Chapter 13

1723 Words
“Sorry, madumihan ko pa ang loob ng kotse mo,” paghingi niya ng paumanhin sa asawa ng pareho na silang nakaupo sa loob ng sasakyan habang buhat-buhat niya ang tuta na napulot niya sa daan. “Okay lang, ipapalinis ko na lang,” sabi ni Adam. At bahagya siyang napatingin sa hawak ng asawa nangunot ang noo niya makita isang maliit na aso ang buhat nito. “Isasama mo ba pauwi sa mansyon ang tutang ‘yan?” seryosong tanong ni Adam sa kanyang asawa. Napatingin si Georgie sa hawak niya at pagkatapos ay tumingin din kay Adam. “Ah, okay lang ba? Nakakaawa kasi kung iiwanan ko lang ang kaawang puppy na ito. Ang liit pa niya, baka hindi niya kakayanin ang lamig mamaya gabi, tapos maulan pa,” malungkot na sabi niya sa asawa, habang pinapakita niya ang kanyang pagmamalasakit sa munting tuta. Sa pagpapahayag ni Georgie ng kanyang pangangamba at pagmamalasakit sa tuta, nasimpulan ni Adam ang malasakit at kabutihang loob ng kanyang asawa. Naunawaan ni Adam ang kalooban ni Georgie at ang kanyang matinding pagmamalasakit nito sa munting tuta. Napabuntong-hininga na lamang si Adam at marahan na pinasadahan ang tuta at ang asawa. “Sige, isama mo na ang tuta pauwi,” sabi ni Adam, sa seryoso ang boses nito wala na rin naman siya magagawa ipagpilitan pa rin ng asawa niya ang gusto nito. “Talaga!” masayang turan ni Georgie at tila hindi makapaniwala sa sinagot ng asawa niya. Marahan namang tumango si Adam. “Oo,” tipid niyang sagot. “Salamat,” nakangiting pasasalamat ni Georgie kay Adam. Napatingin naman si Adam sa asawa niya, at kitang-kita niya ang walang pagsidlan na saya nito na lalong nagpawala sa mga mata nito kapag ngumingiti. Hindi malaman ni Adam kung bakit ganoon na lang kabilis ang pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang masayang mukha ng kanyang asawa. Kaya lihim siyang napangiti, ngunit sa hindi inaasahan, bigla bumaling ng tingin ang asawa niya kaya nagtama ang kanilang mga mata. Hindi alam ni Adam kung bakit tila huminto ang paggalaw ng mundo ng ilang segundo habang magkahinang ang kanilang mga mata ng asawa niya. Bumibilis ang pintig ng puso niya na waring gusto na nang lumabas sa kanyang dibdib. Samantalang ganoon din ang nararamdaman ni Georgie, parang kung anong meron ang umaalon sa kanyang tiyan, at pagbilis ng t***k ng puso niya ng magtama ang kanilang mga mata ni Adam. Para bang lahat ng gumagalaw sa paligid niya ay huminto habang nakatitig sa mga mata ng asawa niya. Sa ganong senaryo, sila ay marinig ang boses ng driver ng kotse. “Gov, narito na po tayo,” wika ng driver ng kotse kasabay ng paghinto ng sasakyan sa tapat ng mansyon. Naalimpungatan sina Adam at Georgie mula sa kanilang pagkabighani sa isa't isa. Nang marinig ang boses ng driver tila nahiya silang dalawa sa isa't-isa at mabilis ng iwasan ng tingin. Namumutla si Adam ngunit may kakaibang sigla at kaba sa kanyang puso. Tila ba lahat ng kanyang nararamdaman ay bago sa kanyang damdamin kahit kailan hindi niya naranasan sa kanyang dating kasintahan. Samantala, namumula si Georgie at nahiya sa kanyang inakto, pagtitig sa kanyang asawa. “Ano ka ba naman, Georgie, baka kung ano ang isipin ng asawa mo sa ginawang pagtitig mo sa kanya,” sermon niya sa kanyang sarili. Sa pag-aalala at pagiging maingat ni Georgie, nagpasya siyang iwasan muna ang pakikipag-usap kay Adam, Hindi na hinintay pa ni Georgie na pagbuksan siya ng pintuan ng asawa; mabilis na rin siyang lumabas ng kotse habang buhat-buhat pa rin ang tuta. Tahimik naman ang maliit na aso simula nang nasa kandungan niya ito. Pagpasok nila sa loob ng mansion, nakita nila ang magulang ni Adam na nagkukulitan sa living area. Hindi mapigilan ni Georgie na mapangiti sa nakikita, kaswetan ng mag-asawa. Napapailing naman si Adam; kahit kailan talaga, parang mga teen-ager pa rin ang kanyang mga magulang. Parang araw-araw in love ang mga ito sa isa't-isa. Sa piling ng kanyang pamilya, mas lalo pang napatunayan ni Adam sa kanyang mga magulang na may forever. Ang kanyang mga magulang ang nagpapatunay noon. Tumikhim si Adam para makuha ang atensyon ng kaniyang magulang na hindi yata ramdam ang presensya nilang dalawa ni Georgie. "Ehem," sabi ni Adam, dahilan para mapatingin ang mag-asawa sa kanila. "Oh, kanina pa ba kayo nariyan?" tanong ng Daddy ni Adam na si Bryan sa kanila. "Yes," tipid na sagot ni Adam sa ama. "Kulang na nga lang langgamin kayo sa sobrang sweet," sambit pa ni Adam sa ama. "Pati ba naman ako ay kailangang mainggit sa inyo?" dagdag pa niya na may halong biro. "Son, alam mo naman na gaano namin mahal ng Mommy mo ang isa't-isa," wika naman ng Daddy ni Adam. "Oo naman, alam ko 'yan. Pero ang kulit niyo pa rin," pagbibiro ni Adam sa ama habang nakangiti. Sa pag-uusap ng mag-ama, kitang-kita ang pagmamahalan at pag-unawa sa isa't isa. Ang biro ni Adam ay nagpapatunay na ang pagiging masaya at mapagmahal ng kanyang mga magulang nito. Napangiti si Georgie sa pagmamasid sa kanyang asawa at sa kanyang mga biyenan. Hindi niya akalaing may ganitong pamilya pala, dahil kahit sila, hindi ganito ka-sweet sa isa't-isa. Kahit ang magulang niya, busy ang mga ito sa negosyo, at kahit ang mga kapatid niyang lalaki, busy rin; bihira na nga silang magkikita-kita sa kanilang bahay sa Korea. Kaya hindi maiwasang makaramdam si Georgie ng lungkot habang nakikita niya ang pagbibiruan ng asawa at biyenan niyang lalaki. Naisip niyang sa kanilang pamilya, tila mas inuuna ang trabaho at mga obligasyon kaysa sa pagsasama-sama. "Hija, Georgie," narinig niyang tawag ng Mommy ni Adam, at mabilis na nakalapit ito sa kanyang pwesto. "Hija, anong nangyari sa'yo? Bakit punong-puno ka ng putik?!" nag-aalalang tanong ng ginang sa kanya. Ramdam niya ang sinseridad sa boses ng ginang puno-puno ito ng pag-alala para sa kanya. Nahihiya naman siyang napapakamot sa ulo habang buhat-buhat pa rin ang tuta. Nahulog po kasi ako doon sa tubugan ng kalabaw, sabi ng mga batang nakilala ko kanina. Habang pauwi po ako, may nakita po akong apat na bata. Tapos, tinanong ko sila kung saan pupunta. Sinabi nila sa akin na mamimitas daw po sila ng bayabas, kaya po sumama ako. Kaso, habang nasa puno po kami, nabali po ang sanga ng bayabas, kaya po nahulog kami sa tubugan daw ng kalabaw at baka,” nahihiyang kwento niya sa Mommy ni Adam at hindi makatingin ng diretso. “Naku, Hija may masakit ba sa'yo?!” Bakas sa mukha nito ang pag-alala para sa kaniya. Sunod-sunod naman siya napailing, “Wala naman po,” magalang niyang sagot sa ginang. Bigla namang umiiyak ang tuta na hawak niya, kaya napatingin ang ginang sa hawak niya. Tulad niya, medyo putikan din ang mga balahibo ng tuta dahil sa daan kung saan niya ito nakita. “Tuta,” sambit ng mommy ni Adam habang nakatingin ito sa hawak niya. Alanganin, ngumiti siya sa ginang. “Opo, napulot ko po sa daan. Naawa po ako, kaya po inuwi ko na lang dito,” nahihiya niyang wika sa ginang. “Okay lang po ba na alagaan ko po ang tuta dito?” dagdag na sabi pa niya sa ginang. Ngunit napamaang siya nang tumawa ang daddy ni Adam, hindi niya namalayang nasa tabi na pala ng ginang ito. “Daddy,” pagsaway ni Adam sa ama dahil sa pagtawa ginawa nito. “Sorry, son, hindi si Georgie ang tinatawanan ko. May naalala kasi ako noon, sa mommy mo, ganyan na ganyan sa asawa mo. Alam mo ba na tulad ng asawa mo, nag-uwi rin ng hayop ang mommy mo noon? At muntikan pa nga mabangga ng kotse ko ang mommy mo sa pagsagip ng pusa sa gitna ng kalsada; ito ang una naming pagkikita,” pagpapaliwanag ni Bryan sa anak. Pagkatapos, tumingin si Bryan kay Georgie. “Sorry, hija,” paghingi nito ng paumanhin. “Ayos lang po,” tugon niya. “Ayos lang naman, hija, kung gusto mo alagaan ang tuta ‘iyan,” sabi ni Sandy kay Georgie. “Talaga po?” masayang turan ni Georgie sa ginang. “Oo, naman. Tulad mo, mahilig din ako sa mga hayop,” wika pa nito. Masaya siyang tumango sa ginang at hindi nagtagal ay umakyat siya sa loob ng silid nilang mag-asawa upang makapag linis nang katawan pati ang hawak nitong tuta ay gusto na niyang malinisan. Naiwan naman si Adam sa ibaba dahil may mahalaga raw sasabihin ang Ama nito. Hindi mawala-wala ang ngiti niya habang masyanag nililinis ang tuta, tahimik lamang ito. Lumipas pa ang ilang sandali, natapos na si Georgie kaya lumabas na siya ng banyo upang makapagbihis. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya makita si Adam sa loob ng silid at katulad niya nagulat din ang makikita sa mga mata nito. Mabilis itong tumalikod dahil tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang katawan. “K-kanina ka pa ba narito?” nauutal niyang wika sa asawa habang namumula ang mukha at pagkatapos ibinaba muna niya ang tuta na punasan na rin niya ito kaya hindi na gaanong basa ang tuta. “Sorry, kakapasok ko lang,” wika nito habang nakatalikod pa rin sa kanya ang lalaki. Mahigpit ang kapit ni Georgie sa tuwalya, baka kasi kumalas sa pagkakabuhol. Wala pa naman siyang suot na kahit anong iba maliban sa tuwalya na nakatakip sa buong katawan niya. “Tumalikod ka lang, huwag kang humarap,” sambit niya sa asawa. Wala naman siyang narinig mula rito, kaya mabilis siyang naglakad upang kumuha ng damit. Sa hindi inaasahan, may natapakan siya, at tanging nagawa na lamang niya ang mapikit dahil sigurado siyang sa sahig tatama ang kanyang pwetan. Pero hindi nangyari ang inaasahan niya. Sa halip na matumba, naramdaman niyang may mga bisig na nakapulupot sa kanya. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Adam ang boses nito puno ng pag-alala. Dahan-dahang binuksan ni Georgie ang mga mata niya. Nakita niya ang mukha ni Adam na puno ng pag-aalala, at ang mga bisig na nakapulupot sa kanya. Parang biglang nag-init ang kanyang pisngi, hindi dahil sa pagkahiya, kundi dahil sa nararamdaman niyang kakaibang sa kanyang puso. "Okay ka lang ba?” Ulit na tanong nito. Hindi agad makasagot si Georgie sa tanong ng asawa niya. Tila naging pipi siya ang tanging nagagawa lang niya ay makipagtitigan sa mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD