Chapter 11

4225 Words
Chapter 11 Marianne Ngayon na ako naniniwalang, may mga salitang hindi na maaaring bawiin pa. Kumporme pa sa taong nakarinig nito. At sa taong tulad ni Ryan, wala yata sa bokabularyo niya ang umatras sa mga hamon. He was been eyeing me since I entered the kitchen. Nang buhatin ko si Bruce ay malakas itong tumikhim matapos ibaba ang iniinom na kape. Nang sulyapan ko, natagpuan ko ang malalim niyang pagbuntong hininga na para bang naiinip ito sa kung ano. Hindi ito umalis kahit na tapos nang mag-almusal. He lingered on his chair quietly and obediently stayed calm. Paminsan-minsan niyang kinakausap si ate Ephie. Nagtatanong kung may kailangang bilhin o may gustong bilhin sa labas. Magtatawanan sila at biglang magtutuksuhan. Na kung minsan ay nararamdaman kong may laman ang tuksong iyon. “Siya nga pala, ganda.” siniko ako ni ate Ephie, “Napansin kong kakaunti lang ang damit mo at ni baby Bruce,” kuryoso niyang tanong habang nagpupunas sa counter island. Kinandong ko si Bruce. Hindi pa nito tapos kainin ang kapirasong tinapay na binigay ko sa kanya. Nag-angat ako ng tingin kay ate Ephie. Sa kabilang gilid ko ay alam kong nakatingin din sa amin si Ryan. Naghihintay marinig ang isasagot ko. Nahihiya akong ngumiti. Nauwi sa pilit na ngiti sa huli. “Ilang piraso lang po ang dala kong damit.” Amin ko. Ngumuso siya. “Oo nga. Paulit-ulit nga ‘yang sinusuot mo. Wala akong malaba kundi puro damit ni Ser Ryan,” reklamo niya. Gusto kong matawa sa reklamong iyon. Kakaiba. Pero nakakahiya rin naman sa akin. Hindi bale, pagkasweldo ko kay Rochel, bibili agad ako ng ilang pirasong damit. Ang matitira ay iipunin ko o ipambabayad ko na lang kay Ryan. Umahon sa pagkakaupo si Ryan. “Let’s go.” Bigla niyang aya sa akin. “Agad-agad, Ser?” makahulugang tanong ni ate Ephie. Na para bang alam na niya agad ang ibig sabihin ni Ryan. Magkasunod ko silang tiningnan na dalawa. Sobrang gaang kasama ni ate Ephie kaya rin malapit siya kahit kanino. Palagi pa siyang nakangiti na tila baon niya iyon araw-araw. Ryan sighed heavily and held my elbow. “Magsha-shopping tayo. Iwan mo muna si Bruce kay Ephie. Ephie,” he looked at her and nodded once. “Ay akong bahala kay Baby pogi. Tara, Bruce!” masaya niyang tawag sa pamangkin ko. Bago pa man din akong tumanggi ay sumama na si Bruce sa kanya. Walang kahirap-hirap. Inubos ni Ryan ang iniinom kong juice at saka ako hinila patayo na parang madaling-madali ito. Hindi na naman ako nauuhaw at busog na rin kaya hindi na ako nagsalin pa ng juice. Inilipat niya ang kamay sa likod ko malapit sa gulugod. Naramdaman ako intimacy sa ganoong hawak at haplos. I’m not excited nor anticipated his every moves but I’m nervous. Para bang may komosyon sa puso ko kapag ganoon siya kadikit sa akin. Mayroon siyang pananabik sa mga tingin at pang-aangkin sa bawat mga kilos. Pinapakaba niya ako dahil doon. Dinala niya ako sa isang Mall matapos ang ilang minutong byahe. His hand palmed on the small of my back, maneuvering me where to go. Sumusunod lang ang mga paa ko at katawan. Nakausuot ako ngayon ng kumukupas ko ng pantalong maong at pang itaas na lumuluwag na rin dahil sa kakalaba. Hindi naman problema sa akin kahit na magpaulit-ulit ako ng suot. Nilalabhan ko naman agad. Ayun nga lang ay madali siyang maluma. We went to a Department store. Sinalubong kami ng malakas na buga ng hangin at mabangong amoy ng lemon. Nagtayuan ang ilang babaeng staff dahil sa kami pa lang ang customer doon. Si Ryan ang unang tumingin sa mga naka-display. Nasa mga bestida kami. Seryosong-seryoso siya kung pumili habang ang isang kamay ay hindi inaalis sa likuran ko. Mayroong mga spaghetti strap dresses at strapless. At iyong mga may mga manggas ay mukhang panglakad na seryosohan ang dating. Namataan ko ang presyo no’ng isa. Napatda ako. Nang kunin iyon ni Ryan at pinatong sa dibdib ko ay hinawi ko iyon. “Masyadong mahal.” Bulong ko para hindi marinig ng empleyada. Ngumisi siya. Binalik ulit sa tapat ng dibdib ko ang damit na para bang sinusukat sa akin. “I like this one,” sabay-lingon sa staff sa kanyang likod. “Kukunin ko ‘to, Miss.” Bahagyang napaawang ang labi ko dahil sa mabilis niyang desisyon. Masayang ngumiti ang babae at inabot ang damit na nasa hanger pa. “Gusto niyo po bang sukatin, Madam?” magalang nitong tanong sa akin. Binitawan ako ni Ryan. Nagbigay ng daan sa akin at tumingin ulit ng ibang damit. “Go with her.” Sabi niyang hindi ako tinitingnan. “This way po,” turo sa akin ng mabait na staff. Wala na akong nagawa no’n. Ayoko namang makipagtalo kay Ryan. Ang salita niya ay parang bakal na gawa sa magandang uri at mahirap mabali. Siguro ay mamaya na lang namin pagtalunan? Napailing ako sa sarili. Tiningnan ko ang sarili sa malaking salamin sa loob ng fitting room. Sukat na sukat nga sa akin. Strapless iyon. A yellow flowing cotton dress. Para bang damit na ginawa para sa summer at bakasyon sa beach. Maganda ang tela, masarap sa balat. At syempre, ang presyo, nakakalunod. Malungkot akong bumuntong hininga habang hinahaplos ang tela ng damit. Hindi ako masaya. Kahit na nakatagpo kami ng sagot sa pangunahin naming pangangailangan ni Bruce, hindi no’n kasama ang saya. This is just a lied game. Sabi ng utak ko. At para kang mistress ng isang mayamang lalaki. Ibibili ka ng lahat ng gusto mo kapalit ang makatabi ka sa kama nito. Kinurot ang dibdib ko. Bahagya akong ngumuwi nang mapagtanto ang hapdi sa puso ko. Makakaatras ba ako? Mababawi ko ba ang sinabi kong susubukan namin? Para ito kay Bruce. May pambili kami ng gatas niya dahil sa pag-provide ni Ryan. At isa pa’y nalalayuan namin ang mga inutangan ng Kuya Stefan ko. Alam kong mali ring takbuhan iyon. Responsibilidad din ang magbayad. Pero ang palagi ko ring naiisip ang pagbabanta nila sa akin at ang pagkamatay ni Seb. Sinunog din nila ang bahay namin. Tao lang ako at natatakot din. At balang-araw, ang konsensya ko ay papatayin ako habang nabubuhay. Pagdating kay Ryan . . . natatakot din ako sa kanya. Pero iyong takot na iyon ay hindi isang threat sa buhay namin. Kundi sa isang parte lang ng katawan ko. And if this internal organ dies, it is just because I let him kill me. Bahagya akong napaigtad nang may mahihinang katok akong narinig. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang sarili bago binuksan ang pinto. Pagkalabas ko ay nakita kong may mga ilang piraso nang nakapatong sa braso ng babae. Matamis na nakangiti sa akin. She scanned the dress I’m wearing. “Bagay na bagay mo sa inyo, Madam!” Nginig ang labi ko siyang nginitian. Dito siya nagtatrabaho kaya hindi ko makitaang legit ang papuring iyon. Nilagpasan ko siya ng tingin. Hinanap ng mga mata ko si Ryan. Madali ko siyang nakita dahil sa tangkad niya at nag-iisang lalaki pa sa tindahang iyon. Tumitingin pa rin siya ng damit. Ngayon ay sa mga blouse na. Bumuntong hininga ako. Hindi naman siguro siya interesidong makita itong suot ko. Mukha rin namang hindi niya ako hinihintay na makita. Kaya’t pumasok na lang ako ulit sa loob ng fitting room para magpalit na pero hinarang ako ng staff at inabot ang mga bitbit niya. “Madam ito rin daw po ay pinapasukat ng Mister niyo,” pagkakamali niyang pangalan kay Ryan. Hilaw ko siyang nginitian. “Ay, hindi ko po siya asawa.” Mahina kong sagot. Unconsciously, dahil sa impact ng tawag niya kay Ryan ay kinuha ko na lang ang mga damit na iyon para masukat. Bumungisngis siya. Nagtakip ng bibig. “Ay hindi pa po ba? Ang sweet niyo po kasing tingnan si Ser,” hirit pa niya. Hindi ko na siya sinagot at sinarado ang pinto. Tiningnan ko sa mga kamay ko ang mga naka-hanger pang damit. Lahat ba ito? Nanginginig ang mga kamay ko. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang sinabing iyon ng babae. Asawa ko si Ryan? Yes, he is charming—sa mga mata ng mga babaeng hindi pa siya nakikilala ng personal. But still, masarap pakinggan. Sinukat kong lahat ng damit na iyon. Tiningnan ko para sa sariling inspeksyon. Nagugulat pa ako dahil sukat na sukat at humuhumal sa katawan ko. Kaya ba masinsinan siya kung tumingin? Halos lahat ay kaswerteng sukat nga sa akin. May sumunod pang bagong batch ng mga damit. Parehong pinasukat sa akin pero dahil sa disenyo na lang ang pinagkaiba ay hindi ko na sinukat lahat ng klase. At iyong huling nakita kong kinuha ni Ryan ay mga underwear. Uminit ang mga pisngi ko nang makita ko iyong nasa mga kamay niya. Ni hindi ito nahihiya kahit na ang mga babaeng nakakita ay nangingiti rin sa kanya. Tinulungan akong dalhin ng staff ang mga damit na sinukat ko sa counter. Naroon na si Ryan at naglalabas ng card mula sa wallet nito. Pagkaabot ay tiningnan niya ako. I’m on my old clothes now. Pinatong niya ang siko sa gilid ng counter. He shifted on his feet. “Nagustuhan mo ba lahat?” nakangiti ang mga mata niya pero ang labi ay nanatiling walang bagong linya. Nahihiya kong sinulyapan ang tatlong babaeng staff na nag-aasikaso at nagsisilid sa paper bags ng mga binili niya. Binalik ko sa kanya ang paningin ko. “S-salamat, Ryan. Idagdag mo na lang ‘tong lahat sa utang ko sa ‘yo.” Sabi ko. Gaano kaya kamahal lahat? Okay na nga lang kahit pa may makarinig na iba. Ang isang staff nga ay isang beses na nag-angat ng tingin sa amin. Nilagay ni Ryan ang kamay sa baywang ko at bigla akong hinila palapit sa kanya. Hindi ko napigilan ang mapasinghap. Bahagyang bumangga ang dibdib ko sa katawan niya. Tinulak ko siya pero hindi siya pumayag na lumayo ako. Nang tingnan ko ang tatlong babae ay nagsiyukuan sila at patay-malisyang nagpatuloy sa ginagawa. Narinig ko siyang tumawa. Inulit ko ang pagtulak sa kanya at masamang tingin ang pinukol ko rito. He didn’t flinch nor wince at my deadly stares. He probably enjoyed it. “Sinong maysabing utang ‘yan? Regalo ko ‘yan sa ‘yo.” He declared. A bit loud. Hindi tunog mayabang iyon. I can even trace a sincere declaration. Bumuhos ang init sa buong mukha ko. Hindi ko na magawang tingnan ang ibang tao. He was right when he said he’s straightforward. He is too proud. Too confident. He can make his own discretion even without asking for second opinion. Nang matapos balutin ang mga pinamili ay binibit iyong lahat ni Ryan. Walang reklamo kahit na magkabilaan pang puno ang mga kamay niya. Inihatid niya lang iyon sa loob ng sasakyan niya at pagkatapos ay niyaya ulit akong bumalik sa loob ng Mall. Bakit sa pakiramdam ko ay ang unfair ko sa tuwing tumatanggi ako sa kanyang bilhin ang napili niya? Para ba siyang binigyan ng isang araw para ubusin ang laman ng savings niya sa akin. Ang magustuhan ay bibilhin niya agad. But I also knew that he is meticulous too. He made sure he was a hundred and one percent sure about it before he parade it to the counter to pay. Nang mapunta kami sa store na puro damit pambata ay nagningning ang mga mata ko. Hinila ako roon ni Ryan at pinapili para kay Bruce. “Take anything you want for our Bruce.” Sabi niya sa akin. It was like a permit for me. Una kong tiningnan ang mga cute na damit panlalaki. Ang karaniwan kong binibili ay iyong mga damit na matagal niyang masusuot. Kaya kahit two years old pa lang siya, sa pang three hanggang four year old ang pinipili ko. Nasa mga damit pa lang ako ay nakakuha na ng mga bagong feeding bottle si Ryan. Hindi niya ako tinitingnan nang dalhin niya iyon sa akin. Sunod naming binili ay ang gatas at diaper ni Bruce. Kahit na ang sabi ko ay mayroon pa siyang maiinom, pinilit niya iyon at ang sabi mauubos din naman ang gatas niya. Hindi na ako nakasagot doon. May tama naman siya. Punong-puno ang backseat ng mga pinamili namin. Hindi ko maiwasang mapalunok sa saya at kaba. Saya dahil sa mga bagong damit at gamit ni Bruce, at kaba sa kapalit nito. “May cellphone ka ba?” sa gitna ng pagmamaneho ay tanong niya sa akin. Lalo akong kinabahan. Napalunok ako. Tumango nang marahan. Mula sa dashboard ay inabot niya ang mamahaling cellphone at nilagay sa kandungan ko. Kinuha ko iyon. “Register your number.” Utos niya. Tiningnan ko ang cellphone niya. Binuhay ko ang screen. Litrato ng halaman ang naka-display. Nilingon ko siya nang makitang may password iyon. Iaabot ko sana para buksan niya pero . . . he recited his password and I was able to open his phone by myself. Hindi siya nag-alangan na malaman ko ang password niya. “Para kapag wala ako sa bahay ay makontak kita. Palagi ka bang may load?” seryoso niyang tanong. Pinag-aralan ko kung paano mag-save sa ganitong cellphone. Pagkatayp ko ng numero ko; “Minsan nagpapa-load ako.” amin ko. Matipid ako sa load. Regular load ang gamit ko para matagal mag-expire. “I’ll send you cellphone load every week, baby.” Sabi niya. I heard a little, so little raspiness at his last word. But I ignored it. Tinayp ko ang pangalan ko at pagkatapos sinave ang number ko sa phone niya. Binalik ko iyon sa dashboard pagkatapos. “Kaya kong magpa-load.” “Tsk. Nagrereklamo ka na naman.” Nilingon ko siya. “Ilista mo lahat ng utang ko sa ‘yo, Ryan. Babayaran kita.” Matatag kong salita sa kanya. I am determined to pay him back. Umangat ang gilid ng labi niya. Habang nagmamaneho ay mariin din ang titig niya sa kalsada. Kung multi-tasking iyon, magaling siya roon. The roughness on his jaw makes him tough too. Hindi ko magawang alisin ang titig sa kanya. His maleness standout. “Hindi naman kita sinisingil. Wala kang utang sa akin.” sabi niya. Inikot niya ang manibela. He looked so confident in every move. Nakakagwapo pala ang pagda-drive? Nagkibit-balikat ako at tiningnan na lamang ang harap. “Ako na lang ang maglilista.” Pilit ko pa. Mabigat siyang bumuntong hininga. Tumahimik at hindi na nagkomento pa. Siguro, pumayag na siya. Hindi na kumibo eh. Pagdating namin sa bahay ay agad na kinuha ni Ryan ang mga pinamali sa backseat. Tumabi ako sa kanya para tumulong pero binawalan niya ako agad. “Ako na lang. Baka isama mo pa sa listahan mo.” Sabay-akyat sa hagdanan. He was . . . sarcastic at that moment. Masungit sa ibang salita. Wala rin naman akong nagawa at sinundan na lang siya ng nakakapagod na tingin. Maybe . . . he is tired as well as his wallet. *** “Hindi ka ba nahihirap sa bahay ni Mr Del Carmen?” tanong sa akin ni Rochel. Sinundo niya ako ng bandang hapon para makilala ang anak ng partner niya na si Ben. Kasalukuyan naming hinihintay ang pag-uwi ng bata galing eskwela. She let me in their big house. Ben’s father must be a wealthy man. Magaganda pati ang mga kasangkapan. Malalaki at mukhang bago pa tingnan. At si Rochel ay tila reyna nga sa tahanang ito. May tatlong kasambahay na pawang magagalang at mababait. Nakilala ko iyong tinatawag na si Tetay, ang kachikahan daw ni ate Ephie. Kaya nagkita ulit kami ni Rochel. I looked down at my coffee, na si Rochel mismo ang gumawa. Mahilig daw kasi magkape ang partner niya kaya mayroon silang malaking coffee maker. Namangha nga ako ng lagyan pa niya ng design ang ibabaw ng kape ko. Para bang Barista na ang dating niya rito. “Hindi naman.” Medyo. “Mabait naman kasi si Ryan. Saka, good provider din.” Dagdag ko pa. Tumango-tango siya. “Ah. Maswerte ka at nabuntis ka niya. Eh, ‘yung ibang kasamahan natin, nabuntis at tinakasan ng ama. At iyong iba naman dahil sa hirap at alang-alang sa career, nagpalaglag.” Naramdaman ko ang bigat sa kanyang huling sinabi. Hindi ko mahanap ang tamang timbang para kaawaan ang mga babaeng pinipiling magpalaglag ng sariling anak. Ako, kay Bruce, hindi naman siya sa akin nanggaling pero ikamamatay ko kung mawawala siya sa akin. It’s love, I guess. I love Bruce. May higante man kaming problema, gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan para may makain siya at ligtas sa kapahamakan. Bumuntong hininga ako. Hinawakan ako ang baso at tinitigan iyon. “Siguro nga, swerte lang. Pero kung kaya ko sanang buhayin si Bruce, hindi na ako lalapit pa kay Ryan.” If only fate gave me a better situation. But then, Heaven will not give you what you are expecting to receive. Life isn’t about living in bed full of gold and roses. It’s about facing obstacles and pain until you find what you’re made for. At sa ngayon, ang alam ko lang ay kailangan ako ni Bruce. Masyado pa siyang maliit at inosente. Kailangan ko siyang ihanda hanggang sa paglaki niya at sa mga katanungang gusto niyang malaman ang sagot tungkol sa kapatid ko. Hinawakan ako ni Rochel at bahagyang niyugyog sa braso na parang nakatulog ako. “Ano ka ba?! Nasa kama na, bababa ka pa ba sa banig? Kung anong nariyan, sunggaban mo. Lalo na at si Ryan Del Carmen ‘yon. Alam mo bang kabarkada niya ‘yung, sino nga ba . . . ahh! ‘Yung pulitikong si Salvaterra. Wax Miguel Salvaterra. Governor na nga ‘yun sa atin eh. Kita mo, malapit sa pulitiko. Binuksan ng langit ang grasya para sa ‘yo, saluhin mo hangga’t merong bumubuhos.” Payo niya sa akin. Pwede ko bang sabihin sa kanyang, hindi naman ako interisado sa kayamanan o ano pa mang materyal kung para lang sa sarili ko. Napakahirap ng sitwasyon ko. Kahit kay Ryan ay nahihirapan din akong mag-isip ng maayos. “May security ka na, secured ka pa. Saan ka pa?” binaba niya ang paa mula sa pagkakapatong sa upuan at sumimsim ng kanyang kape. “Jackpot ka na kapag niyaya kang magpakasal. Ikaw ay magiging si . . . Marianne Del Carmen.” Lumapad ang ngiti niya habang nakataas ang mga kamay na tila may hawak na poster. “Ipagdasal mong pakasalan ka na!” Tipid ko lang siyang nginitian. Ewan ko. Pero . . . imagining my name with his last name brought special feelings in me. May kakaibang kilabot na gumapang sa balat ko at tila may hawlang natanggal ang kandado sa loob ng tiyan ko. “Tapos makakapunta ka pa sa mga sosyal na party ng mga pulitiko at mayayaman. Big time daw ‘yang si Mr Del Carmen sabi ni Roger.” Nagkibit-balikat ito at pumangalumbaba. “Artista, mga pulitiko, business tycoon ang mga kliyente. Tiyak malaki ang kita nu’n!” she said with a twinkling eyes at me. Tinawanan ko na lang iyon. She just supplied some details about him. But my view of him remain the same. “Akitin mo siya, Marianne. Gamitin mo ‘yang alindog mo kay Ryan. Malay mo, umangat din ang buhay mo dahil sa kanya.” dagdag niyang payo. Pinisil ko ang daliri sa kamay. “Gano’n din kaya ang nangyari sa mga dati nating kasamahan sa . . . kina Mamay?” Nagulat siya. “Hindi mo pa ba alam ang nangyari sa Secret Service doon?” Bigla akong naging interisado. Dahil magmula nang mahuli ako ni Kuya Stefan ay wala na akong kabali-balita sa kanila. “Hindi. Bakit? May nangyari ba?” Bahagya siyang ngumuso. Ang kulay orange niyang lipstick ay angat na angat. Kapareho rin nito ang kulay sa kanyang pisngi. “Nahuli si Mamay! Ilang araw lang matapos no’ng una mong gig. May nag-book sa Locanto. Tapos, ayun pala, asset na ng pulis. Huli. Nakulong kaya si Mamay. Umalis na rin ako bago pa ako madamay.” “Paano mo nakilala si Roger?” She smiled. “Sa Secret Service rin. After kasing mawala nina Mamay, nag-solo flight na lang ako. Galante si Roger tapos binahay na ‘ko. Edi, go na. Hindi ko rin naman alam kung anong mangyayari sa akin matapos mahuli ni Mamay.” sumimsim ulit ito ng kape. “Malamig na pala ‘tong kape ko, excuse me lang Marianne ha,” sabi niya at tumayo na. Rochel sadly smiled. Nararamdaman kong gusto niya ang kalagayan ngayon pero malungkot naman ang mga mata niya. It’s just a long title, that ‘money will never make you happy’. Paikutin mo man ang mundo sa iyong mga palad, ganoon pa rin ang magiging sagot nito sa ‘yo. Pagkabalik ni Rochel ay siya namang dating isang sasakyan sa labas. Nakauwi na si Ben. Pero may pagmamadaling lumabas si Rochel at sinalubong ang mga bagong dating. “Oh, sinundo mo ba si Ben? Napaaga yata ang uwi mo ngayon, darling?” malambing niyang tanong na may halong kaba sa boses. Pumunta ako sa sala. Doon ko na sila hinintay habang nakatayo malapit sa pinto. Si Roger na siguro iyon. Ang partner niya. “May ka-meeting ako sa labas. Maaga lang natapos.” Sagot ng lalaki. Dinig ko ang saya sa tinig ni Rochel pero may kaba ring bahid. Para bang pinipilit niyang maging masaya ang awra pero hindi naman talaga. Nakakalungkot. Napatuwid ako ng tayo nang maunang pumasok ang isang batang lalaki. May backpack itong suot at isa pang pang bag na bitbit. A lunch bag. I guess. Natigilan ito nang nakita ako. Matamis ko siyang nginitian, “Hi. Ikaw siguro si Ben.” Banayad kong bati sa kanya. “Who are you?” magkasalubong ang mga kilay nito. Hindi mangiti. “Ako si Marianne. Ate Marianne. Your new tutor.” Paalam ko. “New Tutor? Or new mistress?” he mockingly asked. Napaawang ang labi ko sa gulat. “Ben! You’re mouth!” saway ni Rochel sa bata at sabay hila sa balikat nito. Rochel came out from the door frame. Kasunod nitong pumasok si Roger. Tiningnan ako nang walang reaksyon sa mukha. Mukha rin siyang pagod base sa lukot ng kanyang damit at mukha. Nahihiya akong nginitian ni Rochel. Hinatak si Ben sa mga balikat pero pumiglas naman ang bata. Ayaw magpahawak. Hinila siya ulit ni Rochel at hinarap sa kanya. “Mag-sorry ka sa kanya.” utos nito sa bata. Tahimik na nakatingala lang si Ben sa kanya. Mukha siyang wala sa mood. Siguro ay dahil kauuwi lang galing eskwela. Naiintindihan ko iyon at may mga bata talagang moody. “Okay lang, Rochel.” Pagpapawi ko sa galit niya. Nagmatigasan ng titig ang dalawa. Para ba silang tunay na mag-ina. Rochel is sincere to get Ben apologise to me. Habang si Ben ay unti-unti ring natunaw ang simangot sa mukha. Humarap sa akin nang nakayuko. “I’m sorry, Teacher Marianne.” Mababang boses niyang sabi. Halos nilipad ng hangin ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Pagkatapos ay nagmamadaling pumanhik sa hagdanan. Hinawakan ako sa braso ni Rochel. “Pasenya na, Marianne. Suplado lang talaga si Ben.” Hinging paumanhin nito sa akin. Nginitian ko siya nang nakakaunawa. “Okay lang.” tipid kong sagot. Nilipat ko ang tingin kay Roger. “Good afternoon, Mr Zamora.” Magalang kong bati sa ama ni Ben. Matangkad siya. Ang hula ko ay may ilang taon din ang agwat kay Rochel. There are wrinkles at the corner of his eyes. Kayumanggi ang balat at makakapal pa ang buhok. Bahagyang mabilog na ang tiyan pero matikas pa ring tingnan. His build is big and experienced. Nagkamayan kaming dalawa. Nilingon niya si Rochel. Still, hindi pa rin ito ngumingiti. “Wala namang magiging problema sa sweldo. Bahala ka nang magpatino sa batang ‘yan.” He said without preamble. He then left us while unbuttoning the top buttons of his longsleeves. Hindi ako nagbigay ng reaksyon. Dahil para lang akong dinaanan ng mag-amang iyon. Napabuntong hininga na lang ako at binalik ang atensyon kay Rochel. She startled a bit when I turned to her. “Wrong timing yata.” Biro ko para gumaan ang nararamdaman niya. Alam kong nahihiya na sa akin si Rochel. Like, showing her family made her nervous and shy. “Hindi bale, bukas na lang. Baka napagalitan lang ni Roger si Ben kaya moody na naman.” Sabay angkla niya braso ko. Naglakad na kami palabas ng bahay. Hindi ko naman akalaing ganito ang magiging first day ko sa pag-tutor. Pero parang orientation na rin ito. Dahil nalaman kong masungit pala si Ben. I smiled. “Sige, bukas na lang. Ganitong oras na lang ako pupunta.” Tsinek ko ang oras sa cellphone ko. Tumango si Rochel at hinatid ako hanggang sa gate nila. Today was my first day in work. And will be the first night in Ryan’s bed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD