Chapter 18
Marianne
Napaigtad ako matapos matalsikan ng mantika mula sa kawali. Nag-landing sa kamay kong may hawak ng sense. Mabilis na sakit lang pero agad na namula ang balat kong natamaan. Kumuha ako ng takip sa cabinet at nilagay sa piniprito kong tokwa.
Napabuntong hininga ako at muling tiningnan ang niluluto. Binaliktad ko ang tatlong square ng tokwa, nagalit ang mantika kaya tinakpan ko ulit. Kinulong ko ang isipan sa paghahanda ng hapunan. Hindi mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Roger Zamora. Nanlalamig ako at kinabahan. The nausea reign in my head. Kaya pilit kong ginagawang okupado ang isipan ko dahil ayokong magpatalo sa memoryang iyon.
Tinungo ko ang oven. Sinilip ang nakasalang doong chocolate cake. Bahagya akong napangiti nang makitang tumataas na ang cake sa bilog nitong lyanera. Umaasa akong tama ang measurement namin ni Ate Ephie. At sana ay magustuhan ni Ryan.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Mag-a-alas seis na ng gabi. Anong oras kaya siya uuwi? Wala akong lakas ng loob na i-text siya. Baka hindi kayanin ng puso ko ang pwersa ng pangalan niya kapag nag-reply ito.
Bumalik ako sa harap ng kalan at hininaan ang apoy. Sinilip ko ang tokwa. Binalik ko ulit ang takip. Sumandal ako sa counter at binasa ulit ang text ng Kuya ko.
Kuya Stefan:
Huwag mo munang ipagsabi na tinawagan kita. Kahit kina Lola Josie. Mangako ka, bunso.
Tipid akong ngumiti. ‘Bunso.’ Tinatawag ako ng ganoon ng Kuya ko kapag naglalambing siya sa akin. Madalas niya akong tawagin ng ganoon noong mga bata kami. Noong wala pang impluwensya ng problema. Noon ang pinag-aawayan lang namin ay ulam at bentilador. Mababaw akong tumawa habang nakatitig doon. I miss it. I miss them. I miss him.
Nang pumanaw ang mga magulang namin, kay Kuya Stefan ako dumipende. Gusto kong palaging sumusunod sa kanya dahil iyon ang palaging bilin ng mga magulang namin. Dahil mas matanda ito sa akin.
Pero nang dumating ang unos sa buhay namin, nagpaagos naman ito. Iniwan ako sa Bangka mag-isa. Nang bumalik ay sumandali lang ito at iniwan din ako agad. But he left Bruce.
Nag-angat ako ng mukha at tumitig sa kawalan.
Nag-flashback sa isipan ako ang mga salitang binitawan kanina ni Rochel. Then I halted when I heard the low battery tone of my phone. But it didn’t stop me from thinking . . . did I already tell her that Bruce is my brother’s son?
“Wow. Pagkatapos ng ilang taon saka naalalang may anak pala siya.”
Naalala ko ang emosyon sa mga mata niya. Hindi pa naman kami ganoong magkakilala pero hindi ko maikakailang may takot sa mga matang iyon. Takot na tinago niya sa inis.
“Bruce wait fo’ me!”
Napalingon ako sa bukana ng kusina nang patakbong pumasok si Ate Ephie. Sa harapan niya ay si Bruce na tumitili at hawak sa isang kamay ang remote control ng TV.
Pinatay ko ang apoy at hinango ang tokwa. Nilagay sa mga kasamahan niyang tokwang nilagay ko sa platong may paper towel. “Bruce,” nakangiting sambit ko sa pangalan ng pamangkin ko habang nililipat ang niluto.
“Ay ako na d’yan, Ganda.” lapit sa akin ni Ate Ephie nang makitang naprito ko na ang lulutuin niya. Binuhat nito si Bruce.
Tumikhim ako. “Ate, may nababanggit ba sa ‘yo si Tetay tungkol kina Rochel?”
“Ha? Anong tungkol sa kanila?” tanong niya. Kumuha ng bagong kawali.
Tinaas ko naman ang mga kamay kay Bruce. Agad na sumama sa akin ang pamangkin ko. “Madalas kaya mag-away ang mga amo niya? Napansin ko kasi ‘yung pasa sa mukha ni Rochel.” pag-aalala kong sabi sa huli.
Namilog ang mga mata at tiningnan ako. “Binubugbog si Ma’am Rochel? Totoo pala ‘yon,”
Kumunot ang noo ko. May alam sila. Malungkot akong bumuntong hininga. “Gusto kong tulungan si Rochel. Sa tingin ko, natatakot lang siyang magsalita at kay Roger. Kanina lang . . .” hindi ko na binanggit ang sinabi ng lalaki sa akin kanina. “Baka may magawa si Ryan para sa kanya?”
Tumingin sa kisame si Ate Ephie. Sandaling may inisip bago nagsalita. “Baka meron naman. Sabihin mo na lang mamaya kay Ser.” udyok niya sa akin.
Nakadagdag iyon ng lakas ng loob sa akin para isangguni iyon kay Ryan. Gusto ko ring magtanong sa kanya kung okay lang mangielam kami sa problema ng iba. If it is a house problem or domestic violence is involved.
Nag-low battery alert na naman ang cellphone ko. “Mag-cha-charge lang po ako sa taas, Ate Ephie.” paalam ko sa kanya.
Binanlawan nito ang kawali bago nilagay sa kalan. “Gorabels. At baka uminit ang ulo ni Baby boy mo kapag ‘di ka na-contact.” Sabay-tawa nito. Tapos tinuro ang upuan. “Ibaba mo na lang muna d’yan si Bruce Lee. Kayang-kaya ko ‘yan. Katumbas lang naman niya sina Anjeline at Miggy, haha.”
Nangiti ako. Binaba ko rin si Bruce sa mababang upuan. Pinipindot-pindot nito ang remote control at tinataas. I guess, nakikita niya iyon kay Ryan kapag nanonood sila. “Sandali lang po ako.” paalam ko.
Tinanguan na lang ako ni Ate Ephie. I can count on her. Dahil na rin siguro sa dati niyang gawain sa mga Salvaterra at sa dalawang batang inalagaan doon.
Umakyat ako sa kwarto ni Ryan. Doon ko kasi iniiwan ang charger at doon din ako palaging nag-cha-charge. Umupo ako sa gilid ng kama. Sinaksak ko ang charger sa kuryente at hinili ang cord para naman sa cellphone. The tone of charging relaxes me. Binaba ko ang cellphone sa night stand. Bumalik ang ala-ala ko kay Rochel. Tiningnan ko ang orasan. Pwede akong sumandali sa kanila para tanungin siya. Dahil kung hindi, buong magdamag kong iisipin iyon.
Pagkababa ko ay naririnig kong kumakanta si Ate Ephie. The hottest song for Bruce, Cocomelon. Dumaan ako sala at nagderetso sa labas. Mula sa bangko at tumayo ang dalawang guard nang nakita akong palabas.
“Ma’am,” he was now full alert. Alam ko ang ganitong tawag niya sa akin.
“Kina Rochel po ako pupunta. May nakalimutan lang po.” nakangiti kong paalam. Hindi ko iyong pinakitang malaking deal para sa kanila.
Nagtinginan ang dalawa. Sandaling palitan ng lihim na salita at pagkatapos ay pinagbuksan din ako ng gate.
Nagpasalamat ako. “Sandali lang po ako.” dagdag ko para hindi sila masyadong mag-alala.
“Sige po, Ma’am.” Nakangiti na nilang sagot sa akin.
Hindi naman talaga ako magtatagal. Gusto ko lang magtanong kay Rochel. Baka kasi nanggaling din kay Ate Ephie at tapos ay sinabi kay Tetay. Natigilan ako. Baka nga? Pero hindi na rin ako umatras dahil sa nasa labas na rin ako.
Bukod doon ay may malakas akong drive na puntahan siya. Kahit sa naging encounter ko kanina sa kinakasama niya. Kailangan ko na ba siyang bigyan ng babala tungkol doon? Sabihin ko na kaya sa kanya ang sinabi nito sa akin?
Bukas ang ilaw sa labas ng pinto ng bahay nina Rochel. Isang beses akong nag-door bell. Si Tetay ang unang lumabas. “Si Rochel?”
“Tawagin ko lang po, Ma’am Marianne.” Sabi niya at muling sinarado ang pinto. Naiwan ako sa labas ng gate. Hindi rin nagtagal ay lumabas si Rochel. Nakangiti ito pero may guhit ng pagtataka sa mukha.
Binuksan niya ang gate. “Marianne,”
“May itatanong lang kasi ako. Mmm, ‘yong kanina? Paano mo nalaman na anak ng Kuya ko si Bruce? Hindi ko kasi maalalang binanggit ko sa ‘yo, iyon. Pasensya na. Naguguluhan lang kasi ako.” tumawa pa ako para pagaanin ang nararamdaman.
She tilted her head. I saw her tighten her grip on the steel bar. “Ah, iyon ba . . .” she looked around.
Unti-unting natunaw ang pilit kong ngiti. Maybe, I messed around. Pero bakit ganito ang kalabog sa dibdib ko habang tinitingnan ang gulo sa ekspresyon sa mukha ng kaibigan ko?
“Pumasok ka muna sa loob at doon natin pag-usapan.” Niluwagan niya ang gate.
Hindi ako agad na humakbang papasok. Naalala ko pa rin ang sinabi ni Roger. Ayoko siyang makita. Pero ang pag-aalala sa mukha ni Rochel . . . gusto kong malaman kung para saan. I want to help her to get out of here. I want to shade some dirty information about him and it will be her discretion to leave or stay with him.
Maybe, I can also give a little help.
Inisip ko ring sabihin sa kanya na pwede kaming humingi ng tulong kay Ryan. I know he can help her.
“Tetay labas ka muna.” Utos ni Rochel dito nang makita naming nasa kusina ito at may hinugasan sa lababo.
“Sige po, Ate.” Magalang na sabi ni Tetay matapos tingnan si Rochel. Nakita rin nito ang ekspresyon sa mukha niya kaya walang alinlangang iniwan kami roon.
Panay ang pisil ni Rochel sa kamay niya. Hinintay naming makaalis si Tetay bago niya ako tiningnan ulit.
Naghintay ako. She’s steadying herself. But my nerves’ escalating into fear. “Rochel,” untag ko sa kanya matapos ng ilang segundong hindi ito nagsalita. “May alam ka ba sa pinanggalingan ni Bruce? Kilala mo ba ang Mama niya?”
Lumunok ito. Fear. There’s fear in her eyes and she’s glaring . . . behind my back.
“Roger!” sigaw niya.
Nilingon ko iyon---mabilis—mabigat at masakit—may tumama sa likod ko. Malakas. Napasinghap na lang ako at bumagsak sa sahig. Hindi gumalaw si Rochel. Tiningala ko siya, namimilog ang mga mata niya sa akin at sa lalaking pumalo sa likod ko. Saka ko pinakinggan ang sakit sa likod ko. Mainit. Masakit. Dumaing ako sa sakit. At ang takot ay gumulong sa isipan ko.
“Manahimik ka!” tila kulog ang boses ni Roger. Yumuko ito sa akin, “Kung nananahimik ka lang. Edi sana hindi ko ‘to gagawin sa ‘yo.” Namimilog ang mga mata nito sa akin. Malayong-malayo sa Roger na una kong nakita.
Tinakpan niya ang ilong ko at bibig. Namilog ang mga mata ko. Telang basa. Nakakasulasok ang amoy---nahirapan akong huminga. Gamit ang natitirang lakas, hinawakan ko ang kamay niya. Inilipat niya ang isang kamay sa likod ng ulo ko at pilit na sinusubsob ang mukha ko sa hawak niyang panyo.
I muffled the terror in my voice. Full force . . . then in split seconds . . . my head ached . . . then I wanted to fall sleep . . . I cannot breathe . . . I cannot breathe . . . Ryan . . .
***
(3rd Person’s POV)
Nabalot ng katahimikan ang tahanan ng mga Zamora sa mga oras na iyon. Nasa sampung segundo nang walang malay si Marianne sa sahig, panay ang palo ni Rochel sa braso ni Roger. Nakatitig ang lalaki kay Marianne. Galit at tuwa ang naghahari sa isipan nito habang malayang tinitigan si Marianne. Pero nang maramdaman na ang sakit sa suntok ni Rochel, nag-angat siya ng tingin dito at sinabunutan. Dinuro sa mukha.
“Kapag napikon ako sa ‘yo, babasagin ko ‘yang mukha mo.” Nangangatal ang ngipin niyang babala rito.
Labis na takot ang naramdaman ni Rochel. Hinawakan niya ang kamay nito sa buhok niya. Pabalang siya nitong binitawan. Napaatras. Binuhat ni Roger si Marianne.
“Roger, please.” She begged.
Hindi ito pinansin ni Roger. Mangha at katakot-takot na kaba ang nakahulma sa mga mata ni Tetay habang nakatayo sa gilid. Nakatingin kay Marianne na buhat ni Roger.
Inakyat ni Roger si Marianne. Sa hagdanan ay tila rebultong nakatayo si Ben. He’s staring at Marianne. His Tutor. His favorite Tutor. Pero nang magtama ang mga mata nila ng ama. Napaatras ito at pumasok sa loob ng kwarto niya.
Roger was determined. He was determined to keep their old secret and to give way for his own plan for Marianne. His hidden desire and kept secret boost his self to take one step and finally cornered the woman he has been dreaming to have since the first time he saw her.
Dinala niya si Marianne sa silid ng dati niyang asawa. Kalaunan ay natuwa siyang binigyan niya ng sariling silid ang dating asawa, dahil ay nagamit din niya ito at mapapakinabangan pa. Lihim na ngumisi si Roger.
Binuksan niya ang walang laman na walk-in closet. In a rectangular space. Walang bintana. Napapaligiran ng hagdanan ng estanteng bakante. May ilang hanger sa cabinet na pinamamahayan na ng agiw.
Nilapag nito sa kahoy na sahig si Marianne. Hinaguran ito ng tingin bago tumayo. May pagnanasang mas lalong bumalong sa isipan nito habang nakikita ang natutulog na dalaga. Mamaya o bukas. Iyan ang dalawang oras na iniisip ni Roger. He will get a taste of her.
Sinarado nito ang pinto.
Mabilis ang pintig ng pusong sinusundan ni Rochel ng tingin si Roger. Lumabas ito sandali. Hindi man lang makagalaw sa pwesto si Rochel dahil alam niyang hindi pa tapos si Roger dito.
Pagbalik ng lalaki, may dala na itong kandado at bagong suksukan nito. Naglagay ito ng bagong kandado at ini-lock sa loob si Marianne.
***
Ryan
Hindi ko na narinig ang tawag sa akin ni Archer. I grinned. Kanina ko pa siya kausap. Nagsasawa na ako sa mukha niya. Kung hindi lang dahil sa kaso ng Baby ko uuwi akong maaga. And damn. Alas-siete na ayaw pang paawat sa plano.
He finally traced Stefan Lazarano. Doon sa Lipa Bed and Breakfast na pinaggalingan ng gago. Wilma told him. Napailing ako nang marinig iyon. Anong gayuma kaya ang ginawa niya sa babae? Nang magamit ko rin sa Baby ko. I grinned again and bring my car into life.
Natigilan ako. Excited akong umuwi. Napasandal ako. I smirked at myself. Yeah, I’m so excited to get home. Knowing that I’ll not be coming home in a dark room. Someone’s waiting for me. Someone. I heard a big and loud thud in chest like some warning bell. Someone and that is a Woman. “My woman.” I said to myself. I bit my lip and moon of her.
Para akong lasing na iniisip si Marianne. She’s mine. How’s that? And what’s next?
Kailangan ko nang umuwi. Iyon ang tamang sagot.
I remember, how beautiful she is while holding that flowers. I can’t stop thinking about her all day. Nakakabaliw. s**t. Para kong naririnig si Wax sa utak ko. Baka nahawa na ako sa kanya.
Tracing her brother is a good sign and progress. Malapit na itong matapos. Makakalaya na siya, pero makukulong din sa akin. I tsked.
Napalingon ako sa bintana nang may kumatok dito. Napangisi ako at binaba ang salamin. Dinantay niya ang braso sa bintana ko. She smiled at me. I know that kind and I should be teased about it. But I didn’t feel any.
She rolled her tongue on the upper line of white her teeth. “Naabutan din akin. Ang dalas mong absent dito ah,”
I massaged my chin. “I can work at home, Trix.”
“Sabi nga ni Marcy. Bago yata ‘yan. Bakit naisipan mong mag-relocate sa bahay mo?” tinagilid niya ang mukha. Bahagyang nilapit sa akin.
Lumayo ako. An automatic response after I detected her expensive perfume.
“Sabagay, malapit na ro’n ang kwarto mo. Hindi na tayo mahihirapan sa pinto ng opisina mo.” She seductively laugh.
I scoffed. Nagtaas ako ng kilay. “That’s . . . off limits, Trix. May kasama na ako sa kwarto ko. So . . . that’s not going to happen. Never.”
She made this funny face. Para bang nakatikim ng sukang paombong. Funny.
“Are you married?”
I bit my lower lip. Something, something just pumped in my chest. I smiled and combed my hair back.
“Woah. Really? You’re blushing, Ryan!” hindi niya makapaniwalang salita.
I massaged my jaw. I didn’t expect that. Damn. Marianne. What are you doing to me?
Napalingon ako sa kanya nang tumayo ito ng tuwid at humalukipkip.
“Na-late naman ako. Sa iba ka pa napunta. Who’s that girl ba?” nangingiti na niyang tanong sa huli.
“My Baby.” I simply answered.
Tumawa na ito at sinuklay ang buhok. “’Wag mong sabihing ‘yung babaeng may dalang bata sa opisina mo? Maganda ‘yon kayang lang may anak?”
I shrugged my shoulders. So, she really look like a baby?
“Damn. You’re really unbelievable. In love ka?”
“Gusto ko nang umuwi.”
Napailing ito. “She’s lucky.”
I looked at her. “No. I’m lucky I got her.” And winked at her sour face.
“Whatever! Nasayang lang byahe ko rito.”
I grinned. “Bye, Trix! Inom ka na lang. Faithful na ‘ko.” biro ko sa kanya. Naitaas ko na ang bintana ko bago pa niya ako sapakin sa braso. It’s been a good ride with her. But I wanted to end any ties that I have with her.
No commitment, no problem. No roots, no argument. I hate thinking about Marianne and I will go to a fight about my past women. Iilan lang naman sila pero ayokong masaktan ko siya dahil lang doon. I will bury and forget all of them. I’ll do it. For her.
Pagdating ko sa bahay ay parehong nakatingin sa akin ang mga tauhan ko. Tumaas ang kilay ko. “Is there something wrong?” seryoso kong tanong sa dalawa. Napakamot pa sa ulo ang isa. Umiling.
“Wala naman po, Sir Ryan.”
Sandali ko pa siyang pinagmasdan bago tumango. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naamoy ko ang masarap na ulam para sa hapunan. I’m hungry. Very hungry. Baka nasa kusina ang Baby ko. Palagi naman iyon doon tumatambay. I think, I should give her some exercise tonight. I chuckled and tossed my keys in the air.
Pero wala akong naabutan sa kusina. Kumunot ang noo ko. Sinilip ko kung anong ulam ang hinanda nila. Mas lalo akong nagutom. Then there’s a naked chocolate cake on the counter. “Sweet.” I murmured.
Tumaas ang kilay ko nang marinig ang boses ni Ephie. An automatic alertness swam in my blood. Malalaking hakbang akong lumabas. Sa sala ay naabutan ko siyang buhat-buhat si Bruce. She look surprised when she saw me. Nang hindi ko nakita si Marianne na kasama niya, bakit ang pakiramdam ko ay wala siya sa kahit saang parte ng bahay ko. I felt like, she abandoned me. And it damn hurt the whole me.
“Ser. Nagugutom na po kayo? Tawagin ko lang po si Ganda,” nilingon nito ang labas.
“Lumabas siya?”
Napakamot ito ng batok. Inayos ang buhat kay Bruce. As much as I wanted to greet the child, I waited for her answer.
“Hindi ko po alam. Wala siya sa taas eh. Ang sabi niya kanina mag-cha-charge lang daw siya. Titingnan ko na lang po sa labas.”
“’Wag na. Ako na lang. Dito na lang kayo.” Sabi ko. Pinalagpas ko ang kabang nararamdaman. Nasa labas lang si Marianne.
Nilapitan ko ang dalawang guard sa gate. “Lumabas ba si Marianne?”
They both sprang up from their seats. “Opo, Sir. May nakalimutan daw kina Ma’am Rochel.”
Hindi na ako sumagot at lumabas na. Nilakad ko ang daan papunta sa bahay na iyon. Ofcourse, I know the address. I have to, since she’s working in that place.
I rang their doorbell. Three consecutive times. I scanned the place and the road. Mangilan-ngilan lang ang dumaraan.
I glared back at the two-storey house after almost five minutes of no response. Dinutdot ko ulit ang doorbell at niyanig ang gate. “Rochel!!” sigaw ko. Nagtahulan ang mga aso ng kapitbahay. Damn it.
Bumukas ang pinto pagkatapos kong sumigaw. Mga bingi ‘to? Si Rochel ang lumabas. Sinuklay ang buhok at hinatak ang suot na palda.
“Oh, Ryan. Napadaan ka?” lumapit ito sa gate. Malapitan akong tiningnan. “May . . . p-problema ba?” she opened the damn gate.
I gulped the sign of fear in my throat. “Nandito ba si Marianne?” I looked inside the house. Pero nakasarado ang pinto at nakababa ang kurtina ng bintana.
“Kanina nandito siya. Pero umuwi rin agad.”
Napabaling ako sa kanya. “Hindi pa siya umuuwi. Ang paalam niya sa guard, may nakalimutan daw siya rito.” I felt my jaw clenched. I couldn’t stop the wild beating of my heart.
Her face drained and stepped forward. “Kanina pa siya nakaalis, Ryan. May . . . hiniram lang siyang isang libro ni Ben.” She shrugged her shoulder. “Nagkwentuhan pa kami sandali tapos nagpaalam na rin siya. Hindi kaya may pinuntahan pa siyang iba?”
I walked into the middle of the road. Parang matang agila na naghanap ng kawangis niya. But I found none. It’s too early to panic but I can’t help it. “Hindi iyon umaalis nang hindi nagpapaalam sa ‘kin.” Tiningnan ko siya ulit. “Wala ba siyang ibang nasabi sa ‘yo?”
Dahan-dahan itong umiling. Hinawakan ang mga kamay. “Wala naman. Pero . . . nabanggit niyang . . .” nag-angat ito ng tingin sa akin.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang hindi pa niya tinapos ang sasabihin. “Ang alin?”
She gulped. Nervous. “Na nag-text na sa kanya ang Kuya Stefan niya. Gusto raw makipagkita sa kanya.”
My gritted. “Sonofabitch.” I murmured. Napatakbo ako pabalik sa bahay. Hindi ko gusto ang kalabog sa dibdib ko.
Nagmamadali akong umakyat sa kwarto. Nakita ko pa roon ang cellphone niya. But then, I opened it and confirmed the text from her bother.
I immediately called Archer. Bakit ako natatakot?
He answered.
“Nasaan si Stefan?!” agad kong tanong sa kanya.
“Relax, Master. Akala ko umay ka na ro’n? Malamang nasa Lipa pa ‘yon.”
Napamura ako. Kailangan kong huminahon. Baka mamaya lang ay bumalik din si Marianne. It’s too early to panic.
“Sige.” Sagot ko at binaba ang tawag.
Nagmamadali ulit akong bumalik sa baba. Nasalubong ko pa si Ephie at Bruce sa sala.
“Iikot ako sa labas. Wala raw kina Rochel si Marianne.” Mahinahon ko pang salita sa kanya. Pero umaalon ang dibdib ko sa takot at kaba. I’m crazy about this. I’m crazy about her.