Chapter 7

2041 Words
Nagsalubong ang mga kilay ni Adam sa tinuran ng kaniyang asawa. Hindi niya ito maintindihan; kanina, nakikipagtalo ito sa kanya, nandaya siya sa kanilang bato-bato pick na laro, ngayon naman, nagpaubaya na siya. Ito naman ang umaayaw at sinabi na matutulog sa sofa dahil sa natalo. “Sige na, ‘dyan ka na sa kama; ako na sa sofa,” sambit pa nito habang naglalakad patungo sa sofa. Naiwan si Adam na papatanga sa kanyang sarili dahil sa tinuran ng kanyang asawa. Mariing niyang pinagdikit ang mga ngipin, nawaring nagtitimpi sa kakulitan ng asawa niya, at pagkatapos, sumunod siya sa kanyang asawa. At walang sabi-sabi, binuhat niya ito na patungo sa ibabaw ng kama. “Ayyyyy…” napatili si Georgie dahil ginawa ng asawa niya at sa gulat napahawak siya sa leeg ni Adam. “Ano, ka ba!” ni Georgie sa kanyang asawa dahil sa biglang pagbuhat nito sa kaniya. “Bakit, ba? Bigla-bigla mo nalang ko binubuhat?” nakasimangot na tanong niya skanyang asawa. Ngunit imbes na sagutin siya ni Adam isang masamang tingin lang ang tinugon nito. Kaya hindi maiwasang mapalunok ng laway si Georgie. Habang nakatitig sa gwapong mukha ng asawa. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ganon na lang kabilis ang pagtibok ng puso niya tila ba may nag karera ng mga kabayo sa loob ng dibdib niya sa lakad ng kalabog habang hindi maalis ang tingin niya sa asawa. “Tumahik ka, kung ayaw mo ihulog kita!” maotoridad nitong wika habang naglalakad patungo sa kama, hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Akmang magsasalita si Georgie ng ganun na lang ang muli niyang pagkagulat at napatili ulit siya sa biglaang pagbagsak nito sa kanya ibabaw ng kama “Ayyyyy!” kasabay ng pag talbog ng pwet niya sa malambot na higaan. “Ano, ba bakit bigla mo na lang ako binaksak?!” galit niyang turan kay Adam ng makabawi na siya at hinarap ang asawa. “Ano, bang problema mo?!” inis niyang wika rito at nagmamadaling bumangon para harapin ang asawa. “Ikaw! Ano ang problema mo?” Balik-tanong ni Adam sa kanyang asawa kung pwede lang niya itong tirisin ay ginawa na niya. “Sinabi ko naman, sayo na! Ako na ang matutulog sa sofa. Dahil ako naman ang natalo, diba?!” mataray na tyran ni Georgie sa kanyang asawa. “Tsk…” tanging nasabi ni Adam at pinaninkitan ng mga mata ang asawa niya. “Ang kulit mo, pwede bang manahimik kana. Naririndi na ang tainga ko sayo!” asar na wika pa ni Adam. “Hindi ako makulit!” muling katwiran ni Georgie at talagang hindi siya magpapatalo sa kanyang asawa tinalikuran niya ito at muli sana siya patungo sa sofa upang doon na matulog ng umangat naman siya at tila bumaliktad ang mundo niya dahil sa pagbuhat nito na parang isang sako ng bigas para ibalik sa kama. “Ano, ba ibaba mo ako?” wika ni Georgie habang hinahampas niya ang likuran nito. “Manahimik ka na, ako na ang matutulog sa sofa. Kapag pinilit mo pa, ang gusto mo at ang kakulitan mo. Sa labas ka na ng mansyon matutulog, naiintindihan mo ba?” awtoridad na wika ni Adam habang pabalik sa kama. Hindi niya akalaing may pagka-makulit at matigas ang ulo ng kanyang asawa. “Ayaw…!” madiing pagtanggi ni Georgie. Nararamdaman niya ang pag-buntong-hininga ng asawa niya, kasabay ng pagbaba sa kanya ni Adam sa malambot na kama. Akmang tatayo siya, ngunit bumalik ng kusa siyang natigilan. Nang hawakan ni Adam ang magkabilang pisngi niya, kasabay ng paglalapat ng labi nito sa kanyang labi. Sa hindi inaasahang pangyayari, at sa pangalawang pagkakataon muli naglapat ang kanilang mga labi. Tila huminto ang mundo ni Georgie at tanging mga mata lang niya ang gumagalaw at naguguluhan sa mga nangyayari. Ang kaninang lapat lang ay unti-unting lumalalim ang bawat galaw ng labi ng asawa niya, parang kay sarap damhin. Hindi alam ni Georgie, kung paano gumalaw ang labi niya at ngayon ay tinutugon ang halik ni Adam. Sa sandaling iyon, tila tumigil ang mundo at ang tanging naririnig lang niya ay ang pagpintig ng mabilis ang puso niya. Ang halik na pinaparanas sa kanya ni Adam ay tila kakaiba kaysa sa unang paglapat ng kanilang mga labi. Sa simula, ang halik ni Adam ay maingat, parang pagsubok, parang pag-aanyaya. Parang sinasabi niya, "Narito ako, handa akong tanggapin ka." At si Georgie, sa kabila ng pag-aalinlangan, ay naglakas-loob na tumugon. Ang kanyang mga labi ay nanginginig sa simula, parang isang bulaklak na nagsisimula ng namumukadkad, ngunit sa bawat pagdaan ng sandali, unti-unting nagiging malambot at malaya ang kanyang paggalaw. Sa bawat paglapat ng kanilang mga labi, parang may isang bagong mundo ang nagbubukas. Ang kanilang mga damdamin ay nagsisimulang mag-usisa, nagsisimulang mag-explore. Ang kanilang mga katawan ay nagsisimulang mag-react, nagsisimulang mag-respond. Ang halik na ito ay hindi lamang isang pisikal na karanasan, ito ay isang emosyonal na paglalakbay. Ang halik ni Adam ay nagdadala ng init at kakaibang damdamin. Parang isang apoy na kumikislap sa dilim, nagbibigay ng liwanag at kaginhawaan. Ang halik ni Georgie ay nagdadala ng lambing at pagtanggap. Parang isang malambot na unan na nagbibigay ng ginhawa at seguridad. Sa bawat paglapat ng kanilang mga labi, parang naging mas malakas ang kanilang koneksyon. Parang naging mas malalim ang kanilang pag-unawa. Hindi maintindihan ni Georgie ang kanyang sarili, at napakalaki ng tanong sa kanyang isipan kung bakit tinugon niya ang halik na ginawad ng kanyang asawa. Dahan-dahang inilayo ni Adam ang kanyang labi mula sa kanyang asawa. “Halik ko lang pala ang magpapatahimik sa'yo,” nakangising turan niya. Tila naman natauhan si Georgie sa sinabi ng asawa niya.a Agad siyang lumayo rito, at akmang sana niya sampalin ang asawa ng mabilis itong tumayo. “Ang manyak mo? Bakit hinalikan mo ako?” galit niyang wika. Ngunit imbes na sagutin siya ng asawa, tumalikod lamang ito at naglakad patungo sa isang pintuan. Naiwan siyang nakanganga dahil hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. “Bwesit, nakadalawa nang halik ang manyak na lalaki ‘yun?!” usal pa niya sa kanyang sarili. Sa sobrang inis na nararamdaman niya, dahil hindi siya makaganti sa ginawa nito. Pinagpapahiran niya ng palad ang kanyang labi. Lumipas ang ilang sandali, lumabas si Adam sa pinasukan nito, silid na isa palang banyo nakapanjama na ito at tumutulo pa ang basa p nitong buhok habang pinapahiran ng isang maliit na towel, hindi maiwasang mapatingin ni Georgie sa asawa. Halos tumulo na ang laway niya ng makita ang mala adonis nitong katawan. Masasabi niyang napaka perpekto ng katawan ng asawa niya. Halos wala itong tapon. “s**t, ano kaya pakiramdam kapag nahawakan ko ang dibdib nito?” tanong niya sa kanyang isipan. Bawat galaw nito tila naging slow motion. Tila huminto ang lahat kahit ang kanyang paghinga ng makita ang magandang tanawin mula sa katawan ng asawa niya.” Napadako ang tingin niya sa pagitan ng mga hita nito. At hindi maiwasang ni Georgie mapakagat labi ng makita ang bumubukol nitong p*********i. Napatampal siya sa kanyang sarili, upang magising siya sa kanyang kamanyakan. At kahibangan. “Oh, s**t… lord patawad nagiging makasalanan na yata ang mga mata ko!” Piping dasal niya. “Laway mo, tumutulo na!” tila nagising siya sa pagkatulala ng marinig niya ang boses ng asawa niya at mabilis niyang pinahiran nag labi dahil sa sinasabi nitong tumutulo na ang laway niya. “Bastos!” Mariing niyang wika at pagkatapos tinakpan niya ang mukha upang hindi makita ang hubad nitong katawan. “Bastos, pagkatapos mong pagnasahan katawan ko!” saad nito. “Ako pa ngayon ang bastos!” Katwiran pa nito sa kanya. “Hoy, kapal ng mukha mo ah!”Ikaw nga hinalikan ako, ng walang pahintulot.” galit niyang wika rito. “Nagustuhan, mo naman ang paghalik ko sa'yo,” tugon pa nito. “Huwag kang feeling ano, sa tingin gusto kong hawakan ‘yan abs mo at lalong hindi ko gusto halikan ako. Hindi ka naman masarap na humalik” iritang sambit niya. Ngunit kusa siyang natigilan ng mag sig-in sa isip niya ang kanyang sinabi. Mariing niya kinagat ang labi. “Baliw ka, talaga Georgie. Bakit sinabi mo ‘yun,” sita niya sa kanyang sarili. “See, sabi na nga ba gusto mong hawakan itong, katawan ko at talaga bang hindi masarap ang halik ko. Halos mangapal na nga itong bibig ko dahil sa pagtugon mo sa halik ko.” nakangisi wika ni Adam. “Pwede, mo naman hawakan. Asa—” hindi na natapos pa ang sasabihin ni Adam ng magsalita muli si Georgie. “No! “Kahit kailan hindi-hindi ko hahawakan ‘ang katawan mo. Kahit mag asawa pa tayong dalawa.” mariing niya wika rito. "Talaga ba, ah?" tanong ni Adam, ang boses niya ay naging malambing, halos mapang-akit. "Kahit kailan? Kahit na…” “Oo nga ang kulit mo,bahala ka na nga!” wika pa ni Georgie at mabilis na humiga at nag taklob ng kumot. Dahil ayaw niya makita ni Adam ang pamumula ng kanyang katawan. Napapailing na lamang si Adam sa inasal ng asawa niya, mukhang may pag matigas ang ulo nito. At hindi basta nagpapatalo. End Flashback Pumasok siya sa loob ng banyo upang makapag-ayos, para makapag almusal na rin siya nararamdaman niya ang pag-aalburuto na ng kanyang sikmura. Matapos ang isang pinakapreskong paliligo, kung saan ginamit niya ang mga damit na ibinigay ng kanyang biyenan at ng kapatid ng asawa niya nagpasya siyang bumaba na. Habang binubuksan niya ang pinto ng silid, isang babae ang nakita niyang nakatayo sa labas. “Ay…” Halos mapasigaw siya sa gulat. Nakasuot ito ng puting uniporme ng katulong, at isang magalang na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. "Good morning po, senorita!" Masiglang bati nito. "Morning," nakangiting tugon ni Georgie ng makabawi na siya sa pagkagulat mula sa babae bigla na lamang sumulpot sa harapan niya. “Sorry, po kung nagulat ko kayo?” paghingi nito ng paumanhin. “Ayos, lang,” napapakamot na tugon niya rito. “Ako po, si Maria isa po sa mga katulong dito sa mansyon ng mga Des Conde,” pagpapakilala nito sa kanya. “Hi, Maria,” nakangiti wika niya. “Ako naman, si Georgie Heaven Lee.” pagpapakilala rin niya sa dalaga. "Señorita, Georgie, pinapatawag na po kayo ni Gov, sa komedor po.” magalang nitong wika sa kanya. Napapakamot sa ulo si Georgie, dahil sa pagtawag nito ng Senyorita. Ayaw niya sa lahat tawagin siya ng mga ganito. Gusto niya pantay lang dahil sa mata ng nakakataas at lumikha ay pantay lang ang lahat ng tao. “Haist, ano kaba huwag mo akong tawagin senorita,” saad ni Georgie sa dalagang kaharap. Ayaw na ayaw niyang magpatawag ng señorita. “O-ho!” Tila nagulat naman ito sa kanyang sinabi. “Ang sabi ko, huwag mo akong tawagin senorita. Georgie na lang o Gie,” sambit niya sa dalaga. Sunod-sunod naman itong umiling. “Naku, hindi po maaari senorita baka po magalit si Gov. Kapag hindi ko kayo tinawag na senorita! Lalo't asawa po kayo ni Gov.” nakayukong sambit pa ng babae. Humugot muna ng malalim na hininga si Georgie. “Sige ka, kapag hindi mo tinigilan ang pagtawag ng senyorita sa akin.” “Pagma-malditahan kita!” Seryoso saad niya sa babae. Lalo naman nanlaki ang mga mata nito. “Bak–” “Naku, huwag mong isipin na pagagalitan ka. Kung hindi mo ako tawagin na senyorita.” Saka hindi naman ako ang boss mo o amo rito. Isa lang naman ako sampit o nakikitira sa bahay ng mga Des Conde.” nakangiti wika niya sa babae. “Pero, asawa po kayo ni Gov. Bryan,” pangangatwiran pa nito. Napapakamot naman sa kilay si Georgie. “Wala naman kaso kung asawa pa ako ng Governor o kahit na sino. Basta tawagin mo ako sa pangalan ko,” “Sige, kapag pinilit mo pa! Magagalit ako sayo? Lalo naman kinabahan ang babae sa kanyang sinabi. “Sige po sen– ay Gie pala,” nahihiya tugon nito. Lumawak ang pagkaka ngiti ni Georgie. “Ayan mas gusto ko ang ganyan tawag.” Saad pa niya. “Sige, Gei punta ka na sa komedor, naghihintay na sina Gov, sa'yo,” sabi pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD