Chapter 8
Marianne
Iniwang kong natutulog si Bruce sa kwarto namin. Dahil sa sinabi ni Ryan kaya naglakas loob akong bumaba sa kusina para tumulong na rin sa gawain doon kasama si ate Ephie.
Naabutan kong siya mag-isa sa kusina. Kumakanta habang naghuhugas sa lababo. Naalala kong kinakausap niya naman ako noon nang nakapunta ako sa bahay ng mga Salvaterra. Mayor pa noon si Sir Wax sa Lemery. Mababait sila. Lalo na si Ma’am Anjelous. Mahinhin siya at sobrang maasikaso sa aming mag-anak. Pinatuloy nila kami roon para makasama ang Lolo at Lola namin. Doon ko rin nakita ulit si Ryan. Galit na galit siya noon sa akin. Dahil sa edad kong hindi ko inamin sa kanya. Pero hindi rin naman ako minor de edad no’n. O baka ayaw niya lang talaga sa mas bata sa kanya. Takot na takot ako sa kanya. Dahil baka malaman ng mga kamag-anak ko ang ginawa ko para kumita ng malaking pera.
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kapag naisawalat ang lihim ko noong araw na iyon. Naroon si Mayor Wax, ang asawa niya at kaibigan, mga kamag-anak ko. Makakapagturo pa kaya ako?
Ang batid ko ay makapangyarihan din si Joe Ryan. Mayaman siya. Pwede niya rin akong ikahiya o baliktarin sa sitwasyon. Pero nanatili itong tahimik at galit ang mga mata kung tumitig sa akin.
Isang beses kong nakita ang mapanuring sulyap sa akin ni Mayor Wax noon matapos nitong tingnan si Ryan. Nakita ko siyang umiling pagkatapos ay ngumisi. Hinapit ang asawa sa baywang at may binulong. But ma’am Anjelous Salvaterra looked kindly at me. Naramdaman ko noon ang pagiging bata ko, pero hindi sa responsibilidad na nasa mga balikat ko.
Napalunok ako at dahan-dahan na tinulak ang pinto. Tiningnan ko iyong pantry. Gusto kong ayusin iyon kung hindi pa rin naaayos ni Ate Ephie. Nilingon niya ako at nginitian nang mapansin.
“Hi, ganda! ‘Asan si . . . ano nga ulit pangalan ni baby boy mo?”
“B-bruce.” Tipid kong sagot sa kanya.
Tumango siya at nagpunas ng mga kamay. “Ayun. Bruce nga. Nabanggit na kanina sa akin ni Ser Ryan, nakalimutan ko lang, hehe,” sabay bungisngis nito.
Ngumiti ako. Napansin kong nagsaing na rin siya at naghahanda na ng lulutuing ulam.
“Baka may gusto kang kainin? Ipaghahain kita. ‘Wag kang mahiya. Para sa inyo naman ‘tong pinamili ni Ser Ryan.” Maasikaso niyang sabi sa akin.
Nakakaramdam ako ng kaba kay ate Ephie pero pinapagaan din niya ang atmosphere sa kanyang pagsasalita. Siguro ay hinihintay niya rin na magsalita ako tungkol kina Lola. At kung ganoon nga, hindi ko kailangang magamba sa lahat ng oras o sa tuwing makikita ko siya. Makakasama na rin namin siya kaya mas mabuting maging panatag ako sa kanya.
Umiling ako. “Baka kailangan mo ng tulong dito, ate Ephie. Pwede ako.” prisinta ko sa sarili.
“Sure ka? Naku, eh, baka sabihin ni Ser Ryan inaalila kita, gorl.”
She twisted her lips funnily.
Nangiti ako. “Hindi po ‘yun. Saka wala naman akong gagawin ngayon.” Dagdag ko. Though, kanina ay nagalit siya dahil nakita niyang nagwawalis ako sa labas. Kasama ko naman si ate Ephie. Hindi na siya magagalit. Palagay ko.
Bumuntong hininga ito at inilabas sa plastic ang karne. “Sabagay. Kahit ako nabuburyong dito kasi wala akong makausap. Wala sina Dahlia. Sige. Ikaw ang bahala.”
Natuwa ako nang pumayag na siya. Pero nang mag-umpisa akong ayusin ulit ang pantry, pareho kaming tahimik ni ate Ephie. Hindi ko talaga nagustuhan itong ayos ni Ryan kanina. Iyong tinapay ay na deform pa sa higpit ng hawak niya. Pasulyap-sulyap din ako kay ate Ephie. At sa tuwing magkakahulihan kaming nakatingin sa isa’t-isa ay ngingiti lang ito sa akin.
May pakiramdam akong may iniisip din siyang iba. Para kaming nagpapakiramdaman. At nakakadagdag pa sa kaba ang mga kalansing ng kutsilyo’t chopping board, tasa at mga plastic.
Nang matapos ako sa pag-organise ng pantry ay tumulong naman ako sa pagbabalat at hiwa sa gulay. Dahil na rin siguro sa naranasang gutom ay nasabik ako sa putaheng iluluto ni ate Ephie. Dalawang klase pa ng ulam kahit na iilan lang kami rito sa bahay ni Ryan. Ganito ba siya talaga kung kumain? Nakakapagluto ba siya? Walang katao-tao sa bahay niya nang iuwi niya kami ni Bruce rito. O sa labas na rin siya madalas kumakain.
Bumaba si Ryan eksaktong patapos na kami sa paghahain sa hapag. Dinungaw niya ako ng tingin nang ilapag ko ang mainit na kanin sa harapan niya. Pagkalapag ay humawak ako sa sandalan ng upuan sa gilid niya. “Kumain ka na.” aya ko sa kanya.
Mabigat siyang bumuntong hininga. Inabot ang sandok at naglagay sa kanyang plato. Pagkalabas ni ate Ephie galing sa kusina para sa tubig ay nag-excuse muna ako. Agad akong tinawag ni Ryan. Magsalubong ang mga kilay akong nilingon.
“Saan ka pupunta? Kakain na tayo.” Inis niyang awat sa akin.
“Alam ko . . . pupuntahan ko lang si Bruce.” Dahilan ko.
Tila ito natauhan sa sinabi ko. Na para bang walang Bruce sa bahay na iyon. Hinintay ko siyang magsalita ulit. Nang manatili siyang walang kibo at nang humulas na ang expression ng mukha ay tuluyan na akong tumalikod para umakyat sa kwarto.
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Bakit ba siya nagagalit? Bawat kilos ko ay kailangan ba niyang bantayan at suruin kung gumagalaw ako o hindi? Hindi mahirap sa aking isipin na wala siyang tiwala sa akin. Tapos ay pinatira pa niya ako sa malaki niyang bahay. Iniisip ba niyang malikot ang mga kamay ko at may kunin ako rito? I’m still a stranger. I could understand that.
Malalim akong bumuntong hininga paakyat sa hagdanan.
Tulog pa rin naman si Bruce. Kinuha ko ang bote ng gatas niya at tinakpan. Naupo ako sa gilid ng kama. Kauupo ko pa lamang nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.
“Ganda kumain ka muna sa baba. Ako na ang magbabantay kay baby boy,” presinta ni ate Ephie. Marahan niyang sinarado ang pinto at lumapit sa gilid ng kama.
Hindi ako agad na kumilos. Yumuko ako at hinalikan sa noo si Bruce. “Utos din po ba ito ni Ryan?” mahina kong tanong kay ate Ephie.
Napatingin siya sa akin. Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likuran. “Ha?” bahagya siyang nagulat sa tanong ko.
Umayos ako ng upo at nag-angat ng tingin sa kanya. “Kanina pa siya nagagalit.”
Napakamot ito ng ulo. Mahinang tumawa.
“Naku ‘wag mong dibdibin ‘yun. Hindi seryoso ‘yon. Kilala ko ‘yang si Ser. Nakakatakot lang ang mukha pero hindi naman ‘yun nananapak . . . ng babae, syempre. Lalo na sa ‘yo, ‘no!”
Kumunot ang noo ko.
Ang mga mata niya ay tumingin sa kisame. “Pero depende rin yata sa babae. Kasi dati may isang babae sa bahay na kasapak-sapak ang ugali at mukha. ‘Buti nga at hindi siya nakatikim ng sapak kay Ser Ryan. Ewan lang kay Ser Wax.” Nagkibit-balikat siya. “Ayoko nang balikan ang panahon na ‘yon. Nakakakilabot.”
Kasapak-sapak na babae? Hindi na ako nagtanong pa at sinulyapan ko ulit si Bruce. Marahan akong tumayo para hindi masyadong umuga ang kama. Iniwan ko na roon si ate Ephie at bumalik sa baba.
Naabutan kong nakasandal sa kanyang upuan si Ryan. Hindi kumakain. Nakatitig sa kawalan. Nang marinig ako ay saka siya kumilos at inangat ang likuran mula sa upuan.
Mayroong plato sa kanang gilid niya. Doon na ako naupo nang tahimik. Nakatitig na naman siya sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Pero nanginginig ang mga kamay ko sa paghawak pa lang sa sandok ng kanin.
“Si Bruce?”
Malaki ang boses niya. Mababa pero hindi ko iyon pangkaraniwan na naririnig. Iyon ang uri ng boses na maaalala mo kung sino ang nagmamay-ari. Malayo sa boses ng Kuya ko at ni Seb. His voice is cleared and big. But still lightly different from his bedroom voice he possessed during our---I cleared my throat as well as the web in my mind.
“N-natutulog pa.” tipid kong sagot.
“Ikukuha ko siya ng nanny.” Mabilis niyang sinundan ang sagot ko.
Natigilan ako. “Bakit?” tumikhim ako ulit. “Ibig kong sabihin, ‘wag na. Nandito naman ako.”
Pinagpatuloy niya ang pagkain. “May carseat na rin ako para sa kanya. I’ll ask Ephie kung may kilala siyang naghahanap ng trabaho. Hindi ko na kasi mahihiram si Dahlia dahil nag-aalaga na ‘yon ng mga anak ni Wax.”
“Nagtatanong ako kung bakit? Kaya kong alagaan si Bruce.” giit ko.
He sighed. Tumigil sa pagkain. “Wala ba akong karapatan na magdesisyon sa anak ko? At para sa kanya naman ang ginagawa ko.”
“Edi sana kinunsulta mo muna sa akin kung payag ako,”
“That’s why I’m telling you now.” He gave me a bored look. “Ano, payag ka na?”
“Ryan.” Madiin kong pinaglapat ang labi.
He tilted his head. “What?”
He’s impossible! Hindi ba dapat ay mas dapat akong magpasalamat sa effort niyang iyon, ‘di ba? Eh, bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Ang uri ng pagsasalita niya ay tila pag-uuyam sa akin. Hindi ko matanggap-tanggap na nagsasalita siya ng ganito sa akin.
Alam kong nagpapanggap lang kami ni Bruce gawa ng problema ko. Pero bakit nakakaramdam ako ng . . . kirot sa dibdib nang dahil sa gusto niyang pagkagastuhan ang pamangkin ko?
“It’s on me, Marianne. Kung iniisip mo ang pasweldo at mga bayarin, mag-relax ka. Ako ang Tatay niya kaya ‘wag kang mag-alala. Magiging maayos si Bruce.” Paniniguro niya sa akin sa huli.
There. I still didn’t like the way he assured me. Then, what’s wrong with me? Pakiramdam ko ba ay nagsisinungaling siya?
Since then, palagi ko nang iniisip ang motibo ni Ryan. Hindi na niya giniit ang DNA testing. Hindi niya sinabihan ang Lolo at Lola ko. Pumayag lang siyang tumira kami sa bahay niya.
Napapatanong tuloy ako; may iba ba siyang gusto?
**
Kinabukasan ay nagising ako sa dagan sa akin ni Bruce. Binato pa niya sa akin ang bote niya ng gatas kaya bumangon na rin ako. Mag-aalas seis na ng umaga nang lumabas kami. Nakadede na si Bruce. Pagkababa ko sa kanya sa sala ay nagtatakbo naman ito sa nakabukas na pintuan. Naroon si ate Ephie. May pinapanood na kung ano sa labas. At nagtsi-cheer pa.
Hinawakan ko sa kamay si Bruce at tiningnan ang pinapanood niya.
“Go, go, go, Ser Ryan! Kaya mo ‘yan!” sigaw niya at tumatawa. Nilingon niya ako, “O gising ka na pala, ganda. Almusal na?”
Tipid ko siyang nginitian. “Morning, ate Ephie. Anong ginagawa ni Ryan . . .?” imbes na sagutin ang tanong niya ay naging interisado ako sa ginagawa ni Ryan. Kaya pinanood ko ang ginagawa nito sa labas.
At mula sa likurang bahay ay lumabas si Ryan. Tumatakbo, ay hindi, nagja-jogging. Walang pang-itaas kundi isang itim na shorts, itim na medyas at puting rubber shoes. May plain white towel namang nakasabit sa kanyang kanang balikat. At mayroon ding nakasalpak sa magkabila nitong tainga. Ang accessory na suot ay isang itim na relos lamang.
Sinundan ko siya ng tingin. Habang nakatingin din ito sa akin nang mapansin ako. Kumikintab na ang dibdib at mga braso nito sa pawis. Nagja-jogging ito paikot sa labas ng bahay.
“Nag-eexercise ‘yan. Alas singko pa nga lang nagja-jogging na. Tapos mamaya sit up naman, panoorin mo dali.” Aya niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. “Paano mo po nalaman ang gagawin niya?”
Bumungisngis siya at nilapit ang bibig sa tainga ko. “Eh pangatlong ulit na ‘yan.” Tumawa ulit ito.
Hilaw ko siyang nginitian. Kahit kailan naman ay hindi ako naging interisado sa mga lalaking nag-e-exercise. Wala namang malisya kung manipis lang ang suot nila o kaya naman ay half-naked sila. At iyong naiisip kong katawan na walang epekto sa akin ay iyong mga malalaki talaga ang katawan. Hindi ko iyon maikukumpara sa katawan ni Ryan. What he possessed is a very manly, perfectly muscled body. Flat-hard abdomen, chiseled chest and arms. Plus his long powerful thighs and hairy legs. I could even remember, na hindi iyon magkasya sa loob ng sasakyan nang---
Natigilan ako nang lumitaw ulit si Ryan. Ramdam ko ang pagmuo ng pawis sa noo ko at mabilis na pintig ng puso ko. Pero nalusaw ang mainit na imaheng iyon nang makita kong tumakbo palapit sa kanya ang pamangkin ko. “Bruce!”
“May sasalihan yatang Olympics,” narinig kong dagdag ni ate Ephie.
Hindi ko na siya nasagot at hinabol si Bruce na kumawala pala sa kamay ko. Huminto sa pagtakbo si Ryan nang mapansin si Bruce. Humihingal na tinanggal ang nakatakip sa tainga. Naghahabol pa ito ng hangin. “Hey,” sambit niya.
Bago pa bumunggo si Bruce sa mga binti niya ay naabutan ko na ito at binuhat. Humakbang palapit sa amin si Ryan.
“It’s okay.” His hot breath fanned my face while his gasping for air.
Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Hindi ko na napigilan ang sariling pasadahan ng tingin ang hubad niyang katawan. Basa ng pawis ang dibdib na may mumunting mga buhok. I can’t, I can’t just ignore his body shape. From his broad shoulders, muscled hairy chest, rippled abdomen down to his lower tummy near . . . napalunok ako. Umakyat ulit ang mga mata ko sa magkabila niyang mga braso. Those muscled tight arms are sweating.
“Really,” he murmured.
Doon umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakapamaywang na siya at pinapanood akong pinapasadahan ng tingin ang hubad niyang dibdib. “Uh, sorry. Hindi ko napansing nakawala si Bruce,” maagap kong sagot dito.
Ngumisi siya. “I said ‘okay’ lang. Let him play outside. Ikaw naman sa loob ng bahay ko.”
“Ha?” nagtataka kong tanong.
Tinuro niya si ate Ephie. “Mag-almusal ka na. Ako muna kay Bruce.”
Ah. Naestatwa ako nang bigla siyang humakbang padikit sa akin, kinuha sa mga braso ko si Bruce. I smelled his manly scent and felt his sweating forearms. Ni hindi nagwala si Bruce nang buhatin niya.
Ryan smiled at him. “Let’s play, Bruce Lee? Doon ba nakuha ang pangalan mo,” sabay tingin sa akin.
Nagulat man ay agad akong umiling. “Hindi. Kay . . . Batman.” Nahihiya kong amin.
“Ah. So, Bruce Wayne. Nice!” he looked at me.
Bago bumalik sa loob, “Nakadede na rin si Bruce.”
Kumunot ang noo niya. “H-ha? De . . . de?” kaunting hingal pa niyang tanong.
Tumango ako. “Kaya pwede ko siyang iwan sa ‘yo. Busog pa.”
“Ow. ‘Yun pala. Muntik pa ‘kong mapamura.” He almost whispered. “Naka-formula siya, ‘di ba?” habol niyang tanong.
Tumango ako. Siya pa nga ang bumili no’ng huli.
He nodded. “Para sure.” He murmured. A very tiny voice I almost didn’t hear.
Kumunot ang noo ko. Binaba niya ulit si Bruce. Binantayan sa kung saan ito tatakbo. His laughter and giggles gave sound in the morning.
Bumalik ako kay ate Ephie na may munting ngiti sa labi.
“Ang cute niyong tingnan tatlo.” komento niya. I only smiled at her. Dahil hindi pa humuhupa ang mala-rapidong t***k ng puso ko.
Sabay na kaming pumasok sa loob at kumain ng almusal.
Hindi umalis ng bahay si Ryan. Maghapon itong nagkulong sa isang kwarto sa ibaba. Ang sabi ni ate Ephie ay ginawang opisina raw iyon. Ibig sabihin ay dito sa bahay nagtrabaho ni Ryan.
Hindi ko siya ginagambala kapag nasa loob siya. Iniiwasan ko ring marinig niya ang iyak ni Bruce. Though, napaka-energetic na bata niya. May minsan tumitili ito ng malakas kapag sobrang masaya sa nilalaro.
Kinabukasan ay napansin kong mayroon nang dalawang lalaking tao sa labas ng bahay. Parehong nakasuot ng puting polo shirts at maong pants. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang kanilang mga baril na nakasuksok sa gilid ng kanilang baywang.
Nakasilip ako sa bintana sa sala at tinatanaw silang dalawa. Paminsan-minsan silang nag-uusap pero madalas ay tahimik at nakamasid sa paligid. Tumabi sa akin si ate Ephie na buhat-buhat si Bruce.
“Huy, anong tinitingnan mo r’yan?” biro niya sa akin.
Sinulyapan ko siya at binalik ang tingin sa dalawa. “Sino sila, ate Ephie?” usisa ko. Si Ryan ay umalis pero nagbilin sa akin na babalik din agad.
Alam naman niya ang tinitingnan ko.
“Hmm. Sila si Jojowain at Totropahin.”
Kunot-noo ko siyang nilingon. Nakanguso siya at patango-tango.
“Sila ang bantay natin 24/7. Iyon ang eksaktong sabi ni Ser Ryan sa akin.”
Napailing na lang ako. “Ganito po ba talaga sa bahay si Ryan?” natanong ko ng wala sa oras. Huli na para bawiin ko iyon dahil nga sa Salvaterra nagtatrabaho si ate Ephie.
Pero sinagot pa rin niya ang tanong ko.
“Ewan ko ro’n. Akala ko nga walang sariling bahay si Ser eh. Hindi naman daw niya bet ang tumira rito sa Batangas. Sa Maynila niya gusto.”
Natigilan ako. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng ganoon. Marami ang gusto sa maynila mamalagi. Hindi nga lang lahat ay may choice na lumipat doon. Pero si Ryan, may kakayahan siya. Bakit hindi natuloy?
“At saka, mapera naman si Ser. Hayaan mo na lang siyang protektahan ka,”
Napatingin ako sa kanya. “Protektahan?”
“Ha? Oo. Eh ‘di ba nga, negosyo niya ‘yun. Siya nga ang tagalagay ng security kay Ser Wax pati sa Papa niya. At mas lalo kay Madam Anjelous. Sobrang maprotektado roon si Ser Wax. Agad-agad na tinatawag kay Ser Ryan kapag may kailangan.” Buong pagmamalaki niyang sabi sa akin.
Napatitig ako nang matagal kay ate Ephie. This is Ryan’s nature of job. Hindi na naiiba rito si ate Ephie. Sanay na siya. Para bang naging training ground niya ang karanasan sa bahay ng mga Salvaterra.
“May mga nakakabangga rin yata sa trabaho si Ser Ryan kaya masanay ka nang may mga nakakalat na tauhan sa paligid. Pero ssshh, secret lang ‘yon, ah. Naidaldal ko na sa ‘yo.” Bulong na salita niya sa huli.
Marahan naman akong tumango matapos akong iwan ni ate Ephie. I tried to absorb the new knowledge from her. Napahilot ako sa aking batok. Will it be possible, na paimbestigahan niya rin ako?
Yes. Kung gugustuhin niya.
I mildy caressed my chest at that fear possibility. Napapikit ako. Anxiousness flooded in my head. If I will have one card against him, iyon ay ang hindi pagsamantalahan ang kabutihan at naitulong niya sa amin ni Bruce. I should be more cafeful. More alert and aware of his profession.
***
Wilma:
Kumusta ka na? Maayos ba ang kalagayan niyong magtita?
Nakatanggap ako ng text galing kay Wilma. Gabi na iyon at katutulog pa lang ni Bruce.
Ako:
Okay lang kami.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pero laking gulat ko nang makita ang isang tauhan doon ni Ryan at nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto namin. Pati siya ay nagulat.
“May kailangan po kayo?” mahinahon ko pang tanong sa kanya.
Tumikhim siya at umayos ng tayo.
“Wala naman po, ma’am.”
Sumilip ako sa labas. Walang ibang tao maliban sa kanya.
“Ba-bakit ka nakatayo r’yan?” tanong ko. Nag-vibrate ang phone ko pero hindi ko muna iyon pinansin at hinarap ang isa sa mga tauhan ni Ryan.
“Napag-utusan lang po, ma’am.” Tipid niya ulit na sagot.
“Bakit?”
Tiningnan niya lang ako at nagkibit-balikat.
Muli kong sinarado ang pinto pero hindi umalis doon. Kumuyom ang mga kamao ko. He literally scared me. He did this. Ano bang problema niya? Hanggang labas ng kwarto namin ay may bantay na?
Binuksan ko ulit ang pinto. Tiningnan niya ako ulit pero hindi kumibo.
Tinuro ko ang kwarto ni Ryan. “Nasa loob na ba siya?”
Kumunot ang noo niya. Tiningnan din iyon. “Yes, ma’am.” Pagkumpirma niya.
Inilang hakbang ko ang pintong iyon. Dalawang malalakas na katok ang ginawa ko. Bago niya ako sagutin at dala ng inis ay pinihit ko pabukas ang door knob.
Huli na para mabawi pa ang nakita ko. Huminto ang paghinga ko nang makita kong hubo’t-hubad si Ryan nang nakatalikod sa akin!
Mabilis akong tumalikod. Sinarado naman ng tauhan niya ang pinto.
Sumalakay sa balat ko ang napakalamig na temperatura sa loob ng kwartong iyon. Tahimik. But I can hear his breathing. At ilang mahihinang kaluskos.
He cleared his throat calmly. He is calmed!
“May kailangan ka ba, Marianne? Nagmamadali ka yata.” He calmly said.
Napalunok ako. Ang padalos-dalos kong desisyon ang nag-udyok sa aking puntahan siya. At hindi ko akalaing ganito ang maaabutan ko.
“Mamaya na lang! Magbihis ka muna!” humakbang ako palapit sa pinto. But he halted me—and jailed me in between his arms against the closed door. “Ryan!”
Humilig siya sa tapat ng tainga ko. “Anong kailangan mo sa’kin?” bulong niya. “Is Bruce asleep?”
He’s naked. I can feel his skin.
“Magbihis ka.” May diin kong sabi.
He pressed his naked body against my back. Naestatwa ako.
“Patakbo ka yatang pumasok dito sa kwarto ko?” may panlalaro niyang tanong sa akin.
“Ryan, please!”
Tumawa siya. “Why, please? I’m surprised, babe.”
“Hindi ako nakikipagbiruan. Ryan. Magbihis ka.”
“Gusto mo talaga?”
Hinawakan ko na ang doorknob—na agad niya ring pinigilan. Siniko ko siya at tinulak palayo sa akin. Then I heard his bark of laughter. Nilingon ko siya. Nakasuot na ito ng itim na shorts. Nakayapak at tanging iyon lang ang suot.
Unti-unti ko siyang hinarap. “Bakit mo ‘ko pinapabantayan?”
His laughter faded. Namaywang. “May problema ba?”
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “Pagbukas ko pa lang ng pinto, may taong nakatayo sa labas.”
Tumango siya. “Uhuh.”
Nanginig ang labi ko. “Ang tingin mo ba sa akin . . . isang magnanakaw?” mapait kong tanong.
His laughter totally melted. Tinitigan na niya ako ng seryoso bago nagsalita.
“No.”
“Mukha ba akong hirap maglakad at nangangailangan ng alalay?”
“No.” he abruptly answered.
“Bakit mo ‘yon inutos? Kung akala mong malikot ang mga kamay ko at may balak sa ‘yong masama, pumanatag ka. Dahil aalis kami ritong walang dala galing sa ‘yo.” My pride helped collected those words.
Tiningnan niya lamang ako. Na para bang inaalam ang ibig kong sabihin sa kanyang isipan.
Pinahinahon ko rin ang sarili. He is our host. I should have been grateful but . . . I felt offended. Ganito rin iyong pakiramdam ko sa tuwing hinahabol ako ng inutangan ng kapatid ko.
I felt caged. Jailed. Steel bars were around me. Ang hirap kumilos ng alam mong may nakamasid sa iyo.
I blinked back my tears. This is tears of anger. Ang bugso ng damdamin ko ay umuupaw sa iba’t-ibang uri ng pakiramdam.
“Sorry.” He whispered.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. In my head, I immediately accepted it.
Kumilos siya at nilapitan ako. “Hindi ko alam na magagalit ka. It’s just my job. And you are part of it.”
Natahimik ako.
Malalim siyang bumutong hininga. Nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan nito ang pinto. Lumapit ako roon sa kanyang likuran dahil sakop niya ang daanan.
“Bumaba ka na.” utos niya sa lalaking nakatayo sa labas ng kwarto namin ni Bruce.
“Yes, Sir.” Masunuring utos naman nito kay Ryan.
Nang makaalis ay gumilid si Ryan. I sighed. Dumaan ako at lumabas na ng kwarto niya. Hindi ko na namalayang naisara ko na rin ang pinto ng kwarto namin ni Bruce. Hindi ko na siya tiningnan. Pero alam kong nakasunod ang mga mata niya sa akin hanggang lumapat ang pinto.