Chapter 10
Marianne
“You’re gonna be mine.” He continued. “Walang kahati. Sa akin lang. Saka kita papayagang mag-tutor-tutor.” Pikon niyang sinabi ang huli.
Hindi ko malaman kung anong isasagot ko sa kanya. Ni hindi ko maibuka ang labi dahil sa gulat. Bigla-bigla ay iyon ang ihihingi niyang kondisyon sa akin. Hindi naman iyon ang tumatakbo sa isipan ko. Naisip kong baka ang kondisyon niya ay umuwi nang maaga para hindi maabala si ate Ephie sa trabaho.
Salita ba ito ng pagod na? Kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi. Dumadagundong ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Tumikhim ako. Tila tumigas ang lalamunan ko at nahirapan akong lumunok. “Pa-pa’no kung hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari?” tanong ko sa kalmadong paraan. Kung mainit ang ulo niya at galit, ayokong salubungin iyon. He’s the type of man that is willing to go in a battle anytime.
Mas lalong tumaas ang ngisi niya. Pero hindi rin nagtagal ay nalusaw iyon at napalitan pagkainis.
“Maghahanap ng ibang Tutor ‘yang kaibigan mo.” Maangas niyang sagot sa akin na para bang siya ang may hawak ng buhay ko.
Napaawang ang labi ko. “Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?” tila wala sa lugar ang gusto niyang mangyari. Hindi makatwiran.
“Hindi lang naririnig, nakikita ko na rin sa utak ko na katabi kita gabi-gabi sa kama ko at pinapaligaya ko. Marianne, manhid ka ba? Hindi mo ba nakikita kung paano ako tumitig sa ‘yo? Hindi lang ‘yon titig ng normal na lalaki. Buksan mo ‘yang mga mata mo, utang na loob! Nagmumukha na ‘kong manyak!” he pissedly said. No, he’s frustrated. About what?
About getting laid, sigaw ng utak ko. Pakiramdam ko ay bagong diskubre lang ang mga salitang iyon. He’s so bold in words. Ni walang halong panakip man lang. Straight to the point and he went straight to my heart and hit me and stabbed me.
My teeth gritted. Ang tingin niya sa akin ay isang babaeng bayaran pa rin. Na akala mo ba ay isang salita lang, isang usapan lang ay handang humilata sa harapan niya. Ang tingin niya sa akin ay ‘Cielo’ na pinick up niya noong gabing iyon. Siguro, ito rin iyong isa sa mga sinasabi ni Rochel. Kapag natipuhan ka ay pwede kang balik-balikan na parang masarap na putahe.
Yes. He’s horny right now. Kaya kung anu-ano ang lumalabas sa kanyang bibig. At galit na galit akong kinakausap nang ganito.
Matalim ko siyang tinitigan. Kumuyom ang mga kamao ko at pnipigilan ang sariling huwag iyong dumapo sa mukha niya.
“Hindi ako ang ‘Marianne’ na pinulot mo lang sa kalsada, Ryan. Hindi na ako ang babaeng handang magpabayad para lang tugunan ang pangangailan mo. ‘Wag mong idahilan sa akin ang mga tulong mo at para lang makuha ako ulit. Dahil handa kaming umalis at hindi na magpakita sa ‘yo.” Kung nakaalpas man ang galit sa akin, pinabayaan ko lang. Pero gusto kong iparating iyon nang mahinahon at may dignidad sa sarili.
I’ve done a lot of things because of my family. But I will never be a slave of his s****l desire. Mahirap man, aalis kami ni Bruce ‘wag niya lang ako paglaruan.
Agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Mula sa paggalit ay naging mahinahon. He shifted his feet. “That’s not what I meant,”
Malalim akong bumuntong hininga. Iniwas ko ang paningin sa kanya.
“Don’t leave,” dagdag pa niya.
Hindi ko siya pinansin. Mula sa gilid ng mga mata ay tiningnan ko siya. Tinititigan niya rin ako. Hindi ako umalis sa harapan niya para wala siyang masabing nagiging bastos ako sa pamamahay niya.
Humakbang siya ulit at ngayon’y mas malapit na sa akin. Ang kanyang matigas na dibdib ay nakadikit na sa aking balikat. Nagbaba ako ng tingin. Ayokong mag-angat ng tingin sa kanya niya pero ayoko ring umalis sa kinatatayuan ko na para bang kailangan ko ang pagdikit niyang iyon sa akin. There’s something in his body heat that I can’t just jump away from him. He’s like a battery to me. At baka sakaling makapag-isip ako nang matuwid. I know it’s silly to think about it but I can’t shun it away too.
His face was against my hair or he just fanning my hair. Which one? Hindi ko mawari. Pero sobrang bilis ng t***k ng puso. Ang puso ko ay kumakalampag at sumasakit. Naisip kong baka dahil sa pagdikit niya ay pumalya ang puso ko. Sa sampling dikit niya lang ay malagutan pa ako ng hininga.
This is so strange. Dahil hindi ko ito naramdaman kay Seb gayong niligawan niya ako. Seb was sweet in his words and gestures. But then, he never made it to my heart. Tapos si Ryan ay sobrang deretso kung magsalita at halos nakakabastos na nga, pero pinabibilis pa rin niya ang t***k ng puso ko.
Ang unfair. Iyong lalaking binuwis ang buhay para sa akin ay hindi ako pinakaba ng ganito, pero si Ryan na nakakainis magsalita ay ganito ang hatid sa akin. Sometimes, life and feelings are truly unfair. Minsan hindi ay tumutugma sa kung anong dapat na maramdaman ng katawan at isipan.
Naramdaman ko na lamang ang pag-stretch ng kanyang mga braso. Hinawakan ako sa balikat. Tumayo lang ako ng matuwid.
“Please don’t leave, baby.” Bulong niya sa ibabaw ng tainga ko.
I got tense. His endearment . . . it was so old and yet so good in my ears.
Bumigat ang kanyang hawak sa balikat ko. Almost, almost squeezing me. Pero hindi pa rin ako gumalaw o tingnan man lamang siya.
“Hindi mo ‘ko maintindihan. I look at you as a woman . . . my woman to be specific.”
Mapait akong ngumiti. “Your woman? Sa tingin mo ba ay walang pinagkaiba ‘yon sa pagiging bayaran ko noon? Wala ka namang alam kung bakit ko iyon ginawa,” agad akong huminto sa pagsasalita. Hindi niya kailangang malaman pa.
“Ang sabi ko sa ‘yo noon na gusto pa rin kitang makita. Pero tumanggi ka,” inis niyang salita.
Yes, I remember. Pero sa pagkakaalala ko, ang sinagot ko sa kanya ay ang kanyang bayad sa gabing iyon. I was young and that was my first time. Natatakot din ako sa kanya. He was tall, dark and dangerous. “Gusto mo ‘kong i-take home at natatakot ako sa ‘yo. Ni hindi kita kilala.”
“Take home? Damn it! Anong inaasahan mo, mga kaibigan mo ang magiging customer mo sa ‘tangnang trabahong ‘yon?! Kung hindi ako ang naging una sa ‘yo, I would probably kill the first man before me!” he buried his face on my hair.
Nagsalubong ang mga kilay ko. At paano niya iyon gagawin? Ipapahanap niya? Ipapaimbestiga?
Napatda ako. He has a security agency, it’s possible. But he didn’t do it. Dahil aksaya lang iyon ng panahon at pera. At kung para sa akin lang din, malabo iyon.
Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon. Hanggang sa tuluyan na niya akong niyakap kahit nakatagilid ako sa kanya. Hindi pa rin ako gumalaw. This is so intimate. His words can bruise me but his heat can be relaxing too despite of the storm he brought in my chest. I can smell him and he did smell my hair.
Then he whispered; “I want to smell your scent in my bed like this, baby.”
Sinubukan niyang iharap ako sa kanya nang hindi nilalayo ang kanyang mukha sa buhok ko. Nang ako ay nasa posisyong gusto niya ay saka niya binaba ang isang kamay sa baywang ko at tinaas naman ang isa sa leeg ko. From smelling my hair, he went down to my forehead. I can feel his lips fell on the bridge of my nose. Dinig na dinig ko ang mabilis at malaya niyang paghinga.
“I want to hold you like this. I want to share my bed with you. And make love to you every lonely night . . .”
I sighed. “Hindi ako, hindi ako handa para d’yan, Ryan.” Napalunok ako. I kept on looking at the floor. “I-iba na lang.”
Mabilis siyang nag-angat ng ulo. Tiningnan ko siya. He looked mad.
“Tinutulak mo ‘ko sa iba?!”
Bumagsak ang mga balikat ko. Napailing ako nang hindi namamalayan. “Nakukuha mo naman ang maibigan mo,” bumalik sa alaala ko ang babaeng nakita ko sa opisina niya. Ang mga ungol at daing sa likod ng pinto. “May babae ka ngang kasama no’n sa opisina mo nang puntahan kita.”
He scoffed. Mabigat na pinunasan ang noo. Pero nasa baywang ko pa rin ang isang kamay.
“Nagselos ka?”
Namilog ang mga mata ko sa tanong na iyon. “Hindi.”
“Kung nagseselos ka, okay lang. Mas okay pa nga sa akin!”
“Hindi nga, ‘di ba?” ulit ko.
Umiling siya. “Aminin mo na,”
“Wala akong aaminin dahil hindi naman.” May punto kong sagot.
He smirked. “Kunwari ka pa.”
Tinitigan ko siya. Hindi na ako nagsalita para igiit ang totoo sa kanya. Kung anuman ang nangyari sa likod ng pintong iyon, wala akong balak na alamin pa. Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niyang maniwala.
Nang maalala ko kung paano gumapang ang mga kamay niya sa baywang ko pataas sa likod ko, tinulak ko siya. Tumikhim ako. “Itutuloy ko ang pag-tutor.” Balik ko sa totoong pinag-uusapan namin.
“Kung lilipat ka sa kwarto ko.” giit niya.
Pagod akong bumuntong hininga. “Ang kulit mo.”
He smiled.
Napapikit ako nang ngumiti siya. Nang buksan ko ang mga mata ay nakatitig pa rin siya sa akin at hinihintay akong magsalita. Pero wala akong sinabi.
“Okay. I’ll give you something to think about,” suhestyon niya.
Humalukipkip ako. Tahimik ko siyang pinagmasdan. He stepped forward fastly. Hindi na ako nakagalaw nang tawirin niya ang maliit na pagitan naming dalawa. Mabilis na nilagay ang isang kamay sa batok ko at siniil ako ng halik sa labi.
Naiwang mangha at namilog ang mga mata ko. He took my lips not so gentle. But he kissed me like there’s no tomorrow. It was a ravished kiss. Too rough and potent. His mouth was full opened and he ate my lips, literally. Kaya hindi ako nakagalaw. He even parted my lips and delved in his tongue. Kinalas ko ang mga braso at tinulak siya sa dibdib. He stopped me from pushing him and caged my wrist. He continued kissing me roughly.
Nararamdaman ko ang dila niya sa labi ko. The wetness and the warmth of his mouth. After exploring my mouth, he then bit my lip and released it. He gasped for air after he finally freed my shocked and now thick lips. Binatawan niya ang mga kamay ko at humakbang palayo sa akin.
He looked at me while licking his own lips. “Pag-isipan mo.” Bilin niya sa akin.
***
Napuyat ako kinabukasan. Sumakit ang ulo ko tapos ay iyak pa ng iyak si Bruce. Kinatok ako sa kwarto ni ate Ephie at kinuha muna sa akin si Bruce. Bumalik ako sa pagtulog. Five minutes lang.
Naalimpungatan ako at bahagyang nainis nang maramdamang may tumatama sa mukha ko. “Mmm . . .” iniwas ko ang mukha. Five minutes lang, please. Sabi ko sa sarili. Nag-iba ako ng pwesto, patagilid. Nilagay ko ang magkapatong kong mga kamay sa ilalim ng pisngi ko at natulog ulit.
Muli ko na namang naramdaman ang pagdikit sa akin. Lumipat sa likod ko. May matunog na dumadampi sa leeg ko. Malapit sa tainga. May malalim na paghinga na tila may binabalak na masama.
Doon ako dumilat nang maramdamang hindi nga iyon panaginip lang. Totoong may dumadampi sa leeg ko. Humahalik!
Sa gulat ay agad ko siyang nilingon. His tousled hair welcomed me. Basa pa at amoy na amoy ang ginamit nitong shampoo. Hindi na lang niya hinahalikan ang leeg ko kundi ay kinakagat pa. Tumikhim ako nang malakas, “Ryan!” gulat kong tawag sa kanya.
Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin at pinagbuti pa ang ginagawa sa balat ko na para bang napakaimportante niyon sa buhay niya.
Lumakad ang labi at ngipin niya hanggang sa balikat ko. Kahit na nadadamitan pa ay wala siyang patawad. He tugged the cloth and used his tongue to invade my skin. Ang kamay niya ay gumagapang sa tiyan ko at baywang. Magaang na pumipisil. At ang buong katawan niya ay tila pader na iniipit ako at sa kama.
Dahan-dahan akong humiga. Wrong move. Mabilis siyang pumaibabaw sa akin at ang labi ay umakyat sa labi ko. His mouth on mine. Deliciously kissing me in the morning!
Nilapat ko ang mga palad sa kanyang malapad na dibdib. Tinulak ko siya at iniwas ang mukha. Sinundan niya iyon at kinagat ang labi ko. Nasaktan ko roon. Kaya’t impit akong nagprotesta. He stopped and buried his face in my neck na para bang biglang nahiya sa kanyang ginawa.
Tila dinaganan ng malaking bato ang dibdib ko sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Napuyat ako dahil sa paulit-ulit na replay ng halik na binigay niya sa akin at sa paggising ko ay panibagong alaala ang tinanim niya sa labi kong muling nasugatan.
Humahapuhap ako ng hangin habang siya ay naging tahimik na leeg ko.
He’s unbelievable. Even the hardwood in between his thighs sending erotic messages to me. He’s pressing himself.
I was still panting. “Pinalano mo ba ‘to?” my voice was raspy and gasping at the same time.
He was panting too. Ang mga kamay niya ay nilagay niya sa ilalim ng ulo ko. Bahagya akong napaangat dahil doon. Inangat niya ang ulo at tiningnan ako. With his moistened and battered lips. “Hindi. Gusto lang kitang mahalikan. Bawal ba?” his voice was raspier than mine.
Nilapit niya ang nakabuka niyang labi sa akin. He rubbed it against my lower lip. Tempted but not wild anymore.
“Wala kang karapatan.” I murmured. Gusto ko nang bumangon para makalayo sa kanyang bigat at walang awat na tensyon sa kanyang katawan.
At isa pa, kagigising ko lang. Wala pang toothbrush ni mumog man lang. Kung nahihiya ako dahil sa walang karunungan sa paghalik, mas lalo akong nahihiya sa walang linis na bibig.
He stopped and stared at me. “Wala ba akong karapatan sa ina ng anak ko?” he mockingly asked.
Sandali akong hindi nakapagsalita. Hindi ko mapigil ang malakas na dagundong sa dibdib ko at ang walanghiya nitong pagtaas-baba na para bang nakukulangan sa hangin. Mangha ko siyang tinitigan. “W-wala tayong relasyon na dalawa.”
Ngumiti siya. Sinulyapan ang labi ko. “Nakakahiya naman ‘yan. Lumipat ka na sa kwarto, sa kama ko. Para hindi ko na kailangang pumasok dito para mahalikan ka. Nakakawala sa sariling makita kang natutulog mag-isa rito.”
“Dahil iyon ang nararapat!” pinanlakihan ko siya ng mga mata.
He caressed my lips using his finger. “Ikaw ang nararapat sa akin.” pang-aakit niyang sagot sa akin.
Rumagasa ang init sa mukha ko. My heart’s failing to calm down. My mind’s failing to follow the rules I made.
Ryan is the scent of danger. He is dangerous and mysterious too. His words and mouth are like poisoned apple. He will allure me to eat him then kill me through poisoning my damaged heart.
Hindi ko matanggap sa sariling init ng katawan lang ang hanap niya sa akin. Karapatan sa ina ng anak niya? I lied, okay. At hindi iyon dahilan para magpakapaso ako sa lagablab niya. Ayoko.
Darating ang araw, na sa huli, ako rin ang talo.
Masyado na akong lugmok. Puno ng problema ang buhay. Ayokong magdagdag pa.
Nang tumagal ang titig niya sa akin ay kumunot din ang kanyang noo. “Bakit?”
Kinagat ko ang ibabang labi sa pagbalong ng luha sa mga mata ko. Lumabo ang paningin ko. Lumabo nang lumabo hanggang sa hindi ko na siya makita nang maayos. Nanginig ang labi ko. Iniwas ko ang mukha sa kanya sabay agos ng luha ko sa sintido.
Napamura siya at agad na umalis sa ibabaw ko.
“What’s wrong, baby? Masyado ba akong mabigat, ha?” he asked carefully. Na tila ako isang Vase na manipis ang pagkakagawa. “You cannot take my weight?”
Bumangon ako at pinunasan ang dinaanan ng luha ko. But another tear graduated from my eye. “It’s you I cannot take!” galit kong sagot. I almost shout the words.
“I know that I am ‘big’ but I already passed in your tight walls,” he innocently said.
Matalim ko siyang tiningnan. Inabot ko ang unan at pinukol sa kanya. Hindi niya iyon iniwasan kaya’t tumama sa kanyang mukha at bumagsak sa sahig. “Wala bang laman ‘yang utak mo kundi puro kamunduhan? Wala bang ibang tumatakbo sa isip mo kundi kung paano ako makuha ulit? Ha?!”
The playful look on his face drained. “You mean s*x,”
Nangatal ang ngipin ko. “Yes, s*x! s*x is all you want from me! You’re itching and you want me to cure your itchiness!”
Hindi siya nagbigay ng reaksyon.
“Kayong mga lalaki, s*x lang yata ang nagpapasaya sa inyo at hindi iniisip ang nararamdaman naming mga babae. Na parang parausan lang kami at pagkatapos ay pagsasawaan niyo.”
“You were a s*x worker.” He said impassively. Just like a prosecutor stating a fact.
Nagpantig ang tainga ko. Kinuha ko ulit ang unan at binato sa kanya. This time ay sinalo na niya iyon at hinawakan habang nakatunghay sa akin.
“I hate you!” umagos nang walang awat ang luha ko bugso ng matinding galit na para bang nagising mula sa matagal nitong pagkakahimbing. “Wala kang pinagkaiba kay Kuya Stefan. Uubusin niyo rin ako hanggang sa masaid ako! Hanggang sa wala na akong maibigay sa inyo! Pareho kayong babaero!” sigaw kong may matinding galit.
Nanginginig pati ang panga ko, ang kalamnan ko. Para akong masusuka gayong tila may mga batong nakaharang sa lalamunan ko. Nang humikbi ako ay hindi ko na napigilan pa ang sarili. Pinabayaan ko nang masaksikan ng kwartong iyon ang kahinaan ko. Maging sa mga paningin ni Ryan. Na nananatili pa ring tahimik na nakaupo sa gilid ng kama at nakatitig sa akin nang walang palya.
Hinila ko ang kumot at tinakpan ang buong mukha. I folded my knees and leaned there. I know that my shoulders are shaking too. Uncontrollably.
The room filled by my cries.
Ang sunod kong naramdaman ay ang pagbuhat niya sa akin. “Ibaba mo ‘ko!” protesta ko. He lifted me up into bridal style. Hinatak niya ang kumot. Bumagsak iyon sa sahig.
Hindi siya natinag sa protesta ko.
Dinala niya ako sa banyo. Binaba sa ilalim ng dutsa. Nang itaas niya ang hem ng suot kong pang itaas ay malakas kong pinalo ang kamay niya.
Nag-angat siya nang tingin sa akin. Ngayon ay malamlam na ang nakakatakot niyang mga mata.
“Don’t act like as if I haven’t seen you naked before.” He calmly said.
Matalim ko siyang tinitigan bilang sagot.
Ilang sandali pa ay mabigat siyang bumuntong hininga at nagtaas ng mga kamay na parang sumusuko.
“Okay. Okay. I get it. You’re conservative. And sensitive.”
I pursed my lips together and gave him a murderous look in the eyes.
Sinuklay niya ang buhok paatras at humakbang palayo sa akin.
“Sorry kung na-offend kita. Hindi ko sinasadya. Marianne . . . let me know you better. And Bruce.”
Nagbago ang naramdaman kong galit nang banggitin ang pamangkin ko.
“At tungkol sa . . . pangangati ‘ko,” nagkibit-balikat ito. “It’s not just itchiness, baby. I have hots for you. Hindi ko ‘to nararamdaman sa ibang babae. Pero pagdating sa ‘yo, kahit naiisip pa lang kita, nagwawala na ang kalamnan ko. Umiinit ang dugo. I have this special arousal when it comes to you. Nae-excite ako.” deretso niya akong tinitigan sa mga mata. “Nababaliw ako. I want your heat.”
“’Yung ibang babae . . . mo?” hindi ko alam kung bakit tinanong ko iyon.
Muli siyang humakbang palapit sa akin. Sa malamig sa tiles.
“Hindi ako babaero—minsan, oo—pero hindi naman ako two timer o nananakit ng babae. Sinasabi ko kung anong estado nila sa buhay ko at pumapayag sila sa ganoong relasyon. Hindi nagtatagal ang relasyon ko sa mga babae. Inaamin ko ‘yon. Wala pa sa bukabularyo ko ang lumagay sa tahimik pero wala rin akong babae na inalok na matulog sa kwarto ko. Ikaw pa lang, Marianne. Bastos minsan ang bibig ko pero madalas akong nagsasabi ng totoo.”
“Na gusto mo ng s*x. Kapalit ng pagtira namin ni Bruce rito sa bahay mo,”
“No! Hindi! If Bruce is my real son, I will drag you here and I’ll provide your needs. Lahat ng gusto mo ibibigay ko.”
“A-anak mo si Bruce.” Nautal kong sabi.
He sighed heavily. “Then you both should be here with me. Even without asking s*x with you because you’re my responsibility. Pero Marianne, iba ka. Hindi ako mapakali dahil nandito ka. Gusto kong . . . gusto kitang nakikita palagi. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”
Sandali akong nag-isip. “Medyo.”
Nagmura siya at napahilamos ng mukha. “Ang hirap ipaliwanag, put—“ he stopped immediately. “Hindi na ako magmumura sa harapan mo at baka himatayin ka pa. Marianne . . . hindi mo ba ako pagbibigyan . . .?”
Nagbaba ako ng tingin. “Hindi ko pa alam.”
“Subukan nating maging mga magulang ni Bruce.”
Napalunok ako. Ibig sabihin ay magtatagal pa kami sa kanya. Ganoon ba?
“Hey,” hinawakan niya ako sa mga balikat. “Hindi mo ba ako gusto?”
Pinabilis na naman niya ang t***k ng puso ko.
“Marianne,”
Hindi ako sumagot.
“Let’s try. Open yourself to me.” he carefully added.
Try. Try?
Tinaas niya ang mukha ko para makita niya. Ang kanyang itsura ay para bang may pinagdadaanan.
“Let’s try, baby . . .” he whispered. “I’ll give you everything you want. I’ll be a good father to our son and a great lover to you, baby.”
I gulped. I got tense but then; “Yes,” I murmured.
Siya naman ang natigilan. “Is that a yes, yes?”
Marahan akong tumango. “Subukan natin.” halos bulong kong sagot sa kanya.
“Are you sure?”
I gulped and nodded again. “Para kay Bruce.”
Pinagmasdan pa niya ako. Matagal. Bago nagsalita ulit.
“Beautiful . . .” bulong niya.