang niya sa mga bata dahil hindi niya talaga alam ang isasagot sa mga ito. “Sorry, hindi ko alam ang tinatawag ninyo bayabas,” napapakamot na turan ni Georgie sa mga ito. “Ay ganon po ba,” wika naman ng isang bata. “Gusto ninyo po bang sumama sa amin para mamitas ng bayabas para na rin po makita ninyo ang itsura ng bayabas,” nakangiti turan ng mga ito. Napangiti naman si Georgie sa tinuran ng mga bata. “Sige,” walang paligoy-ligoy na tugon niya Nag-uumpisa nang maglakad ang mga bata papasok sa kagubatan, sumunod na siya sa mga ito. Habang naglalakad patungo sa sinasabi ng mga bata ay nagkukwentuhan sila. "Ah, ate, kaano-ano po kayo ng mga Des Conde? Para ngayon lang po namin kayo nakikita?" pagtatanong ni Maria sa kanya. "Ah, ako, bisita ako nila," nakangiting tugon mo sa mga ito. "May lahi ka po ba?" maang na tanong ni Ana. "Para po kasing hindi ka purong Pinoy?" tanong pa nito. "Paano mo naman nasabi?" nakangiting wika mo. "Kasi po, ang singkit ng mga mata mo, tapos ang ganda-ganda mo pa at ang puti, para kang gatas," sagot naman nito. Napatawa ka sa kanilang mga tanong. Ang mga bata ay napakainosente, at ang kanilang pagkamausisa ay nakakatuwa. "Oo, may lahi nga ako," sagot ko. " I'm half korean at half pinay dahil ang mommy ko ay Filipina at ang Daddy ko naman ay koreano.” paliwanag ko sa mga ito. "Talaga po?" tanong ni Juan. “Kaya pala ang ganda mo po, Ate Georgie may lahing Koreano ka, saka kaya pala hindi ninyo alam ang itsura ng bayabas dahil galing ka pala sa ibang bansa.” namamanghang wika ni Ana at Maria sa kaniya. "Naku, hindi naman. Kayo nga, ang gaganda at pogi kayo kahit mga bata pa lang,” puri niya sa mga bata totoo ang sinabi niya sa mga ito may taglay na ganda at kagwapuhan ang mga bata kaharap niya. Ngumiti naman ng malapad ang mga bata, tila natuwa sa kanyang mga sinabi. “Salamat po, ate. Siguro po ang ganda ng Korea,” sambit pa ni Ana. “Oo, maganda doon. Pero maganda din naman dito, lalo na itong lugar ninyo na tahimik at sobrang malinis pa,” saad mo sa mga bata. “Opo, maganda at malinis po ang bayan namin dahil po kina Governor at sa mga Des Conde, pati na rin sa mayor namin,” saad ng mga ito, tila ipinagmamalaki ang nagagawa ng mga Des Conde sa bayan nila. Napansin ni Georgie ang pagiging mapagmalaki ng mga bata sa kanilang bayan at sa mga taong namumuno dito. Napagtanto niya mahalaga ang pamilya at komunidad para sa kanila. “Talaga? Ang galing naman pala ng mga namumuno sa inyo,” sabi niya at alam niya mabait ang pamilya Des Conde dahil na rin sa mg naririnig niya kanina habang nasa parke siya wala bukang bibig ang mga taong naroon kundi ang kabutihan ng pamilya ng asawa niya. “Oo nga po, ate,” sagot ni Juan. “Masaya po kami dito. Marami pong nagmamahal sa amin.” Lumipas pa ang ilang sandali, nakarating na rin kayo sa mga puno ng bayabas na sinasabi ng mga bata, at halos magniningning ang iyong mga mata dahil sa nakikita. Hitik sa bunga ang bawat puno. “Wow, ang dami ng bunga,” masayang turan niya habang nakatingin sa isang puno ng bayabas na puno ito ng bunga at parang lahat ay mga hinog na. Bumaling siya ng tingin sa mga bata. “Yan ba ang sinasabi ninyo na bayabas?” masayang pagtatanong ni Georgie sa mga ito. "Opo, ate!" sagot ni Ana, ang mga mata niya ay kumikinang sa tuwa. "Gusto niyo po bang pumitas?" "Oo naman, gusto ko!" masayang sagot niya. "Pero paano? Hindi ko alam kung paano pumitas ng bayabas." Dahil first time lang niya sa ganito. "Ako po ang magtuturo sa inyo, ate!" sabi ni Juan. Lumapit si Juan sa isang puno at nagsimulang magturo sa iyo kung paano pumitas ng bayabas. "Ganito po, ate," sabi niya. "Huwag ninyo pong masyadong hilahin ang bunga. Dahan-dahan lang po kayo sa pag pitas.” Wika nito habang hinihila ang isang sanga ng puno. Sinunod naman siya kay Juan. Ginagaya niya ang ginagawa nito sa pagpitas ng bunga ng prutas. “Ate, pwede mo nangkain ‘yan,” wika sa kanya ni Maria na nag-uumpisa na rin pumitas ng mga bunga. Sunod-sunod naman siyang tumango, nagmakapitas siya ng isang bunga. Agad niya kinagat ito. "ano po ate masarap po, ba?” pagtatanong pa ni Maria sa kanya habang nakatingin ito. "Oo ang sarap matamis siya,” nakangiti tugon niya at muli siyang kunagat sa prutas na hawak niya. Nagpatuloy sila sa pagmimitas ng mga prutas,maliban sa bayabas marami pang iba't-ibang uri ng prutas ang pinitas nila mayroon, Aratiles, Atis at Mangga. “Grabe, ang dami pala iba't-ibang klase ng prutas ang nakatanim dito sa hacienda,” saad niya habang kinakain ang hawak na bayabas habang nasa taas ng puno silang apat ng mga bata. Ang tawanan at kwentuhan nila ng mga bata ay biglang naputol ng isang malakas na "krak!" Ang sanga ng puno na kanilang inuupuan ay biglang bumigay, at sa isang iglap lang, mabilis silang nahulog sa tubugan ng ng mga kalabaw. "Aray!" daing ni Maria, ang kanyang ulo ay nabangga sa gilid ng tubigan. "Aray!" Daing din ni Ana. Kahit siya napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman niya, sa biglaang pagbagsak nila, mabuti na lang hindi gaano kataas at hindi masyado masakit dahil sa putikan sila nahulog ‘yun nga lang ang suot niya puti dress ay na puno ng putik kahit ang kanyang mukha ay may putik din. "Naku, mga bata!" Sambit niya at labis siya nag-alalana baka nasaktan ang mga ito. “Ayos,lang ba kayo?!” nag-alala tanong niya at mabilis na tumayo kahit naramdaman niya ang pag kirot ng kanyang binti ay wala siya pakialam ang mahalaga ang apat na bata kasama niya. "Opo, Ate Georgie" ang sagot ni Ana. “Huwag, ka mag-alala ate. Sanay na po kami sa ganito. Madalas kami mahulog sa puno, pero yung mababa lang po,” napapakamot na wika ni Juan. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala, at ang mukha nito ay nagpapakita ng kaunting pagkahiya. Hindi niya mapigilan mapangiti dahil sa itsura ng mga bata. Kahit ang mga ito natatawa rin sa kanyang itsura. Ang kanyang ngiti ay nakakaloko, at parang may isang malalim na plano sa likod ng mga mata nito. “Sorry, ate Georgie nadumihan tuloy ikaw pati ang suot mong damit na putikan,” anas ni Ana habang nakatingin sa kanya. Ang mga mata nito puno ng pag-alala. "Ayos lang iyan," ang sagot niya sa mga bata "Para ang saya maglaro sa putikan,” Mahinang wika niya ngunit sapat na para marinig ng mga bata ang kanyang sinabi. “Oo, ate masaya maglaro,” Ano gusto ninyo bang maglaro muna tayo?!” nakangiti wika niya sa mga ito. "Talaga po?" ang tanong ni Juan. "Bakit po gusto ninyo mag laro?” sambit naman ni Maria. "Dahil masarap maglaro sa putik, Felling ko para bumalik ako sa pagkabata saka ngayon ko lang din naman gagawin ito" sagot niya s amga ito. "Ah, ganun po ba?" ang tanong ni Ana. Nag-umpisa na nga sila maglaro sa putikan habang nakikipagtawanan sa mga kalaro niya bata masarap sa pakiramdam ni Georgie ang kanyang ginagawa tila ba isa siyang ibon na nakalaya sa rehas ng kulungan. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya sa tuwing nahuhuli at natataya siya sa mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD