Kinaumagahan ay nagpadala na lang ako ng uniform sa ospital. Didiretso na ako sa duty kahit wala pa akong tulog. Okay na ang kalagayan ni Allan. Mabuti na lang at di naipit ng tuluyan ang paa niya at di niya kakailanganin nang operasyon. Nandito na rin ang kapatid niyang babae na siyang magbabantay sa kanya. Ngumiti ako pagkalabas ko sa comfort room. "Salamat, Miss. Mabuti na lang at natawagan ka kaagad ni Kuya. Mag-iingat ka." Ngiti niya. Tumango ako. "Sige, tawagan mo na lang ako pag gising na ang kuya mo." Lumabas na ako at umakyat sa ikatlong palapag ng ospital kung nasa saan ang opisina ni Dr. Monteverde. "Oh? Ganyan ka ba kinilig sa lunch date niyo ni Xavier at di ka man lang natulog?" Asar ni Alessandra ng makita niya ang antok kong muk