Kabanata 2

1525 Words
    Pagkagising ko nung umaga ay tumambad sa harapan ko si Thyrese kasama ang kanyang mga kaibigan sa living room. Naglalagay sila ng ng nail polish at nagtatawanan. Yeah right! Hindi ko alam kung bakit pinipilit ng kapatid ko na magpakabitch eh alam ko namang di siya ganito.     Matatakutin yan eh.         "Oh? Hi, Thyrene!" Bati noong isa niyang kaibigan, Marge ata ang pangalan.      Tumango ako at dinampot ang makapal kong libro bago pumunta sa kitchen. Mag-aaral kasi ako at hindi ko iyon magagawa kung maririnig kong maghagikhikan ang mga babaeng iyon. Binati ako ni Manang na abala sa pagluluto ng pagkain para sa mga bisita. Umupo ako sa high stool at nagprepare ng cereals.         "Nasaan po si Nanay at Tatay?" Tanong ko.      Usually kapag sabado ay wala silang trabaho. Sexy time raw nila iyon. Nadidiri pa rin ako kapag naririnig ko.     Umiling si Manang at ngumiti.          "Lalabas muna raw sila kasama si Thyrone. Hindi ka na ginising dahil mabobore ka lang raw."     Tumango ako.      Kilala talaga nila ako. Ayokong tumunganga sa mall. Knowing Nanay, magtatagal talaga iyon sa pamimili pa lang. Nagsimula na akong magreview para bukas.     Nagpatulong rin si Manang sa pag-aayos ng hapag. Naglagay ako ng kubyertos para makakain kami ng umagahan.         "Tawagin mo na mga kapatid mo." Ngiti ni Manang.      Tumango ako kahit na ayaw na ayaw kong pumunta sa living.     Nadatnan ko naman sila na nagkukumpulan sa harapan ng laptop at nagtatawanan. They're stalking someone again. Ganoon naman ang daily routine nila kapag nandito.         "Rese," I called my sister.      Lumingon siya sa akin at mabilis na sinara ang laptop. Is she watching p**n? Bakit ganito ang reaction niya?          "Kakain na."     Tumango siya at niyaya ang kanyang mga kaibigan. Tumayo na sila at nagpuntahan na sa kusina. Nang nasa hapag na ay umupo ako sa tabihan ni Rese.         "Ang sarap naman po ng luto niyo, Manang." Ngumisi si Marge habang kumakain.     Hindi naman sa hater nila ako pero hindi ko talaga feel ang mga kaibigan ni Rese. They're kind pero feeling ko kapag sumama ako sa kanila ay maa-out of place ako sa girly topics nila. I'm more of action and adventures. Totally opposite of what my sister does.         "Ma'am,"      Dumating ang katulong namin sa kitchen at pumunta sa akin. Tumaas ang aking kilay.          "May lalaki pong naghahanap sa'yo sa labas? Papapasukin ko po ba?"     Pinunasan ko ang aking labi ng napkin. The hell? Sino naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras? Tumigil sa pagkain si Rese, nakatingin lang sa akin.         "May boyfriend ka na?" She asked, may malaking ngisi.      Umirap ako. Mukha ba akong naghahanap ng boyfriend? I don't need a man. I just wanna be a doctor.         "Shut up, Rese." Singhal ko.      Tumingin ako sa katulong at inutusan na papasukin kung sino man iyon. Ilan pang minuto ay sumulpot sa kitchen, ang sobrang confident, na si Allan.         "Allan Miguel Arellano?" Bulong ng isa sa mga kaibigan ni Rese.      Lalong lumapad ang ngisi niya at kumaway pa sa akin.     Sabi na nga ba eh! Kung si Rykel ito, paniguradong papasukin sa bahay. Umirap ako.         "What now, Arellano?" Bwisit na tanong ko.      Nilahad niya ang mga makakapal na libro sa aking harapan.         "Finals right? Let's study together." Sabi niya.     Umirap ako. Kailan ko pa siya naging study buddy? f**k. Dumating si Manang at kumuha pa ng isa pang plato.Natigilan naman ang mga kaibigan ni Marge na akala mo ay nanonood ng teleserye.         "Sit here, hijo." Sabi ni Manang at naglapag pa ng plato sa harapan ko.      Mabilis namang lumakad siya doon at umupo.         "He's your boyfriend?" Nagtatakang tanong ni Rese.      Umirap ako at humarap kay Allan.         "No. Study buddy." Nakangiting sagot ni Allan.      Tumaas ang kilay ko at pinandilatan siya.         "Kailan pa tayo naggroup study? Why are you here, Arellano?" Inis na tanong ko.         "I told you, group study. Nakakabore mag-isa eh. Saka mas marami kang matututunan kapag nagtanungan tayo mamaya." He winked.      Uminom ako ng tubig at di siya pinansin. I can ace the exams without him. Kung anumang sadya niya rito ay di ako magpapaloko.         "Finish the food. Then, go home. I don't need someone to pacify. I can study alone." Matigas na sabi ko.     Tinadyakan ako ni Rese sa ilalim ng mesa at pinandilatan ako. Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niyang iyon.         "Huwag ka namang ganyan, Rene. Nandito naman pala si Allan para tulungan ka. Don't be hard on him."      Kahit kailan, napakabait niya talaga.     Kinagat ko ang labi ko at di na siya pinansin. Bahala sila, kahit ano pang sabihin niya. Uuwi at uuwi pa rin si Arellano.     Matapos kumain ay nagpunta na ako sa kwarto ko para kunin lahat ng gagamitin ko. Pumunta ako sa mini garden at nilapag ang lahat doon. Finals na, next month ay internship na.  Kailangan ko nang magseryoso.         "Nandito ka pala." Nakangiting sabi ni Arellano, nilalapag ang kanyang nga libro sa harapan ko. Tinaasan ko na siya ng kilay sa kanyang ginagawa.         "Why are you still here? Di ba pinauwi na kita? I don't need a study buddy, Allan. Go home." Mariin na ang bawat salita, dala sa inis.      Mamaya ay sasakalin ko na siya.         "Siguro di mo kailangan, pero ako kailangan ko eh." Umupo na siya at binuklat ang sandamakmak na notes.     Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nakipatitigan naman siya sa akin, showing his perfect set of teeth. Akala mo nasa commercial.         "Then, maghanap ka ng iba. You're Mr. Hearthrob! You can get any other girl medical student to review with you." Giit ko.      Imbis na makapag-aral, here I am talking with this guy.     Ngumuso siya.          "Yes, 'yon na nga! Pero bakit ayaw mo?"     Binaba ko ang libro ko at tumingin sa kanya.          "Except me." Huminga ako ng malalim.         "Ikaw lang kasi ang matatakbuhan ko. Wala ka kasing gusto sa akin. If I study with other girls, they might seduce me... In the end. Hindi pag-aaral ang magagawa namin." He smirked.      Binaba niya ang notes at humalukipkip.         "Wala ka nga bang gusto sa akin?" Ngisi niyang nang-aasar.      Tumawa ako sa sinabi niya. Siya naman ang napatitig sa akin na di makapaniwala.         "You're funny, Allan Miguel Arellano. Mukha ba akong papatol sa'yo?" Hinihingal kong sabi. Nagkibit balikat naman siya.         "It's settled then. I'll study with you." Seryosong giit niya.      Huminga ako ng malalim.     I know this part. Papayag ako dahil nasasayang ang oras at sa mukha niya ay alam na natin na hindi siya aalis. Mauubos ang oras ko sa kapipilit na umuwi sa kanya.         "Okay, I'll study with you. Just don't do anything stupid or else I will kick you outside our house. Get that, Arellano?" Bilin ko.         Nagtaas siya ng dalawang kamay at nakangiting tumatango.          "Deal, Luna."     Buong maghapon kaming nag-aral. Pinilit niya rin akong magtanungan para mas lalo raw maalala ang mga facts at terms. Nakailang mura ako dahil sa mga bastos na explanation niya sa mga bagay bagay.         "So, totoo nga."      Sumulpot si Tatay sa likuran namin. Mabilis na tumayo si Allan. Seryoso ang mga mata ni Tatay na nakatingin sa nakipagkamay na si Allan.         "Allan Miguel Arellano po." Pakilala niya.     Tumango si Tatay.          "Boyfriend mo, anak?" Tanong niya pa.      Umiling ako.         "Hindi, 'tay. Uuwi na rin siya." Tiningnan ko si Allan.      Naguguluhan naman siya kaya pinandilatan ko.         "Diba? Aalis ka na? Sabi mo may lakad ka pa?"      Ngumiti ako ng pilit kay Arellano. Parang nakuha niya at mabilis na inayos ang mga libro niya.         "Yes, Sir. Mauuna na nga po ako. May pupuntahan po kami ng parents ko. Nice meeting you, po." Nakangiting paalam niya.         "Nice meeting you rin." Sagot ni Tatay at tumango.      Dumating na rin si Nanay kaya naman napairap ako. Ang tingin ni Nanay ay nanatili kay Allan. Alam ko na ang mga titig niyang iyon!         "Oh? Allan, right?" Nakangiting malapad si Nanay at yumakap pa sa braso ni Tatay.         "Nice meeting you po ulit, Madame." Umiling si Natay sa kanya at tiningnan ako na para bang kailangan kong mag-explain.         "Oh? Bakit hawak mo na ang gamit mo?" Tanong niya.         "I'm leaving na po. May lakad po kasi with family." Ngiti niya.      Tumango si Nanay at inutusan pa akong ihatid na palabas si Allan. Umirap ako at naunang maglakad.         "Ganyan ka ba talaga? Ang sungit. Hintayin mo nga ako, Luna."     Tumabi siya sa akin habang naglalakad. Tumapat ako sa sasakyan niya at binuksan naman niya iyon. Nakangiti siya at sumandal pa sa pintuan.         "I enjoyed studying. Thanks, Luna." Ngiti niya.      Umirap naman ako sa kanya at binigay sa kanya ang libro niya. Tumawa siya dahil pahampas kong tinulak iyon sa kanyang dibdib.         "Go home, Arellano." Banta ko.      Humalakhak siya. He's a breath of fresh air, pero hindi ko aaminin iyon. Masaya siyang kasama but kailangan ko pa ring lumayo. He's a womanizer. Mahirap na.         "Goodluck!" Sabi niya.      Tumango ako at ngumiti. Nakakatulong nga ang pagpunta niya. Mas napadali iyong pag-aaral ko. But I won't tell him, baka lumaki ang ulo niya.         "Nakangiti ka? You should smile often."      Napatigil ako sa sinabi niya. Am I smiling that much? Mukha siguro akong tanga. Mabilis kong inalis iyon sa aking mukha.         "Oh? Bakit sumimangot ka na? I'm not kidding, you look prettier when you smile."     Napailing ako. Damn, bakit ako ngumingiti dahil kay Arellano? s**t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD