Chapter 6

4491 Words
Chapter 6 Marianne Gabi nang sunduin niya kami sa motel. Siya na rin ang nag-check out para sa amin. Sinundan pa ako ng tingin ng tao reception na para bang may masama akong ginawa. Pinangwalang bahala ko na lang at sinundan sa labas si Ryan. Nilapitan nito ang isang magarang sasakyan. Malaki ang gulong at may kataasan. Nissan Terra na kulay itim. Binuksan niya ang likurang pinto. Hinagis doon ang bag namin at pinasok ang galon ng tubig. Pagkatapos ay binuksan ang passenger seat, nilingon ako. "Saan mo kami dadalhin?" demand ko. Mabigat itong bumuntong hininga. "Saan pa? Edi sa bahay ko." Sabay-nguso sa loob ng sasakyan. Tinuturo sa aking sumakay na. Para akong pinaglalaruan ng puso ko. Kanina pa ako kinakabahan at wala na yatang pahinga ang puso ko roon. Dadalhin niya kami sa bahay niya. Kahit na hindi ako pumayag sa DNA na gusto niya. Eh, pero, paano kung ipilit niya? O kaya palihim niyang kuhaan si Bruce ng sample? Pero hindi ko naman pinilit sa kanyang sustentuhan ang pamangkin ko kaya bakit niya gagawin iyon? Para makasigurong anak niya nga si Bruce? Napalunok ako nang wala sa oras. Baka . . . baka may binabalak siyang iba. Dapat kong paghandaan ang araw na malalaman niya ang totoo. Kung sa pera, kailangan kong makapagtrabaho agad nang makaipon pambayad sa kanya. Ngayon ay may sampung libo na akong utang sa kanya. Iba pa kung papatuluyin niya kami sa bahay niya mismo. Sumunod din naman ako at sumakay. Kinandong ko si Bruce. Naalala ko iyong unang beses na nakasakay ako sa sasakyan niya. Unang rumehistro ang mabangong amoy. Ang sasakyang gamit niya ngayon ay iba. Ni hindi naging malikot si Bruce at manghang nakaupo lang sa kandungan ko. Pareho kaming nanliliit ang pakiramdam sa loob ng malaki at magarang sasakyang ito. At iyong nangyari sa loob ng sasakyan niya noon . . . Sinarado niya ang pinto—kaya bahagya akong napaigtad at umikot sa kabilang gilid. Napalunok ako. Kahibangan kung iisipin ko pa iyon gayong nasa ganito kaming sitwasyon. Tiningnan niya kami bago buhayin ang sasakyan. "Malapit lang dito ang bahay ko kaya, okay lang siguro na sa harapan si . . . Bruce." Nag-aalangan pa niyang salita sa akin. Tiningnan ko lang siya at hindi kumibo. Ginaya ko siya nang magsuot ito ng seatbelt. Sana ay hindi makita na nasa harapan si Bruce. Hindi ko siya maiiwan mag-isa sa likuran at tiyak na magwawala ito. Kung sa likuran na lang kami maupo? "Bukas maghahanap na 'ko ng car seat." He said while driving. Hindi ko siya tiningnan. "'Wag na. Magagastusan ka lang." komento ko. "Bakit ba? Pera ko naman 'yon." Paangil niyang sagot sa akin. Nararamdaman ko ang katalasan niya sa pagsasalita. Siga kung para sa akin ang dating pero malayo naman doon sa mga sindikatong humahabol sa akin. Palagi kong tatandaan, iba si Ryan. May pinag-aralan ito at hindi nanghahamak ng kapwa. Hindi tulad ko na may pinag-aralan nga, nanloloko naman. I closed my eyes and guilt consumed my chest. Humigpit ang hawak ko kay Bruce, kaya't bahagya itong nainis at tiningala akong naiiyak na. Niluwagan ko ang hawak sa kanya. "Hindi kami magtatagal sa bahay mo." "Tsk!" Nilingon ko siya. Nakangisi naman ito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Ryan." May diin kong salita sa kanya. Hindi ganito ang nasa plano ko. I never seen him in full of confidence and angst. I had foreseen him reluctant in helping us. Knowing of my background profile. Sinulyapan niya kami ulit. "May baon ka bang gatas niya? O diaper?" usisa niya. Kumunot ang noo ko. Pero sunod no'n ay nahimasmasan ako dahil hindi pa ako nakakabili ng gatas at diaper ni Bruce. Ang dala ko ngayon ay kakarampot na lang. Isang timplahan na lang ang gatas. Nakatulog ako kaya't hindi pa ako nakakapamili. Napalingon ako sa labas at naghanap ng Mercury Drugstore na malapit. "Ibaba mo kami sa Mercury na madadaanan," sabi ko. Ipinarada niya nga ang sasakyan sa tapat ng drugstore na sinabi ko. Pero mas nauna pa itong nagtanggal ng seatbelt kaysa sa akin, sabay sabing; "Ako na lang ang papasok. Anong brand ng gatas niya at size ng diaper?" tanong niyang walang pakielam kung payag ba akong siya ang lumabas para bumili no'n. Sandali ko siyang pinagmasdan kung seryoso ito. At tinaasan pa niya ako ng isang kilay. I sighed. Naglabas ako ng dalawang libo at inabot sa kanya. Sinabi ko rin ang brand ng gatas at size ng diaper ni Bruce. Pati brand ng diaper na rin. Mas mainam kasi kung diaper pants ang gagamitin ni Bruce. Madaling suotin at tanggalin sa kanya na sobrang kulit at likot na. Tiningnan niya lang ang perang inaabot ko. "Hintayin niyo 'ko rito." Then he left us in his big car. Ang bintana ko ang nakaharap sa drugstore. Sinundan ko siya ng tingin. Pinanood ko siya kung paano niya hinahakbang ang mahahabang mga binting iyon hanggang sa makapasok ito sa loob ng tindahan. Huminto ito sandali sa tapat ng pinto at nagpalingon-lingon. Nang makita ang pinaglalagyan ng mga gatas ay saka ito naglakad doon at hinanap ang gatas. Sa tangkad at laki niyang iyon ay pansinin ito. Napapalingon ang mga babaeng tauhan sa loob ng drugstore. Iyong babae nasa counter ay tumigil sa pag-punch at tiningnan si Ryan. A big man scanning the boxes of infant milk. Iyong lalaking guard nga ay nakatingin din sa kanya. Ang mga customer na nakapila sa tapat ng counter ng mga gamot ay humahaba ang mga leeg para matanawan siya. It feels so unlikely to watch a tall and . . . handsome man looking for an infant milk. Kahit ako ay namamangha. Nang hindi nito nakita ang gatas na sinabi ko ay nagtanong na ito sa babaeng staff sa loob. He just missed it. Itinuro rin sa kanya ng babae ang gatas. Kinuha niya iyong pinakamalaking kahon! Napakagat ako sa aking ibabang labi. Then he looked for diapers. He towered the shelves. Hindi tulad sa gatas ay mas madali niyang nakita iyong diaper na sinabi ko. Napasinghap ako nang kunin nito ang pinakamaraming pirasong diaper at dinala sa counter para bayaran. Tumingala sa akin si Bruce at tinaas ang mga maiksi pa niyang mga braso. Naiinip na ito at gustong magpabuhat. Itinayo ko siya at sinandal sa balikat ko. Nilingon ko ulit si Ryan. Mabilis ang naging transaksyn nito at palabas na rin mula sa drugstore bitbit ang malaking plastic ng gatas. Ang mataas na balot ng diaper at inipit nito sa tagiliran habang sinusuksok ang wallet sa likurang bulsa ng suot na pantalon. Hindi alintana ang mga bitbit. Hinaplos-haplos ko ang likod ni Bruce. "Tingnan mo siya Bruce, binilhan ka niya ang maraming gatas at diaper. May dalawang linggo ka nang maiinom na gatas . . . at naiipon din ang kasalanan ko sa kanya." I murmured. Alam kong hindi pa ako naiintindihan ng pamangkin ko. Pero umahon ito sa balikat ko at tiningnan ako. Inaantok ang mga mata at magkasalubong ang mga kilay nito. I smiled at him. "Sorry. Kailangan natin siya . . ." bumalik lang ito ulit sa pagsandal sa balikat ko. I hugged him. Hanggang sa makasakay ulit si Ryan at pinaandar ang sasakyan. Inilagay niya sa likod ang mga pinamili at walang kibong nagmaneho. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mabigat nitong paghinga. ** "Tara, pasok." Aya niya sa amin matapos nitong kunin sa loob ng sasakyan niya ang gatas at diaper. Pati ang dala naming gamit ay siya na rin ang nagpresintang magbitbit. Like Bruce, tahimik din ako at nakatingin sa maganda niyang bahay. Dalawa ang palapag pero malapad naman. Mas malaki pa rin ang bahay ng mga Salvaterra pero hindi maikakailang pang-nakakaluwag-luwag ang ganitong bahay. Nilingon ko pa siya at napaisip kung may sarili na itong pamilya. Nanlamig ako. Bakit hindi ko naisip iyon? Na, oo, baka nakapag-asawa na siya at may pamilya na ito. Dala ng kalagayan ay naging padalus-dalos ako sa pagdedesisyon. Noong nakita ko lang ang business card niya ay agad akong pumunta sa kanya nang hindi nag-iisip. Gumawa pa ako ng istorya at maaaring may pamilya akong maapakan. Hirap akong napalunok. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Sa garahe nga ay may dalawa pang sasakyang nakaparada. Isa roon ay pamilyar sa akin. Sobrang pamilyar. Napatingin ako sa kanya nang nilingon niya rin ako nang magkasalubong ang mga kilay. He just unlocked the front door. "Ano pang tinatayo mo d'yan? Malamok na mamaya d'yan. Papakin ka pa." Kunwari niyang panakot sa akin. Tumikhim ako at humakbang palapit sa kanya. Hindi pa ito pumapasok at nanatiling nakatayo roon. Tiningnan ko siya. Natatakot akong malaman ang isasagot niya sa akin. "M-may, may iba bang nakatira rito? Asawa mo kaya?" may ingat kong tanong sa kanya. Kumunot ang noo niya. Tinitigan ako. At sa huli ay ngumisi pa. "Wala. Ako lang ang nakatira rito," maangas niyang sagot sa akin. Namilog ang mga mata ko. "I-ikaw lang? Pero ang laki nitong bahay," mangha kong sabi sa kanya. Nagkamot ito ng ulo. Para bang nayayamot sa tanong ko. "Sisihin mo si Wax. Ang sabi ko ihanap ako ng bahay. Pero hindi yata siya aware na ako lang ang titira rito." He heavily sighed. "Well, ayos na rin. May masisilungan ang mga sasakyan ko." tinuro niya ulit sa akin ang loob. Binuhay niya ang ilaw. Nakahinga ako ng maluwag. Wala pa siyang asawa. But he mentioned Wax. That must be the new Gov. Wax Miguel Salvaterra. Kumalabog ang dibdib ko. Siguradong sasabihin niya sa kanya na nandito kami ni Bruce. At tiyak na malalaman din ang Lolo at Lola ko. May chance na mapabalik kami ng Lipa. Ano ba itong gulong nakaamba sa amin? Kahit na may sagot na ako sa matitirhan namin ng ilang araw, gatas at diaper ni Bruce, napalitan naman ng panibagong pag-aalala ang utak ko. Hindi ako mauubusan ng problema. Pakiramdam ko pa ay nagkakapatong-patong lang sila. Napansin kong maluwag ang bahay. Wala ganoong kagamitan maliban sa talagang kakailangin ng madalas. May malaking aircon sa sala. L-shaped sofa na kulay black. Walang throw pillow. May center table na may isang magasin yata sa ilalim. Sa likuran ng sofa ay malaking bintang may salamin. Nakasarado naman iyon at natatakpan ng kurtinang kulay brown. Mabuti na lang at kulay puti ng pader. Pero may isang pantalon sa sofa na para bang basta na lang hinagis doon. Pantalon? Nahihiya kong nilingon si Ryan. Napakamot ito ng ulo at saka kinuha ang pantalon niya. Basta na lang na hinagis sa gilid na para ba iyong basahan na. He then became conscious of his arrangement in his house. Naiintindihan ko naman iyon kahit na magulo ang bahay niya. Lalaki siya at busy sa trabaho. And an idea popped in my head. Pwede kong linisin ang bahay niya kahit man lang pambayad sa utang ko sa kanya. May malapad na hagdanan paakyat sa pangalawang palapag. At sa kisame no'n ay may naka-hang na ilaw. Nakaputing tiles ang sahig. Kung nanliit ako sa loob ng sasakyan, magmimistulan akong insekto ngayon sa loob ng bahay niya. "Ihahatid ko kayo sa kwarto niyo." Untag niya sa akin. Napaigtad ako nang biglang narinig ang mababa niyang boses sa bumbunan ko. He towered me. At ang sobrang pagkakalapit niya ay nagpakaba sa akin. Mukha namang hindi niya napansin ang reaksyon ko at nauna na itong tinungo ang hagdanan. Bitbit pa rin ang mga gamit namin, gatas at diaper ni Bruce. Sinundan namin siya paakyat. Nilingon niya ako at tinuro ang kwartong tinapatan. "Ito ang kwarto ko. Kung may kailangan ka sa gabi, kumatok ka na lang." saka nito binuksan ang pinto ng kwartong nasa harapan ng kwarto niya. "Ito naman ang magiging kwarto niyong mag-ina," Kailangan sa gabi? Sandali akong napaisip. Napaka-specific yata ng linyang iyon. Sa gabi lang ako pwedeng kumatok kung sakali? O siguro wala siya sa umaga dahil sa trabaho. Iyon marahil ang ibig niyang sabihin. Palagi akong nakasunod kay Ryan hanggang sa ilapag nito ang mga bitbit. Siya na rin ang nagbukas ang aircon. Sandaling pinasadahan ang kama at sinilip ang banyo. "May heater ang shower dito. Pwede mong paliguan ang bata kung gusto mo," alok niya. "Salamat." Tipid kong sagot sa kanya. Ibinaba ko si Bruce sa kama. Kaya lang ay umungot ito at gustong magpabuhat ulit. I heard his heavy sigh. "Baka nagugutom na 'yan o inaantok. Sumunod ka na lang sa baba pagkatapos mo." Bahagya akong naalarma. "Bakit?" Huminto ito sa paghakbang. Namaywang. "Magluluto ako ng hapunan. Wala ka bang balak na kumain?" Ang biglang bumigat na dibdib ko ay gumaan din sa sagot. Masyado akong palaisip. "Sige," "Bakit masyado kang takot na takot? May tinatago ka ba sa akin, Marianne Cielo?" That, halted me. "H-ha?" He smirked. A smirk that pushed my heart into the edges of emergency state of craziness. "Meron ka pa bang third name?" Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin doon? I gulped nervously. "R-ryan . . ." Pagkatapos ng nakakapaso niyang titig ay bigla itong nagkibit ng balikat. Pambabalewala sa kanyang tinanong kanina. "Pagpahingahin mo muna si Bruce. Saka tayo mag-usap sa baba." Sabay talikod at iniwan na kami sa loob ng kwarto. Napaupo ako sa gilid ng kama. "Oh Bruce. Mukhang hindi tayo tatagal dito. Aamin ko, natatakot sa kanya. Baka . . . baka hindi ko kakayanin ang galit niya sa akin. Pero . . . kaunting araw pa. Kapag nakahanap ako ng trabaho at matitirhan natin, babayaran natin siya. Kahit may interest pa. Makabawi man lang ako sa ginawa kong ito sa kanya." Umungot si Bruce sa mga braso ko. Inupo ko siya sa kandungan ko at sinuklay ang buhok niya na hindi naman nangangailangang suklayin. Napakabigat sa pakiramdam ang manloko. Kaya lang, masisisi ba ako na isa nang desperada? May bata akong kasama. Kaligtasan lang namin ang isinaalang-alang ko. Alam kong mali, pero, alam ko ring wala akong mapagpipilian. Hindi kami pwede pumunta sa mga Lolo at Lola ko. Malalagay sila sa alanganin lalo na sa pamilya Salvaterra. Ayokong bigyan sila ng sama ng loob sa nangyari sa Kuya ko. At sa akin na rin. I made insane decision even before. Giving myself to a stranger man, tapos ngayon pinuntahan ko pa at nagpaako kahit hindi kanya ang responsibilidad. Ano ba naman klaseng pagsubok ito? Bakit wala akong makitang pinto palabas? Bumuntong hininga ako. Siguro ay hindi ko pa alam ang sagot sa ngayon. Maaaring mamaya o bukas o sa susunod na araw ay may sagot na akong maaapuhap. Sa mga oras sandaling ito, kukunin ko ang kung anong meron. Babawi na lang ako kapag nakaahon kami kahit kaunti man lang. Nang umungot ulit si Bruce ay sinimulan ko na siyang linisan bago patulugin. ** Nagsusuklay pa ako ng basang buhok habang bumababa ng hagdanan. Agad na nakatulog si Bruce nang makadede. May aircon pa sa kwarto kaya mas lalo itong naginhawaan. Napakalambot din ng kama. Kahit ako ay kumuntik nang makatulog doon kung hindi ko lang naalala si Ryan. Naligo na rin ako. Aaminin kong ang laking ginhawa rito. Naroroon pa lang kami sa kwarto ay satisfied na ako. Pero kailangan ko pa rin siyang harapin at ihanda ang sarili ngayon at sa mga susunod pang araw. Kailangan ko ring maghanap agad ng mapagkakakitaan. Makaipon. Magplano. Si Ryan pa ay nagtatrabaho sa isang security agency. Kaya't kailangang maging maingat din ako sa mga sasabihin at ikikilos. Pinapangako kong hindi kami magiging pabigat sa kanya. Kaya kong linisan ang buong bahay niya. Kaninang naliligo ay pinaplano ko na ang gagawin para bukas. Simpleng kabayaran lang iyon kaya't kailangan kong sipagin ang sarili. Hindi pa ako pamilyar sa bahay kaya pagkababa ay nagpalingon-lingon pa ako para mahanap ang kusina. Natatawa ako sa pagkainosente ko. Nahagip ng mata ko ang malapad na dining table. Wala naman doon si Ryan. Pumasok ako sa pintong may transparent na salamin sa gilid. Iyon ang kusina dahil nakita ko ang refrigerator. Kinilibutan ako. Tinulak ko ang pinto at sumilip. Nakita ko si Ryan na nakaupo sa mataas na stool sa harap ng isang counter island. Nagkakape na yata at mukhang kanina pa ako hinihintay. "Ang tagal mo," reklamo niya sa akin. Binaba ang tasa at inaya akong pumasok. "Let's eat." Noon ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Nakaamoy kasi ng kape. At isa pa'y wala yata akong matinong kain maghapon. Mas kinakain ako ng sobrang pag-iisip sa problema ko. Tahimik akong pumasok. Umuusok pa naman iyong pancit canton sa plato. Naupo ako sa tabi niya. Nagsalin siya ng malamig na tubig sa baso ko. Masyado siyang malaking tao kaya nabubunggo niya ang tuhod ko. Nakasuot na ako ng cotton shorts at lumang T-shirt. Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit pati sapatos ay suot pa nga nito. Pero nagtanggal na siya ng ilan pang mga butones sa dibdib. Mas nakikita ko ang kanyang nahihimutok na dibdib. "Matatagalan ako kung magsasaing pa ako. Kaya pancit na lang ang niluto ko. I hope it's okay with you?" Napangiti ako at sabay lingon sa kanya. "Okay lang." totoo naman iyon. Mami-miss ko ang kanin pero okay na ito kaysa walang makain. Naghanda siya ng pancit canton, toasted bread with jam. Hula ko ay strawberry jam iyon. May peanut butter pa. Nag-scrambled egg din siya, may saging, orange juice at tupperwear ng biscuits. Nakaisang subo na ako ng pancit nang tumikhim siya. "Hindi talaga ako nagluluto. Mabuti nga at hindi pa expired 'yang pancit canton sa cabinet." Amin niyang bigla. Kamuntik pa akong mapapikit habang ngumunguya. Naisip ko lang din, mabuti pa siya nagagawang mag-expire ng stocks niya sa bahay. Ako nga, namomoroblema kung paano pagkakasyahin ang matitirang pera sa akin pagkatapos mabawasan ang bayad sa utang. Ang dasal ko na lang na ma-expire ay ang utang namin. Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay nilingon siya. "Masarap pa naman." Mahina kong sagot sa kanya. Ipinatong niya ang mga siko sa counter at pinagsalikop. Pinatong niya roon ang baba niya at tinitigan ako. Pinilit ko ang sariling mag-concentrate sa pagkain. Na naging makatotohanan dahil gutom na gutom naman ako. Sunod-sunod kong sinubo ang pancit, tinapay at itlog. I enjoyed the food, kahit walang presence ng kanin. Inisang lagok ko rin ang isang baso ng juice na sobrang lamig at sobrang tamis. Nang makaramdam na ako ng pagkabusog ay sako ko siya tiningnan. Nag-init ang mukha ko nang makita siyang titig na titig sa akin. Pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko sa sobrang hiya. "Pasensya na," sabi ko. At baka masyado akong naging matakaw sa harapan niya. Ngumisi siya. Sinulyapan ang plato ko. "Paborito mo ba ang pancit canton?" Inalis ko ang tingin sa kanya. "Hindi naman," He then chuckled. Umayos ito ng upo. Ini-stretch ang mga braso pataas. Narinig ko ang pagtunugan ng mga buto niya. "Busog ka na. Pwede na tayong mag-usap." I almost jumped from the stool and fell on the floor. Yes, busog na nga yata ako at bumalik ulit ang pag-aalala ko sa problema. Tumikhim ako at inunahan na siya. "Tu-tulad ng sabi ko kanina, Ryan, hindi ko naman ipipilit sa 'yo si Bruce. Hindi rin kami magtatagal dito sa bahay mo. Mag-maghahanap agad ako ng trabaho at bahay na matutuluyan namin. Nang sa gano'n ay may panggastos ako sa gatas at diaper niya. Hindi kami magiging pabigat sa 'yo," Pumikit ito habang minamasahe ang batok at balikat. Mukhang hindi siya interisado sa mga sinabi ko. Ni hindi nga ito mukhang bothered na nandito kami ngayon. Nang matapos sa pag-inat ay sumimsim pa ng kape bago ako tiningnan. "I'm actually offering you to stay here. But with me in the house, ofcourse." Tila ako nabingi sa sinagot niya. May ilang segundo akong natahimik bago nakapagsalita ulit. "Offering?" paniniguro kong tanong. He sighed. His tigh moved, bumunggo ulit sa tuhod ko. "Yes." "B-bakit?" "Dahil kailangan niyo, 'di ba?" tumaas pa ang mga kilay niya. Napahawak ko sa edges ng counter island. "Hindi pa rin ako papayag sa DNA test." May diin kong salita. "I won't force you, Cielo. In-offer ko lang sa 'yo ang matitirhan ninyong mag-ina. Pati pangangailangan niyo." "Bakit?" "Anong bakit? Iyon ang kailangan mo ngayon, 'di ba? Ikaw pa ang takang-taka ngayon," Napapikit ako. Kinalma ko muna ang mabilis na t***k ng puso ko. At nang idilat ko ang mga mata ako ay siya naman ang nasalubong ko. Pinabibilis niya ang t***k ng puso sa pagtitig pa lang niya sa akin. "Kung gano'n, 'wag kang mag-alala, babayaran naman kita. Kapag nakahanap ako ng trabaho, ibabayad ko ng buo sa iyo ang unang sweldo ko." pangako ko sa sarili at sa kanya. "Hindi ako naniningil." Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Babayaran pa rin kita." Nilingon ko ang loob ng kusina. "Tutulong ako sa paglilinis ng bahay mo," binalik ko ang tingin sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting hiya. "Kaya rin kitang ipaglaba. Kahit ano. Makaawas man lang kami ng utang sa 'yo." Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Napayuko ako. "What happened to you?" seryoso niyang tanong sa akin. Nilingon ko siya. Pinagkukurot ko ang daliri dahil sa kabang umusbong sa dibdib ko. "Sinabi ko na sa 'yo. Lumalaki si Bruce, lumalaki rin ang pangangailangan niya---" "You. What happened to you, Cielo?" Natigilan ako. I lost in track. Maliban kina Wilma at Seb, wala akong pinagkukwentuhan ng mga nangyayari sa buhay ko. At buhay-may-utang lang naman ang kumikinang sa buhay ko ngayon. Minsan, sumasagi rin sa isipan ko na kung paano kaya kung iba ang nangyari. Wala akong utang, walang tinatakbuhan, malaya ako at nabibili ang mga gusto ko. But seeing Bruce, I now can't imagine my life without him. Pamangkin ko iyon. At hindi ko dapat pabayaan. Iniwan man siya sa akin ng Kuya ko nang walang pangalan, responsibilidad ko na rin siya. Iyon ang mga pangyayari sa buhay ko. Maiintindihan ba iyon ng isang Joe Ryan Del Carmen? Ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili ilang taon na ang nakakaraan. At tanging lalaking nakahawak sa akin, nang higit pa sa hawak. Marahil ay hindi ako ang una niya, pero siya naman ang sa akin. May lalagpas pa sa ganoon ang pagkakakilala namin sa isa't–isa? I bit my lower lip. All I think about is physical relationship. And there's no relationship. Isang beses lang iyon. At isa pa'y nagpabayad ako sa kanya. Siguro ay iba ang tingin niya sa akin ngayon. Pero ko na iindahin iyon. Ano naman kung marumi pa rin ang tingin niya sa akin? Wala naman siyang alam sa buhay ko. Hindi ko ikamamatay kung marumi nga ang tingin niya sa akin. Mas uusugin pa ako ng konsensya sa pagsisinungaling ko sa kanya. I released my lip and sighed. "Nakatapos naman ako. Nakapagturo sa eskwela." I gulped. "Kinailangan naming umalis ng Lipa," hindi ko na alam kung ano pa ang idudugtong malibang huminto na lang kaysa ang magdagdag ng kasinungalingan. "Bakit hindi mo pinuntahan ang Lola Josie mo?" tanong niya na para bang nag-iimbestiga. Kinabahan ako at napatingin sa kanya. "Ryan . . . walang alam ang Lola ko." Kumunot ang noo niya. Hindi ito kumibo. Napalunok ako at hinawakan siya sa braso. "H-hindi kami pwedeng pumunta sa kanila. Baka . . . baka magalit ang mga Salvaterra. May kasama pa akong bata," paniniwalaan niya kaya ako? "Kilala ko si Wax. Hindi iyon magagalit kung pupunta ka nga roon." Paniniguro niya. Dumiin ang kamay ko sa braso niya. "Baka mawalan ng trabaho ang Lolo at Lola ko sa kanila. Magiging pabigat lang kami roon," He tsked. "Why do you always insist na pabigat kayo? You're a single mother. You really need a help!" "Ayun na nga. I'm a single mother. It's my choice to be in this situation." Napasuklay ito ng buhok. Yumuko at tila nagmura pa. Nang tingnan ako ulit ay para bang inaantok na ang mga mata niya. "Like I said, I'm offering you to stay here in my house. I'm Bruce's father. He is my responsibility. Ngayon, kung magtatanong ka ulit kung bakit ko 'to ginagawa, sabihin na lang natin na para sa Lola Josie mo. I like her like my own grandma. At tiyak na bubugbugin ako ni Wax kapag nalaman niyang nabuntis ko ang apo ni Manang Josie. Kaya choice mo talaga kung aalis ka pa o mag sstay ka." "Magbabayad naman ko," "Inuulit ko, hindi ako naniningil, Cielo. Ginagawa ko 'to para kay Bruce at sa Lolo at Lola mo." "Edi hayaan mong bayaran ko ang pag-stay ko." "Napakataas naman ng pride mo." "Dahil iyon na lang ang meron ako." mabilis kong sagot. Hindi ko alam kung saan ko iyon nakuha o marahil, iyon nga ang totoo. "Hindi ko yata nakita 'yan noong unang beses kitang nakilala. You were so willing to give yourself to me . . ." he trailed off. "Iba ang sitwasyon noon." Napakamot ito ng gilid ng ilong. A gesture that made me want to cover my face and cry. "Sa kakaibang sitwasyon talaga tayo pinagtatagpo. I may not like it but . . . I can't seems to find the words to turn you down. Palagi akong mayroon ng kailangan mo." Money. Sa loob-loob ko, hindi kaya nao-offend ko rin siya? Napayuko ako. "Sorry. Hindi naman ako namimilit," "But I am capable." "Mali pa rin." "Hindi maling humingi ng tulong." Pero mali ang magsinungaling. Hindi ko iyon nasabi. Inubos na niya ang kapeng iniinom at nagsimulang magligpit ng pinagkainan. Agad akong tumayo at tumulong. We are facing at each other, nang magkaharap sa lababo. Hawak ko ang mga baso. At siya naman ay basahan pampunas sa counter. He sighed. "You should stay." He murmured. My heart beat faster. Dumadagundong ang dibdib ko na para bang mayroong nagsisigawan sa loob nito. This foreign feelings scares me. I gulped, "T-thank you." Pareho kaming hindi nakapagsalita na pagkatapos no'n. At ang maluwang niyang kusina ay para bang lumiit dahil naririnig ko na pati ang banayad niyang paghinga. Pagkatapos ng ilang sandali . . . "Si Bruce." He said. Tiningala ko siya. Ito ulit ang kaba sa dibdib ko. "H-ha?" nabisto niya ako? He tilted his head. Tiningnan ang kisame. "Si Bruce . . . baka magising at hanapin ka. Mabuti pang umakyat ka na ro'n," suhestyon niya. Napaawang ang labi ko. "Ah. Oo." Pero hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. There is a force that wanted me to stay in here. Kinuha niya mula sa akin ang mga hawak kong baso at binaba sa lababo. "Go." He murmured again. Sandali akong natigilan. Para bang may karera nang hindi ko nalalaman kung para saan. He stared at me. At bago pa ako makapihit patalikod ay bumaba ang mukha niya at dinampian ang labi ko ng labi niya. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Sandali lamang lumapat ang labi niya sa akin. Agad din itong tumalikod para punasan ang counter island. Nang sa pakiramdam ko ay hindi na niya ako kakausapin pa ay tumalikod na ako at tumulak palabas ng kusina. Habang puso ko ay para bang nagwawala sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD