Chapter 15

4221 Words
Chapter 15 Ryan “Woah dammit!” hindi ko hinihiwalay ang tingin sa kalsada nang lumipad at nag-party sa loob ng sasakyan ko itong manok na pasahero ko. Lumipad pa sa kandungan ko. Minsan ding sumisiksik sa ilalim ng upuan. Sinasalpok ang sarili sa bintana. Nambubulabog sa ingay. It feels so uncomfortable. “Manahimik ka ngang manok ka! Kakatayin na kita!” hamon ko. “Kung hindi mainit ang dugo ko, hindi kita agad ipiprito.” Suddenly, I hate the smell, the feathers, and its throat. I just hate because I hate it! I hate being in between of situation I cannot avoid. I damnly hate it when there’s a woman involved. The woman who’s sleeping in my bed with me. Bumagal lang ang takbo ng sasakyan ko nang maging pamilyar sa akin ang kalsadang tinatahak ko. Inabot ko ang cellphone at dinayal ang numero ni Archer. Dalawang ring lang, sinagot na niya agad. “Nasa’n ka?” I put him in a loud speaker. Then he heard the rooster’s singing voice. I know he heard it. “Lipa.” Maiksi niyang sagot. Pagkatapos ay tumahimik ng ilang segundo, “Nasa loob ka ba ng kulungan ng manok?” natatawa nitong tanong sa akin. Mula sa rear view mirror ay binigyan ko ng matalim na tingin ang manok sa likod ko. “Bigay ni Francis.” Pakiramdam ko tuloy pasan-pasan ko ang problema ng manok sa likuran ko. It’s a gift and I’m grateful but my mood couldn’t cooperate with me. “Oh, I see. Napatawag ka?” He’s still making fun of me. I cleared my throat. “Tutal nasa Lipa ka pa, ipapahanap ko sa ‘yo ‘yung grupo na pinagkakautangan ni Larazano.” Sigaw ko sa linya. “Uhuh,” Kumunot ang noo ko. Nai-imagine kong nagustahan nito ang sinabi ko o parang inaasahan na niyang ipapagawa ko iyon sa kanya. Whatever it is, I’m still not going to fire him. I grinned. Business is business and Archer is a good asset. Sometimes liability. “Alam mo na?” hula ko. I heard him scoff. “Gusto kong malaman kung magkano ang utang nila ro’n.” dagdag ko. “Uhuh. I have the address of their headquarters.” “You’re fast.” “I just need to squeeze her friend, Wilma. She gave me enough details.” Pagmamalaki nito. Tumaas ang kilay ko. I have this funny comment of him but my passenger sang again. Pero nakaramdam din ako ng pag-aalala. Tiniraydor na ba ni Wilma ang kaibigan niya? Nasilo siya kay Archer? Did he seduce her? Oh damn. I don’t want to hurt Marianne if she ever found this out. “Nakalimutan mo na yatang mag-report sa ‘kin?” He chuckled. “I will. Pagbalik ko d’yan. I’m still enjoying my vacation here in Lipa.” I heard a hint of genuine in his voice. Something I never heard from him. Something---quite alarming. “Stop playing around the woman, Archer.” Humikab ito at tumawa. “What the f**k?” now, I wanted to strangle him. Thinking about him and Marianne’s best friend in bed---gago talaga! “Masyado kang affected sa hikab ko, Del Carmen? This is my personal business. And I don’t play around here. I’m working.” “Working to get into her pants, you say?” naiinis ko nang salita sa kanya. “Ang init ang ulo mo,” he’s still playing around. “Tantanan mo ang kaibigan ni Marianne, Archer.” “Ikaw pwede, ako hindi pwede?” “Damnit! I’m warning you, Archer. Wala kang alam sa amin ni Marianne!” he just bumped in to my balloon of anger. “It’s your business kaya hindi ako mangingielam. I had warned you too. You already broke the rules. So why would I not enjoy the perks of working with your agency?” he strikes back. Damn it. “At least be professional. Those women . . . they are not just women! They’re decent!” May diin kong salita. “We’re both professionals and adult. We’re adults, Del Carmen. Hindi mo ko kailangang takutin.” Sa bwisit ko ay pinatayan ko siya ng tawag. Hinagis ko ang cellphone sa passenger seat. Bakit may mga imahe akong magagalit sa akin si Marianne dahil sa kagaguhan ni Archer sa kaibigan niya? Bakit pakiramdam ko mawawala siya sa akin kapag nalaman niya ang tungkol doon? But Archer’s right. Matatanda na kami. Pare-parehong may kapasidad ang pag-iisip sa mga ganitong bagay. Age gap doesn’t always matter. But sometimes it is. Mas matanda kami at may experience. Playing around with young ones are definitely unfair. We’re using our advantages that they don’t aware of. Right? But then, women are women. A great storyteller. They can harvest a great history and plot, which we men, cannot control. And they have virtues. The virtues that men don’t usually take it seriously. Seryoso sa trabaho si Archer pero hindi sa babae. Iba naman kami ni Marianne. Matagal na kaming magkakilala. I was her first man. Her first. I’m her only man. Alam ko iyon. Hindi ko kailangan ng sayantipikong eksplenasyon para roon. And I want to keep it to me. I don’t want her to walk away from me. Natigilan ako. Ginilid ko ang sasakyan at hininto. Sinakal ko ang manibela hanggang sa mamuti ang mga kamay ko. Now, I realize, Marianne’s making her own way in my system. She’s creating her own place in my life. Woman. Man’s partner in life. Magmula nang mabaliw si Wax kay Anjelous, minsan kong naisip na mangyayari rin sa akin iyon. Hindi ang mabaliw kundi ang magkaroon ng malalim na koneksyon sa isang babae. Not just in between their legs. But there were ties, there were flowers and vows. The people around you will know that I am a married man and has a woman living with. I look around and got tense. Family. Am I digging to find it? And with Marianne? Malalim akong bumuntong hininga. Sinandal ko ang likod at pumikit. I massage the bridge of my nose. Thinking about her, waiting for me in my house, tending the garden, cooking hot meals, caring the house and loving our kids and me---started to burn inside me. I want to have my own family. The family I longed for. Not the broken one I had experience. Magkakaroon ako ng mga anak na lalaki at babae. Magandang bahay at maayos na trabaho. Asawa na maganda at pagsisilbihan ako. Then we’ll make love every night. That’s what I have in my mind. A perfect family. Then there’s Marianne Cielo Larazano. A young and beautiful Elementary Teacher. But has a dirty backdrop. That will not complete the perfect family that I have in mind. She will never fit in to be the mother of my children. She will never occupy the loving wife of mine. She’s not. And my passenger sang again. “Manahimik ka!” banta ko sa pasehero kong manok nang iwagwag na naman nito ang mga pakpak niya. Lumingon ako sa kalsada at sinimulang bumyahe ulit. Fuck the swell in my between my thighs just by thinking about her. She’s like a magnet. And she’s just the opposite of my ideal woman. *** “Iiwan mo ba rito sa Lemery sina Anjelous at mga bata?” tanong ko habang naninigarilyo sa loob ng opisina ni Wax. I can’t help it. Tingnan man ako ng masama nito. I can figure, his wife will scold him when she smell this room later on. He looked up and gave me a murderous eyes. “Ofcourse not. Ano ako, baliw? Gago.” Natatawa niyang sagot sa akin. He scooped the paper from his printer and passed it to me. Nakangisi pa ako nang abutin iyon. Nakaupo ako sa malambot nitong sofa na may velvet touch na sapin at naka-de kuatro. Natunaw ang ngisi ko nang mabasa ang laman ng papel. That’s when his time to smirk back at me. Nawalan ako ng ganang asarin siya. “That Stefan had a connection to a demolished Mexican syndicate three years ago. Umupa sila ng bahay sa Cavite at ginawa nilang opisina. Nag-recruit ng mga Pilipino at nagbayad ng malaki. According to the police report, nangingidnap sila ng mga sanggol at saka ibebenta sa mga hindi magkaanak.” I gritted my teeth. “Sonofabitch.” “I agree with that statement. Ang mga target nila ay iyong mga pamilyang nanganak lang sa maliliit na ospital. Some were even kidnapped in the naked eyes of the public. Armed, ofcourse. At walang gustong magsalita o maging witness dahil sa takot na balikan sila ng grupo at patahimiking tuluyan.” Nilagay ko sa gilid ng ashtray ang sigarilyo ko at nag-angat ng tingin kay Wax. “Naibalik ba ang mga sanggol na ninakaw nila?” Humalukupkip si Wax. I can see the fire of anger in his roughened face. “Agad nahanap ang iba. Pero may mga sanggol pa rin na hanggang ngayon ay missing. Pakiwari nila’y maaaring naisakay na sa eroplano, planado at pinalitan na ng mga pangalan. Mexican authorities worked with the NBI to break the operation of this syndicate. It was a bloody mission that year. Nanlaban at namatay. Ang mga naka-survive na miyembro ay pina-deport sa Mexico dahil na rin may mga warrant of arrest. May mga Pilipinong nakulong. At mayroon ding nakatakas.” Makahulugan niyang salita sa huli. “Nakalagay d’yan ang mga pangalan at alyas na nakilala.” I looked down at the freshly printed police report. Hindi ko alam kung paano ito nakuha ni Wax pero hindi naman ako magtataka. He’s a Salvaterra. Say the name and their knees will go wobble. “Isa sa mga batang nawawala pa ay kay Francis.” Bulong ko. Wax didn’t know about my client and he didn’t give his comment. “Do you think Marianne’s Stefan’s accessory to the crime?” We still cannot assume this is Stefan Larazano. Pero ang taon at ang pagkakataon ay nakikiayon. Stefan’s still at large, missing and or just disappeared. Or dead. No one knows. Nandyan din si Bruce. Walang masabing pangalan ng ina. Malamang na hindi pinuntahan ng mga nag-iimbestiga noon si Marianne para kausapin dahil hindi nila alam ang apelyido ng kapatid niya. Kung nangyari nga iyon, matagal na sanang nakabalik sa kanyang tunay na mga magulang si Bruce. At marahil, buhay pa sana ngayon ang asawa ni Francis. There’s no photos or whatever. It’s just the fate who’s working with us. Stefan’s name. Marianne’s story. There could be a link. Just one more step then Bruce will be back home or he’ll stay with her Auntie. And I have all the cards. Kailangan ko na lang ay kumilos. I recommend, this is bad day for me. “Iniwan lang daw ni Stefan si Bruce sa kanya. Pagkatapos ay umalis at hindi na nagpakita.” Nalukot ang papel sa mga kamay ko. “Maaaring wala rin siyang alam sa pinanggalingan ng bata o sa ginawa noon ng kapatid niya.” “Anak daw ni Stefan ang bata. Kaya inako rin niya ang responsibilidad nang umalis ang Kuya niya.” Wax shrugged his shoulder. He grabbed his goblet and kiss his lips onto the brandy he’s drinking. “I know the girl. Puro magaganda rin ang kwento sa kanya ni Nana Josie, and my wife likes her. Nagalit nga siya sa iyo nang mahuli niya kayong nag-uusap sa kusina at masama pa raw ang tingin mo sa kanya.” he smirked at end. Tinaas ko ang kamay at hinilot sa noo. Tila nag-blur ang binabasa ko. But there’s still hardness on my hands. A pinch of pain in my chest and heat on my face just thinking about her and her smiling face. “Mukhang masamang hinala agad ang naisip ni Lucienne sa akin.” “Hindi lang ‘yon. Marianne is too young for you.” Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. “The gap doesn’t matter.” He chuckled. “Alam ko. Gago.” Binaba niya ang goblet sa mesang inuupuan at tiningnan ako nang pailalim. “Maayos ba siya sa bahay mo? Inaalagaan mo ba?” Kilala ko masyado si Wax para hindi mahuli ang ibig niyang sabihin. Napailing ako. Lumipad na naman ang isipan ko kay Marianne. I pictured her pretty face on the paper I’m holding. Smirking. Imagining her waiting for me in my bed--- “f**k. You’re sleeping with her?!” he suddenly shouted at my face. Kinuwelyuhan ako at ang galit na mga mata ang sumalubong sa akin. “You’re sleeping with her, Ryan?!” “She’s a grown up woman, Wax!” bigla kong nakita ang sarili kay Archer. Idiot. “And she’s Nana Josie’s granddaughter! Can you keep your thing inside your pants?! Dammit, Ryan! Ginagawa mong kumplikado ang sitwasyon mo!” pabalang niya akong binitawan. Inayos ko ang gusot sa kwelyo ng suot ko. Kinuha naman nito ang iniinom at dalawang lagok na inubos. “You’re in the business. You know the case and the possibility of her being guilty and you’re---sleeping with her! Inakit mo ba si Marianne?!” “No!” I sighed. “Lumapit siya sa akin at humingi ng sustento. Sinabi niyang anak raw namin si Bruce. Umamin din naman siya sa akin na nagsinungaling lang siya.” Natigilan ito. Nag-isip. Napahilot ng batok. “Ibig sabihin tama nga ang asawa ko noon pa. May nangyayari sa inyong dalawa.” I sighed again. Namaywang ako. “That’s another story.” “Yeah, you’re a fraud.” Tatango-tango niyang sagot sa akin. “Kailangan niya ng tulong.” “Sinamantala mo naman.” I scoffed. “I was the victim too.” “Gago. May gusto ka sa kanya at hindi ka lang makaporma.” Wax grabbed the paper from me and throw it on his desk. “You had your ways of having her. But you need to fix her life.” “Trabaho ko ‘yan.” Nilingon niya ako. Pinag-aralan at ilang segundong hindi kumibo. He replenished his goblet. He looked back at me and sat on his chair behind the desk. “Hindi ka nag-uuwi ng babae sa bahay mo. Hindi ka na nga bumalik sa maynila at hindi ka mamumutla dahil lang sa isang kasong hawak mo, Ryan. Realize the changes because you’re in trouble, pare.” Then he grinned like as if he found a secret from me. “Ridiculous accusation. I can handle this.” I said that almost impassively. I won’t let him win this debate like a politician that he is. “Then good luck. I want to see you weep over one woman.” Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa banta niyang iyon. I remember, nang tawagan ako nina Ephie dahil nagwala itong siraulong ito sa kwarto niya. Nahuli ko siyang umiinom at nakaupo sa tabi ng kama habang tinitingnan ang litrato ni Anjelous sa cellphone niya. I barely recognized him that day. “You did it before.” Sabi ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin. “I don’t weep. I got angry. Really angry.” “Iyon ang style mo ng pag-iyak nang iwan ka ni Anjelous.” Sabay-ngisi ko sa kanya. Matalim niya akong tiningnan. Hinding-hindi niya iyon malilimutan. He was afraid to lose her. Anjelous--his wife, is his life. His entire life. Dinampot niya ang ballpen at malakas na binato sa akin. “Get out!” sigaw niya sa akin. “Kakain pa ‘ko.” sagot ko at saka pinulot ang ballpen. Tinungo ko ang pinto at pabatong binalik iyon sa kanya. “f**k it!” he pissedly said and dropped the pen on his desk. Sa dining area ay naabutan kong nilalapag na ni Anjelous ang isang bandehadong umuusok na kanin. Anjelous graces the house naturally. Kaya hindi ako magtataka kung bakit mahal na mahal ito ng kaibigan ko. She’s an angel. A perfect match for him because he’s the incarnation of Lucifer. Kumalam ang sikmura ko. Pero nadadaig no’n ang ingay ng mga bata. Naghahabulan sina Anjeline at Miggy paikot ng lamesa. Sinaway ito ni Anjelous at nakita ako. “Upo ka na, Ryan. Si Wax?” sabay-tingin sa likuran ko. “Nasa opisina pa,” patakbong lumapit sa akin ni Anjeline at nagtago sa likod ko. “Tawagin ko lang.” nakangiti niyang sabi sa akin at pinuntahan ang asawa. Binuhat ko si Miggy at kiniliti sa baywang. So tiny and Wax’s spitting image. What a curse. Mula sa pinto ng kusina ay lumabas si Nana Josie. Dala nito ang isang pitsel ng tubig. Nginitian niya ako. But suddenly, I felt the guilt. Nang makita ko ang tila Lola’ng ngiti sa kanyang apo ay kinain ako ng konsensya ko. Ipinagkatiwala niya sa akin si Marianne at Bruce. Nagtitiwala siya sa akin na maaayos ko ang problema nila. But what I do is taking advantage. I’m sleeping with her granddaughter. Tama. Tama lang na magalit sa akin si Wax. I’m being unfair to her. To her family. I’m being the monster for her. And right now, I want to stand in the firing squad and sentenced myself for being a needy man. Pero kay Marianne lang ako naging ganito. My little conscience told me. Pinuwesto ka si Miggy sa mataas nitong upuan. Mabait naman ang bata kabaliktaran ng ama niya. Si Anjeline ay naupo sa tabi ng kanyang kapatid. Nilingon ko si Nana Josie na ngayo’y nakahawak sa sandalan ng upuan at tila hininhintay akong makausap. “Kumusta po, Nana?” “Mabuti naman, Sir Ryan. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa apo ko at kay Bruce,” Her soft and kind words struck into me like a bullet. “Wala po kayong dapat na ipag-alala. Maayos po ang kalagayan nila sa bahay. Nando’n si Ephie.” I gave her a boyish smirk to cover my nervousness. Umupo ako. Sinalinan niya ako ng tubig. Lumabas si Dalia mula kusina at inasikaso ang magkapatid. Hindi na ako lumingon nang magkasamang dumaong sa hapag sina Wax at Anjelous. Miggy’s voice can be heard even outside the house. “Palagi ko nga kayong pinagdarasal na maging maayos at ligtas kayo sa Agoncillo. Napakalaking sakripisyo ang ginawa ni Marianne kay Bruce. Tapos, hindi ako makapaniwalang sa ‘yo siya pupunta imbes na sa amin ng Lolo niya,” may halong tampo nito sa boses. Inabot ko ang baso, “Ayaw niya lang kayo mag-alala, Nana. She’s a bright woman.” At sumimsim ng tubig. To moisten my dry throat. “And beautiful. May crush ka nga sa kanya dati, ‘di ba?” Umakyat sa ilong ko ang tubig. Parang umiwas iyon sa lalamunan ko matapos sumingit ni Wax sa usapan namin. Naubo ako sa samid. Napaisip pa ako kung iinom ba ako ulit tulad ng sabi ni Nana Josie sa tabi ko. I wiped my lips and glared at my dear friend. He’s devilishly grinning at me. “Ano, high school lang?” If I could throw daggers at his face, he wouldn’t be smiling at me like that. “You had girls everywhere.” “Miguel.” Banayad na awat ni Anjelous rito. My dear friend softly looked at her. “Yes, love?” Napailing na lang ako sa malambing nitong sagot sa asawa. But the thing is, I caressed my chest while watching them and hearing their endearment. Or maybe, I squeezed the silent zone right in my heart. “Para kayong mga bata. Nag-aasaran pa.” Anjelous soft voice filled the dining area. Tumawa si Wax at nagsandok ng kanin. “Biruan lang namin ‘yon, love. Pero totoo namang may crush si Ryan kay Marianne. Matinding crush pa nga.” Sabay ngising-aso sa akin. Hinawakan ako sa balikat ni Nana Josie. “Siya nga ba, Sir Ryan?” hindi nito makapaniwalaang tanong sa akin. Unconsciously, napakamot ako ng sintido. Thinking about killing my dear friend. “Crush lang naman ho, Nana.” “I told you.” Mayabang na salita ni Wax. Bumuntong hininga si Anjelous at nakita kong matalim na tiningnan ang asawa. Then Wax zipped his lips. Tumawa pa nga si Anjeline nang makita iyon. She looked up at me. “What is crush po, Ninong Ryan?” she innocently asked. Para akong piniprito ng mga Salvaterra. “Paghanga lang ‘yon, Anjeline.” “Wow. Ang lakas maka-slam book,” segunda ni Wax. Napailing si Anjelous. Pero nangingiti na rin habang nilalagyan ng pagkain si Anjeline at Wax. She kissed Miggy’s tiny hands. “That’s it? Why are you blushing?” Anjeline’s curiosity. “Anjeline.” Anjelous called her. “Kain na.” “Yes, Mama!” the she forget about me. “Dati, itong si Sir Ryan ang malakas mang-asar kay Wax. Ngayon, mukhang baliktad na yata.” Natatawang sabi ni Nana Josie. Siya na rin ang nagsandok sa akin ng ulam. “Hindi pa naman ako kumukupas, Nana. May pasalumbong pa nga ako kay Gov.” Nag-angat ng tingin sa akin si Wax bago pa isubo ang laman ng kutsara. Kumunot ang noo. “Anong pasalubong?” Pagkatapos naming magtanghalian ay lumabas kami para ibigay ang pasalubong ko kay Wax. Hindi na naitago ni Anjelous ang pagtawa nang inabot ko sa asawa niya ang buhay na manok. Wax’s quiet and murderously staring at me. He mouthed his sweet words at me; “Tanginamo.” With his slacks, gray longsleeves rolled up to his elbow, pricey watch and a rooster on his hand. Pero binalik niya ulit iyon sa sasakyan ko. Binuksan ko ng kaunti ang bintana. Baka mag-away pa kami ng manok na ito pauwi dahil kinulong ko siya sa sasakyan ko. Dinalhan kami ng kape ni Anjelous sa opisina ng asawa niya. We’re still talking about Marianne’s. Binasa ko ang text na sinend sa akin ni Archer. Nakagawa ito ng paraan kung paano nalaman ang exact amount ng utang nina Marianne roon. Along with their headquarters’ address. Tumayo na ako. “Pupunta akong Lipa.” Kinansela ko muna ang inspection sa Manila. Mula sa pagsimsim ng kape ay nag-angat ng tingin sa akin si Wax. “Ngayon na?” Tumango ako. Nginitian ko si Anjelous. “Dadaan ako ng bangko at babyahe na ro’n. Salamat sa masarap na pagkain, Anj.” She smiled at me. “Minsan dadalaw kami sa bahay mo, Ryan. Gusto kong makita sina Marianne at Bruce. Nami-miss na rin ni Dalia si Ephie.” paalam niya sa akin. I nodded. “Sure.” “Anong meron?” Wax seriously asked. Dinantay ang kamay sa ibabaw ng mga hita ng asawa. “Magbabawas ng problema ni Marianne. Babayaran ko ang utang nila.” Sabay kibit-balikat ko. Inubos ko na ang kape at tinungo ang pinto. “You need help? Back up, maybe?” pahabol na alok ni Wax. My hands in the doorknob. I looked back at me. “I have my own army. Iwan ko muna ‘yong manok dito” magpoprotesta pa sana si Wax kaya sinarado ko agad ang pinto. *** Nagtagal ako sa bangko para makapag-withdraw ng cash. Naisip kong hindi tatanggap ng cheque ang grupong iyon. Maayos akong inaasikaso ng Branch Manager at inalok ng kape. Tumanggi na ako at baka manginig na ako mamaya. Habang naghihintay ay tinext ko si Marianne sa bahay. Masu-surprise kaya siya kapag nalaman niyang wala na siyang utang na poproblemahin? Natigilan ako. Malamang tuluyan na siyang aalis sa bahay ko at babalik ng Lipa. No. Hindi ko muna sasabihin. Pero . . . aalis pa kaya siya kung sa akin na siya may utang? The idea bubbled in my head. Sa akin na siya ngayon may utang. And she’s a woman with pride hanging on the hem of her skirt. Hinding-hindi na siya makakaalis sa puder ko kung lubog na siya ng utang sa akin. I grinned. I still have the rope on her wrist. Ako: Kumain ka ba? I grinned. Nag-angat ako ng tingin sa labas ng bangko. Anong oras na kaya ako makakauwi mamaya? Gusto kaya niya ng pasalubong? Nang matapos ako sa bangko at tinext ko agad si Archer na pupuntahan ko siya. He immediately texted me back. Archer: Okay. He texted me his hotel. Bunuhay ko ang sasakyan at saka sinimulan ang byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD