"Tama ba ang nakikita ko? May hairclip na sa tabihan ng buhok mo?" Tanong ni Allan pagkapasok ko pa lang sa examination room.
Umirap ako sa kanya.
"Masama ba?"
At umupo na sa pinakasulok para makapagreview ulit. He shrugged and seated beside me.
"Hindi naman. I'm just wondering. You look pretty pa rin without it."
Tiningnan ko lang ang notes ko. Ano ba pang ieexpect ko? Playboy yan. Mabulaklak ang dila niyan. Hindi na rin niya ako inistorbo at nag-umpisa na rin siyang magreview. Kinakabahan ako, If I messed this up.. Hindi ako makakakuha ng internship. I need to pass this or if possible, ace this.
Dumating ang examiner kasama si Rykel. Napuno naman ng bulungan ang room. Ano pa nga ba? Half of the class were girls and probably admiring him. I sighed.
"Goodmorning students," bati ng examiner. "This is Rykel. Naubusan ng seat yung class nila so dito siya kukuha ng exam. Sit beside her." Tinuro ng examiner ang silya sa tabi ng isang nerd na babae.
Sinulyapan siya ni Rykel kaya namula siya. Umiling ako at nag-umpisa nang ayusin ang mga gamit ko.
Pinasa na ang mga questionnaire at answer sheets. Tinanggap ko iyon at tinitigan. Sinulyapan ko si Allan na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Goodluck."He mouthed.
I nodded. Nagfocus ako sa pagsasagot.
Tumagal ng isang oras ang pagsasagot ko. The exam's not easy nor hard. It was average. Mahirap kung hindi ka nagpuyat. Paikot ikot at parang lawin na nagmamasid ang examinees.
"Miss."
Nagtaas ng kamay ang katabing nerd ni Rykel. Tiningnan ko iyon.
"Naputol po ang lapis ko. Can I get my sharpener?"
Tiningnan siya ng examiner. Nagdadalawang isip kung papayagan ba o hindi. Tumingin na ako sa papel ko. Mauubos ang oras kung manonood ako.
"I have extra here. Take it." Inabot ni Rykel ang kanyang lapis sa babae.
So playing gentleman, huh? Umiling ako ng lalo pang mamula ang babae.
Watch out, nerdy. Pasimpleng playboy 'yan. Kilala ko na 'yan simula pagkabata. Napailing ako ng matagal na akong tulala at nakita ko ang examiner na tinititigan ako.
Umiling ako at kinagat ang labi para magsagot na. Masyado na akong distracted. I need to ace this. Matapos ang tatlo pang oras ay natapos na rin ang exam. Tumayo ako para ayusin ang gamit at magpasa ng papers. Ngumisi ako dahil sigurado na akong makakakuha ako ng internship next month.
"What's with the happy face, Luna?" Nakangiting lapit ni Arellano sa akin.
Nakasuot ang isang strap ng kanyang bag sa kanyang balikat at nakataas ang kilay.
"Shut up, Arellano."
Naglakad na ako papalabas. Rykel's not here anymore. Siya ang pinakaunang nakatapos sa exam. Sinundan niya ako hanggang sa may gate ng school. Hinigit niya pa ako sa stand ng fishball at kung anu-ano pa. Don't get me wrong. Hindi ako maarte. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga ito.
"I'll go home, Arellano." Hinigit niya pa rin ako at tinapat niya ang isang pirasong fishball sa aking bibig.
Tumaas ang kilay ko. I just wanna sleep. Hindi talaga ako maintindihan ng lalaking ito.
"I told you, I'm go--" Hindi ko natapos dahil sinubuan niya agad ako noon.
Ngumiti pa siya sa akin at tumusok pa ng isa habang nakahawak pa rin sa pulsuhan ko.
"Hmmm. Sarap no? Samahan mo muna ako. Promise after nito pwede ka na umuwi. Unwind muna tayo. Hell week's done." Sabi niya at inabutan ako ng stick.
Well yeah, hindi naman siguro masama? Kumuha na rin ako at kumain. Nang mabusog na ay bumili kami ng mga gulaman at umupo sa bench.
Matagal na simula ng nag-unwind ako. High school pa ata ako noon. Simula ng magcollege ay nagseryoso ako. Nagpromise ako kay Tatay na gusto kong maging doctor at magiging ganoon ako in perfect time.
"It's fun to be with you, you know? Hindi ka kasi maarte. Kahit ano, go ka. Kung di ka lang siguro masungit, why not? I think you'll be every guy's dream." Sabi niya, out of the blue.
"Hindi naman ako kagaya ng mga babae mo, Arellano." Hinga ko.
Nagseryoso siya sa akin.
"Wag mo namang sabihing mga babae ko. Feeling ko naman manwhore ako nyan."
Tinapon ko ang stick sa kanya.
"Hindi ba? Eh kung sinu-sino na nga lang kinakama mo at hinahalikan. Araw araw may umiiyak sa harapan mo. Manwhore ka talaga."
I know, it's harsh. Pero anong magagawa ko? I don't do sugarcoating. Simula't sapul ay ganito ako. I said what I wanted to say. Hindi ako nagfifilter. Lying is pointless. Nagsalita ka na naman, why tell the truth right?
"Kinakama ko sila pero hindi naman ako ganoong kasama. It's their choice too. Kung matino sila at gusto nilang sineseryoso, bakit sila magpapagalaw diba? Kagustuhan rin nila. I just give them what they really want." Nagkibit balikat pa siya.
Hugas kamay pa. Ngumiwi ako.
"Well, I can't argue more. Uuwi na ako," Sinikop ko ang gamit ko at pinagpagan ang puting uniform ko. "I wanna sleep. Don't buzz me this whole day."
Naglakad na ako papunta sa parking lot. Hindi na rin niya ako sinusundan. I just wanna lay on my bed all day. Nakakapagod ang isang buong linggong walang tulog. Plus, pagkauwi ni Thyrese sa bahay.. Alam ko na naman na magrarant yun ng lahat ng mali sa araw na ito. Mapapagod lang ako.
Pinatunog ko ang aking sasakyan ng higitin ako ng kung sinuman mula sa likuran ko.
"Hey, duchess." aniya.
Nilagay ko ang bag ko sa passenger seat at mariing tiningnan siya. Nakasandal siya sa pader, usual pose. At talagang puting puti ang kanyang med uniform.
"Ano na naman Kel? Uuwi na ako." Tinitigan ko siya.
Wala man lang kapuyat puyat siyang tingnan. Fresh as vegetables ang peg niya.
Ngumisi siya.
"I know. I need a ride." Sabi niya.
Huminga ako ng malalim ng buksan niya ang passenger's at sumakay doon.
"Kel, hindi na kita kayang ipagdrive. Too tired. Sa bahay ang diretso ko." Naiinis kong sagot.
Nagkibit balikat lang siya at parang walang naririnig. Ganito na ba sila ngayon? Puro matitigas ang bungo. Siya at si Arellano, parehong pareho!
"Saan ka ba? Sige ipagdadrive kitang mabilis tapos uuwi na agad ako. Hindi kita mahihintay, okay?" Paliwanag ko.
Tinitigan niya lang ako. Umirap ako. Ano titigan na lang?
"Thyrene, I want you to freaking wait for me." Iyon lang ang sagot niya.
Ano? Mukha ba akong driver niya?
"Hindi ko nga kasi kaya, Rykel. Find another one who's willing to wait for you. Kasi hindi ako iyon. Kasi antok na talaga ako."
Huminga siya ng malalim at ngumisi sa akin. Naglagay siya ng seatbelt habang pinapanood ko. Nang matapos siya ay ngumuso siya. Nakatitig lang ako sa kanya. I get that he's absolutely hot pero malakas ang saltik niya.
Lumapit siya sa akin at mas lumapit pa ng bumaba ang kanyang mukha sa bandang tiyan ko. What the heck? Ramdam ko ang biglang kuryente. He's like kissing my tummy. May inaabot siya at tinaas iyon ng makuha sa gilid ng bintana. Lock ng aking seatbelt. Nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang lapit ng mukha niya.
"Seatbelt," Tinaas niya iyon at pinulupot sa aking katawan.
"Always wear your seatbelt, duchess."
Ramdam ko ang kanyang hininga at ang bango niya. Pumikit ako ng mariin at minulat. He's staring at me.
"Tumabi ka nga." Tinulak ko siya.
Tumaas ang gilid ng labi niya.
"You're affected by my presence, aren't you?"
Umiling ako at binuhay ang makina ng sasakyan ko. Masyadong feeling.
"No. Saan kita ihahatid?" I asked breathlessly.
We're close when we were kids. Hindi kami bestfriends at playmates. We're close to kill each other. Kapag nasa bahay ako ni Tito Von, nadadatingan ko siya doon minsan. And we were end up, fighting over small things.
Prangka ako, prangka siya. Hanggang sa magsagutan kaming dalawa.
Nagkibit balikat siya.
"Sa bahay niyo." Sagot niyang tipid.
"Anong gagawin mo sa bahay namin, aber?" I asked.
Matutulog ako at paniguradong mambibiwisit lang siya.
"Chill. Di pa ako aakyat ng ligaw, duchess. Your mom's asking me to get and deliver her gift to Uncle Von."
So, inuutusan siya ni Nanay? Kailan pa siya naging masunurin? Naging tahimik ang byahe namin. Tanghali na kaya traffic na rin ang lansangan.
"So, you and that Arellano guy's hanging out?" He asked me.
Nilingon ko siya.
"The heck? No. Bumubuntot siya sa akin."
Tumaas ang kilay niya sa sagot ko. Umabante kami ng sandali kaya naputol ang tingin ko sa kanya.
"Well, if that's the case mali ang rumors. Some rumo is spreading na kayo na raw nung Arellano." He said.
Di ko alam na chismoso na pala siya. Umiling ako.
"No, we're not. I'm not gonna change my opinion about Arellano. He's nice but he's a sucker for s*x. Mabait siya and he's actually not bad pero hindi ako mahuhulog sa kanya." I answered.
"We're better off as friends. My feelings not gonna change, Kel."
Tumango siya. Walang kahit anong emosyon habang nakatingin sa akin. Sa titig niya iyon at gusto kong malaman kung ano ang nasa utak niya.
We were silent hanggang sa malapit na kami sa bahay. Hindi ko alam kung bakit nanahimik na lang siya bigla. And who am I to care right? Maybe he's moodswings attacked him. Lagi namang ganyan.
Tinigil ko ang kotse sa harapan ng bahay. Tinagtag niyang mabilis ang kanyang seatbelt o mas sabihin na nating padabog. What the heck?
Lumingon siya sa akin.
"You won't change your feelings for Arellano? Really? Coz I think you are."
Nakatitig ako sa malamig niyang mata. Bakit ganito ang usapan? Hindi kami naghalikan ni Allan para maging ganito kabig deal at lalong di kami ni Rykel para mag-explain ako. This is why I hate to commit. Bawat galaw, may explanation.
"What do you mean, Rykel?" Tanong ko, seryoso.
Humilig siya papalapit sa akin kaya lumayo ako. But since I'm still wearing my seatbelt mukha lang ang nailayo ko. Tinaas niya ang kamay niya at mabilis na kinuha ang hairclip sa buhok ko.
Pinakita niya iyon sa akin. His eyes were too dark.
"This is what I'm saying. Kailan ka pa nag-hairclip? You are not used to them right? See, duchess? You're changing because of that guy."
Lumabas agad siya sa kotse at iniwan akong tulala. Kinalas ko ang seatbelt at umalis na rin ng makita ko siyang pumasok na sa loob. Sumunod ako. Hindi ko alam kung bakit. Ang kaninang inaantok kong diwa ay gising na gising na.
Nang madatnan ko sina Nanay at Thyrese sa living. They're watching America's next top model.
"Rykel, hijo." Bineso siya ni Nanay.
Si Thyrese naman ay nakangising malapad kay Rykel. They're close rin. Minsan nang naging crush ni Rese si Kel noong mga bata pa kami. But she said wala na raw ngayon. At wala rin naman akong pakialam.
"Hi, Kel!" Bati ni Thyrese.
She's wearing high waist ripped shorts at talaga namang exposed ang kanyang legs. Nakasleeveless top pa. She's stunning at talaga namang pagpapantasyahan ng mga kalalakihan.
Nakita na rin ako ni Nanay at ngumiti sa akin. I smiled and kissed her cheeks. Tatay's probably in the office. Lumapit si Rese kay Kel na may malapad na ngisi. Ngumiti na rin si Kel at hinalikan si Thyrese sa pisngi.
"Hi, my princess." Tumawa si Rese at hinampas pa sa braso si Kel.
Napaiwas ako ng tingin doon. Kunwari pa, type rin naman pala ang kapatid ko.
Ang gulo.