Tinawagan ako ng kapatid ni Allan ng kinahapunan. Gising na raw ito at kasalukuyang kumakain. Kumatok muna ako sa pintuan bago iyon buksan. Naka-on ang tv at nakikipagtawanana siya sa kanyang kapatid. "Oh? Nandyan na pala si Ate Therese?" Ngisi nang kanyang kapatid bago niligpit ang platitong may lamang ubas. Ngumisi naman si Allan at kumindat. Nagmadali akong lumapit at hinampas siya sa kanyang tiyan. Ngumiwi naman siya. "Aray! Kagagaling ko lang tas binubugbog mo na ako?" Nakangisi niyang biro. Umirap ako. "Bakit kasi nagdadrive ka ng lasing? Galing kang bar? Nangchichicks ka na naman! Sabihin ko talaga kay Rese na wag ka nang bigyan ng chance." Pagmamaktol ko. Nawala naman ang ngisi niya at pinalitan iyon ng paawa at pinagdaop ang kanyang ka