"Thyrene!" Tawag ni Dr. Monteverde mula sa loob ng kanyang clinic. Mabilis akong tumayo at pumasok doon. "Yes, Doc?" Tanong kong pangsampu na ata. Kanina pa niya ako tinatawag at tanging mga simpleng gawain lang naman ang kanyang pinapagawa. Naiirita na ako dahil pinapaabot lang niya ang nga libro na nasa tabihan lang niya. "Paabot sa ward nito. 'Yung malapit sa clinic ni Dra. Valderama." Iniabot niya ang isang envelope na pinaglalagyan ng mga x-ray. Huminga ako at umalis. Mabuti naman at totoong kailangan na. Akala ko naman ay ipapakuha na naman niya ang mga gamit na kaya na niyang kuhanin mag-isa. Sumakay na ako sa lift at sumandal habang tinititigan ang pag-akyat ng numero. Nang bumukas iyon ay tumungo na agad ako sa ward. Wala roon si R