Chapter 17

4297 Words
Chapter 17 Marianne Halos hindi ko maalala kung paano kami nakaakyat sa kwarto ni Ryan. Nakakulong ang isipan ko at walang ibang laman kundi ang halik niya at haplos sa akin. Mainit ang mga palad niya. Sabik ang mga labi sa bawat isa. The mating was so obvious and excited. He wanted us as one, feeding each other’s starvations. Uminit ang mukha ko nang marinig ang ungol at nahihirapang daing na tumatalon sa bawat sulok ng kwarto. Pinikit ko ang mga mata. Sinuklay ko ang pawisan niyang buhok habang abala siya sa dibdib ko. I arched my body in every sweet lick of his warm tongue over my n****e. It feels like I’m on fire everytime he touches me. In every heavy breath lifted me up like an illusion trick. And brought me back on the smooth and heavenly soft cushion when he towed me to the hilt, and I murmured his name and gripped on his tight shoulder. Nakalimutan ko ngang may naiwan akong mga gamit sa ibabaw ng kama. Hinawi niya iyon at binagsak sa sahig. Narinig ko pero hindi ko pinansin para itabi. Siya na lang ang nakikita ko at nararamdaman. Nang ibaba niya ang temperature ng air-conditioning, pinagmasdan ko lang siya at sabik na hinintay ang paghalik niya sa akin. He put down the flowers. Kukunin ko iyon mamaya at tititigan hanggang sa malanta ang bawat petals. A minute has passed, when he’s inside me, I totally forgot the main reason and the value of myself. Hindi ako handa noong sagutin si Seb. O baka wala talaga akong balak na gawin iyon. I know he was a perfect man. Wala na akong mahihiling pa sa isang simpleng buhay na kaya niyang ibigay sa akin. But I still doubted. Because he wasn’t Ryan. He wasn’t him. He wasn’t my first man. But Joe Ryan matters to me. He’s so important in every fiber of my body. And what about my value? A woman’s reputation. I surrendered myself without the assurance of a long term relationship. Pero sa tuwing nariyan na siya, it took only one brush of his kiss then I’m gone and paralyzed. It will take a rest before the tricked fog will leave me sane again. He gave his last deep thrust and emptied his self then collapsed his big body on me. His groans lasted for a couple of seconds and went into sleep. The loving was almost quite in words and loud in my moans and his groans. Our bodies slapping at each other’s heated skin. I kissed his sweaty temple and murmured, “I love you, Ryan.” He didn’t hear me. I know he didn’t that’s why I took the risk. ** When I woke up in the morning, I was alone. Only the humming of the Air-conditiong was my companion aside from the quilt he put around my chest. Nararamdaman ko pa rin ang init ng labi niya roon. Ang galaw ng dila sa tuktok na parang sorbetes na ini-enjoy. Humihikab akong ngumiti nang maalala at ang init ay sumabog sa mukha ko. Pasado alas-otso na ng umaga pero nakapako pa rin ang likod ko sa kama. In my peripheral vision, napansin ko ang bouquet na nakahiga rin sa tabi ko. Hinaplos ko iyon. Bumangon ako, tinakip ang kumot sa dibdib ko at kinuha ang bulaklak. At my exposed back, I ignored the cold wind that surrounding me. Sinuklay ko ng isang beses ang buhok ko at pinagmasdan ang mga bulaklak. Not so unique but the sweetness never run out of stock. A bunch of red roses. Ngumiti ako at hinaplos na ang nalukot na petals. May vase sa kusina na hindi nagagamit. Pang-design daw sabi ni Ate Ephie. Mas lalo iyong titingkad kung doon ko ito ilalagak. Tumaas ang kilay ko nang makitang may maliit na card ang nasasuksuk sa ilalim. ‘For my Baby.’ Pinigilan ko ang sariling tumawa. He’s never unique. Naalala ko iyong tinawag niya sa akin nang sabihin niyang lumipat ako sa kwarto niya. ‘His baby.’ Hindi ko akalaing sa edad niyang iyon ay nagsasalita pa siya ng ganoon. But he’s so sweet. Yes, I agree to that. Bumangon na ako. Katatapak ko lang ng mga paa sa sahig nang mapansing malinis na rin iyon. Nakataas na ang mga gamit ko at wala na rin ang mga suot ko kagabi. Si Ryan na ang nagligpit. Inayos ko ang kama bago naligo at dinala ang bouquet sa labas para mailipat ng lalagyan. Wala na sa kabilang kwarto si Bruce. Pagkatapos ng ginawa namin ni Ryan kagabi, hindi na ako nagulat na magising ng ganitong oras. Babawi na lang ako sa pag-aalaga kay Bruce bago at pagkatapos ko sa trabaho. Nasa hagdanan pa lang ako ay nakita ko nang palakad-lakad si Bruce. Pa-kusina at sala. “Good morning, Bruce,” nakangiting tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Pero isang taong matangkad, may malalaking hakbang na lumabas ng kusina at nagpakita sa paningin ko. Bumaba ang mga mata nito sa hawak ko at tumaas ang gilid ng labi. “Good morning, baby.” Pinatalon na naman niya ang puso ko. Pumasok sa kusina si Bruce. Sa huling baitang ay sinalubong ako ni Ryan na may ngisi sa labi. “Good morning.” Tipid kong sagot. Nakasuot ito ng pantalong maong at longsleeve na nakarolyo ang mga manggas hanggang siko. Nakikita ang kalahati ng dibdib nito dahil hindi binutones. But he’s looking so handsome. Nakita ko ang imaheng naroon ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib niya at mabilis ko ring binura sa isipan. He linked our hands. “Akala ko mamaya ka pa babangon.” Bulong niya sa akin. A hint of a playful tone was in there. Sa kabila ng pagwawala ng puso ko ay pinanliitan ko siya ng mga mata. “Dapat ginising mo ‘ko.” sisi ko sa kanya. Nangiti siya. Pinulupot ang isang braso sa baywang ko. Na-stranded ako sa kanya bago pa man tuluyang makababa. “Wala akong balak. You look great on my bed, you know?” yumuko siya at binaon ang mukha sa leeg ko. Simpleng pagsamyo lang ang ginawa niya, pero sa pagdikit ng labi, ilong at stubble niya sa balat ko ay nagdala iyon ng kiliti at kilabot sa balat ko. Banayad ko siyang tinulak sa takot na may makakita sa amin. Lalo na at nakagilid ang malaking kurtina sa glass wall ng sala. Hindi malabong malingunan kami ng dalawang guard sa labas. “I can smell my soap on your skin, baby. Ready for another battle . . . on bed.” he looked up at me, kissed me and grinned. Umiling ako at tuluyang bumaba. Sinabayan niya ako sa pagpasok sa kusina. Naabutan ko roon si Ate Ephie at Bruce. Nginitian niya ako at mas lalong ngumiti nang makita ang bouquet sa kamay ko. Hindi na ako nagsalita at hinanap na lang ang vase. “Pupunta akong office ngayon, baby.” Ryan declared in every corner of that room. Napalingon kaming lahat sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Nasa sink na ako at inaayos ang bulaklak. Uminit ang mukha ko at yumuko. Nagkunwaring wala akong narinig. Sinong niloko ko? “Kay Bruce ka ba nagpapaalam, Ser Ryan?” tanong ni Ate Ephie habang nagpupunas ng counter. “Nagkakausap na kayo ng bata?” Kinagat ko ang labi at pinigilan ang tumawa. Ryan look so adorable kapag nakakausap si Ate Ephie. “’Yung baby ko nasa likod mo, Ephie.” Nanginig ang mga kamay ko at nawala sa focus sa ginagawa. Naisuksok ko pa sa invisible vase ang stem ng bulaklak. Nagkaroon din ng havoc sa loob ng tiyan ko na tila gustong bumaliktad sa emosyong dinala ng puso ko. It’s a riot. Being declared as his. It feels so happy and sweet. A sugary words that came from the man I secretly loved. Isang beses akong sumulyap sa kanya. At halos dila ng apoy ang nakita ko. Kaya humarap na lang ako sa lababo. Naramdaman ko na lang ang pagsiko sa akin ni Ate Ephie. Kaya napilitan akong lumingon ulit. Nakita ko ang satisfied na ngiti ni Ryan sa akin. Tinuro siya ni Ate Ephie. “Ikaw pala ang baby girl ni Ser Ryan, Ganda. Uyyyy,” tukso niya. Pwede na yatang paglutuan ang pisngi ko. Tiningnan ko ulit si Ryan. Nakataas na ang mga kilay nito sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko. “Okay.” Halos pabulong at mabilis kong sagot. Bumingisngis si Ate Ephie. Mabigat namang bumuntong hininga si Ryan. Naglakad at nilapitan . . . ako. Tumabi sa gilid ko. He framed my face and made me look up at him. “Wala ka bang ibang mas mabahang sagot d’yan, baby? Kahit sa text ang iksi mong sumagot.” Reklamo niya sabay baba ng labi sa akin. And he finally brushed his lips. “Hmmm?” “Sige. Mag-ingat ka.” “’Wag mo kasing pilitin magsalita, Ser. Demanding ka eh,” “Nahihiya ka pa rin akin, Marianne?” malambing niyang tanong sa akin. “Ha? Hindi.” “Ayieee,” tukso ulit ni Ate Ephie. Mas lalong uminit ang mukha ko na para ba kaming mga high school na nasa gitna ng classroom at tinutukso. Ganoon ang pinapadama sa akin ni Ryan. Para akong bumabalik sa pagkabata. Or maybe it’s the love that made me feel younger. “Kiss me back, kung hindi.” Hamon ni Ryan. “May tao.” mahina kong sagot. “Pambihira naman,” reklamo niya. “Isang kiss lang.” Nilayo ko ang mukha at inayos ulit ang mga bulaklak. “Tama na.” tanggi ko. Pero kung wala lang si Ate Ephie at Bruce sa paligid, ibibigay ko ang gusto niya. Bumaba ang kamay niya sa likod ko. “Kiss me.” bulong niyang utos sa tapat ng tainga ko. Hindi ko siya pinansin. Kahit parang kinulong ang puso ko sa bartolina at nagwawala. Niyuko niya ako at hinalikan sa labi. It was a loud kiss, lingered, deep on my lips and on my temple. Tumigil ako sa ginagawa dahil sa bagyong dinala niya sa akin. “Alis na ‘ko, baby.” Paalam niya. Tinapik nito si Ate Ephie at ginulo ang buhok ni Bruce bago tuluyang nawala sa kusina. Bumagsak ang mga balikat ko. I love you, Ryan. Paalam ko sa isipan. “Ang sweet niyo ni Ser Ryan, Ganda! Kayo na ‘no?” excited na tanong ni Ate Ephie nang mawala si Ryan. Natapos ko ang ginagawa. Binuhat ko iyon sa counter at ini-arrange ulit. Hindi ako sumagot. Tiningnan naman ako ni Ate Ephie. Nakita kong nakaupo na sa sahig si Bruce, tinaas ang kamay sa akin matapos lapirutin ang jellyace doon. Nilapitan ko si Bruce at dinala sa sink para mahugasan ang mga kamay. Paano ko masasagot ang tanong niya? Kahit ako ay nangangapa rin. “May mga relasyon talaga ngayong wala ng label. Chismis sa akin ‘yun ni Dalia.” Sabay tawa niyang pilit. Bumuntong hininga ako. Hindi ko naman akalaing darating ako sa ganitong estado ng puso ko. Na magmamahal ako. Gusto kong may label kami, may status, pero hinihiling ko na lang iyon sa buwan. I’m mooning on the man I wish will love me back. Binaba ko si Bruce sa edge ng counter at pinunasan ang mga kamay nito. “Ganda . . .” Nilingon ko si Ate Ephie. “In love ka na ‘no?” Sinundan iyon ng katahimikan. Sinundan ng kirot sa dibdib na hindi ko maintindihan kung bakit ko naramdaman. Sinundan ng pagbalong ng luha sa mga mata ko. Natanggap ko na iyon. Pero, bakit nang tanungin ako ni Ate Ephie ay masakit pa lang tanggapin nang may audience? I look at the flowers he gave me. What’s behind them? What’s behind his endearment? And his kisses? Naramdaman kong nagbara ang lalamunan ko. Ayokong magsalita. Marahan akong tumango sa kanya. Nginitian niya ako. Nakakaintinding ngiti at wala na iyong mapaglaro at mapanuksong mukha sa akin. “Oh, bakit naiiyak ka? Dala ba ‘yan ng saya? Tears of joy?” Tumawa ako. Tawang malungkot. Tawang matabang ang timpla. “Baka po.” Biro ko na lang. Hindi ko na no’n gustong pag-usapan si Ryan. Mas gusto ko na lang na sarilinin. Lalo na kung ako lang naman ang in love sa amin. Gusto kong umasa na ganoon din siya sa akin. Kung nakita iyon sa akin ni Ate Ehie, makikita rin kaya ni Ryan? Pinagtimpla ako ng kape ni Ate Ephie. One sip them I’m good to go for half-day. Nagkwento na siya ng iba at hindi na namin ulit pinag-usapan ang napagtanto niya sa akin. Katatapos lang namin magtanghalian nang makatanggap ako ng text mula kay Wilma. Wilma: Nagpunta ang Kuya Stefan mo rito. Hinahanap ka. *** Nakikita pa rin ang bakas ng pasa sa isang pisngi ni Rochel. Pero ngayon imbes na magtago ay kinausap na niya ako at pinagtimpla ng kape bago ko pa simulan ang pag-tutor kay Ben. Naroong nahihiya pa rin siya sa akin. Gusto ko sanang magtanong pero nararamdaman kong ayaw din niyang pag-usapan iyon. Habang nagsasagot si Ben sa quiz na binigay ko ay lumabas muna ako ng kwarto niya para sana isoli ang tasa ng Cappucino’ng ginawa sa akin ni Rochel. Saktong naabutan ko siya sa kusina. May magazine sa harap at hawak naman sa kabilang kamay ang tasa ng kape. “Tapos na kayo?” nag-angat siya ng tingin sa akin. Tinaas ko iyong tasa ko at ngumiti. “Binaba ko lang.” ako na ang naglapag no’n sa sink at hinugasan. Hindi na niya ako inawat at nanatiling nakatingin sa akin. Nang matapos ako ay naghugas ako ng mga kamay. “Umuwi na ng Lipa ang Kuya ko, Rochel.” Mahinang salitang sabi ko. Napahinto ito sa pagsimsim ng tasa. Kumunot ang noo. “Bakit pa?” may pait niyang tanong sa akin. Bumuntong hininga ako. Sumandal sa edge ng lababo. Kanina pa ako hindi mapakali. Nasa bahay pa lang ako ay gusto ko nang umalis para makausap siya. Iniisip ko si Bruce. Kukunin na kaya siya ng Kuya ko kaya bumalik? Pero ang sabi ni Wilma ay gusto niya akong makita at makausap. Hindi binanggit ang anak. Pero baka kasama na rin si Bruce doon dahil hindi naman niya alam ang pangalan ng pamangkin ko. “Baka gusto na niyang makita si Bruce.” malungkot kong sagot. Binaba nito ang tasa. Dalawang beses na tinapik ang sandalan ng upuan sa tabi niya. Lumapit ako roon at naupo. Saka ko lang naramdamang nanginginig pala ang mga tuhod ko. “Wow. Pagkatapos ng ilang taon saka naalalang may anak pala siya. Kung iba siguro ang pagkakakilala ko ro’n sa Kuya mo, baka maniwala pa ako. Pero sa tingin ko, wala na naman ‘yong mapuntahan kaya naalala kayong magtiya.” Napayuko ako. Niyakap ang mga braso. The chills are here. Like a ghost. Ganoon ang naramdaman ko nang pag-usapan namin si Kuya Stefan. Bigla, ay naalala ko iyong gabing pumayag akong sumabak ulit sa Secret Service at siya ang naratnan ko sa kwartong iyon. Sampal at sabunot ang inabot ko kay Kuya Stefan. At masasamang salita naman ang inabot niya kina Mamay noong panahong iyon. He maybe not a perfect person but he’s a protective brother at some point of my life. Iyong problema niya sa trabaho at pera ang tuluyang naglayo sa akin sa Kuya ko. “Gusto niyang makipagkita sa akin. Ang sabi ko kay Wilma ay ibigay na lang niya ang numero ko kay Kuya.” Tinanong muna ako ni Wilma kung papayag daw ba akong ibigay rito ang numero ko. Rochel sighed. “Inisip ko rin kung ano nang naging buhay mo ng kapatid mo nitong nakalipas na taon. Nag-asawa na kaya o may anak na. Nagbagong-buhay na kaya ‘yon,” “Umaasa akong nasa maayos na siyang kalagayan ngayon.” At wala naman akong balak na maningil sa kanya. Iyong utang, tutulong akong bayaran. Pati na rin ang kay Ryan. Kung maayos na rin naman ang buhay ngayon ng Kuya ko, pwede na rin siguro kami lumipat sa kanya. Nasasaktan ako ngayon kapag naaalala si Ryan. Mahal ko siya. Pero ako lang naman ang nakakaramdam o baka masyado pang maaga para maintindihan din niya ang nararamdaman sa akin. Masakit namang umasa. Dahil kahit noon pa man, iba ang gusto sa akin ni Ryan. Pero madali pa rin akong nahulog sa kanya. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong kinukumpara ang mga lalaki sa kanya. Ngayon ko naintindihan ang naiwan niyang permanenteng marka sa akin. “Wala ngayon sa bahay si Ryan.” Sambit ko. “Ah. Kaya sasaglit kang lumabas ngayon?” hula ni Rochel. “Kung pwede---“ nag-ring ang cellphone ko. May pagmamadali ko iyong dinukot sa bulsa ng pantalon. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Baka si Ryan. Gumuho ang pangarap ko nang makitang unregistered number ang lumabas. Napatitig ako roon. Sinilip din ni Rochel ang screen ng cellphone ko. “Baka si Stefan na ‘yan.” Hula niya ulit. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago sinagot ang nag-iingay kong cellphone. “Hello?” “Marianne.” a low and soft male voice answered back. Tears ascended in the corners of my eyes. Rumehistro agad sa isipan ko ang mukha ng kapatid ko. “K-kuya,” Narinig ko ang pagtikhim nito sa linya na parang nagtatanggal ng bara sa kanyang lalamunan at pinipigilan ang humagulgol. “Kuya,” tawag ko sa kanya sa mas matibay na boses. “Nasa’n ka?” “Nandito sa Lipa. Umupa lang ako ng kwarto sa Bed and Breakfast. Alam mo ‘yon, ‘di ba?” Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Hinaplos ni Rochel ang balikat ko. Kailangan kong ayusin ang sarili at baka bumaba si Ben rito. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. “Wala na ang bahay natin. Saan ka na ngayon tumitira?” his voice became thick from the unshed emotion just like mine. “Nandito kami ngayon sa Agoncillo, Kuya. Kami ni Bruce.” Siguro ay nakalimutan lang niyang banggitin si Bruce. Nawaglit sa isipan o hindi kaya mamaya niya tatanungin. “Bruce? Nag-asawa ka na ba?” Kumunot ang noo ko. “Anak mo, Kuya. Iniwan mo siya sa akin noong huli tayong nagkita sa bahay.” May kirot akong naramdaman sa dibdib. Nakalimutan na niya si Bruce. Nakalimutan niyang may anak siyang iniwan. Oh, Bruce . . . “Na sa ‘yo pa rin ang batang ‘yan? Bakit hindi mo na lang dinala sa ampunan?” Pabulong itong nagmura. “Bakit ko siya dadalhin doon kung nandito naman ako? Wala na nga siyang mga magulang, ipagtatabuyan ko pa? Kadugo ko pa rin si Bruce, Kuya!” bahagyang tumaas ang boses ko. Hindi ako makapaniwalang parang bagay lang ang tingin ng kapatid ko sa anak niya. Hindi ito sumagot kaagad. Pero naririnig ko pa rin ang mabilis nitong paghinga. Nagagalit. Nagagalit siya kahit hindi ko makita ang itsura niya. “Kailangan nating magkita at personal na mag-usap. Pupuntahan kita d’yan sa Agoncillo. Give me your address.” Utos niya sa akin. Narinig kong tila may hinahagis ito na kung anong bagay. Napatingin ako kay Rochel. Kinabahan ako at umiling. “Hindi ko pa kabisado ang address dito,” amin ko. Nagsalubong ang mga kilay ni Rochel. Tumayo at kumuha ng papel at ballpen. May sinulat at saka pinakita sa akin. “Kanino ka ba nakapanuluyan d’yan?” Napalunok ako. “Kay Ryan.” “Sinong Ryan ha? Boyfriend o asawa mo?” Napapikit ko. “Sasabihin ko na lang ‘pag nagkita tayo.” “Whatever. Anong address mo d’yan?” Sinabi ko ang address. Sinusulat niya rin iyon. Bago magpaalam ay sinabihan niyang abangan ko ang tawag niya bukas. Nanatili pa rin akong nakatitig sa cellphone kahit na putol na ang tawag ng Kuya ko. After three years, he will show up. Mas lamang ang pagkasabik kaysa tampo. Then I received a text from him. Kuya Stefan: Huwag mo munang ipagsabi na tinawagan kita. Kahit kina Lola Josie. Mangako ka, bunso. Ako: Sige, Kuya. “Well goodluck.” Untag sa akin ni Rochel. Nakatayo na ito at hinuhugasan ang tasang ginamit. “Sana lang walang kabuntot na problema ‘yang kapatid mo, Marianne.” Paalala niya sa akin. Tumayo na rin ako para puntahan si Ben. “Wala naman na siguro.” But I’m hoping. Bahagya itong tumawa. Humarap sa akin. Muli kong napansin ang papagaling na niyang pasa. “Ikaw kasi. Ini-spoil mo rin ‘yang kapatid mo. Masyado kang mabait na kapatid. Kung ako sa ‘yo, pinalapa ko na ‘yan sa mga aso.” She winced a little then smiled. “Rochel. Sinaktan ka ba ni Roger?” Natigilan ito. Tinitigan ako at biglang nahiya sa akin. Nagkamot ng ulo. “’Wag mong ibahin ang usapan natin, Marianne.” Biro niya. Kumuha ng basahan at naluluhang pinunasan ang mesang makintab pa sa sahig. “Nag-aalala rin ako sa ‘yo.” Banayad kong sabi. Isang beses niya akong sinulyapan. Hanggang sa tigilan na niya ang pagkukunwaring marumi ng mesa. Napaupo ito. “Lasing lang siya, Marianne. Hindi naman niya sinasadya. Nainis lang siya sa akin dahil nag-away kami. Gano’n lang.” Umupo ako ulit. Isang tanong na lang at aakyatin ko na si Ben. “First time ba ‘yan?” Tiningnan ako ni Rochel. Kumibot ang labi pero hindi kaagad na sumagot. Sa wari ko ay para bang umuurong ang dila niya. Nang hindi na siya nagsalita ay nagpaalam na ako para umakyat sa taas. Tumango lang siya sa akin. Iniwan ko siyang tahimik na nakaupo roon. Naintindihan ko na ang sagot. Pagkatapos ng tutorial namin ni Ben, hinatid niya pa rin ako hanggang sa gate nila. May bonus pang ngiti para sa akin kaya naman natuwa ako. “Anong gusto mong meryenda bukas? Igagawa kita.” I crouched to see his smiling eyes. Nahihiya ito. Hindi ako tiningnan. “Ako na lang ang bahala?” natatawa kong tanong. He just smiled and blushed. Umayos na ako ng tayo. “Sumagot ka kapag tinatanong ka, Ben.” Napalingon ako sa maawtoridad na boses ng lalaking biglang nagsalita sa labas ng gate. Para ba akong nakita ng heneral sa tuwid ng pagkakatayo ko. Nilingon ko sa loob ng bahay si Rochel. I am worried for her. Si Ben naman ay nagtatakbong pumasok sa loob ng bahay. “Ben!” sigaw na tawag ni Roger. “Okay lang, Sir. Pagod na siguro si Ben.” Mahinahon kong pigil sa kanya. Pagod itong bumuntong hininga. Tiningnan ako. Naging titig iyon kaya naasiwa ako. Naasiwa? Hindi ako naging kumportable. Para bang tinging . . . Humakbang na ako palabas ng gate. “Gusto kita, Marianne. Maganda pa at sexy.” Ang pakakasalita niya ay para bang ilang araw na iyong lumulutang sa isipan niya. And he’s my friend’s partner. How dare he? Tumikhim ako at humarap sa kanya sa kabila ng kilabot na naramdaman. Pero agad ko rin iyong pinagsisihan. Hindi ko gusto ang tingin niya. Ang pagpasada niya sa katawan ko at titig sa mga mata ko. Ang gusto ko lang ay mailayo sa kanya si Rochel. “Tutor po ako ng anak ninyo, Mr. Zamora. Hindi po yata maganda ang tingin ninyo sa akin.” matapang kong sabi. Ngumisi ito at hinimas ang panga. “Ows? Dati kayong magkasama sa Secret Service ni Rochel, ‘di ba? Hindi ka pa ba sanay sa mga papuri?” makahulugan niyang tanong. Naestatwa ako. Pakiramdam ko ay humulas ang kulay ng mukha ko. Saka ito tumawa. “Hula ko lang ‘yon pero mukhang tama naman ako. Ang mga kaibigan naman kasi ni Rochel puro taga-Lipa at kasamahan niya sa Secret Service noong nag-aaral pa siya. Pero sa ‘yo lang talaga ako na-attract ng ganito. Tell me, kaya mo ba akong serbisyuhan? Kailan ka ba matatapos kay Del Carmen? Kaya kong maghintay basta ikaw.” Kumulo ang dugo ko nang kumindat pa siya sa akin bago pumasok sa gate at sinarado iyon. My chest pounded brutally until I cannot breathe properly. Ang matandang iyon . . . niloloko lang si Rochel. Habang ginagawang punching bag pa ang kaibigan ko. Pumihit ako at humakbang palayo sa lugar na iyon. Galit, pagkapahiya, takot at nerbyos ang mga naramdaman ko. It was as if he threatened me. Nakakadismaya ang titig niya. Nakakapanindig ng balahibo. Pambabastos iyon dahil sa trabahong dati kong ginawa. Gusto kong isampal sa kanyang iisang lalaki lang ang nagawan ko no’n at mas lalong hindi serbisyo ang ginagawa ko kay Ryan. Hindi. Hindi kami ganoon. Ganoon din kaya ang iniisip ng ibang taong nakakakitang lumalabas ako ng bahay niya? Hindi kami kasal, ano bang iisipin ng mga tao kung ganoon? Katulad din ng kay Rochel. Sigaw ng isipan ko. Nakakapanghina kapag tumatagos ang katotohanan sa pansamantalang pantakip sa sitwasyon. Kahit na ano pa mang modernization ang bumilog sa mundo, may nangyayari sa amin ni Ryan kahit hindi kami kasal. Hindi ko iyon naisip dati dahil sa desperada akong makatakas sa Lipa. Isa pa akong guro. Hindi magandang medelo para kay Ben at sa mga bata. Sa kabataan. Lutang ang isipang nakauwi ako sa bahay. Pinilit kong ngitian ang dalawang guard at nagdere-deretso na ako sa taas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD