Napadalas ang pambubulabog ni Arellano sa akin. Medyo nasasanay na rin ako sa palagi niyang paghigit, pagbuntot sa akin saan man at anumang oras. I like hanging out with him, though. Walang arte, walang drama.
And everytime na may magtatanong kung ano ba ang aming relasyon, iisa lang ang nagiging sagot niya:
"Friends lang kami."
Nakaupo ako sa study area kung saan kami tumatambay palagi. Tahimik dito at nakakapag-aral naman talaga kaming dalawa. Siya na rin ang naging study body ko. Mas mataas na grade kasi ang palagi kong nakukuha noong magkasama kaming mag-aral. So, I kinda used him too.
"Oh, kanina ka pa? Sorry, may hinatid pa ako sa clinic na babae eh." Bungad niya ng maabutan akong nagbabasa ng notes para sa exams sa makalawa.
I shrugged.
"Okay lang. Atleast, nagkaroon na ako ng konting alam."
Umupo na siya sa aking harapan at binuksan ang makakapal na libro sa biology at kung anu-ano pang science book.
"Nakapagdecide ka na ba kung anong field ang pipiliin mo?" Tanong niya.
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Matagal ko nang napag-isipan iyon. Mula bata ako, iyon na ang pangarap ko.
"Cardiologist." Sagot ko.
Ngumiti siya.
"Well, that's hard. Goodluck." Nagthumbs up pa siya.
Sinara ko ang aking libro at tiningnan siya.
"Ikaw? Anong pipiliin mo?"
Tumawa siya.
"Obstetrician-Gynecologist."
Umiling ako sa kanya. Sa dami ng mapipili talaga namang doon.
"So you will see and touch different p*****s on the field? No doubt you choose to be an ob gyn." I laughed at the thought.
Namula siya sa sinabi ko.
"Hey, it's no that!" Tikhim niya.
"Marami na akong nakita. Kung 'yun lang ang magiging rason ko, edi sana pumunta na lang ako sa bar at naghanap dun." Depensa pa niya.
Pinigilan ko ang pagtawa. Tinuon ko iyon sa libro ko para magbasa. Ito rin ang gusto ko, nakakatawa ako kapag kaharap ko siya. 'Pag si Arellano kasi, masyadong open siya. Hindi siya mahilig mangjudge. 'Di ko nga alam na ganito ang lalaking ito eh. Kung alam ko na matagal na siyang ganito... Ako pa mismo ang makikipagkaibigan sa kanya.
"What's your reason then? Mr. Fuckable?" I laughed.
He rolled his eyes. Ngumisi ako doon.
"Kasi ayoko na may hahawak na iba sa magiging asawa ko! Gusto ko ako lang makakakita sa ano niya." Napatigil ako sa paghagalpak sa rason niya. Ang babaw!
"Ano? Para sa magiging asawa mo? Wow, may balak kang mag-asawa sa dami ng babae mo?" Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Grabe siya!" Kunwari ay nasaktan pa siya at humawak sa dibdib niya.
"May balak naman ako noh! Syempre habang wala pa ang magiging asawa ko, paloko loko muna ako. Anong gusto mo kapag nandyan na siya saka pa ako magpaloko loko? This is the pace where I'll chase girls before I go serious."
Hindi ako nakasagot. Well, that's his perspective. Hindi ako pwedeng magdikta sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako at tiningnan ang mga terms na kailangang masaulo ko. Another side of his reason was sweet.
Nagpatuloy kaming mag-aral sa buong vacant namin. Seryoso kaming dalawa. Malapit na kasi kaming kumuha ng major namin. Malapit nang malaman, kung makakapasok na ba kami sa field na gusto namin. Nang matapos na ang vacant ay sinikop na namin lahat ng libro at mga notes para makapasok na kami. Umaakyat na kami sa building ng makasalubong namin ang nakapamulsang si Rykel.
Nagkatinginan kaming dalawa. Simula ng higitin niya ako papunta sa mall ay hindi na kami nag-uusap. Kumain lang kami noon at binalik niya rin ako agad sa school. Walang imikang naganap. Para kaming sabay na naglalakad pero di magkakakilala.
"Hey." Bati niya sa akin.
Nauna si Arellano na pumasok sa classroom at sinulyapan ako. Tumango ako at tumigil para hintaying magsalita si Rykel na nasa harapan ko.
"Bakit?" I asked him.
Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Naglakbay ang kanyang mata sa aking mukha at tuimigil iyon sa hairclip na nakasuot sa akin.
"You're wearing hairclips again." Puna niya at binalik ang tingin sa akin.
"Magkasabay pa kayong pumasok."
Lumunok ako. Ganun? Matapos ng ilang linggo niyang di pagkausap sa akin? Wala akong maalala na nag-away kami.
"Uh, yeah." Awkward na sagot ko.
Lumapit siya sa akin ng dalawang hakbang at inangat ang kanyang kamay na dapat ay may gagawin pero di naituloy. Nag-iwas siya ng tingin at binalik ang kamay sa bulsa.
"I'm going. You have a class right?" Tanong niya. "Go ahead, duchess."
Hindi na siya naghintay at umalis na agad. Pinanood ko lang ang kanyang likuran na lumiko papunta sa hagdanan. I don't get him? Ang weird niya na ngayon. Pumasok na ako sa loob at umupo sa tabihan ni Arellano na ngayon ay nakatitig sa cellphone niya.
"Anong pinag-usapan niyo ni Garcia?" Tanong niya at sumilip sa akin bago nagtipa ng text doon.
"Wala. Pinuna lang ang hairclip ko?" Nagtataka kong tanong at bumaling sa mga kaklase kong nagtatawanan at nagsusulat ng kung anu-ano sa white board.
Binaba niya ang kanyang cellphone at tumingin sa akin.
"Huh? I think you are pretty with or without it." Ngisi niya.
Umirap ako. Hindi siya pumalya ng pagpuri sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o palabas lang niya dahil nga madalas niyang ginagamit ito sa mga babae niya. Saktong dumating ang aming professor. Nagsi-upuan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang silya.
"Good afternoon," Bati ni Dr. Rivera.
"Malapit na ang exams niyo para sa pagmamajor. Better study."
Matagal ko nang pinaghahandaan iyon. Madalas kaming mag-aral ni Arellano sa mansyon para dito. Ang alam ko at sa end ng sem iyon dahil sa susunod na sem ay mag-iintern na kami.
Natigil ang bulungan ng may kumatok sa pintuan. Dumungaw si Rykel doon at tinanguan siya ng aming professor.
"Come in and take your seat, Mr. Garcia." Pumasok si Rykel at umupo sa bandang unahan katabi na naman noong nerd naming kablockmate.
'Wag mong sabihing kaklase ko si Rykel sa subject na ito? Sa kabilang section siya kaya naman nakakapagtaka. Nagdiscuss lang ang aming professor ng kung anu-ano na dapat naming tandaan.
"Next week, I want you to prepare for a debate about lesson 24 on your textbook. Say present, and listen for the groupings." Binuklat niya ang kanyang planner.
"Baltos, Miguela. Michael, Laysa. Rosales, Dean Marc." Nagtaas ng kamay ang tatlo at tiningnan iyon ng professor namin.
Napakagat ako sa labi ko. Groupings ito. Ayoko ng mga ganito. Mas nahihirapan ako lalo na kapag di ko naman kasundo ang mga makakasama ko. Naubos ng naubos ang mga pangalan ng kaklase ko pero hindi pa kami natatawag.
"And lastly.. Luna, Thyrene Solenn. Arellano, Allan Miguel."
Sinarado niya ang planner at inayos ang kanyang salamin. Mabuti naman. Nagtanguan kami ni Allan at naghighfive sa narinig.
"Sir." Nagtaas ng kamay si Rykel.
Napatingin kaming lahat doon. Tumango si Dr. Rivera na para bang may nakalimutan siya.
"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko na transferee si Mr. Garcia dito sa subject ko. Group with Ms. Luna and Mr. Arellano since sila lang ang dalawahan dito."
Lumingon siya sa aming direksyon at tipid na tumango. Nag-iwas ako ng tingin. Magkakagrupo na naman kami.
"Dismiss."
Umalis kaagad ang mga kaklase ko para makauwi sa kani-kanilang mga bahay. Sinikop ko na rin ang aking mga gamit at nilagay sa aking bag.
"Mauuna na ako, Luna." Tinapik ako ni Arellano sa balikat.
Tiningnan ko siya. Madalas, sabay kaming pupunta sa parking lot. Pinakita niya ang kanyang cellphone.
"Dinner with family." Paliwanag niya.
"Sure." I said at ngumiti na.
Umalis na siya at ako na lang ang naiwan sa loob. Nag-ayos muna ako ng buhok. Gabi na, siguro ako na lang ang tao sa building na ito. Panay pa naman ang usapan na may multo raw dito. Umalis na ako at mahigpit ang hawak ko sa aking bag dahil pansin ko ang walang katao-taong hallway at patay ang ilang ilaw. Kinagat ko ang labi ko at humakbang papaalis doon.
Pagkaliko ko papunta sa hagdanan ay halos mapatalon ako ng maaninag ang isang lalaking nakaputi. Nakasandal sa pader at parang may hinihintay.
"Rykel!"
Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang gulat. Nilingon niya ako at walang imik na sumabay sa akin sa pagbaba ng hagdanan.
"Ano bang ginagawa mo doon? Grabe, aatakihin na ako sa takot! Nakaputi ka pa!" Bulalas ko.
Umangat ang tingin niya sa akin.
"May hinahanap lang ako doon. Nahulog ang keychain ko." Kibit balikat niya.
Tumango ako. Mabuti na rin para may makasabay ako. Nakakatakot pa naman ang building na ito. Nang marating namin ang ground floor ay nagtungo na kami sa parking. Nabibingi ako sa sobrang katahimikan. Naunang madadaanan ang sasakyan ko. Tumigil ako doon at binuksan ang pintuan.
"Duchess." Tawag niya.
Nilingon ko siya. Matagal siyang natahimik at nakatingin lang na parang may gustong sabihin.
"Oh?"
Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng tingin. Narinig ko ang iilan niyang mura sabay kumagat labi.
"Saturday, 3 pm. Sa bahay namin. Tell, Arellano." Aniya bago ako iniwan doon para puntahan ang sasakyan niya.
Pinanood ko lang siyang makapasok doon bago ako pumasok sa aking sasakyan. He's acting damn strange.