chapter 14

1011 Words
Halos hindi sila makahulma ni Adam dahil sa bilis ng pangyayari. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagtanto niyang natanggal ang pagkakabuhol sa tuwalya na nakatakip sa hubad niyang katawan. Nag-init ang buong mukha niya at namumula ito. Halos gusto na lamang niyang magpalamon sa sahig dahil sa kahihiyan. Ang tanging pagsigaw na lang ang nagawa niya. “Aaaaahh!” sigaw niya at mabilis na umalis sa pagkakahawak ni Adam ramdam niya ang mainit na palad ng asawa niya sa hubad niyang katawan. Hindi naman makapagsalita si Adam at halos hindi siya makagalaw. Ang kanyang mga mata ay napako sa kanyang asawa. Napagtanto niya ang dahilan ng pagsigaw ni Georgie, ang pagkagulat sa mukha nito, ang pamumula ng pisngi nito. Sa isang iglap, nakita niya ang buong katawan ni Georgie, hubad, at walang kahit na anong takip sa katawan dahil natanggal ang tuwalya nakabalot rito, Hindi maiwasang mapalunok ng laway ni Adam, hindi niya alam kung ano ang gagawin. At uunahin ang tumalikod o alalayan ang asawa, Isang malakas na pakiramdam ang bumabalot sa kanyang sarili. Habang totog na titig sa maganda hubog na katawan ng asawa niya. "Georgie," bulong niya, ang kanyang boses ay halos hindi marinig. Tila namaos ito. "Pasensya na, hindi ko sinasadya." Sambit niya at mabilis na nag-iwas ng tingin si Adam nagmamadali naman tumayo si Georgie kasabay ng pagdampot sa tuwalya nahulog sa sahig. Upang itakip sa katawan niya. Ngunit ang kahihiyan ni Georgie ay tila nagpalala sa sitwasyon. Hindi siya makasalita, hindi siya makagalaw naparalyze siya sa sobrang pagkahiya. Nakatayo lang si Adam sa gitna ng sala, hindi alam ang gagawin. Parang may malaking pader na naghihiwalay sa kanya at kay Georgie. Hindi siya makausad, hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon. "Georgie, sorry," bulong niya, ang kanyang boses ay nanginginig. "Hindi ko sinasadya. I'm so sorry.” usal niya sa asawa mabilis naman siya tumalikod at naglakad palabas ng silid. Si Georgie naman ay hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang kanyang mundo ay biglang nagulo.sa kadahilanan na nakita na nito ang lahat sa kanya. Narinig niya ang pagsara ng pinto, at naramdaman niya ang kaba na bumabalot sa kanyang puso. Mabilis siyang naglakad papunta sa aparador at nagbihis ng damit. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang pinipilit niyang ibalik ang kanyang sarili sa normal. Pero sa kanyang puso, alam niyang hindi na siya magiging pareho. Ang hindi inaasahang pangyayari ay nagdulot ng kakaibang damdamin para sa asawa niya. Habang nakatingin siya sa salamin, nakita niya ang takot at hiya sa kanyang mga mata. Napatigil si Georgie sa pag-iisip. Tumingin siya sa salamin, sa kanyang repleksyon. Ang kanyang mga mata ay tila naglalaman ng takot at pag-aalinlangan. Ang nangyari ay nag-iwan ng malaking bakas sa kanyang puso. Ang kanyang mundo, na tila maayos at nakaayos, ay biglang nagulo. "Ano na ang gagawin ko?" bulong niya sa sarili. "Paano ako haharap sa kanya ganoon nakita na nito ang lahat at paano ako magiging normal, ngayon,” saad niya sa kanyang sarili. Ang mga tanong ay tila walang kasagutan, mga anino na sumusunod sa kanya saan man siya magpunta. "Bakit, ang tanga mong kasi Georgie maglalakad ka na nga lang mali pa 'yan tuloy nadulas ka,” sisi niya sa sa kanyang sarili. Ang pangungutya ay tila nagmumula sa isang parte ng kanyang isipan na gusto siyang parusahan. Napabuntong-hininga si Georgie. Nararamdaman niya ang pagiging maliit at walang kakayahan. Parang ang kanyang katawan ay isang basong tubig na handa nang ibuhos anumang oras. Ang kanyang isipan ay puno ng mga tanong na walang kasagutan, at ang kanyang puso ay puno ng kaba. Hindi na siya magiging normal kapag nasa malapit na lang ang kanyang asawa. Nakatayo lang si Georgie sa gitna ng kwarto, ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang kanyang isipan ay puno ng mga negatibong kaisipan, mga pangamba na tila gustong sirain ang kanyang mundo. "Wala akong mukhang ihaharap rito," bulong niya sa sarili. Ang kanyang boses ay nanginginig at puno ng lungkot. Ang kahihiyan ay tila isang malaking bato na nakabara sa kanyang dibdib, hindi siya makapagsalita, hindi siya makapag-isip ng maayos. Lumipas pa ang ilang sandali. Nanatili lamang si Georgie sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Ayaw niyang lumabas kahit gusto niya, pinipigilan niya ang sarili baka makita niya ang asawa, wala pa siyang lakas ng loob upang harapin si Adam. Ang bawat pag-tik ng relo ay parang isang pagpapaalala sa kanya ng kanyang kasalanan, ng kanyang kahihiyan. Parang ang mundo ay tumigil sa pag-ikot. Sa gitna ng kanyang pag-aalala, biglang nag-ring ang cellphone ni Georgie. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, mabulis niyang sinagot ito ng makita ang pinsan niya ang tumatawag, Agad niyang sinagot ito. “Hello,” sagot niya sa kabilang linya. “Hi, pinsan,” bati ni Karisa sa kabilang linya ng sinagot niya ang tawag nito. “Oh, pinsan bakit ganyan ang boses mo para kang kabado?” pagtatanong nito. Nasa tono ng boses ng pinsan niya ang pag-alala. “May nangyari ba sayo?” nag-alala tanong nito. “Meron,” tugon naman niya. “Ah!” malakas nitong sambit dahilan para mailayo niya ang telephone sa kanyang tinga. “Ano'ng nangyari sa'yo? Napaano ka ayos ka lang ba? Kamusta ka na? Asan kaba?” sunod-sunod na tanong nito. Napabuntong-hininga si Georgie at nag-isip kung paano niya sasabihin ang nangyari. “Uhm, na-stranded ako sa gubat kanina, tapos ayun, napaputikan ako,” pagsisinungaling niya. Narinig niya ang pag-aalala sa boses nito. "Ha? Bakit ka nagpunta sa gubat? Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Anong oras ka nakabalik?" sunod-sunod na tanong nito. Napairap naman sa kawalan si Georgie, dahil sa sunod sunod na tanong ng pinsan niya sa kanya. “Pwede bang, isa-isa lang ang tanong mo?” usal niya sa kabilang linya habang nakasimangot ang mukha panatag naman ang loob siya hindi nakikita ng pinsan niya. “Eh, ano kasi nangyari sa'yo? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin para tapos na,” galit pa nito turan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD