Chapter 16

3929 Words
  Chapter 16 Ryan The wind was a little cold when I arrived in Lipa. Kung hindi ako matatagalan sa grupo ng mga pating ay makakauwi pa ako nang maaga. I might burn my ass on the driver’s seat. But I’ll make sure, I will get what I wanted. I intended to surprise Archer into his room in Lipa Bed and Breakfast. Gusto ko lang makasigurong hindi niya kasama ang kaibigan ni Marianne. Dahil aalugin ko ang utak niyang nawalan ng turnilyo kung sakaling mahuli ko siya sa kalokohan niya. He didn’t let me in---wholeheartedly. Tinulak ko ang pinto at pumasok sa loob. I scanned the room. Just a normal checking of a dedicated leader. The room is neat and simple. Kinutuban ako nang makitang Double-sized ang kama. May pulang lamesa at upuan sa tabi ng bintana. Kinatok ko ang pinto ng banyo. Nang walang sumagot ay binuksan ko rin at chineck ang loob. Then I heard his chuckle. “Damn it, Del Carmen. Pinamumukha mo ‘kong kawatan sa ginagawa mong ‘yan. May raid ka pang ginagawa sa kwarto ko,” naiinis at natatawa nitong komento. He’s still on the last shirt of his packing. I don’t care about his damn feelings. But I will surely care about Marianne’s. Mahirap na. Baka dahil kay Archer at Wilma ay makawala siya sa akin. Remember, she’s too emotional and attached to everyone that she loved. I’m meticulous in every tiny detail of her life. Hindi ko siya pinansin. I kneed like a detective, folded up the sheets and checked what’s below the bed. Nothing except his shoes. Tumayo na ako. Negative. Saka ko lang siya tiningnan. “Magbayad ka na. Hintayin kita sa labas.” Then I left him. I was tossing my keys and leaning on my bumper when he already made his p*****t. Katabi ng sasakyan niya ang akin. Binuksan niya iyon at nilagay sa backseat ang isang bag. I grinned. “Mukhang binalak mo talagang magtagal dito sa Lipa, ah. Nakaistorbo ba ako sa’ yo?” pang-aasar ko sa kanya. Hindi ko pa rin matantya kung nagapang nga nito ang babae. At kung aamin siyang, oo, dito pa lang ay masasapak ko talaga siya. Umiling itong ngumingisi. He closed the door and looked at me. “Bumubwelo pa nga lang ako, Master. Masyado kang advance mag-isip. Dinayo mo pa ako rito, I’m so touched.” He playfully answered. Nginisihan ko siya pabalik. “Hindi ikaw ang pinunta ko rito. Naniniguro lang akong wala kang ginagawang kalokohan.” I got ready and opened the door from the driver’s. Hindi muna ako pumasok. Tumayo lang ako roon. “Kailangan ko ba ng back-up papunta roon?” pag-iiba ako. Nagkibit-balikat ito at binuksan na rin ang pinto ng sasakyan sa harap. “Depende. Kung may gagawin kang hindi maganda. Ano bang kailangan mo sa kanila?” I didn’t mean for a war. No, not at the moment. I shifted my feet on the pool of gravel. “Magbabayad.” Tumaas ang mga kilay niya. “Hindi ko yata alam na . . .” he thought deeply and fell. “s**t. Really?” I smirked at him. Naupo na ako sa loob at sinarado ang pinto. Binuhay ko na ang makina nang mapansin kong nakatingin pa rin sa sasakyan ko si Archer. Na-surprise talaga? “Bahala ka d’yan.” I murmured and looked at the side view mirror. I don’t need to explain my aim why I am here. Ilang minuto ang ibabyahe namin bago makarating sa hideout nila. Nasa kalsada na ako nang makahabol sa akin si Archer. I gazed at the road of Lipa. They remind of some roads from Manila. Nakita ko ang Flower Works. Funny. Sinubukan kong baliwalain iyon pero napalingon pa rin ako at binalikan ng isang sulyap. Okay. Pag-uwi ko dadaan ako roon. Is she gonna love it? Archer signaled at me and made a stopover at SM. Huminto muna kami roon. Magkasunod kaming naghanap ng mapa-parking-an. Bumaba ito at kumatok sa bintana ko. “Sandali lang ako, Master.” Tumango ako. “Gago.” Inorasan ko siya. Doon ko lang din ulit nabisita ang cellphone ko. I got a reply from her! Damn. I got excited and concentrated myself on her reply. Marianne: Yes. Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang oras. Nasa bahay pa siya nina Rochel para mag-tutor. Ako: How’s Ben? I waited for her reply. After thirty seconds, I shook my phone. Halos isang minuto ang pagitan bago niya ako sagutin. Ang tagal. Marianne: Okay naman. “Okay naman?” may tunog na parang ayaw niya yata akong kausap o nabo-boringan sa akin. Sumandal ako sa inuupan. I heavily sighed. She’s busy. Kaya maiksi lang ang sagot niya sa akin. Maiksi lang din naman ang tanong ko. Ako: Gusto ko ng spaghetti mamaya. Pakisabi kay Ephie iyon ang iluto. Marami. Hindi na ako kakain sa labas. Salamat. Long enough. Marianne: Ok. “Dammit. Mas lalong umiksi sagot.” I murmured then laughed at myself. I bit my lower lip and think about her. I miss her scent already. And this is normal. Missing a certain woman is f*****g normal. Like how I am missing my office and my job. Seems normal to me. After nearly seven minutes, nakita ko na ring pabalik si Archer. He’s with a two boxes of donuts. Binaba ko ang bintana. “Wow. Sweet tooth?” “Peace offering.” Nilagpasan niya ako at dinala iyon sa loob ng sasakyan niya. “Kanino?” nagsalubong ang mga kilay ko. “Dapat prutas!” Bago maupo sa loob, “Wala siyang sakit.” Ngumisi ako. “Nililigawan mo ba?” Imbes na sagutin ako ay binusinahan niya ako. I smirked wider. We got back on the road. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating kami sa Inosloban-Marawuoy. Malapit lang dito ang bahay niya. I could even make a visit and check her old burned house. But I guess it would eat my time before I get home. Beside a Tire Shop, we reached the garage. Without signaling, lumiko ako roon. May mga lalaking napatingin sa sasakyan ko. Dahil alien ako roon. May nakita akong ilang mga bus na nakagarahe na. Mga Tsuper na nagmemeryenda at nagkukwentuhan ang napalingon at huminto sa ginagawa. Nagtuloy-tuloy pa rin ako sa pagpasok at naghanap nang mahihintuan. Nakasunod pa rin sa akin si Archer. Tulad niya, wala rin siyang modo. Namataan ko ang isang tila barracks. May isang lalaking walang-baro ang nakaupo sa recliner na gawa sa rattan at minamasahe. Nakita ko ang pagkaalerto sa mga mata niya. Tinuro nito ang isang tauhan at pinapunta sa akin. Pinatay ko ang makina. Kinuha ko ang bag na naglalaman ng pera at lumabas. Narinig ko rin ang hataw ng pinto ni Archer. “Bert may tao!” isang lalaki ang sumigaw. May lumabas na lalaki sa barracks na iyon. Agad kaming nakita. Hinugot nito ang saging sa bibig. Nilapitan ako. Tumaas ang kilay ko. May initial interview. “Anong kailangan niyo?” maangas niyang tanong sa akin. Tiningnan din nito si Archer sa likuran ko. “Sinu-sino kayo?” he took a glance at my bag. Did they own this big garage? Maybe. Tinuro ko ang lalaking nasa lilim ng napapagod na bubong at minamasahe. “Siya ang amo niyo?” Nagsalubong ang mga kilay nito. Hindi marahil nagustuhan ang tanong ko. He needed a hair trim. Ang mga manggas sa suot na pang-itaas ay ginupit o pinunit yata dahil sa init. Ang pantalon ay kupasin na at butas ang bandang tuhod. Nakasuot ng gomang tsinelas. But I detected he has a weapon at his back, pocketing in his pants. I mirrored the alertness at his group. “Sino ka ba?” “I’m a customer.” Tumikhim sa likod ko si Archer. “Kostomer?” humakbang ito nang nakatingin pa rin sa akin at pinuntahan ang lalaking nakaupo sa recliner at binulungan. Tumango ang lalaki sa akin. Saka ako lumapit. Kasunod pa rin si Archer. Tumayo si Bert sa tabi ng lalaking minamasahe. Pumuputi na ang buhok nito at bumibilog na rin ang tiyan. Ang mga mata ay singkit at makinis pa ang balat. Tiningala niya ako. “Ano pangalan mo?” For that short question. I concluded he’s foreigner. “I’m nobody. I came here to pay the debt of Marianne Larazano.” Salita kong deretso. My nose detected something. I looked up but found Bert’s scrutinized eyes at me. As if telling me not to give my answer to that scent. Then they all look surprised. Nang marinig ang pangalang iyon ay napatingin sila lahat sa akin. “Larazano. ‘Yung maganda, amo.” Sabi ni Bert. Hinilot nito ang panga. I can figure he’s imagining her in his head with that annoying smile on his face. I glared at him. “Larazano. ‘Yung teacher na tumakas?” tiningala ito ng amo niya. “Siya nga.” Tumikhim ako. Hindi ko gustong pinag-uusapan nila si Marianne. Tumayo ang lalaki. Pinasunod ako sa kanya. Dinala niya kami sa likuran ng baracks na iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood at yero. Para lang isang kwartong pang-isahang tao pero pinagtatambayan ng higit sa pitong tao. Pinapaypayan pa ng alikabok mula sa mga gulong ng bus. Nakatindig sa gitna ng malaking espasyo ng garahe. Mas kaunti ang tao sa likuran. Must be intended for secret meetings. Like this. I guess. Natatakpan ng mataas na pader na may mga basag na bote sa ibabaw. Kung may sisilip man, kailangan ng matutungtungan. Humarap ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Dumating si Bert at may inabot dito. A small notebook. He flipped the pages and scanned his list. He nodded. “Higit isang milyon utang niya.” then he stared at him. He’s still struggling with his Tagalog but good enough to speak with. Binuksan ko ang zipper ng bag at pinakita sa kanila ang ilang bundle ng pera. “One point two.” Nilapitan iyon ni Bert. Sinilip ang loob bago nilingon ang amo. “Bilangin ko muna, amo.” “Keep the change.” Dagdag ko. Nilingon ako ni Bert. Masamamg tingin ang binigay sa akin bago kinuha ang bag. Humalukipkip ako. Hindi ko inatrasan ang tinging iyon. Thinking about, that eyes look at her this way too. My jaw clenched. I want to barbeque that eyeballs. “’Yan ang gusto ko. Nagbabayad utang.” Untag ng amo niya. Hinila nito si Bert sa isang sulok para iiwas akin. “Dali bilang na!” utos nito. Bumuntong hininga itong si Bert. Hinila ang isang lamesita. Nilapag ang bag sa sahig at saka isa-isang nilabas ng pera roon. May isang tauhan pa siyang dumating at nagdala ng softdrinks para sa amin. Tumanggi kami. Agad itong pinaalis ng amo nila. They guy must be delighted to see the bundle of bills. Bert’s good at counting too. Familiar and fast. “Good, amo.” Sabi nito at binalik ulit ang pera sa bag. Malapad na ngiti ang ginawad sa akin ng amo nila. “Good, good.” He even raised his thumb. My aim is done. Now, it’s my turn. “Now, I don’t want to see your faces following and scaring Marianne. When you do, I’ll get back to you.” Pinasadahan ko sila ng tingin at tinandaan ang mga mukhang iyon. Tumawa si Bert. “Sayang. Hindi man lang ako naka-score sa babaeng ‘yon,” That’s it. Inilang hakbang ko siya at sinipa ang lamesita sa harapan nito. Napamura ito matapos mabuwal sa lupa. Napahiga ito—dalawang hakbang--pinatong ko ang kanang paa sa ibabaw ng lalamunan niya. He was halted. Humawak sa sapatos ko. Nagkasa ng baril si Archer at tinutok sa isa na akmang tutulong kay Bert. “Ayoko away. Wala na problema.” Salita ng amo nila. Niyuko ko si Bert. He’s gasping for air. But my teeth gritted. “I’ll kill you if you ever breathe on her. Understand? Understand?!” I raised my voice. “We won’t.” nakakaintinding sagot ng amo nila. He’s still calmed and unmoored. Pero mainit ang dugo ko sa Bert na ito. Hindi ko maiangat ang paa na parang kailangan kong idiin iyon sa kanya para mawala ang kulo sa sistema ko. When he spoke Marianne’s name, I got angry. Disoriented. “Tama na, Ryan.” Dinig kong awat sa akin ni Archer. But imagining Marianne’s scary eyes. Escaping Lipa with Bruce. Traveling alone. A woman alone. Being forced to leave the job she’s been dreaming to have . . . it occurred to me like a venom in my blood. I didn’t like the taste of it and I wanted to hit him. Big time. I wanted the stub of revenge for her and Bruce. Hind ko na inalala pa ang pagmumura ni Archer sa likuran ko. Hinawakan ni Bert ang sapatos ko. Lumakas ang loob nito mula sa pagkamutla. “Mag-isip ka muna kung nasaang teritoryo ka, binata.” Nagngingit na salita ni Bert. Namumula ang buong mukha at pinugpog na ng pawis. Naamoy ko ang gulo. Narinig ko ang tahimik na takbuhan, pagkuha ng armas at kahandaan sa labanan ng mga kasamahan nila. “Ryan huminahon ka! s**t! Dadalawa lang tayo!” Archer hissed. Pumasok sa loob ng barrack ang amo nila. Hinayaan na kami. Oh well. I will fight and I want to. May maruming mga kuko ang humawak sa balikat ko, nakakalokong tawa ang ginawa ni Bert—may pumukpok sa mga kamay ni Archer— “Enough!” a thunder, authoritative voice. I didn’t. Sinuntok ko ang lalaking humawak sa akin. Napaatras ito. Isa pa ang sumugod sa akin. Nakawala si Bert at tumayo. In my peripheral vision, he moved and yanked at his back but then halted. Saka ko lang nilingon ang grupong bagong dating. Bahagya akong nagulat nang makita ang mga lalaking nakasuot ng puting polo. Not from the Funeral Homes. No. Parang nagbago ang tipla ng hangin sa paligid nang makita ko si Wax. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Mahinahon naman pero matiim ang pagkakatingin sa amin. “I said enough.” Ulit nito pero sa mas mababang boses. Kalmado pero kalkulado ang paligid. “G-governor,” may isang nakakilala sa kanya. Nilingon nito si Bert na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang mga kamay sa likod nito. “Bert. Si Gov. ‘yan.” Dinig kong bulong dito. Pinaligiran nina Michael ang lugar. They made a space for Wax. Humakbang palapit ang Governor nila. Nilingon ko si Archer. Kapupulot lamang nito ng baril niyang tinabig. We’re like just students in a brawl and caught by the Principal. Damn. Tinaasan ako ng kilay ni Wax. Ngumisi ko at pinagpag ang balikat. “Nasa’n ang army mo?” sinulyupan nito si Archer. “Army ba pangalan niya?” tukoy niya rito. Wax Miguel Salvaterra brought silence, tension and fear. A kind of friend I should have brought with me. I didn’t measure it will be like this. Talagang napipikon kapag binabanggit nila si Marianne. “Napikon ako.” sagot ko. I looked and glared at Bert. Wax smirked. “Sabi ko na. Na-sense kita.” He took a look at the statue. Napatayo ng tuwid si Bert. Ang amo nila ay lumabas ulit at humarap kay Wax. Nagbago ang anyo. Biglang naging anghel sa paningin ng lahat. Panay ang ngiti at asikaso kay Wax. Marahan pang pinagpag ang manggas ng damit nito. “May business permit ba ‘to?” tanong si Wax. Agad na tumango ang lalaki. Nagbihis at pinahanap ang permit. Mula no’n ay siya na rin ang sumuway sa mga tauhan niyang nabahag ang buntot. At parang bulang naghalo rin ang mga armas nila. Napapailing akong bumaling sa sasakyan ko. Siniko ako ni Archer. “Si Governor pala dapat ang sinama mo.” Mahinang salita niya sa akin. “Oo nga. Para nakamenos ako sa ‘yo.” Asar ko. Napailing ito at sabay-sulyap sa kamay na nasaktan. Iniisip ko pa kung dadalhin ko sa clinic. Hindi naman naniningil. Tila nagkaroon ng surprise inspection doon si Wax. Bahagyang dumami ang mga tao para makiususyo at para makakita na rin ang isang Salvaterra. Tapos ko na ang misyon ko rito. I felt like I unlock one of her chains. And I badly need to make love with her. My blood still on heat, on danger that only her kisses can ease. I’m tired. I want to see her. I need her. Oh, man, I miss her. Humakbang na ako sasakyan at agad binuksan ang pinto. “Ryan.” Nilingon ko si Wax. May kinuha ito sa sasakyan niya. I scoffed. Nakalagay na sa kahong may maliliit na butas ang manok ko. “Hinabol pala kita para rito. Gago.” Natatawa niyang salita sa akin. “Ang sweet mo talaga. Kaya mahal kita eh.” Kinuha ko iyon at nilagay sa passenger’s seat. “Uwi na ‘ko.” Tumango si Wax. Pati kay Archer. “Kung magkaroon ng problema,” nilingon nito ang grupo nina Bert. “Tumawag ka.” Isang sulyap din ang ginawa ko kina Bert. Hindi ako magkakamaling ‘galit’ ang nakita ko sa mga matang iyon. Well, ganoon ding tingin ang sinagot ko bago sumakay ng sasakyan. Isang tango rin ang sinagot ko sa kaibigan ko. Hindi pa ito ang huli. *** Marianne Sumandok ako ng isang hibla ng noodles at tinikman. Half-cooked daw ang type ni Ryan. Palapit na ito sa texture na gusto niya kaya naman pinatay ko na ang apoy sa kalan. Nangiti ako nang marinig ang matining na tawa ni Bruce mula sa sala. Kalaro ito ni Ate Ephie habang binabantayan kong maluto ang spaghetti noodles. Hinayaan na rin ako ni Ate Ephie na magluto ng spaghetti Sauce at siya na lang daw muna ang magbabantay sa pamangkin ko. Binuhat ko sa sink ang malaking kaldero ng noodles. Tinuwad at tinapon ang laman na tubig. Hindi ko na sinaid at pinatuluan ng buhay na tubig sa gripo. Hinugasan ko at saka sinala. Hinain ko na rin iyon sa mesa. Nakahandan na rin ang mga plato at tinidor. Gumawa rin ng garlic bread si Ate Ephie. Pero hindi namin alam kung anong oras makakauwi si Ryan. Hindi ko siya tinext at ayokong makaistorbo sa trabaho niya. At sa tuwing makakatanggap ako ng text message sa kanya, nagwawala ang puso ko. Makita ko pa lang ang pangalan niya sa screen ay nag-iinit na ang buong mukha ko. Paano pa kapag magkasama kami? “Gutom na ‘ko,” pumasok si Ate Ephie at Bruce sa dining. Bahagya pa akong napaigtad dahil lumilipad na naman ang isipan ko. Mabuti nga’t hindi ako nakakasunog ng niluluto. “Kain na, Ate,” aya ko sa kanya. Bumalik ako sa kusina at kumuha ng malamig na pitsel ng tubig. Pagbalik ko ay nakaupo na si Ate Ephie. Ang pamangkin kong inaabot ang tinidor sa plato nito ay nakaupo naman sa kandungan niya. “Gutom ka na rin, Bruce,” lambing na tanong dito ni Ate Ephie. “Ako na sa kanya, Ate,” pagkalapag ko ng pitsel ay binuhat ko si Bruce. Pero umiyak naman ito nang mawala sa kamay niya ang tinidor. “Kakain na tayo,” hinalikan ang kamay niya at umupo na rin. Binigyan ko rin ng isang hibla ng noodle. Pagkatapos naming maghapunan ay pinatulog ko na rin si Bruce. Sinuguro kong tulog na tulog na ito bago binaba sa kama. Pinalipat na rin ako ni Ate Ephie sa kwarto ni Ryan. Uminit ang magkabila kong pisngi na parang sinala sa apoy. Hinanda ko ang bagong bili kong ordinary notebook at ang mga librong hiniram ko kay Ben. Sa malapad na kama na lang ako gumawa ng lesson plan. Binuksan ko ang air-conditioning sa medyo mataas na temperature. Kapag kasi nandito na si Ryan, binababa pa niya iyon na para bang pinanganak ito sa North Pole. Kabaliktaran naman kapag pareho na kaming nasa kama. Skin to skin. Breath to breath. Hindi makapasok ang lamig kapag sobrang dikit niya sa akin. Umiling ako nang uminit na naman ang mga pisngi ko. In an Indian seat, I started my assignment peacefully for the next half hour. Hinilot ko ang likod at minasahe. It was satisfying to hear the cracking of my heavy bones after a long—tiring day. Tiningnan ko ang oras. Apat na minuto bago mag-alas onse. Sinarado ko ang libro at tinakpan ang ballpen. Initin ko na kaya iyong noodles? Binalik ko kasi sa refrigerator para hindi agad mapanis. Sa huli, bumaba na rin ako sa kusina. Ginoma ko ang buhok habang bumababa sa hagdanan. Patay na ang ilaw sa baba. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa sala at dumeretso na ako ng kusina. Gumuhit ang talim sa dibdib ko nang makitang may tao sa kusina, in a grayish darkness. Nasa harap ng counter island. Nakatingala. Umiinom. “Ryan?” Hindi ito tuminag. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Nilingon ako nang binaba ang baso. Tumunog iyon. His tall figure gave me threats. “Ba’t gising ka pa?” Maluwang akong nakahinga nang makilala ang boses niyang . . . pagod. Halos bulong ang lumapat sa pandinig ko. Naawa ako. Maghapon siyang nasa byahe para sa trabaho. Inabot ko ang switch ng ilaw. Pero mabilis niya akong pinigilan. Naiwan sa ere ang braso ko. Dumagundong ang dibdib ko. His throaty voice is tired, I know. “Hindi ka ba kakain? Iinitin ko ‘yung noodles.” My excuse. Binaba ko ang braso. Hinawakan ang mga daliri sa kamay. Malinaw ko na siyang nakikita sa dilim. Suot pa rin niya ang damit mula kaninang umaga. Hindi ko kailangan ng ilaw para hindi makitang pagod nga siya. Dinala niya ang basong ginamit sa lababo. Binuksan ang gripo at naghugas. Lumipat ang paningin ko sa counter. Bouquet. Flowers. Binalik ko ang paningin sa kanya. Nahirapan akong magdesisyon kung aalis na ba ko ngayong ayaw naman niyang kumain o mananatili. Tinaob niya ang baso sa drainer. Nagpunas ng mga kamay at inabot ang nasa counter. Nakatitig siya sa mukha ko habang naglalakad papunta rin sa akin. Tumikhim ako. “Sabi mo kakain ka,” pilit ko pa rin kahit na alam kong iba ang gusto niya. Iba ang gusto niya. Inasahan kong hahapitin niya ako sa baywang at hahalikan. Pero kinuha niya ang mga kamay ko, naamoy ko ang mga bulaklak, dinala niya ang mga kamay ko paikot sa leeg niya at pinag-link iyon. At saka niya kinulong ang baywang ko sa mga braso niya. Naroon din sa likod ko ang bulaklak na hawak pa rin niya. His lips landed on mine. Teasing. Testing. Then I felt his teeth over my lower lip. He smell so good. So mine. So, I indulge myself and kissed him back. Pinikit ko ang mga mata. Huminto siya sa paghalik nang tumugon ako. But I missed him. I admit, I missed him. Naramdaman kong ngumiti siya nang nakadikit pa rin ang labi sa akin. Kinalimutan ko iyon at humalik pa rin sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD