Kabanata 1

1497 Words
    Napapailing na lang ako kay Allan at kay Rykel. Para silang bata na ayaw magpatalo. Kapag nasulyapan nila ang bawat isa sa field ay nagpapaulanan sila ng bala. Gumapang ako papalapit sa likuran ni Rykel at tinutukan siya. Binaril ko siya at napatingin sa akin. Tumawa ako.          "Game over."     Nang matapos kami sa paglalaro ng airsoft ay niyaya kami ni Ninong Von na kumain. Pumayag ako at inayos ang gamit sa compartment ng kotse.         "Duchess, "      Nilingon ko si Rykel na nakatingin lamang sa akin. I nodded at him saying I'll coming.         "Leave your car. Sa akin ka sumabay."     I eyed him with disbelief. Ano na namang laro ang ginagawa nito?         "What? Ayokong sumama sa'yo, Rykel."     He just looked at me bago tumaas ang sulok ng kanyang labi.          "I'm not doing this for you, duchess.  Do not think highly of yourself. This is uncle's order."     Nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Yeah, right. Kailan nga ba naman naging gentleman ang isang Rykel Garcia? In my stupidest dreams, maybe. Campus snob siya pero marami pa ring naghahabol. I do not know why?      I followed him outside. No, hindi ako sasabay sa kanya. Me and Rykel, in one car? It must have been a torture.         "Ninong," I called Ninong Von.      Nakikipag-usap siya doon sa may-ari ng pinaglalaruan namin.          "I'll not go with Rykel po. I'll bring my car. May klase ako ng 7 am."         Tumango si Ninong. Kapag kami ay gusto niyang sa kanya ako sasabay. Ayaw niya akong mag-isang nagdadrive. Parang takot na takot siya na mapahamak ako.         "Who will drive?" He asked.      Ngumuso ako. Rykel has his car. Ngumuso ako at nilingon si Allan na kakalabas lang ng dorm. I pointed him.         "Siya."      Napatingin naman sa akin si Allan, hindi alam ang nangyayari. Hinagis ko iyong car keys ko.          "Drive my car."     Lumabas na ako. Pumasok ako sa driver's seat at hinintay na makalabas si Allan. Kita ko ang pagtapik sa kanya ni Ninong Von. Nahagip ng mata ko ang tingin ni Rykel sa di kalayuan. Umirap ako kahit na hindi niya iyon matatanaw. Tinted ang sasakyan ko.         "Saan tayo?" Tanong ni Allan bago inistart ang kotse. " Sa Grilled seafood house namin."     Tumango siya. May malapit na grilled seafood branch kami dito. Lagi kaming doon kumakain nina Ninong Von, kasama minsan si Mason o kaya si Ninang Ana. Maybe, my mom's there. Bumaba kaming pareho ni Allan. Nagpunta ako sa kitchen. Lagi kasing naririto si Nanay to supervise.     Nagbatian iyong ilang staffs na nakakakilala sa akin. Lumapit ako sa secretary ni Nanay.         "Yani?"      Ngumiti ito sa akin at kumaway. Tinuro niya iyong chef's quarter. Alam na niya sigurong hinahanap ko si Nanay.     Pumasok ako doon. Lumapit sa akin si Nanay.          "Oh? Nasa labas na kayo nina Ninong mo?"     Tumango ako.          "Pasabi na lang po kina Chef Austin. I'm starving na." Umalis na ako matapos humalik sa pisngi ni Nanay.         "Sige, lalabs na rin ako mamaya." Ngiti ni Nanay.      Naglakad na ako papalabas. Nakita ko rin agad ang table namin. Umupo ako sa pagitan nina Rykel at Allan. Lumabas na rin agad ang mga pagkain namin. Kumain kami ng tahimik. Si Ninong ay busy sa pagtetext. Siguro ay si Ninang Ana iyon. Balak na kasi nilang pauwiin si Mason, mula sa Canada dahil sa pagiging sakit ng ulo nito.         "Von!" Tawag ni Nanay mula sa kitchen.      Tumayo naman si Ninong para yakapin si Nanay. They're bestfriends at isa si Ninong sa tumayo kong ama noong wala pa si Tatay. That's the reason why am I so close to him.         "Tapos na kayo mag-airsoft?" Tanong ni Nanay at pinasadahan ng tingin ang table bago naglahad ng kamay kay Allan.          "You are?"     Nabibiglang tinanggap ni Allan ang kamay ni Nanay.          "Allan po, Ma'am." He smiled. Halos matawa ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang nauutal.     She's been good at talking to girls.         "Ah, so I guess, Rene is your friend?"      Tumango si Allan.          "A good friend po, Ma'am."     Hinampas naman ni Nanay si Allan at makahulugang tumingin sa akin na parang may namamagitan sa amin. Gusto kong umirap sa sobrang pandidiri.       "Just call me, Tita."     Tumawa pa si Nanay at bumaling sa akin.          "Text me kapag nakauwi ka na, okay? May date pa kami ni Tatay mo."     Ngumiwi ako sa sinabi ni Nanay. Feeling teenager pa rin sila ni Tatay. Kumain na kami ng umalis si Nanay. Matapos iyon ay naghiwa-hiwalay na kami. Masama pa rin talaga ang pakikitungo nila Allan at Rykel sa isa't-isa. Inirapan ko sila at iniwan na para buksan ang sasakyan ko.     Binuksan naman ni Allan ang passenger seat at buong ngising tumingin sa akin.          "Ang cool ng Mommy mo."     Wala akong masasabi doon. Cool talaga si Nanay. Lagi niya kaming nagegets ni Rese sa mga trip namin.         "May sakayan dito, doon ka na lang sumakay." Turo ko.     Nawala ang ngisi niya.          "What? You gonna drop me here?"     Nagtaka ako ng mukha siyang tinakasan ng kulay sa kanyang pisngi. What's wrong? Tumingin siya sa terminal na para bang may multo doon. Magulo, maraming tao at maingay.         "Pwede bang ihatid mo na lang ako sa amin? Kahit ako na magdrive."      Kinagat niya ang kanyang labi.         "What the hell? Ano ako driver mo? Saka may exam tayo bukas at kailangan ko pang mag-aral. Please lang, magjeep ka na lang."     Kung tutuusin malapit na lang dito ang bahay nila. Alam na alam na sa school ang address niya dahil sa mga fangirls niya. Bakit kasi hindi niya dinala ang kotse niya?     Umiling ako,          "Labas."      Huminga siya ng malalim. Tinaas pa niya ang dalawang kamay na para bang may sinusukuan siya.         "Alam kong galit ka sa akin." Panimula niya.      Pinatay ko ang makina at tumingin sa kanya. Buti naman! Galit talaga ako sa kanya. Naramdaman mo na ba iyong kahit wala namang ginagawang masama ang tao, may kung ano sa loob mo ang nagagalit sa'yo kapag nasilayan mo lang siya? Iyon kasi ang nararamdaman ko sa kanya eh.         "At nagpapasalamat ako na hindi mo pa ako pinapatay sa oras na ito. Pero please, hindi ako marunong magcommute." Pag-amin niya.     Hindi ako makapaniwala. Simpleng pagsakay ng jeep? Hindi niya alam? Hindi ba natuturn-off yung mga nabobola nito? Tss.         "Sige. Tuturuan kita. Sumakay ka sa jeep, tas sabihin mo lang kung saan ka bababa."      Nginuso ko iyong jeep na nasa unahan ng sasakyan ko.          "Now, labas na!"     Umiling siya. Tiningnan ko naman siya ng tamad. Pumikit ako.         "Shit." Mura ko.      Binuhay ko ang makina ko at mariing tiningnan si Allan sa tabi ko.          "Arellano. You'll pay my gas."     Tumawa siya.          "Ito naman. Parang di kaibigan, hindi pa libre eh ang yaman."     Masama ko siyang binalingan ng tingin.          "Wala ng libre sa mundo. Lahat ng actions mo, kailangan mong pagbayaran. So, basically, Arellano... You should pay me for the gas okay?"     Tumango siya at nakaplaster na ata ang ngisi niya. Actually, Arellano's really good looking for a guy. But I'm not really interested with him. Feeling ko lagi siyang problema kapag malapit siya.     Nagdrive na ako at tinuro naman niya ang daan papunta sa kanila. Tahimik kaming dalawa. Tanging ang makina at mga busina lang ang naririnig ko. Tinigil ko iyon sa sinabi niyan gate.         "Thank you, bestfriend." Sabi niya at humalakhak pa.      Sinamaan ko siya ng tingin.          "Umalis ka na, Arellano. Masyado mo na akong naiistorbo. Please lang."     Tumango siya at lumabas pero dumungaw pa din siya sa akin. Tinuro niya iyong malaki nilang gate.         "Ayaw mo pumasok? Pa-thank you man lang sa paghatid?"     Umiling ako. Kasing bilis ng isang segundo ang aking pagtutol. Hindi mapapagkatiwalaan si Arellano.         "Wag na. Baka marape mo lang ako."     Tinitigan niya ako na para siyang naghang. Humalakhak rin siya.          "Haha. You're real funny! You really thought that I will bed you?"     Umirap ako at nagtaas ng middle finger.          "Shut up. You look like you'll f**k everything that moves."     Nawala ang ngiti niya.          "Grabe ka namang magjudge! Di naman. Di ako nagdadala ng babae sa kama, kung ayaw niya. I'm a gentleman, Rene."         "Tangina mo. Don't call me, Rene!" Singhal ko.      Feeling close eh. Mga close ko lang ang tumatawag nun sa akin. Tumawa na naman si Arellano, showing his white,  complete set of teeth. He likes teasing me and I don't like it.         "Whatever, Luna! Paano pasok na ako? May exam bukas. Pagayahin mo ako, ah?" Biro pa niya.      Umirap lang ako.     He's not a noob type of student. Kung gaano siya kagwapo may ibubuga naman siya sa academics. Iyon ang labis na nakakakuha ng pogi points sa kanya. Tumango  para matapos na ang usapan. Inistart ko ang aking sasakyan ng sumaludo siya.         "Thank you, Thyrene. Ingat ka!" Kumaway pa siya.      Hindi ako sumagot at pinaandar na ang sasakyan ko. Sinulyapan ko lang siya sa side mirror na nakatingin sa aking sasakyan.     Nang mapasadahan ko ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang ngiti sa aking mukha. Mabilis ko iyong inalis. Hindi ako pwedeng maattach kay Arellano. He's a heartbreaker.     Whatever, I am feeling right now, I don't like it. Hindi ako kumportable sa ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD