Chapter 6

1584 Words
Kinabukasan: Nagising si Georgie na masarap na tulog. Dahan-dahang siya bumangon at napatingin agad sa sofa kung alsaang natulog si Adam. Ngunit wala na roon ang asawa niya. Naalala ni Georgie ang kanilabg pagtatalo mag-asawa kung sino sa kanilang dalawa ang matutulog sa kama at sa sofa. Ngunit dahil sa kulit niya at hindi nakikipagtalo napilitan ang asawa niya na ito na lang ang matulog sa sofa at siya ang sa kama. Ang kanilang pagtatalo, bagama't tila isang simpleng bangayan lamang, kung sino ang matutulog sa kama at sino ang sa sofa. At sa huli siya pa rin ang nanalo. Sa gitna ng kanilang pagtatalo, nakikitaan niyang may respeto ang lalaki sa isang tulad niyang babae. Kahit ramdam niya na asar na ito nagpipigil pa rin na hindi ‘sya masigawan o gantihan man lang at mas pinili na lamang nitong tanggapin na matulog sa sofa. Sa bawat pagsikat ng araw, nagsisimula ang isang bagong kabanata sa buhay. Ang kinabukasan ay isang malinis na pahina, handa nang punan ng mga pangyayari, emosyon, at karanasan. Para kay Georgie, ang kinabukasan ay hindi lamang isang koleksyon ng mga araw na darating, kundi isang pagkakataon upang palawakin ang bago buhay na kanyang haharapin fldahil iba na ngayon may asawa na siya, kay bilis ng mga pangyayari kahapon lang dalaga siya ngayon naman ay ganap na siyang may asawa. Ang isang proseso ng pag-asawa alam niya hindi madali. Dahil hindi ito isang kanin kapag napaso ay iluluwa. Sa na lang talaga maging maayos ang takbuhin ng kanilang kasunduan na dalawa ni Adam. Ngunit hindi niya makalimutan ang kanilang naging pagtatalo sa nagdaang gabi. Flashback “Ayaw ko ng may katabi!” mariing sabi niya ng makapasok sila sa loob ng silid ni Adam, pagkatapos nilang magkasundo at mag-usap sa harapan ng mga magulang nito. Pansamantala muna sila sa mansyon ng magulang nito. Bukas na lang daw sila uuwi sa sarili nilang bahay ng kanyang asawa. “Okay!” Tipid na sagot naman ni Adam, nang hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa. “Ayaw ko rin naman ng may katabi sa pagtulog,” dagdag na wika pa nito. “Doon ka sa sofa at dito naman ako sa kama.” sabi pa ni Adam ng umupo sa kama at tinatanggal ang suot na sapatos. Napakunot ang noo ni Georgie at nagsalubong ang kanyang mga kilay ng marinig ang sinabi ng asawa niya. “Ano, raw ako sa sofa matutulog?” tanong ni Georgie sa kanyang sarili. Napabaling siya ng tingin dito. “What!” sambit niya at mabilis na lumapit sa asawa niya. “Ano'ng sabi mo?” tanong muli ni Georgie. Napabuntong-hininga siya. Alam niya na hindi pa rin maayos ang kanilang relasyon. Kahit sinabi nilang nagkasundo na sila, para sa kanya-kanyang dahilan. Napatingin naman si Adam sa asawa at natigilan siya ng masilayan niya ang maganda mukha nito. Hindi niya mawari kung bakit bumibilis ang pintig ng puso niya. Ganoong hindi niya ito naradaman sa dating kasintahan na si Jasmien. Ano bang nangyari sa kanya may sakit na ba siya sa kanyang puso? tanong niya sa kanyang sarili at pasimple niyang hinawakan ang dibdib. At pilit na inignore ang nararamdaman pinanatili niyang seryoso ang mukha. “Ang Sabi ko doon, ka sa sofa matulog, kung ayaw mong may katabiu!” pag-uulit ni Adam sa sinabi niya. “No!” matigas niyang wika at pinagdilatan niya ito ng mata. "Babae ako, kaya dapat sa kama ako matulog.” “Ikaw dapat ang matulog sa sofa. Saka ikaw ang nakaisip ng ideya ‘yan,” mariing sagot ni Georgie sa kanyang asawa, habang nakikipag sukatan ng tingin rito. Napabuntong-hininga naman si Adam at dahan-dahang tumayo, mula sa pagkakaupo nito sa kama. Kaya halos hanggang dibdib na lamang si Georgie ng asawa niya. Kung siya matangkad na sa 5-11 mas matangkad ang asawa niya nasa 6 Footer ang tangkad ni Adam. "Hindi, din!" Matigas na wika ni Adam at akmang tatalikod ngunit hinarangan siya ng asawa. “Sandali lang, hindi pwede ‘yang iniisip mo?!” mariing wika ni Georgie sa asawa niya. "Why? “Ako ang may-ari ng kwarto, kaya ako ang dapat na matutulog sa kama. Period.” matigas na wika ni Adam. Sa kabila ng matinding tensyon at hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Georgie at Adam hinggil saan sila matutulog, at kung sino ang dapat matulog sa kama. tila nagdala ito ng kakaibang pagtataka at emosyon sa kanilang samahan. Ang bawat salita at kilos ay naglalaman ng pangitain at hindi pagkakaintindihan sa kanilang pagsasama. Parang may kidlat sa pagitan nilang dalawa na halos parehong ayaw makipagtalo sa isa't-isa. Nang magpatuloy ang kanilang diskusyon at pagbabangayan, hindi mapigilan ni Georgie na maipahayag ang kanyang panig at pagnanais na siya ang may karapatan matulog sa ibabaw ng kama dahil babae siya. “Ganito na lang, bato-bato pick na lang tayo dalawa kung sino ang mananalo,’ suggest ni Georgie sa kanyang asawa na hindi pa rin nag papatalo. “Kung sino makapanalo ng tatlong beses siya ang matutulog sa kama at ang matatalo siya ang matutulog sa sofa.” Usal niya. “Ano, game ka ba?” nakangisi turan ni Georgie sa kanyang asawa. Natigilan si Adam at waring nag-iisip kung papayag ba siya sa gusto ng asawa niya. “Kung ayaw mo, at hindi mo gusto ang ideya ko. Pumayag kana ako ang matutulog sa kama at ikaw naman sa so—” “Cool, game ako,”sagot ni Adam at pagputol sa sasabihin ng kanyang asawa. “Sige, Game!” tugon ni Georgie. “Huwag kang madaya, ah!” Usal pa ni Georgie sa kanyang asawa at pinagdilatan pa niya itong mga mata. Napairap na lamang si Adam sa tinuran ng kaharap. “Tsk,” mahinang usal niya. “Pagbilang ko ng tatlo,” sabi pa ni Georgie at walang pasabi hinawakan niya ang kamay ni Adam at pinagdikit niya ang kanilang mga kamao. “Game na,” “Isa, dalawa, tatlo… bato-bato pick…” sambit niya. Sabay nga nilang binaba ang kanilang mga kamay. At ganun na lang tuwa ni Georgie ng papel siya at ang asawa niya ay Bato. “One-zero,” sambit niya. “Isa pa,” aniya pa at muli naman nagdikit ang kanilang mga kamay. “Bato-bato pick…” sabi muli niya. Ngunit siya naman ang gunting at si Adam naman ang bato. “All one,” nakangisi wika naman ni Adam. Ngunit isang matalim na irap lang ang sinagot ni Georgie. “Game na ulit, dami pang sinasabi.” Nakasimangot na wika ni Georgie. At muli nilang pinagdikit ang kanilang mga kamao. Hanggang sa mag-all two na ang kanilang score. “Paano ba, yan tig-dalawa na tayo panalo,” nakangisi turan ni Adam sa kanyang asawa. “I'm sure naman, na ako ang mananalo.” palaban niyang tugon sa asawa. “Let, see,” mapang-asar na tugon naman ni Adam kasabay ng pagkindat sa kanyang asawa upang asarin ito. “Isa, dalawa, tatlo…. bato-bato pick….” Sabay nilang dalawa at sabay nilang pagbitaw ng mga kamay nila. Sa una pareho silang papel at ganon din sa pangalawa… hanggang sa maging bato si Adam at gunting naman si Georgie. “Oh, paano ‘yan ako ang panalo. Ibig sabihin ako ang matutulog sa kama at ikaw ang sa sofa,” nakangisi wika ni Adam sa asawa niya na hindi na maipinta ang pagmumukha nito ngayon. “Ang daya mo, dinaya mo ako!” himutok ni Georgie at tila hindi matanggap ang pagkapanalo ng kanyang asawa. “What! “Anong pinagsasabi mong dinaya kita!” Sambit ni Adam. “Oo! Dinaya mo ako. Kitang-kita ng dalawang mata ko!” sambit ni Georgie. “Huli kang naglapag ng kamay, kaya nakita mo kung ano ang ginamit ko,” Nag bato kasi nakita mong guting ako,” sabi pa niya sa kanyang asawa. “Ah?” Tanging nasabi ni Adam habang napipigilan ang kanyang sarili. Napahawak sa baywang si Georgie at mariing nakatingin sa kanyang asawa. “Huwag ka na nga mag- maang maangan pa. Alam kung dinaya mo ako!” sita niya rito. “What! Hindi kita dinaya! Baka ikaw ang nandaya!” depensa ni Adam, nagsisimula nang mag-init ang ulo dahil sa kakulitan ng kanyang asawa. “Ah, ako pa ngayon ang ng daya samantalang ikaw ang huling nagbaba ng kamay kaya natalo mo ako!” Madiin na wika ni Georgie sa kanyang asawa. Napapahawak naman sa ulo si Adam, dahil talagang sumasakit na sa argumento ng kanyang asawa. Humugot ng malalim na hininga si Adam at mariing pinakatitigan ang asawa. “Fine, para matapos na ito!” Sambit niya at nagpipigil na hindi niya masakal ang napakulit na asawa niya. At parehong ayaw magpatalo. Siya na lang ang magbibigay, ayaw na niya palakihin pa ang usapin na ito. Gusto na niyang ipaghinga ang sarili dahil napagod na siya sa mga nangyayari, ngayon sa buhay niya. “Sige, ikaw na ang matulog sa kama at ako na lang sa sofa,” sabi ni Adam kay Georgie Biglang nanahimik si Georgie at napatitig kay Adam. Nakita niya ang seryoso ito sa sinabi na pinapaubayo na nito matutulog siya sa kama at ito na ang sa sofa. ang sakit, at ang pagkadismaya sa mga mata ng kanyang asawa. Naisip niya ang kanilang mga nakaraang pagtatalo. “Hayaan mo na, sige na ikaw na ang sa kama ako na lang sa sofa sabagay ako naman ang natalo. Tumatanggap naman ako ng pagkatalo,” sabi niya, mahina ang boses. Napagtanto ni Georgie na mali siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD