"Ikaw talaga, Kel. Huwag ka ngang masungit." Sabi ni Rese sa aking tabihan.
They're talking about stuffs. Kanina pa silang nagbubulungan. It's not that I'm eavesdropping pero can they move out from here? They're annoying the hell out of me. Nakailang irap na ako sa kanila. I get that they do like each other wayback pero hindi ba nila malaman na may nanonood dito at naiistorbo nila?
"Can you please shut it? Or maybe leave me alone? Can't you feel that I'm disturbed because of your voices?" I asked them, super harsh.
Tumingin lang sa akin si Rese at nagkibit balikat bago tinapik si Rykel sa balikat.
"Tara na nga lang sa garden, Kel. Nagsusungit na naman ang matandang dalaga." Anyaya niya.
Ngumuso ako. Look who's talking? Parang may asawa na kung magsalita. I don't care if I'll die an old maid.
"You go first, Princess. I'll just say something to your twin." Sabi ni Rykel. Tumango si Rese at mabilis na umalis.
Hindi ako nagreact. I tried to make eye contact with the tv kahit na wala itong mata. Tumitig ako doon as if kaunti na lang, papasok na ako sa mundo ng narnia. Yeah, I get that it was too lame.
"Thyrene," tawag ni Rykel.
Kita ko ang paghalukipkip niya sa aking tabi. The heck? Hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Inaantok ako at di makatulog. Sinong dapat sisihin? Siya.
Nilingon ko siya.
"What? Kaya kita pinaalis dito kasi naiingayan ako and now you're still here. Shut the f**k up, Rykel." Inis kong sagot.
Kumunot ang noo niya at iritadong bumuntong hininga. Ang kanyang hinga ay ang labis na lalo pang nakakagulo ng aking konsentrasyon. Umirap ako. Hindi ako matatahimik at hindi ko maiintindihan ang pinapanood ko kung mananatili siyang humihinga dito na parang nauubusan na siya ng oxygen.
"Leave, Rykel. Just leave." Galit ko siyang tiningnan.
Umirap siya at mabilis na tumalikod papalabas sa garden. Huminga ako ng malalim at tumingin sa tv. What does he mean na nagbabago na ako? Dahil sa clip? Bakit nakakabago ba ng pagkatao ang clip? Magiging katulad rin ba ako ng tropa ni Sailormoon na nagiiba ng anyo?
Pinatay ko ang tv ko at umakyat na lang sa kwarto ko para matulog. Nakakapagod. Gusto ko na lang na matulog at magising mamayang hapon. I need to charge at baka pag nagising ako ay ayos na ako.
Nagmulat ako ng mata, it's nearly night. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili ko bago lumabas. Bumaba ako dahil gutom na gutom na ako when I saw Manang heading out from the kitchen.
"Oh? Good thing nandito ka na. Tatawagin sana kita kaso ang sarap naman ng tulog mo. Nasa kusina na ang bisita mo." She smiled.
Kumunot ang noo ko. Sinong bisita? Wala akong iniimbita? Hinarap ko si Manang.
"Sino ho?"
Nagulat si Manang. Kumunot ang kanyang noo at tinuro ang kusina.
"Iyong binata kahapon na narito? Sabi ay bibistahin ka raw?"
Kinagat ko ang labi ko at tumango. s**t! Anong ginagawa ni Arellano dito? Lumunok ako at tumingin sa kitchen. Sina nanay at tatay at paniguradong nandito na. Umirap ako.
Kabado akong naglalakad at the same time ay nagmamadaling pumasok sa kitchen. He's seating with them. Nakablack na polo shirt at kumakain.
"Hey," Tawag ni Rese at nginuso ang kaharap na si Arellano.
I rolled my eyes.
Tumayo si Arellano at ngumiti.
"Good evening, Thyrene." Bati niya.
Sina nanay at tatay ay nanonood sa aminng dalawa.
Tumango ako at umupo na sa tabihan ni Rese. No, I won't sit beside him. Baka sakalin ko lang siya ng wala sa oras. I clearly told him not to buzz me. At hindi kami close para pumunta siya dito.
"Thyrene, are you two dating?" Sabat ni tatay, sinusubuan ng kanin ang kapatid ko.
Umiling ako.
"No, we're not."
Nasamid naman sa sariling laway si Arellano sa tanong ni Tatay. Mabilis na inayos ang sarili at humarap sa amin na may awkward na ngiti.
"Hindi po kami nagdedate, Sir. Magkaibigan lang po talaga. Pero I won't close the doors for any possibilities po." Sagot naman niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na kang at di siya tinamaan ng saltik para sabihing oo sa tatay ko. If he does, sisiguraduhin kong wala na siyang ngiting magagawa pagkalabas niya sa pamamahay ko.
Tumango si Tatay.
"Good, coz' I'm actually liking someone for my daughter. Just making sure she's available when he make a stand." Kibit balikat niya.
Natigilan ako. Is this fixed relationship? He's waiting for someone to make a move on me? Unvelievable. Tiningnan ko si tatay.
"I hope it's not something fixed or else you'll gonna lose your daughter."
Tumikhim si tatay, umiinom ng tubig. Maybe he felt that I am serious. If they try to fixed a marriage for me, sisiguraduhin kong tatalikuran ko ang lahat. No one will dictate me. Not my parents. Not everyone.
"No, Rene. Promise, I wasn't. You'll see soon." Ngumiti si tatay.
Hindi ako sumagot. It's not fixed but it will come. Anong ibig niyang sabihin? Nagpatuloy ako sa pagkain. After this, kakausapin ko ng masinsinan itong lalaking ito. Hindi siya pwedeng laging umaaligid sa akin. We're not friends or anything. Nang matapos ang dinner ay nagpaalam na si Allan. Matapos kasi ang usapan ay hindi na umimik si Tatay kay Allan.
"Ganun ba ang tatay mo?" He asked habang hinahatid ko siya.
Tumango ako. Ganoon siya when it comes to us.
"Mabait si Tatay. Pero pag usapang boyfriend, talagang ganun siya magreact." Sagot ko.
Tumango si Allan.
"Kinabahan ako. Akala niya ata, nililigawan na kita." Kibit balikat niya.
Tumawa ako.
"It isn't like na papayagan kita, ano? Like, duh!"
Ngumisi si Allan.
"Malay mo naman diba? Next time na punta ko dito, manliligaw na pala ako? Atleast alam ko na gusto ng Dad mo." Kibit balikat niya.
Napatigil ako sa sinabi niya. The heck, Thyrene! Hindi naman totoo 'yun. Wag ka ngang magreact ng ganyan. Tumango ako at umatras na.
"Umalis ka na, busy na ako."
Tumango siya at pumasok na sa kanyang sasakyan.
"Take care!" He said at bumusina pa.
Tiningnan ko lang na umalis ang sasakyan niya.
Pumasok na ako sa loob. Nanonood si Nanay at Tatay ng tv habang si Thyrese naman ay nakikipag-agawan ng notebook sa nakababata naming kapatid. Umirap ako. Kahit kailan, mortal enemies sila.
"Huwag nga kayong magulo, Rese. Di namin maenjoy ng tatay niyo ang moment. Ang ingay niyo." Saway ni Nanay sa kanila habang nakasandal sa balikat ni Tatay.
Si Tatay ay pinaglalaruan ang kaniyang tenga. Umirap ako kahit na may edad na ay feeling teenager ang lovelife. Haay.
Tumigil naman agad si Rese habang ang bunso naman ay nakasimangot na hawak ang kanyang notebook. Umupo ako sa tabihan ng aking kapatid at inakabayan siya.
"Thyrene, anak.. Kayo ba ni Allan?" Nanay asked me.
Umiling ako.
"Hindi po. Wala akong balak."
Tumango si Nanay. Si Tatay ay nanatiling nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nanood na lang ng palabas sa television. Biglang tumunog ang aking phone. Sinagot ko iyon at lumayo.
"What the heck do you want, Rykel?" Sagot ko sa kabilang linya.
Umirap ako at tinitingnan ang couch kung saan nakaupo si Nanay at Tatay.
"Nothing. Just wanna ask, if princess is there. Nasa bahay ka ba at hindi kasama si Arellano?" Casual ang kanyang boses.
Umirap ako.
"Nasa bahay ako, okay? Bakit hindi siya ang tawagan mo? Mukha ba akong secretary niya?"
"Can't reach her. Unattended." Paliwanag ni Rykel. Huminga ako ng malalim. Dinilaan ko pa ang aking labi.
"Yeah, wahatever. I'll give my phone to her."
Maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako.
"No, don't. Just tell her..." Medyo tumigil siya para bang nag-iisip. Seryoso? May sasabihin ba talaga 'to?
"Rykel, my time's precious. May gagawin pa ako. Kung magpaprank ka lang dyan. I'll tell Thyrese na abangan ang tawag mo sa kanya, di 'yung pati ako naiistorbo." Iritadong sabi ko.
Ang tagal na puro hinga ang naririnig ko sa background.
"Bakit? May tatawagan ka ba? Si Arellano?" He asked me continuously.
"Paki mo? Ang daming tanong. Ibababa ko na 'to." I answered.
"Bakit ayaw mo sagutin? It's just a yes or a no, duchess." Seryoso ang kanyang boses.
"Di ko naman alam na dapat pala updated ka sa amin ni Arellano. Sige para matahimik ka. No, I'm not texting him. Wala nga akong number niya for Pete's sake!" Mas iritado na ako.
Masyado namang chismoso ito. Nakukuha ko na mortal enemy silang dalawa pero sobrang hater naman ata niya.
"Okay. Just tell, princess na, it's about protecting what's mine, she'll get that. Goodnight, duchess. You take care." At pinatay niya ang tawag.
Lumapit ako muli kina nanay at tatay.
"Hmmm, anak? Sino tumawag?" Tanong ni Tatay.
Umupo ako sa dating pwesto at binaba ang phone sa center table.
"Si Kel, 'tay. May pinapasabi kay Rese." Sagot ko.
Tumaas ang kilay ni Rese sa akin.
"Huh? For me?" She eyed me.
Tumango ako.
"Yeah. He said it was nothing raw, just protecting what's mine. You'll get that daw." I said at pinaglaruan ang buhok ng kapatid.
"Oh! Yeah. I get it. Crystal Clear." Dinilaan niya ang kanyang labi at ngumiti.
May codes sila ni Kel? Wow, iba na talaga ang dalawa.
Baka isang araw na lang mamalayan ko na itatakda na ang kasal nila. Pumikit ako. Hindi ako nagseselos, ayoko lang talaga na mahawaan ng saltik ni Kel ang kapatid kong sobrang babaw ng mga paniniwala.
Tumango si Tatay at nakangiti lang si Nanay habang nakatingin sa tv. They all look weird. Sumandal na lang ako at di na pinansin. Mabuti pa ay ienjoy na lang na sama sama kami ngayon.