Kabanata 5

1153 Words
        "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko kay Arellano na half running na ang ginagawa habang hinihigit ang braso ko.     Mabuti na lang at nakasuot ako ng flats kung hindi ay matagal ko na siyang sinakal gamit ang aking mga kamay. Nasa mainit na field kami.         "Allan Miguel Arellano, saan mo ba kasi ako dadalhin?" I asked him, again.     Nilingon niya ako.          "Basta."     Nagpatianod na lang ako hanggang sa dalhin niya ako sa may study area. Walang tao doon na nakakapagtaka. Umupo siya sa isa doon at minuwestra na umupo ako sa harapan niya.         "Hintay lang."      Tumayo siya at kinuha ang isang malaking itim na case na nakasandal pala sa dingding. It was a guitar. Umupo siya sa harapan ko at nilabas ang isang kulay brown na gitara. May sticker rin iyon ng kanyang pangalan.         "You know how to play, huh? Another talent of the Allan Miguel Arellano." I said mockingly at ngumisi.     He's indeed a total package except the heartbreaker part. Tumawa siya at inayos ang tono noon. Umubo siya at tiningnan pa ako ng may isang beses.          "Just promise me you won't laugh, okay?"     Tumango ako. I'm kind of eager to know him too.          "Go ahead and show me what you've got."     Nag-intro siya sa isang pamilyar na kanta.         "Re-rewind Friday night, never forget it. How you let me go No more lies I'll be fine, I know where I'n headed.. Probably should've known"     Malamig ang kanyang boses. Kahit na hindi iyon perpekto dahil sa shaky niyang umpisa ay mababanaag mo na ang maganda niyang boses. Napatigil ako sa kanya at tiningnan siyang nakapikit habang nagtitipa at kumakanta.     Bigla na lang nawala ang lahat sa paligid. Tanging ako lang at siya ang nakikita ko. Parang wala kami sa study area. Nablangko ako at tanging ang pagdilat at pagpikit niya lang ang nasusundan ko. At sa minutong iyon ay alam ko nang may mali sa akin. Pero hindi ko pinigil ang sarili ko.         "Turns out that no one can replace me, I'm permanent you can't erase me... I'll help you remember me, one more kiss is all it takes."     Matapos niyang kantahin iyon ay tumingin siya sa akin. Mabilis ang pintig ng puso ko. Wala akong magawa kundi ang matulala sa kanya.         "I'll leave you with the memory, and the aftertaste." Tinapos niya doon ang kanta at tiningnan ako.      Binaba niya ang gitara at nakatitig lang sa akin. Wala akong magawa kundi ang tumulala sa kanya. Kinagat niya ang labi niya at tinaas ang kamay.         "So?" Tumaas pa ang kanyang kilay.          "Ano? Okay ba?" He asked me again.     Lumunok ako.          "Okay, lang." Iyon lang ang naisagot ko at nagmamadaling tumayo.         "Where are you going?" Naguguluhan niyang tanong.      Nag-init ang mga pisngi ko at inayos ang sarili. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Thyrene, what's happening?         "Ah! May gagawin pa ako. May klase pa akong ng ganitong oras." Naglakad na ako pero pinigilan niya ako.     Kunot noo siyang nakatingin sa akin.          "Thyrene, anong klase? Block section tayo." He stated.     Agad naman akong napakagat sa aking labi. Damn, kaklase ko nga pala siya sa lahat ng subject. Ano ba naman! Hahanap na nga lang ng rason, palpak pa.     Tinagtag ko ang kamay ko ngunit di niya ako bitawan. Sasabog na ako sa kung anuman ang nagwawala sa loob ko. Hindi ako kumportable kay Arellano.         "Duchess? Arellano?"      Narinig ko ang boses ni Rykel mula sa aking likuran.          "Anong nangyayari dito?" Tanong niya habang minamata ang kamay kong hawak ni Arellano.     Mabilis kong kinalas ang kamay ni Arellano at tiningnan si Rykel na nakamasid sa amin. Lumapit ako sa kanya at hinigit siya sa kanyang braso.         "Oo nga pala, Arellano. Tuturuan ko pa nga pala si Rykel doon sa lesson na di niya gets. Sige, see you around." Hindi ko na hinintay na makasagot si Arellano at tumalikod na habang higit higit si Rykel.         "Saan ba tayo pupunta, Duchess? Saka bakit ganoon kayo nung Arellano'ng iyon ng datnan ko?" Tanong niya.     Umiling ako at mas lalo pa atang uminit ang aking pisngi. What the heck, Rene? Stop blushing.         "And why are you acting like that? And you're blushing?" Tanong niya at tumigil sa paglalakad para harapin ako.     Hindi ako makatingin kay Rykel. I know right? Maging ako ay hindi alam kung bakit! At ayoko ng nararamdaman ko.         "Tell me, kayo na ba ni Arellano? Do you have feelings for him?" He asked me.      Nakatitig lang ako sa kanya. Am I having feelings for him? Nang hindi ako sumagot ay hinigit ako ni Rykel sa aking pulsuhan at hinigit papunta sa kanyang kotse. Nagpatianod ako habang iniisip ang tanong niya. What am I feeling right now? Do I like Arellano? Bakit biglang ganito?     Maybe, I'm too attached to him. Kailangan kong lumayo habang maaga pa at kayang pigilan. Kasi kung anuman ito, I sense that this is bad. Pinapasok niya ako sa front seat. Hinintay ko siyang makapasok at pinaandar niya iyon papalabas ng school.         "Saan tayo?" Tanong ko.      Binabagtas na namin ang kahabaan ng national road.         "Kakain sa labas. Samahan mo ako." Malamig na sagot niya ng di man lang ako nililingon.      Nang matraffic kami ay tahimik pa rin siya. So, nasaan ang dating Rykel? Nagulat ako ng hampasin niya ang manibela at bakas ang panggigigil niya roon.         "Anong nangyayari sa'yo?" Hinarap ko siya.      Magkasalubong ang kanyang kilay at mahigpit ang hawak sa manibela. Hindi siya sumagot. Nagmaneho na ulit siya  ng walang imik. Nanatili akong nakatitig. Anong nangyayari?     Ipinark niya ang sasakyan sa parking lot at padabog na binuksan ang pintuan. Sumunod ako sa kanya na nauuna na sa paglalakad. Sumabay ako sa kanya at hinigit siya sa kanyang braso. Madilim niya akong nilingon. Kunot noo ko siyang tinitigan.         "Kel, ano bang problema mo?" I asked him.      Nanatili siyang nakatingin sa akin at umiling. Naglakad na naman siya. Napairap ako. Seriously? Kaninang paalis kami sa school ay umiimik pa siya. Nagalit siya dahil sa traffic?     Ito ang hirap kay Kel. Hindi siya palaimik kaya hindi mo alam ang takbo ng utak niya kapag kasama mo siya. Halos tumakbo ako para abutan siya. Hinigit ko ulit siya. This time, mas iritado na siya.         "What the f**k, Duchess? Anong problema mo at higit ka ng higit?" Tinagtag niya ang kamay ko sa braso niya at mariin akong tinitigan.     Tumaas ang kilay ko at humalukipkip.          "Ano? Ako pa ang may problema? Eh sino ba ang bigla na lang nagdadabog? Ang labo mo rin, eh!"     Huminga siya ng malalim at umiling.          "You won't understand me, anyway." At tumingin sa malayo.     Hindi ko inisip ang mainit na parking lot. Hinaayan kong pagpawisan ako basta malaman ko lang ang kinagagalit ni Kel. Para siyang dalagang may period kung umarte.         "Hindi ko maiintindihan kung di mo sasabihin." Seryoso kong saad.         "I can't, Duchess.  Hindi pa ito ang oras para malaman mo ang kinagagalit ko."  Tumikhim siya at hinila ako papasok sa mall.     Rykel's still a mystery. I don't get him, at all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD