Chapter 14 Part 2

1617 Words
Chapter 14 - part 2 Pasagot na ako sa kanya nang gumalaw si Bruce. Hindi pa pala tulog. Nagpapadyak ito at gustong bumaba mula sa buhat ko. Hinayaan ko siya at nilapag ang mga paa nito sa sahig. Sinundan ko siya ng tingin. Naglakad ito patungo sa pinto. Inaabot ang doorknob, tumitingkayad. “May trabaho na ako. Kaya kong mag-provide para sa sarili ko,” At nang hindi maabot ay naglakad ito ulit patungo sa swivel chair ni Ryan. Tumayo ako para matanaw siya. Hindi man lang gumagalaw si Ryan at walang pakielam kung magalaw man ni Bruce ang gamit niya. “Sa tingin mo sapat na ‘yon? Paano si Bruce? May gatas at diaper kang iintindihin. Paano kung mangailangan ng doctor ang pamangkin mo? You think, you can manage?” he stood up straight and made one step forward. Bumungtong hininga ako. “Kaya ko. Kung hindi lang kami hinahabol ng pinagkakautangan namin,” “Utang ng kapatid mo. Nilipat niya sa ‘yo ang responsibilidad sa anak niya.” he glanced at Bruce. Nag-a-attempt na ngayong makaakyat sa upuan niya. “You’re a single woman not a single-mother.” Matalim kong nilipat sa kanya ang tingin ko. “Ano naman ngayon? Sa tingin mo ba ay mapapakain kami ng label na ‘yan? Ano naman sa ‘yo kung ariin kong anak si Bruce?” hindi ko na napigilan ang sarili sa pagsasalita ng ganoon sa kanya. Siguro nga ay tumatawid na ako sa boundary ko bilang nakikitira lang sa kanya. Pero hindi ko kasi makuha ang point sa sinasabi niya. “S-sorry.” Halos pabulong kong habol sa huli. Nagagalit ba siyang inaalagaan ko ang pamangkin ko? “Gusto kitang tulungan.” Mariin niyang salita. “Ginagawa mo na nga ngayon, Ryan. Pero ayokong tumanggap ng sobra-sobra mula sa ‘yo.” Umigting ang panga niya. I didn’t mean to offend him. “Hanapin natin ang kapatid mo.” Malamig niyang sagot sa akin. Tila huminto sa pagtibok ng puso ko nang sabihin niya iyon. Nasa itsura niya ang determinasyon. “Kailan mo pa naisip ‘yan?” “Kanina lang.” he looked down. “B-bakit mo gagawin ‘yon? S-saka wala pa akong pambayad,” “Will you stop thinking and suffering yourself about money! I can manage!” his temper raised in hot degrees. Natahimik ako. Siguro nga ay sumusobra na ako sa kakaisip ng pera. Pero hindi ba ay kailangan iyon? Bahagyan akong nangilag sa kanya nang humakbang siya ulit palapit sa akin. Malalim itong bumuntong hininga. “All you need is me, baby.” Bulong niya at tuluyang tumayo sa harapan ko. Blocking my view to see Bruce. Something in my skin became uncomfortable. Kinabahan ako. Bumilis nang bumilis ang t***k ng puso ko hanggang sa dumagundong ang dibdib ko. Sa tuwing naririnig ko ang tonong niyang iyon . . . para niya akong nilalasing. He chin me up. Face to face. His breath fanning my skin. “I want you to trust me.” he lowered his face and claimed my lips. Hindi ko alam kung paano iyon tutugunin gayong nagwawala ang puso ko sa kulungan nito. He took my attention while Bruce is taking his invasion on his working table. He want my kiss while my heart is pumping too fast. Masuyo ang labi niya. Hindi demanding. Hindi nagagalit o nauuhaw. This time, he’s soft and relax. Like it’s taking his own time for me to answer him back with the same passion. Dinikit niya ang katawan sa akin. Molded his body against mine. Letting me know his heat is real as well as the swelling on his jeans. Pinakawalan ko ang labi ko pero hindi niya pinakawalan ang mukha ko nang lumapat ang mga kamay niya sa pisngi ko. “Trust me the way you trusted your body to me, baby.” He murmured against my lips. His stares are full of promises. Tinitigan ko siya. Madalas akong nai-intimidate sa kanya. Sa katayuan niya sa buhay at itsura. Pero sa tuwing malapit siya sa akin ng ganito . . . walang akong nararamdaman na ganoon. Para bang abot na abot ko siya ngayon. Walang status na hadlang. Walang hiya sa gitna namin. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang t***k ng puso at si Ryan. Maybe, maybe I’m falling in love. I jolted at the words—at the realization. Tila ako biglang napaso at umatras palayo sa kanya. To fill the space, I look for Bruce. “Oh no, Bruce,” agad kong nilapitan ang pamangkin ko nang makita ko itong nakatayo na sa swivel chair ni Ryan. Nakangisi na sa akin si Bruce at napapapikit ang isang mata dahil sa taas ng ngisi. Binuhat ko siya at inusod ang upuan sa mesa. Nang tingnan ko si Ryan, nakatitig pa rin ito sa akin. Kinuha ko ang mga libro at naglakad na patungo sa pinto. “Tutulungan ko si Ate Ephie sa pagluluto.” Sabi ko. Paalam ko nang hindi na siya nililingon pa. Nang masarado ang pinto ay saka lang ako nakahinga nang maluwang. *** Ryan I drove to Lemery after breakfast. To Xentro for inspection. Then to banks in Metro Manila. Buong araw kong guguguling burahin sa utak ko si Marianne. Last night, we made love. But it felt different than the other night. Pakiramdam ko ay pinagbigyan niya lang ako. Walang feelings! Isang beses lang namin ginawa at hinayaan ko siyang matulog nang may ispasyo sa gitna namin sa kama. Hindi ko iyon gusto. I want her full surrender to me. I want all of her—not just her great body. Not just her sexy lips or mouth—I want her trust. Mahirap ba iyon sa kanya? Maibibigay ko naman ang lahat ng gusto niya. Ibibigay ko rin ang sarili ko sa kanya. Then we’re even. “Women.” Sambit ko. I clacked on my tongue. I don’t understand their thinking. Sometimes. “Ano po, Ser?” Nilipat ko ang tingin sa empleyado kong binisita. I scanned their uniforms. Neat and complete with liscenced firearms on their pocket. “Okay na,” I dismissed them. May kinausap pa ako sa Mall bago lumipat sa sunod kong destinasyon. Pero kapag nag-iisa na lang ako ay lumilipad pa rin ang isipan ko kay Marianne. She literally filled the space in my head. She sometimes override my thoughts. Killing me. Showing me she’s the Queen in my mind. Just before lunch, I went to a private firm in Lemery. Nasa labas kami at kinakausap ang mga tauhan ko nang may humintong tricycle sa tapat namin. “Ser Ryan! Ser Ryan!” I shifted on my feet and thrust my fist in my pocket. Malaki ang ngiti nito at excited akong nilapitan habang hawak sa isang kamay ang isang buhay na manok. “Francis,” I acknowledged him and nodded once. My fist clenched inside its cover. His wornout jeans were folded up to his knees. Ang T-shirt na suot ay dating puti na pinakupas ng sabon at bilad sa araw. He grew his hair long. Nakatali sa harap ng batok. “May nakakita po sa inyong nandito raw po kayo sa Lemery. Kaya napatakbo nap o ako rito at nagbakasakaling maabutan ko po kayo, Ser.” nakangiti at may hingal niyang salita sa akin. Tinapik ko siya sa balikat. “Parang pumayat ka pa yata?” I think I just felt his bones. Tumawa siya. Kumawag naman ang pakpak ng manok na hawak niya. “Sa kakatrabaho lang po siguro, Ser.” Yeah. It showed on his beard and the dark color under his eyes. He’s just 24 but looks like older than his real age. “Dadalaw po dapat ako sa Eagle Eye bukas para makibalita, Ser. May . . . update na po ba kayo sa anak ko?” magalang niyang tanong na halos ikakirot ng dibdib ko. Nakita ko ang excitement sa mga mata niya. He’s paying for our service and he’s working so hard to earn that money. His wife, Vanessa, died, months after their first baby was abducted from the hospital. “Tinatrabaho pa rin ng tao ko, Francis.” “May lead na po ba, Ser?” Ilang beses ko nang narinig sa kanya ang tanong na iyan. Palagi ko siyang sinasagot ng totoo para hindi siya umaasa sa mabilis na imbestigasyon. But now, yes, may lead na kami. At nasa akin na. Isang hakbang na nga lang. A DNA Test. Maaaring malaman namin ang totoo. Pero kailangan ko pa ring mahanap si Stefan Larazano. He’s the key to prevent his sister to face the cold steel bar. “Sa tingin ko, malapit na.” I said. Napapikit ito. Tahimik na umusal ng pasasalamat. At pagbukas ng mga mata ay inabot sa akin ang buhay na manok. “Tanggapin niyo na po ito, Ser Ryan. Munting kabayaran lang po,” Hilaw ko siyang nginitian. “Okay lang, Francis. I won’t charge this.” Tanggi ko. But he insist. Hindi ko naman gustong umuwi ito nang lulugo-lugo. Sa mga buwan na nakausap ko siya, he’s a giver. Matiyaga at masipag. Kaya napapalunok akong kinuha ang buhay na manok. Nakatali naman ang mga paa. Sinundan ko na lang ng tingin si Francis pagsakay nito sa tricycle. “May pang tinola na kayo mamaya, Ser!” biro ng tauhan ko. Matalim ko siyang nilingon. Napakamot ito ng batok. “Dadalhin ko ‘to sa dati niyong Mayor.” I went to my car and sat it on the backseat. Wrong move.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD