Chapter 7

3018 Words
  Chapter 7 Marianne "Bakit niya ako hinalikan?" tanong ko sa sarili nang makapasok sa kwarto namin ni Bruce. Iyon at iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan ko hanggang sa makahiga ako sa kama. Ingat na ingat pa akong hindi magising si Bruce dahil sa sobrang lambot ng kama. Mainit ang labi niya. Naamoy ko ang kapeng ininom niya. Pati ang natural niyang amoy ay para bang rumehistro sa isipan ko. His scent is not strong. Malamig pa nga sa ilong. Lalaking-lalaki pero masarap amuyin. Napatitig ako sa puting kisame. Joe Ryan Del Carmen . . . I recited his full name. He matured. But he seems to be playful for me. Nakita ko siyang, ay hindi pala, hindi ko nakita kung anong ginawa nila ng bisita niyang babae sa loob ng opisina niya. Napakadaling manghusga ng tao. Girlfriend niya kaya iyon? Sabi niya wala siyang asawa, 'edi girlfriend malamang meron. Hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko. Hindi porke't hinalikan niya ako, may kahulugan na agad iyon. Siya pa naman yata iyong uri ng lalaking papalit-palit ng girlfriend. Napangiti ako. Nanghusga pa rin ako. Napailing ako at tumagilid ng higa. Nilagay ko sa ilalim ng pisngi ang dalawang mga kamay at tumitig sa pader. Simpleng halik lang iyon. Baka nga goodnight kiss lang. Sa . . . labi? Nagsalubong ang mga kilay ko. Siguro ang tingin niya sa akin ay tulad noong unang beses niya akong nakilala. Napapikit ako. Hindi. Hindi ako papayag na ganoon ang gawin niyang trato sa akin. Hinding-hindi ko na iyon uulitin. Kung inaakala niyang ipambabayad ko ang sarili ulit kapalit ng tulong niya, doon siya nagkakamali. Hindi na iyon mauulit pa! Mabigat akong bumuntong hininga at dumilat. Tila may gumuho sa dibdib ko. Nakakadismaya. ** Maaga akong gumising kinabukasan kahit na napuyat ako kakaisip kagabi. Sa loob pa lang ng kwarto namin ni Bruce ay naglinis na ako. Nagligpit ng gamit. Hindi gano'n karami ang gamit naming dalawa kaya kailangan kong maglaba araw-araw para may maisuot ulit sa mga susunod na araw. Kahit na natutulog pa ay pinalitan ko na si Bruce ng diaper. Pagkatapos ay kumuha ako ng basahan at pinunasan ang salamin ng bintana. Ang banyo ay sinabunan ko. Mag-aalas siete nang lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakakabingi ang katahimikan sa buong bahay. Ang mga huni ng ibon ay naririnig ko pa mula sa labas. Pinasadahan ko ng tingin ang sala. Pinaplano ko na ang paglilinis dito mamaya pati sa labas. Gising na kaya si Ryan? Nang makita ko ang nakasarado niyang pinto ay bigla akong kinabahan. Hindi ako nakatagal at bumaba rin agad. Pumunta ako sa kusina. Wala ring tao. Pero meron nang nakahain ulit sa counter island na almusal. Inangat ko ang mga takip. Mayroong bagong saing na kanin, hotdog at itlog. Kumunot ang noo ko nang makitang may nakadikit na sticky note sa plato. Maaga akong umalis. Kumain na kayo ng bata. -Ryan. Maiksing mensahe lang. Tiningnan ko ulit ang hinain niya. Siguro ay talagang naaawa siya sa amin. Tinawag niya lang 'bata' si Bruce. May munting kirot akong naramdaman sa dibdib ko para sa pamangkin. Masyado akong emosyonal. "Tama naman. Hindi niya talaga anak si Bruce. Hindi kailangang mag-expect ako na tatanggapin niya ang pamangkin ko." bulong ko sa sarili. Maybe I am asking too much and assuming too. Papaupo na sana ako nang marinig ang malakas na iyak ni Bruce sa kwarto kaya nagmamadali akong bumalik ulit sa taas. Pagkain ay mabilis akong nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Kasama si Bruce. Itinali ko ang mahabang buhok pataas bago nagsimula sa gawain. Pero dahil gising pa si Bruce ay hirap akong gumalaw at hindi ako lumalayo sa kanya. Binuksan ko na ang malaking flatscreen TV sa sala at inupo siya sa sofa. Naghanap ako ng cartoon. Nagtimpla rin ako ng gatas. Nang mapirmi ang mga mata niya sa TV ay bumalik ulit ako ng kusina para ipagpatuloy ang paglilinis doon. Nagpunas-punas ako at lampaso. Mayroon naman siyang mop kaya madali na lang din sa akin. Ang mga plato niya ay pinunasan ko rin. Nag-refill ako ng tubig sa fridge niya. Bumalik ako sa sala bitbit ang walis at dustpan. Busy pa rin si Bruce sa panonood at dumedede na sa sofa. Nangiti ako at nagwalis doon. Winalis ko ang bawat sulok ng sala. Hinawi ko ang kurtina at pinunasan ang mga salamin. Nilampaso ko ang hagdanan at pinunasan ang balustre. Hingal at butil ng pawis ang inabot ko hanggang sa matapos. Hindi ako nagtangkang linisin ang kwarto sa ibaba. Baka magalit si Ryan. Sunod ko na lang na ginawa ay lumabas kami ni Bruce para makapagwalis din sa garahe niya. Nagbaon ako ng tuwalya para maiupo ko sa sahig si Bruce. Sa trimmed grass ko siya nilapag. Pero syempre, patakbo-takbo ako sa kanya dahil panay ang gapang at takbo nito. Hinagis pa nga ang botelya niya ng gatas sa lupa kaya kinuha ko na iyon sa kanya. Gamit ang braso ay pinunasan ko ang pawis sa noo habang nakatungo kay Bruce na tinataas ang mga maliliit na braso. "Basang pawis pa si Tita, Bruce. Mamaya na lang ang buhat. Paliliguan pa kita," sabi ko sa kanya. Pero ngumiwi ito at paiyak na. Natawa na lang ako at sinandal sa gilid ang walis ting-ting at binuhat na siya. Nilingon ko ang garahe. Tiningnan ko iyong sasakyan na lulan si Ryan noong unang beses ko siyang nakilala. Bumalik ang alaala sa isipan ko na para bang kahapon lang iyon nangyari. Uminit ang mukha ko. Nakakahiya at buhat-buhat ko pa ang pamangkin ko. Napatalon pa ako sa gulat nang may biglang bumisina sa labas. Si Bruce ay mangiyak-ngiyak din. Mula sa sasakyan niyang malaki ay bumaba si Ryan. Nakatingin din sa amin at nakakunot ang noo. "Anong ginagawa niyo dyan sa labas?" tanong niya. Pinasadahan niya ako ng tingin. Pati sa nawalis kong hindi pa natatapon sa basurahan. "Naglilinis ka?" Napaawang ang labi ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Hindi malaman kung sa ginawa ko ba o sa itsura kong naglalagkit pa ang pakiramdam. "Ah, ano, o-oo." Amin ko. Bumuntong hininga ito at namaywang. "Sino may sabing maglinis ka? Hindi naman kita inutusan." Naiirita niyang salita sa akin. Pasagot na ako sa kanya para mangatwiran nang bumukas ang likurang pinto ng sasayan niya. Doon ay may pababang tumalon ang isang babaeng may maiksing buhok. Nakasuot ng pantalon at puting T-shirt. Agad nitong hinanap ang paningin ni Ryan. "Ilalabas ko na Ser Ryan 'yung mga plastic?" hingi nito ng abiso. Matalim akong tiningnan ni Ryan bago ito sinagot. "Sige, Ephie." Binuksan din nito ang kabilang pinto ng sasakyan at nilabas ang mga plastic na sa tingin ko ay grocery ang laman. Nakumpirma kong tama ako nang makita ang pangalan na nasa plastic bag. Napalunok ako. Pinanood ko silang isa-isang binababa mula sa loob ng sasakyan ang may karamihang plastic. Dinaanan ako ni Ryan pero hindi pinansin. Siguro ay nagagalit sa pangingielam ko sa bahay niya. Wala akong maisip na ibang dahilan para sungitan niya ako ngayon. Hindi ko alam na babalik siya ng bahay. Wala naman siyang binanggit sa sulat. "Oh, Hi! Hello!" bati sa akin ng kasama niyang babae. Ngiting-ngiti ito sa akin kahit na hihirapan sa tatlong plastic na hawak. "Tulungan na kita," prisinta ko. Akma ko nang kukunin iyong isa pero tumawa lang ito at ginawang dumbbells ang mga dala. "Naku, okay lang! Kering-keri ko na 'to." Sabi niya at pumasok na rin sa loob. Nang makapasok na siya ay binalak kong tapusin na ang ginagawa. Napigil ako sa pagbaba ulit kay Bruce. Tila ako tinuklaw ng ahas at naninigas. Tumibok nang napakabilis ang puso ko. Tiningnan ko ulit ang pintong pinasukan ng babae. Nakita ko na siya dati. Siya iyong kasama ng Lola ko sa bahay ng mga Salvaterra. Nang makumpirma ko sa isipan ay para bang gusto ko nang tumakbo palayo sa bahay ni Ryan. Sinama niya rito ang isa sa mga kasambahay ng mga Salvaterra. Kasa-kasama ng Lolo at Lola ko. Nakakapanghina sa takot. Ngayon pa lang ay ramdam ko nang mabibisto na ako. "Bruce . . . anong gagawin natin?" tiningnan ko si Bruce. Hindi ito umimik. "Ako na d'yan," Nagulat ulit ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Si Ephie. Agad nitong kinuha ang walis at dustpan. Dinakot ang basurang naipon ko sa garahe. "A-ako na lang," awat ko sa kanya. Naghanap ako ng pagbababaan kay Bruce. "Pinapapasok ka sa loob ni Ser Ryan. Puntahan mo na lang." sabi niya na halatang inutusan ito ng lalaki. Isang beses pa niya akong sinulyapan bago mag-concentrate sa ginagawa. Nahihiya naman ako dahil kadarating lang niya. Pero gusto ko ring makalayo kay Ephie. Hindi ba niya ako naaalala na? Para kasing hindi na siya nagulat nang nakita ako rito. O baka naman nasabi na kanya ni Ryan. At sa Lolo at Lola ko! Pumasok kami sa loob. Sa kusina ay naabutan ko si Ryan na nilalagay sa fridge ang mga pinamili. Kaya lang, nadidismaya ako sa pagkakalagay niya. Hindi maayos. Gusto ko sanang saluhin ang trabahong iyon pero naalala kong galit nga pala siya. Sinulyapan niya ang mga paa ko. Pinagpatuloy ang ginagawa sandali. "Makakasama niyo na rito si Ephie simula ngayon. Hayaan mong siya ang gumawa ng gawaing bahay," Binaba ko sa gilid ng counter si Bruce. Hindi naman ako umalis sa harap niya para bantayan siya. Inatake ako ng kaba sa sinabi niya. Tumikhim ako. "Kaya ko naman. Saka madali lang 'yon sa akin." tiyak kong makakarating ito sa Lolo at Lola ko. At nakakaguho ng isip kapag nalaman nila ang ginawa ko. Sinarado niya ang fridge at sinunod na lagyan ng stocks ang pantry cabinet. "Hiniram ko siya kina Wax para nga may kasama kayo rito." Nilingon niya ako at sandaling pinasadahan ng tingin ang suot ko. "Hirap ka na nga sa pag-aalaga pa lang kay Bruce, maglilinis ka pa. Alam kong hindi 'yon mahirap sa 'yo pero may bata ka pang kasama." Ang pinaghalong kaba at pagkapahiya ang nangingibaw sa dibdib ko. Kaba, dahil sa kanyang tono. Hiya, dahil pakiramdam ko ay nilapastangan ko ang bahay niya. Napayuko ako. I'm unable to speak any words. Ano ba naman ang magagawa ko, gayong kami ay nakikitira lang dito. "Hindi ba pwedeng 'wag ka na lang gumalaw dito? Hindi naman kita inuutusan." Naiirita pa rin niyang salita sa akin. My cheeks feels so hot. Burning. Kung maaaring kainin ako ng lupa ay hindi ako magpapapigil. Hindi ko lang gusto ang nararamdamang hiya ngayon sa kanya. Na para bang ako'y isang batang hindi marunong umintindi. Tumikhim ako. "Pasensya na, Ryan." Maingat kong salita sa kanya. Almost a whisper. Binagsak niya sa counter ang isang plastic ng pasta at tiningnan ako. "At isa pa, hindi kayo pwedeng lumabas ng bahay sa tuwing wala ako rito." May diin niyang sabi. Mabilis akong napatingin sa kanya. Para ba kasing paghihigpit na iyon. "Bakit?" Mabigat itong bumuntong hininga. "Alam ng mga kapitbahay kong mag-isa lang akong nakatira rito at hindi kaila sa iba ang schedule ng trabaho ko. Kung makita kayong dalawa ng bata rito at nalamang wala ako, baka kung anong mangyari sa iyo." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" hindi ko maiwasang tubuan ng kaba sa dibdib. "Mag-isa ka lang matanda rito, babae pa, maganda, paano kung . . . pagkainteresan ka?" Nararamdaman ko ang galit niya sa huling sinabi. Napalunok ako. "Dito na kamo si Ephie. Edi, wala nang problema, 'di ba? At saka hindi naman kami magtatagal dito." Katwiran ko. "Magtagal ka man o hindi, hindi ako panatag na palabas-labas ka ng bahay ko. Hindi mo ba nakikita 'yang itsura mo? Pawisan ka at walang ayos pero ang ganda-ganda mo pa rin. 'Yang leeg mo . . . takpan mo! Para 'yang ice cream!" tinalikuran niya ako at galit na tinapon ang basura sa bin. Bahagya niya pa iyong sinipa. Naguluhan ako sa mga sinabi niya. Pero uminit ang mukha ko nang purihin niya rin ako. Kinumpara pa niya ang leeg ko sa ice cream. Ano bang ibig sabihin no'n? Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko. Pinagmasdan ko siya. Para bang padabog nang nag-aayos sa pantry niya. Malinaw naman ang gusto niyang ayaw niya akong makielam sa loob ng bahay niya. Dapat kong ipagpasalamat na dinala pa niya rito si Ephie para may makasama ako. Dahil alangan namang hintayin ko pa siyang umuwi para hugasan ang pinagkainan ko. Pumapasok din sa isipan kong parang walang kabuluhan ang dahilan niya. Paghihigpit, pagtatali o kung ano pa mang salita iyon, parang akong kinukulong. Maybe, he's so passionate with his work. Security is his top priority. Iyon din naman ang gusto ko laban sa mga humahabol sa amin. Ayun nga lang, medyo masakit siyang magsalita. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Nakakapangliit din sa pakiramdam. Kung preso mang maituturing, hindi ako makakapalag. I need him. Natapos niya ang pagliligpit na iritado. Kahit mainit ang ulo niya ay gusto ko pa ring magtanong. "Ryan," "Ano?!" iritado niyang tanong. "Si Ephie. Kasama siya ng Lolo at Lola ko sa bahay ng mga Salvaterra, 'di ba? Sinabi ko na sa iyong wala silang alam na nandito kami ni Bruce," maingat kong paalala sa kanya. Nilingon niya ako. Matiim ang kanyang pagkakatitig sa akin. "Nakausap ko na si Ephie. Wala kang dapat na ipag-alala sa kanya. Sagot kita." My lips uncontrollably parted. He stared at me. Tila may humaplos sa puso ko sa huli niyang sinabi. Dalawang salita lang iyon pero tila nasa likod nito ang mga problemang dala-dala ko. At bakit ganito ang nararamdaman ko? Sagot niya raw ako, dahil ang alam niya ay anak niya si Bruce? Parang may iba. Parang may hindi tama. Ako na nga ang nanloko, pero ako pa iyong may pagdududa? Iniwanan ko na siya kusina at umakyat sa kwarto namin para makaligo. Mabilisang ligo dahil iniwan ko lang sa kama si Bruce. *** Ryan "Damn it, Ryan! Damn it!!" I irritably murmured at myself. Kinawawa ko pa itong mga pinamili ko dahil sa sobrang inis. Mabigat akong bumuntong hininga at pinagmasdan ang ginawa ko sa pantry. Nilapirot ko na iyong balot ng tinapay at tumba-tumba pa ang mga canned goods sa estante. "Dammit!" I murmured once again. Tinayo ko ulit iyong mga canned goods at basta na lang na iniwan doon. Hindi naman kasi ganito iyong ayos sa bahay ni Wax. Kaya naiinis ako. Nilingon ko ang pintong nilabasan ni Cielo. O Marianne. Her angelic name suits her angelic face. And she has this magnetic effect to me that I can't control. I've been with beautiful women—even beautiful than her—but I can control my needs with that women. And with Marianne . . . parang sinasakal ang p*********i ko. Kinakapos ako ng hininga. Lalo na nang makita ko siya sa labas. Pawisan, may buhat na bata, maganda ngumiti, she's even a wifey looking. And she's here in my house. Matigas nga lang ang ulo at mataas ang pride. And lastly, I know what's inside those lanky clothes of her. Kahit sa paniginip naalala ko pa iyon. I can even remember her scent. Nagagalit akong para akong naglalaway na lalaki sa tuwing nakikita ko siya. Dammit! Para akong ginutom at unang beses kong nakakita ng pagkain. I never deprive myself when it comes to my s****l needs. Sila pa nga ang lumalapit sa akin. Though, after her, I learned something about myself. I am not the same as before. After her, I have this particular scent and shape of body that I need to have. After her, I had my own taste. After her, I never met any satisfaction with any women. And now that I have her again, I hated myself that I would be needing her. But that's not my job right at the moment. I have an investigation, a re-open case that I need to solve. And that, include Marianne. I should separate my work and my personal aching need. I can wait. Then have her . . . again. But how? And why would I do that? For the first time, I questioned myself. Women, women. Nakakagulo talaga sa trabaho kapag may babaeng involve. Professionalism is on top of my head. Which head? Damn, conscience—be quite! Sa inis ko ay padabog kong sinarado ang cabinet. Sakto namang pumasok si Ephie at namilog ang mga mata dahil nahuli niya ako. "Mukhang mainit ang ulo ha, Ser Ryan," tudyo pa niya. Napapikit ako at sabay hilot ng noo. Usapang 'ulo' na naman. s**t. Then Marianne's face flooded my mind. I tsked. "Kasalanan 'to ni Wax." Tiningnan ko si Ephie, pati ang ginawa kong kalat sa kusina. "Siya kasi ang pasimuno ng mga nabubuang." "Buang sa pag-ibig 'yon, Ser Ryan. Buang ka na rin? Kanino?" lumingon pa siya sa paligid at pagkatapos ay makahulugan akong tiningnan. "Ah, si ano . . ." pa-suspense niyang hula. Hindi ako kumibo at bumuntong hininga lang. Pag-ibig? Ang labo. Kung pagnanasa, baka iyon ako. Nagsimulang linisin ni Ephie ang kalat ko. "Gumanda nga siya, Ser. Mukhang hinog na. Pwede nang pitasin. Ayieee," Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Napitas ko na." I murmured. "Ano, Ser?" usisa niya nang hindi ako naintindihan. "Wala. May pinapasabi ba si Wax?" pag-iiba ko sa usapan namin. Tumigil ito sa ginagawa. Nag-isip. "Mag-ingat ka raw, Ser. Malalagot ka raw sa kanya kapag pumalpak ka. Ayun lang. Tapos sabi ni Mam Anjelous, dadalaw daw siya rito." Naalarma ako. Tiyak na matatakot na naman si Marianne. "Kailan daw?" Nagkibit-balikat si Ephie. "Walang nasabi, Ser. Eh ang Lolo at Lola ni Marianne, hindi po ba pupunta rito?" Napahilamos ako ng mukha. No. Hindi pa pwede. Umiling ako. "I'll just tell them when. Kailangang ma-solo ko muna si Marianne." Humaba ang nguso ni Ephie at lumaki ulit ang butas ng ilong. "Hinay-hinay sa pagpitas, Ser Ryan ah. Malalagot ka sa mag-asawa. Lalo na sa Lola Josie nu'n." May paalala niyang tudyo sa akin. Kinuha ko ang susi sa counter at tinahak ang pinto palabas ng kusina. I sighed and whispered, "Napitas ko na nga. Ang kulit." She never heard me, I guess and left her. I need to sort some things.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD