Chapter 9
Ryan
“Kung meron mang kulang sa mga reports, Sir, si Ms Larazano na lang po ang makakasagot no’n.” he said while scanning and rereading his written report he submitted to me.
I leaned on my table. Thinking about her again. “Bakit natin siya tatanungin? Anong silbi ng propesyon mo, Archer?” I dimly asked him.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Sir?” nagtataka niyang tanong.
I deeply sighed. Mabigat ang katawan akong sinandal ang likod sa upuan. “Why on earth you said that to me? You’ve been in a multiple seminars here in Eagle Eye but you just can’t adopt the name itself. So, we shall stop the investigation and directly ask her, is that what you suggest, Archer? To shortcut and risk her life?” I asked him again.
He closed his mouth. He got what I said and silenced himself. Naringgan ko ang pagbuntong hininga niya at saka binagsak ang mga mga papel sa ibabaw ng lamesa ko.
“Limang beses na akong nagpunta sa lugar nila. Walang nakakita kung kailan umuwi ng bahay nila si Stefan. Matagal nang hindi umuuwi roon ang kapatid niya. Lahat ng napagtanungan ko ay ganoon ang sagot sa akin,”
“Ilang beses ko nang narinig ‘yan sa ‘yo. Nothing’s new!” napipikon ko nang sagot sa kanya.
He sighed. Probably controlling himself to shout at me. He is one of the best staff in my agency. But with this case, he—we hardly find any hole of how Bruce came into the Larazano’s home. And that’s frustrating me—big time! Dahil alam ko, alam na alam kong hindi nagdalangtao si Marianne. I have her previous reports for the first 6 months after we separated. I had it sealed in my drawer.
At kung nalaman kong nagbuntis nga siya pagkatapos ng gabing iyon, makikita niya na lang ako sa labas ng bahay niya at iuuwi ko siya sa bahay ko. Hindi ako papayag na buhayin niyang mag-isa ang anak namin. I would welcome her with open thighs. Damn it! I couldn’t resist her beauty and sexy-innocent flirty voice she didn’t aware she possessed.
But when she came in suddenly into my office, I just can’t say anything to contradict her claims. Oh man, to be sorrowfully honest, I still want her. That my loins missed her. That my male’s instinct wanted her. I could even abduct—goodness—her just for myself. Kung hindi lang krimen iyon, ginawa ko na.
I’m just not a hero type. She is a woman with a lot of debts. A poor beautiful woman like a damsel in distress that needs a knight in shining armor. At hindi ako iyon. Why would I choose her if I have other options that much better than her with no existing debt?
But that’s also my problem. Marianne is irresistible. Ilang beses kong naririnig ang nakakaakit niyang boses na tinatawag ang pangalan ko. She is a seductress. And because of her innocence, she’s not flaunting it. Not even aware of it. That’s makes her even more attractive.
And now, I admit, to see her again, I can fight demons to get her in my bed. I’m close to being a lunatic just to ease the raging pain of abandonment in between my thighs.
“Mr Del Carmen? Sir Ryan?” untag sa akin ni Archer.
Fuck. I got lost? “Dammit!” I murmured. “Restart your investigation, Archer. I want the full details of that child!” nangangalit kong utos sa kanya.
He deeply sighed. “What for?”
Matalim ko siyang tiningnan. “For my business.”
He scoffed. “For personal business, you mean?” he sarcastically asked. “Look, kung para lang ‘to sa ‘Marianne’ mo, bakit hindi mo na lang siya tanungin kung saan niya nakuha ang bata?”
I tilted my head and drowsily looked at him. “Bakit ko siya tatanungin ng ganyan kung ako ang tinuro niyang ama ni Bruce?” despite her lies or maybe a white lies, I am glad she went to me.
“Sabihin mo na ang totoo na alam mong hindi naman siya nagbuntis. H’wag mo nang pahabain ang pagsisinungaling niya.”
Napasuntok ako sa mesa at tumayo. “Get your bullshit out of my house, Archer.” My fist couldn’t wait to punch his face.
“Ryan, pare, ang pagkakapunta sa kanya no’ng bata ay nakakapagtaka na. Kung talagang anak nga iyon ng kapatid niya—tulad ng sinasabi ng Tiyahin niya, delikadong babae ‘yan. Golddigger kumbaga. Pero kung hindi, tanggapin mo na lang na mananagot sa batas si Ms Lorazano.”
My teeth gritted. My fist clenched. But I didn’t let him see the hatred I have for the words he said about her.
He stepped forward, looked at me in the eyes; “Separate your personal desire and your job, Mr Del Carmen. Hindi ‘yan ang Ryan na kilala ko.” Archer said. “There’s must be a link between her, the baby and the real father.” And he left my office.
Nababanas akong napahilamos ng mukha at pabalang na bumalik sa pagkakaupo. Real father? Sa pagkakabanggit parang pamilya na silang tatlo. Yes. I’m usually not like this. I’m very professional and calm when it come to my work. Pero itong kaso na ito, hindi ko kayang hindi magalit.
This case is too delicate. May bata pang involved. I don’t want her to be in there. But I have to surrender . . . if ever the evidence is enough to prove that she is guilty.
Damn.
Kinuha ko ang phone sa gilid ng mesa. I clicked his number and waited.
“Ano?” bungad niya sa akin. “Nababaliw ka na ba?” then he chuckled.
I murmured a curse. I’m stressed. “Can I ask your help, Wax?”
He yawned like as if what I said bored him. At kung hindi ako nagkakamali ay uminat pa ito.
“What kind of help, my friend?” mapaglaro niyang tanong.
“Pwede siyang maaresto, Wax.” Seryoso kong salita sa kanya.
Hindi siya agad na nakasagot sa akin.
I smirked. “Surprise?”
“No. Well, yes. Dammit give me the full details.” He authoritatively command to me.
I sighed. “I’ll send you the docs.”
“Alright.” He answered.
***
Marianne
Nasa sala kami ni Bruce nang lumabas sa opisina ni Ryan ang bisita niya. Mabilis lang siya roon. Pero hindi naman maipinta ang mukha no’ng lalaki.
Binuhat ko si Bruce at tumayo. Iyong lalaking matangkad ay pahapyaw akong tiningnan. He smiled a little. Pilit na ngiti. I smiled back. His brows arched. Nagulat ba siyang nginitian ko siya? I mentally shrugged the thoughts. Then he politely nodded at me.
Pagkalabas niya ng bahay ay tiningnan ko si Bruce. He smirked, a very cute smirk. Halos pumikit pa nga ang isang mata niya dahil sa ngising iyon. “Someday, magiging heartthrob ka, baby.” Sabay kiliti ko sa kanyang kili-kili. May chance. Everything about him look so cute. Paano pa kaya pagbinata na siya? Hmm, kailangan kong bantayan ito nang maigi at baka magpaasa ng girls. I mentally noted.
Nang humupa ang tawa ni Bruce ay hinilig niya sa balikat ko ang pisngi niya. Napatingin ako sa labas. Tinanaw ko ang mga tauhan ni Ryan. Hindi na lang sila dalawa, kundi marami na.
Hindi ko siya tinanong kung bakit nadagdagan sila. Dahil wala naman ako sa pwesto para magtanong maliban sa nakita kong bantay sa labas ng kwarto namin ng pamangkin. Si ate Ephie naman ay dinadaan sa biro ang karagdagang tauhan sa bahay. Ang sabi pa niya ay pang-mukbang daw namin. Hindi ko siya maintindihan. Kaya hinayaan ko na lang na tumawa siya nang malakas.
“Ganda!”
Lumapit ako sa front door at sumilip. Galing sa labas si ate Ephie. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Kumakaway-kaway pa ito sa akin.
“Ganda!” tawag niya ulit sa akin.
Sinarado niya ang payong at humugot ng hangin. Tinuro ang labas.
“Hindi ba, teacher ka kamo?”
Tumango ako. “Opo.”
“Naku, sakto. ‘Yung naka-chikahan kong kasambahay sa kabilang bahay, naghahanap daw ng Tutor para sa anak ng amo niya. Eh, sabi ko, may teacher kami sa bahay. Ikaw agad ang naalala ko.” pagmamalaki niyang sabi sa akin.
Napangiti ako at nakaramdam ng excitement. “Talaga, ate Ephie? Pwede po ako.” masaya kong sagot. Aba, malaking tulong iyon. Makakapag-ipon na ako.
“Oh, sige. Sabihin ko na gusto mo,”
“Sasama na lang ako,” prisinta ko. Nilingon ko ang loob ng bahay at si Bruce na nakatulog na yata sa balikat ko.
“Ayos lang. Ako na lang. Tutal ang sabi naman ay sila na lang ng amo niya ang pupunta rito para makausap ka ng personal. Sige na.” paalam niya ulit at nagtuloy ulit sa paglabas.
Tinanaw ko na lamang si ate Ephie. Nakakahiya sa kanya tapos ay mainit pa.
Pumasok kami ulit sa loob ng bahay habang ramdam ang pagsunod ng mga mata ng tauhan ni Ryan mula sa labas. Walang kibo sila kung tumingin sa akin. Mapanuri. Kapag nahuli ko naman ay tatango lamang sa akin na para bang normal lang ang lahat sa amin.
Inakyat ko si Bruce sa kwarto at hinayaang matulog. We just finished our lunch. Kaya naman medyo nakakaantok talaga. Lalo pa’t wala rin akong masyadong ginagawa rito sa bahay ni Ryan.
Nagligpit muna ako ng mga gamit namin at nagbanyo. Paglabas ko ay saktong may kumatok sa labas ng pinto. Binuksan ko iyon at nabungaran ko ang nakangiting si ate Ephie. Tila ba may baong good news.
“Ganda nasa baba ‘yung madrasta ng tuturuan mo. Gusto ka raw makausap,” paalam niya sa akin.
Bahagya akong nagulat. Ang bilis. Nagpaiwan si ate Ephie sa kwarto namin para bantayan si Bruce. Ako naman ay mentally na inihanda nag sarili. Kumbaga parang job interview na rin itong haharapin ko. Pinagpag ko ang suot. Tumikhim at saka tinungo ang hagdan.
Habang nakatungo ako sa bawat baitang ay nag-iisip ako ng sasabihin. Namumuo rin ang mga tanong sa isipan ko. Tulad ng; bakit ako wala sa eskwelahan ngayon? May mga gamit ba ako sa pagtuturo? Ni wala akong mga libro. Madali sana kung may computer ako rito. Pero pwede akong magpunta sa mga computer shop kung kailangan? Bahala na nga. Kailangang ma-impress ko ang madrasta ng bata.
Nakita ko siyang nakatayo at nakaharap sa glass window sa likod ng couch sa sala.
Kumunot ang noo ko. Bata pa ang madrasta. At isa pa ay . . . pamilyar siya sa akin . . . napahinto ako sa paghakbang ilang baitang bago makarating sa ibaba. Naramdaman niya marahil ang presensya ko. Lumingon ito sa akin. Her fleek and dark eyebrows arched.
Namilog din ang mga mata niya. My lips parted a little. I felt a familiar feelings.
“Rochel,” I murmured her name.
“Oh my . . .” rinig kong sambit niya pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin. Bahagya pa siyang nakatingala sa akin dahil sa nasa hagdanan pa ako. “Marianne? Is that you?” namamangha pa rin niyang sambit at tanong.
Tuluyan na akong bumaba at lumapit sa akin. Si Rochel ang binabahggit ni ate Ephie na madrasta ng batang pwede kong turuan. Kung totoo ngang maliit ang mundo, isa ito sa pruweba ko.
Nilapitan pa niya ako. Bumakas ang munting kasiyahan sa kanyang mukha. Hindi naman kami matagal na nagkasama pero para bang kay lalim na ng pinagsamahan namin. Kilala ko siya noon sa eskwela pero hindi kami personal na magkilala.
Pagkatapos ng ilang sandali, “Anong . . . ginagawa mo rito sa Agoncillo? At dito sa bahay ni . . . Mr Del Carmen?” may kuryoso niyang tinitigan. “’Wag mong sabihing . . . binahay ka niya?” may kalakasan ang kanyang boses.
Napaawang ang labi ko. Nilingon ko ang opisina ni Ryan. Tahimik naman roon at walang tao maliban sa aming dalawa. Tiningnan ko ulit si Rochel. “Uh, a-ano . . .” anong isasagot ko? I didn’t expect to see her here in Agoncillo. Kilala niya rin pala si Ryan.
Sabagay, iyong klaseng itsura ni Ryan ay mahirap makalimutan.
“Ang tagal na no’ng huling nagkita tayo pero hindi mo nasabing binahay ka rin ni Mr Del Carmen. Ngayon ka lang ba niya inuwi rito? Kasi ang alam ng karamihan dito sa amin ay single siya at mag-isa lang din sa bahay. Nagulat pa nga ako nang makita kong may mga tauhan na rin dito,” nilingon niya ang labas. Sinisilip ang mga tauhan ni Ryan. Siguro ay nagtataka siya sa ganitong set up ng bahay niya. Hindi nalalayo sa bahay ng mga Salvaterra.
Tumikhim ako. “A-ako ang pumunta sa kanya, Rochel. May . . . anak kasi kami.” There you go. Another victim of my false story.
Mabilis siyang napatingin sa akin. “May anak kayo?!” hindi niya makapaniwalang reaksyong tanong.
Hilaw na ngiti ang ginawad ko sa kanya at isang beses na tumango.
Napatakip pa siya ng bibig. “Paanong . . .? Hindi ko yata nabalitaang nagbuntis ka?” mabigat siyang bumuntong hininga. Tila may hinahalungkat siya sa kanyang isipan base sa expression ng kanyang mukha. Then she sighed. “Sabagay, hindi na nga pala tayo nagkita pa sa school no’n magmula nang magwala ang Kuya mo sa . . .” nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong sabi pala ng Kuya mo nang nabuntis ka?” kuryoso at may interisado niyang tanong sa akin.
Napalunok ako. Kinurot-kurot ko ang mga daliri. “Umalis si Kuya Stefan. Matagal na kaming walang kontak sa isa’t-isa.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Naghanap ba ng ibang babae sa ibang lugar? Basta ka na lang na iniwan. Hay . . . paano mo natiis ‘yang kapatid mo? Bunsong babae ka tapos iniwan ka pa.”
Bahagya akong yumuko. Nami-miss ko rin ang Kuya ko. Pero mayroon din akong galit na nararamdaman sa kanya. Iyon ay dahil sa pag-iwan niya kay Bruce. Wala siyang iniwang contact sa amin. Hindi ba niya hinahanap-hanap ang pamangkin ko? Hindi ba mahalaga sa kanya ang anak niya? Maiintindihan ko kung may ibang pamliya na siya. Pero sana man lang, nagawa niyang balikan si Bruce.
Humalukipkip si Rochel. Bahagyang tumaas ang mabilog niyang mga dibdib. “Nuknukan kasi ng yabang ‘yang kapatid mo. Akala mo kung sinong malinis---“ tumingin siya sa akin at tumikhim. “Hayaan mo na nga. Buhay niya naman ‘yon. Ang sabi pala ng kasambahay niyo ay teacher ka raw?”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She changed our topic. Kahit papaano ay gumaan-gaan ang nararamdaman ko. Tumango ako. “Oo. Sa Elementarya ako nagtuturo.”
“So, kaya ka umalis ng Lipa para sa ama ng anak mo?” may kalakip na tukso niyang tanong.
Natigilan na naman ako. Wala naman akong ibang sagot diyan kundi tango lamang.
She sighed again. “Sabagay. Kung isang Ryan Del Carmen ba naman ang maging ama ng anak mo, aba’y talagang pupuntahan mo siya. Magbubuhay-reyna ka rito sa kanya.” mabilis niyang pinasadahan ang paligid bago inilapit ang bibig sa tainga ko’t bumulong. “Gwapo na, mayaman pa ‘yang si Mr Del Carmen. Kaya tiba-tiba ka r’yan, Marianne!” sabay bungisngis na parang bumalik sa pagka-teenager.
Pero hindi rin nagtagal ay umayos ito ng tayo at tumikhim nang malakas.
“Nagpunta ako rito para kausapin ka. Kailangan kasi ng bagong Tutor ng anak ng partner ko.”
Nginitian ko siya. “Nasabi nga sa akin ni ate Ephie. Ilang taon na ba siya?”
Ngumuso siya at tiningnan ang kukong kulay pula. Mahaba iyon at mukhang alaga sa linis. Mamula-mula pa ang tips ng mga daliri niya.
“Eight. Makailang beses na rin kaming nagpapalit-palit ng Tutor para sa kanya. Hindi ko malaman kung anong problema ng batang ‘yon at palaging sinusukuan ng Tutor.” tila reklamo niya sa huli. “Mabuti nga at ikaw ang Teacher na sinasabi ng kasambahay niyo. Atleast kilala na kita at alam kong mabait ka. Mahaba ang pasensya mo, ‘di ba? Kasi kung hindi, baka pinatulan mo na ‘yong napakabait mong Kuya.” She said sarcastically.
Bahagya ko na lamang na tinawanan ang kanyang sinabi. Kinuwento niya sa akin ang tungkol sa anak ng partner niya. Hindi ako nagtanong pa tungkol sa kinakasama niya. But she knows that I was curious too.
“Hindi kami kasal. At ewan ko kung may balak siyang pakasalan ako. Hindi naman nila pinag-uusapan ng Ex-wife niya ang tungkol sa Annulment.” Malungkot niyang salita at pinilit na ngumiti sa akin.
Nagpunta kami sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Ang sabi niya ay iyon daw ang mas prefer niya. Ayaw niya ring magpaiwan sa sala kaya sumama na lang din sa akin. Doon ay malaya niyang kinukwento ang kanyang naging buhay pagtapos naming magkahiwalay sa Secret Service. Ang partner niyang sinasabi ngayon ay naging customer niya rin noon.
Nagkibit-balikat siya habang nakatungo sa kanyang tasa ng kape. “He’s not even interested in having another child with me. Ang chaka, ‘di ba?” tinawanan niya ang sinabi sa huli. “Maswerte ka pa nga at pinanindigan ka kahit na alam ang naging trabaho natin. Hindi lahat ng lalaki ay katulad ni Ryan na may balls!”
Nginitian ko na lamang ang ibig niyang pakahulugan. Yes, tinanggap nga kami ni Ryan. Pero syempre dala ng paggawa ko ng kwento para makatakas sa utang namin. At hindi ko iyon maipagmamalaki.
Si Rochel ay parang lobo na nang masanggi ko ay agad na pumutok. Ibinuhos niya ang munting sama ng loob sa akin. Ako naman ay nanatiling tahimik at nakikinig lang. Pakiramdam ko ay ito ang kailangan niya. Isang taong makikinig lang sa kanya pagkatapos ng lahat ng kanyang pinagdaanan sa nakalipas na mga taon.
She finally fell in love. But for the wrong person. Na hindi kayang suklian ang pag-ibig niya.
Bago siya umalis ay sinabihan niya ako ng tungkol kay Ben. Siya ang walong taong gulang na tuturuan ko. Ang schedule namin ay sa hapon, pagkauwi nito galing eskwela.
Ihahatid ko na siya sa labas ng makasalubong namin si Ryan. Papasok naman ito sa bahay. Tumaas ang kanyang mga kilay nang makita si Rochel.
Tumikhim ako. Nilingon ko si Rochel na natahimik din nang makita siya. Akala mo ba ay artista itong lalaki sa pagkamangha.
Ryan stared at her. Nagsasalubong ang mga kilay.
“Ryan, si Rochel. Kaibigan ko. Tagadito rin.” Kinakabahan kong pakilala sa kanya.
Tinuro niya si Rochel. “You were with her when I first saw you that night.” Tanda niyang sabi.
Pagak na tumawa si Rochel. “Matalas pala ang memorya niyo, Mr Del Carmen,”
He looked at her. “I know you were with my friend that night too.”
Nagkibit-balikat ang kaibigan ko. Sumama nga si Rochel doon sa kasama niya sa unang sabak ko sa Secret Service.
“What are you doing here?” seryoso niyang tanong sa kanya.
“Kinuha kong Tutor si Marianne para anak ng partner ko. Nagkausap na kami at nagkamustahan.”
Tiningnan ako ni Ryan. May pag-uuyam sa kanyang mga mata.
“Pumayag ka?” he looked . . . mad?
Tumango ako. “Trabaho rin ‘yon.”
He shifted his feet. “You think, hindi kita kayang buhayin?”
Napaawang ang labi ko. Si Rochel napatingin pa sa akin.
Buhayin? Bakit naman ganyan agad ang sasabihin niya.
“Wala naman akong sinasabing gan’yan. Pero gusto ko ring magkaroon ng sariling kita. ‘Wag ka namang gan’yan.” At nakakahiya kay Rochel.
Tinuro niya ang direksyon sa kanyang opisina. “Mag-usap nga tayo.” He then walked in and left us.
Sinundan ko siya ng tingin. This man is weird. Magtsu-tutor lang ako pero para bang big issue iyon sa kanya. Dapat nga ay matuwa pa siya dahil ako dependent sa kanya. Mataas ba ang ego niya?
Hinawakan ako sa balikat ni Rochel. Nakakaintindi niya akong nginitian.
“May pagka-possessive pala ‘yang si Mr Del Carmen, Marianne. Masungit pa. No wonder hindi siya kinakausap ng mga kapitbahay natin. Sige na.” paalam nito.
Humingi ako ng pasensya sa kanya. At nang makaalis ay dumeretso na ako sa opisina ni Ryan. I didn’t knock. I know it was being impolite but he was too.
Naabutan ko siyang nasa harapan ng kanyang working table. Nakadukwang doon sa mesa niyang may nakaladlad na ilang papel.
“Are you planning to leave me?” he abruptly asked me.
Natigilan ako. Ilang beses akong kumurap-kurap bago ko tuluyang nilapat ang pinto.
Umayos siya ng tayo at hinarap ako.
“Ang plano mo ba ay magkubli lang dito at pagkatapos ay aalis din? Tama ba?”
“Anong problema, Ryan?” hindi ko siya maintindihan. I can see the anger on his eyes while staring at me.
Bumuntong hininga ako. I calmed myself. Pumikit ako at humalukipkip. I bit my lower lip and looked at him again. “Hindi kami habambuhay na nakatira rito ni Bruce. At alam mo ‘yan. Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba? May balak akong maghanap ng trabaho para makaipon. Hindi ko habambuhay na ipapaako si Bruce sa ‘yo. Kaya ko siyang buhayin kung magkakatrabaho lang ulit nang maayos. May opportunity na lumapit, bakit hindi ko kukunin? Para rin naman kay Bruce ‘yon. At isa pa, gusto ko ring magturo.” Mahaba kong litanya sa kanya. I miss my students so much. Kahit ganoong paraan lang ay nakakabawas din ng pagkabalisa ko sa problema.
He scoffed. “Hindi mo kailangan ‘yon. Nandito lahat ng kailangan niyo ni Bruce. Kung kulang pa, willing akong magdagdag. I can give you enough money.” Giit pa niya.
Napaawang ang labi ko. “That’s great. But I won’t bite it.”
I saw him looked down at my lips. Kinabahan ako. Natakot. Takot na hindi ko pangkaraniwang nararamdaman.
“You are scaring me.” tapat kong sabi.
Umangat ang tingin niya sa mga mata ko. “You’re ruining the hell of me.”
May diin kong sinara ang labi ko. Tila may pinong kirot akong naramdaman sa dibdib pagkasabi niya no’n. “I-I’m sorry. Kung nakakabigat na kami ni Bruce sa ‘yo, pwede mo namang sabihin nang maayos. Aalis kami kung gusto mo. Bahay mo ‘to. Ikaw ang masusunod.” May bigat sa dibdib kong sagot.
Mentally, I’m already on the packing of our things, how much money I have at the moment, saan kami pupunta, kakausapin ko ulit si Rochel. Yes. Pwede akong humingi ng tulong sa kanya.
Iniisip ko pa lang ay bumibigat na pati ang mga paa ko.
“Hindi ‘yan ang ibig kong sibihin. Hindi kayo aalis!” matigas niyang tanggi.
“Naiintindihan ko, Ryan.”
He tilted his head. “Talaga? Naiintindihan mo rin ba ang pagnanasa ko sa ‘yo, ha?”
All the thoughts washed away. Nagulat ako roon.
He stepped forward. Still staring at me. Dangerously looking at me.
“It bothers me that I want to have you again, Marianne. I don’t f*****g care if I needed to pay in exchange of you.”
Kinalampag ang dibdib ko dahil sa biglang bilis ng t***k ng puso ko. “Hindi na kita maintindihan. Kanina lang ang kinagagalit mo ay ang pagkuha ko ng trabaho. Tapos ngayon . . .”
“Oh, fuck.” He murmured. Yumuko ito at hinilot ang ulo.
Natitigilan pa rin ako. Pero sa pagbabago ng kanyang reaksyon ay unti-unti ko ring napahinahon ang sarili. Hindi nga lang ang puso ko. I squeezed my arms, na parang ginaw na ginaw na ako. “Pagod ka lang. Pero hindi natin dapat pagtalunan ang tungkol sa pag-tutor ko.” may diin kong sabi.
“Yes. I’m so f*****g tired. I need to have you . . .” he then whispered.
Nagkunwari akong hindi narinig iyon. Hindi ko siya tiningnan ni ang sagutin ang sinabi niya. I should have been offended by his words. Hindi itong, tila may mga lumilipad sa loob ng tiyan ko.
I cleared my throat. “Tinanggap ko na iyong trabaho. Isa o dalawang oras lang naman akong magtuturo. Pwede kong ipakiusap si Bruce kay ate Ephie. Malapit lang din ang bahay nina Rochel.” Paliwanag ko.
Bigla itong nag-angat ng tingin sa akin.
“Papayag ako sa isang kundisyon.”
Nilingon ko siya. “Okay.” Matapos lang ang usaping ito.
He sighed. Umigting ang kanyang panga. “You’re going to sleep in my room.”
Kinalas ko sa pagkrus ang mga braso sa dibdib at mangha siyang tinitigan. Nagkamali ba ako ng dinig? O nagkamali siya ng sinabi?
He moved forward again. This time, malapitan na niya akong tinitigan na para bang hirap akong umintindi sa sinasabi niya.
“Hahayaan kitang mag-tutor-tutor na ‘yan. Pero lilipat ka sa kwarto ko.” ulit niya sa mas detalyadong turan.
Napalunok ako. “Anong gagawin ko sa kwarto mo?” ayokong paakyatin sa isipan ang talagang gusto niyang ipakahulugan. Maybe, I thought wrong too.
Ngumisi siya. “Alangan namang samahan mo lang akong matulog katulad ni Bruce. There will be different, Marianne. But definitely, you’re gonna be my baby.”