Chapter 4
Halos kaladkarin ni Stefan si Marianne paalis ng motel na iyon. Kahit na may ibang nakatunghay sa paghila niya sa kapatid na halos wala nang itago sa katawan sa iksi ng bestidang suot nito. He was clenching his fist. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit nang makita ang kapatid na pumasok sa kwartong kinuha niya.
The woman he booked was his own sister! He wanted to throttle her neck right at that moment. He slapped her twice. Na kung hindi niya nakitang pulang-pula ang magkabilang pisngi ay hindi niya ito tatantanan ng sampal.
Pigil itong umiiyak at humingi ng tawad sa kanya. He wanted to cry. He wanted to hurt her until she couldn’t move her own feet. He wanted everything to turn upside down para lang mabago lahat pero hindi niya kayang gawin.
Matalim niyang nilingon ang kapatid pagkapasok sa loob ng bahay. She was trembling. Ofcourse! Nahuli niya itong binibenta ang katawan! “Kailan mo pa ’to ginagawa, Marianne?!”
Hindi matingnan ni Marianne ang kapatid. Tumakbo ito sa loob ng kwarto at ni-lock ang pinto. Malalaking hakbang na lumapit doon si Stefan at halos tibagin ang pintuan sa malakas na katok. “Lumabas ka d’yan, Marianne! Kailan ka pa nagpapakaputa?!!” the word itself killed him inside.
His younger sister.. Stefan kicked the door and Marianne flinched. Stefan screamed his anger up to his heart’s content and threw everything he saw.
Tinakpan ni Marianne ang bibig matapos kumawala ang malakas na hikbi. Basang-basa ang mukha nang dahil sa walang ampat na luha.
“Itigil mo ’yang ginagawa mo, Marianne! Dahil hindi ako mangingiming saktan ka hanggang mabaldado ka kung ipagpapatuloy mo ang.. pagbebenta mo ng katawan mo!” he kicked the closed door and walked out. Galit na galit itong lumabas ng bahay at halos ikauga ng kabahayan nang barubal nitong sinarado ng pinto sa labas.
***
“Sinugod kami rito ng kuya mo! Nagwala at pinagtatadyakan ang mga gamit ko! ’Nak ng putcha oh! Kung hindi pa tinakot ng dalawang boy ko rito--malamang na sunugin din niya ang bahay ko!”
Napasinghap si Marianne. “P-pasensya na po.” Tanging nasambit dahil sa sunod-sunod na pagsasalita ni Mamay sa linya. She called her isang oras pagkaalis ng kuya niya.
“Ako man ay nagulat na kapatid mo pala ang nag-book sa ’yo. Pero akala mo kung sinong lalaking malinis na kung magalit ay para bang hindi nanggagamit ng mga babae. Hindi ko pababayaran sa ’yo ang mga sinira niya dahil si Rochel na raw ang bahala. Pero hindi na kita pababalikin dito at baka magkita pa kami sa selda!”
Napangiwi si Marianne sa pang-insulto nito sa kapatid niya. Alam niyang galit na galit si Mamay sa kanya. But she just couldn’t blame her. After all, labag naman sa batas ang negosyo niya.
Hindi umuwi ng gabing iyon si Stefan. Sa dalawang gabing magkasunod ay umiyak si Marianne. And in just two consecutive nights ay nabagong bigla ang takbo ng buhay niya. Nagsimula at sunod na natapos din.
***
Dumaan ang mga araw, linggo hanggang mga buwan na hindi umuwi o nagpakita ang kuya Stefan niya. Ilang beses na tinawagan ito ni Marianne pero hindi sinasagot at kung minsan ay pinapatayan siya ng telepono.
Nag-aalala siya sa kapatid dahil hindi ito nagpaparamdam man lang. Iniisip niyang baka hindi matanggap ng kuya niya ang pinasok niyang trabaho para makapagbigay dito ng pera. Kahit hindi pa niya aminin ay alam niyang iyon na ang inisip ng kapatid niya kung bakit nakapagbigay siya ng malaking pera para pinagkakautangan nito.
Lumipas ang halos isang taon nang muli silang magkita. Umuulan no’n at patulog na siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kuya niyang basang-basa ng ulan.
“Kuya!” hindi naitago ni Marianne ang saya nang sa wakas ay umuwi ang kapatid niya.
Tipid na ngumiti si Stefan at tinanguan lang ang kapatid. Binaba sa sahig ang basang jacket at nilapag sa upuan ang isang sanggol. Na biglang pumalahaw ng iyak nang maramdaman nawala ang init sa katawan ng may hawak sa kanya.
“Kuya.. sino ang baby na ’yan?”
“A-anak.. ko.”
Natigilan si Marianne at tinitigan ang kapatid. “May anak ka na? Nag-asawa ka?”
Umiling si Stefan at hinubad ang polo. Pagkatapos at pumasok sa silid nito. “Wala akong asawa. Naanakan ko lang.”
Tiningnan ni Marianne ang sanggol na iyak ng iyak. Gusto niyang kausapin ang kapatid pero hindi naman niya maiwanan ang bata. He was so small at may bakas pa ng dugo sa pisngi nito. Tila may kudlit ng kaba siyang naramdaman. “Mukhang kasisilang pa lang sa ’yo, baby..” kausap niya sa bata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. He was really crying that could even break the mirror. Kaya naman tinanggal ni Marianne ang nakabalot ditong jacket at binuhat. Her instinct told her how to carry the baby. Sa liit nito ay natatakot siyang baka may mabali siyang buto. “Hush.. baby.. buhat ka na ni Tita Marianne..” she said so softly. She was fascinated nang kumalma ang bata.
“Aalis din ako agad—” nahinto sa pagsasalita si Stefan nang makita ang kapatid na kalong sa mga bisig ang sanggol. Nakatunghay sa batang natahimik. “Iiwan ko sa ’yo ang sanggol, Marianne.” He said abruptly. Hawak sa kaliwang kamay ang isang may kalakihang bag laman ang ilang personal nitong gamit.
Agad na napatingin sa kanya si Marianne. Rumehistro ang sindak sa magandang mukha. “Iiwan mo siya sa akin? Pero kuya saan ka pupunta?” she was started to panic. Fear crept into her skin nang makitang nagbalot ng gamit ang kapatid niya.
Nagpalit lamang ng damit si Stefan at nagsuklay ng buhok. Pagkatapos ay nagsuot ng panibagong jacket at sumbrero. “Maghahanap muna ako ng trabaho. Sa malayo. Hinahabol kasi ako ng inutangan ko,”
“Inutangan? ’Yung bang boss mo?”
Matalim siya nitong nilingon. “Nangutang ako sa iba para mabayaran ang boss ko. Tinanggal na rin nila ako sa trabaho. I’ve been living like a beggar!” he snapped an anger look at his face while looking at her.
Bumagsak ang mga balikat ni Marianne. “Bakit hindi ka umuwi rito, kuya? Pwede na kong magtrabaho ilang buwan mula ngayon—”
“Sa tingin mo ba ay mabubuhay tayo sa maliit mong sweldo? Tapos ano? Iaalok mo na naman ’yang katawan mo sa kung sinong lalaki!” sigaw nito at naroon pa rin ang poot, galit sa nakakabatang kapatid.
Marianne winced at his brother’s words. She knew, deep inside her heart, he didn’t mean what he said. Gusto niyang intindihin si Stefan. Nawalan ito ng trabaho at nilihim niya ang trabahong pinasok niya para lang sa malaking kita.
“Kuya pwede ka naman sigurong dumito na lang. Ni hindi ko maaalagan itong bata kapag nagturo na ako. Sino ang magbabantay sa.. anak mo?”
“Maghanap ka ng yaya! Dyan sa kapitbahay natin. Abutan mo na lang ng pera. Aalis na ko!” tinungo nito ang pinto dala ang ilang gamit.
“Kuya! Kuya!”
Sinubukang habulin at pigilan ni Marianne si Stefan pero agad itong sumakay sa naghihintay na tricycle sa tapat ng bahay. Agad na nagmaniobra ang driver at umalis.
Naiwang tulala si Marianne. Nasa dibdib ang kaba dahil sa batang kalong niya. She looked down at him and stared for a while. She wanted to yell. But how?
She groaned and sat. Naguguluhan ang utak niya sa panibagong responsibilidad. Paano niya palalakihin ang bata? Paano ang pang gatas, pananamit at pati ang magbabantay dito kapag nasa trabaho na siya? “Ni hindi ko alam ang pangalan mo..” but then, she remembered the movie she just watched a while ago. Niyuko niya ang sanggol na ngayon ay nakatulog na. “Bruce.. gusto mo ba ang pangalang Bruce?”
Then.. she sighed. Ni wala siyang mapagpipilian para sa kanilang dalawa ng pamangkin niya. Even his birth date is unknown. Pero, mapusyaw pa ang kulay ng balat ng bata. May sariwa pa ngang dugo sa buhok at pisngi na para bang nagmamadaling binanlawan ang batang ito pagkasilang. “Sino ang mother mo, Bruce?” she asked him. “Ngayong araw ka kaya pinanganak?” she asked again.
Dinama niya ang buhok nito.. mamasa-masa pa nga. Tinitigan niya ang sanggol. “Bakit ka inuwi rito ni kuya kung kakasilang pa lang sa ’yo, Bruce..”
Walang nagawa si Marianne kundi ang tanggapin ang bata. Ngunit umasa na isang araw ay babalik din ang si Stefan para sa anak na iniwan sa kanya.
And she never had a chance to ask him why he was there at the motel. Her chances to yell at him has passed. There were silent anger inside her heart. Para siyang lumulubog sa sariling mga katanungan. Nagkamali ba siya ng pagtulong sa kapatid niya?
***
Kasalukuyan..
Pinunasan ni Marianne ang luhang namutawi sa pisngi niya. Niyuko ang natutulog na pamangkin sa kanyang bisig. She just reminisce her life for the past three years. She misses Stefan too. He’s still her brother.
She took a quick glance sa business card na hawak niya. She met Ryan again at the Salvaterra’s home in Lemery. Tulad noong una nilang pagkikita ay galit na galit pa rin sa kanya ang lalaki. Lalo na ng malaman nitong wala pa siyang bente anyos nang maangkin siya. That was his words. So possessive and yet very dangerous. Na para bang kay laki agad ng kasalanan niya rito..
“Hindi mo ko pinilit, okay? Pumayag ako para sa pera..” mahina niyang sagot dito nang sundan siya sa kusina.
Hinaklit siya nito at madiin na hinawakan sa braso. Nagpupuyos ang mukha at nagbabaga ang mga matang tiningnan siya.
“What are you? Training ground mo ba ang secret service?! You’re only 19—not even 20! Dammit!” he said furiously at her. Tulad ng isang leon na gusto siyang lapain. “Don’t fool me around, Cielo—”
Marianne did her best shot para hindi makita nito na natatakot siya. Nadiin niya sa kanyang kamay ang business card na inabot nito kanina. She was certain then na gusto siya nitong ikama ulit. Pero ang hindi niya maintindihan ay ang galit na umaapoy sa mga mata ng lalaki.
Dahil lang ba sa bata siya? Na wala pang bente anyos? She was maybe young but she’s at the legal age!
Ryan stared at her like as if he was going to eat her alive. Nakawala lamang siya nang biglang may malamyos na tinig na nagsalita sa bungad ng kusina. Agad niyang winaksi ang kamay nito at kumaripas palabas at palayo sa nag-aapoy na mga mata ng lalaki..
Niyuko niya si Bruce at hinaplos ang matambok nitong pisngi. “I may not be your mother, Bruce.. but I won’t let anything bad happen to you. Pero patawarin mo ko kung.. gagamitin kita para maligtas sa mga lalaking iyon.” She shakily shook her head and almost sob, “P-pero wala na akong ibang m-malalapitan.. I need to save you.. us.. we need to survive..” she sobbed silently. Sinukbit sa balikat ang bag at dahan-dahan na tumayo.
Isang beses pa niyang nilingon ang bahay ng Tiyahin niya, nagbakasaling pagbubuksan sila pero.. nanatiling nakapatay ang ilaw at sarado ang tahanan nito.
Naghanap ng bangko si Marianne at nilabas na lahat ang natitirang tatlong libo sa savings niya. Nagpalipas muna sila sa isang mumurahing motel para makapagpahinga bago lumakad kinabukasan.
Agad niyang binilhan ng tubig ang pamangkin. At instant pancit mami naman ang sa kanya. Madaling mauubos ang pera niya kung hindi pa siya babyahe agad papuntang Agoncillo. At hindi pa siya sigurado kung makikita nga roon si Joe Ryan Del Carmen.
***
Pagkaputok ng araw nang sumakay ng bus sina Marianne at Bruce pa-Agoncillo. Kumakalam ang sikmura niya kaya’t uminom na lamang siya ng mineral water na natira niya pa kagabi.
Marianne avoided to have a closed eye contact sa bawat lalaking nakakasalubong niya. Naroong nanginginig ang kalamnan niya kapag may tumititig sa kanya. Sinusuri siya na para bang wanted sa pulisya. Natatakot lamang siya na baka miyembro ng sindakato iyon at tiyak na pinahahanap siya. Ang iniwang pagkakautang ng kuya Stefan niya ang sinisingil nito.
Napatalon mula sa himbing na pagkakatulog si Marianne nang paluin ng kundoktor ang bakal mula sa likod ng upuan niya. She looked down at her nephew. Natutulog pa rin si Bruce.
“Miss nasa Agoncillo na tayo,” untag sa kanya ng konduktor at saka lumakad palapit sa driver.
Nilingon niya ang labas ng bintana. Nakakasinag ang liwanag na tumutok sa bintana niya pero nang makita niya ang bagong tanawin ay sinikop na niya ang gamit at si Bruce bago tumayo.
“Agoncillo na! Agoncillo!” sigaw muli ng konduktor.
Pagkababa ng dalaga ay napasinghap siya nang kamuntik pang dumulas sa braso niya si Bruce. Napaigtad siya ulit sa gulat nang may bumisina sa tagiliran niya,
“Sa gilid naman kayo, ale oh,” napakamot sa likod ng tainga ang isang matandang lalaki mula sa driver’s seat nang dungawin siya. “Nakaharang kayo r’yan aba..” nababagot nitong tanong. Kumislap pa sa sinag ng araw ang makinis nitong ulo. He was almost bald but there were a few strands of hair above his ears.
Inayos muna ni Marianne ang pagkakabuhat kay Bruce. Banayad na nilapat sa kanyang balikat ang mukha nito. “P-pasensya na po, Pasesnya na..” she politely apologised.
The man hissed. “Ang aga-aga, puro kamalasan na agad!”
Hindi na pinansin ni Marianne ang matanda at lumayo na lamang.
Marianne was hungry, thirsty and tired like hell. Ang kawalan ng makakain ang nagpapahina sa kanya. Kung sa tubig naman ay mauubusan na siya ng pambili. At sa bawat naka-display na pagkain sa tindahan o groserya at kahit ang umuusok sa sopas sa karinderya ay pinaglalawayan niya. Gusto niyang lumapit doon at kumain. But she has to stick to her budget.
Paano kung hindi niya makita rito si Mr Del Carmen? O hindi kaya ay hindi paniwalaan? At baka sa Maynila pa ito matatagpuan? Her money won’t lasts long. As well as Bruce’s milk and water.
Pinagtanong-tanong niya ang address na nasa business card nito. Pinasakay siya ng jeep at nagpababa sa isang two-storey building. Tiningala niya ang pangalawang palapag at sa tapat na bintanang may likod ng aircon ay naroon at napaskil, ‘Eagle Eye Security and Investigation Agency Inc.’ At sa ilalim ay ang ilang detalye ng contact numbers ng opisina.
Marianne took a deep breath and held Bruce tightly on her shaky arms. Nakikita niya ang labas-masok na mga tao mula sa entrance. All were busy at their phones or talking with their companions.
Lumakad si Marianne at tinulak ang salaming pinto. Unang bumungad sa kanya ang maliit na reception area. Ang maliit na desk at isang babaeng receptionist. Sa tapat ay isang long leathered bench na walang nakaupo. Nginitian siya ng receptionist. Kumunot ang noo nang makita ang batang natutulog sa kanyang balikat.
“Good morning, ma’am. Ano pong kailangan nila?” nag-aalangan pa nitong tanong sa kanya.
Lumapit ang dalaga at nanginig pa ang labi nang ngumiti. She was trembling. Her hands were. Dumagdag pa lalo ang panginginig niya dahil sa malamig na aircon sa loob. “G-good morning po. May I speak with Mr Del Carmen..? Joe Ryan Del Carmen..” she asked professionally. Atleast iyon ay nagawa niya sa kabila ng matinding gutom. Ngunit ilang sandali na lang ay baka bumigaw na rin ang tuhod niya. Nangangawit na rin siya sa pagbuhat sa pamangkin.
Tumango ang babae. She must be on her late thirties. “May appointment po ba kayo sa kanya, ma’am?” sinilip nito ang nakabukas na laptop at tiningnan kung may naka-schedule sa ganoong oras.
Napalunok si Marianne. Kinakabahang umiling. “W-wala po. I just came here straight from Lipa, Miss..” nagsimulang pamunuan ng kaba ang dalaga. This could be one possible reason para hindi makausap si Ryan.
Bahagyang namilog ang mga mata ng babae. “Nanggaling pa kayong Lipa na dalawa? Kawawa naman ang baby mo at parang pagod na pagod sa byahe..” nasa tinig nito ang habag sa bata.
Inilabas ni Marianne ang business card mula sa bulsa ng pantalon niya at iniabot dito. “Importante po kasing makausap ko si Mr Del Carmen, Miss. Binigay niya sa akin itong card niya, three years ago. N-nandyan ba siya?” she looked inside pero puro divider lang ang nakita niya.
Kinuha iyon ng babae at bahagyang napaawang ang labi nang makita ang lumang business card ng boss niya. “I see. Pero bakit ngayon ka lang dumating dito?” simpleng tanong ng babae at binalik sa kanya ang business card.
“N-ngayon ko lang kasi.. kailangan ang tulong niya..” for her, it was true. At kung sa ibang pagkakataon ay hindi rin naman siya tutungo rito. Kahit pa kung nagkatotoong nabuntis siya nito.
Pinagmasdan ng babaeng receptionist si Marianne at mabilis na pinasadahan ng tingin sa katawan. “Nasa loob na si Mr Del Carmen. Pero may bisita pa siya sa loob. Kung gusto mo ay maghintay ka na lang muna sa labas ng opisina niya,”
Tila nabuhayan ng lakas si Marianne at nakangiting tumango sa babae.
Lumabas ang babae mula sa pwesto nito at sinamahan siya sa waiting area sa tapat lamang ng nakasaradong pintuan ng pribadong opisina.
“Maupo ka muna. Tiyak na nangangalay ka na sa pagbubuhat sa baby mo,” she sounded so motherly. Lumambot ang mukha nang tingnan si Bruce.
But she was right. Kanina pa niya tinitiis ang pangangalay ng kanyang braso. Bruce is heavy. “Thank you.” Kaunting kaginhawaan ang naramdaman ni Marianne nang maupo sa maliit na sofa. Lumubog ang puwitan niya roon katulad ng paglubog ng mga paa niya sa carpeted floor.
“I’m sure nauuhaw na rin kayo. Meron kaming orange juice rito at instant coffee?”
Her throat dried. Narinig pa lang niya ang inoffer nito ay mas lalo niyang naramdaman ang pagkagutom. “K-kape na lang po. Salamat.” Isasabay na rin niya ng kain ang tinitipid niyang magic flakes sa bag.
“Oh sige. Igagawa na kita. Maiwan ko na muna kayo. But wait! Ano nga pa lang pangalan mo, miss?”
“Marianne Cielo Larazano..” she smiled.
Tumango ang babae. “Kuha lang ako ng kape,” she smiled beaming at her.
Nang makaalis ang mabait na receptionist ay sinilip ni Marianne si Bruce. Nagkakamot na ito ng ulo at unti-unting nagigising. Nagmulat ng mga mata at tiningnan siya, pero ilang sandali lamang ay bumalik din sa pagkakatulog.
Kinuha niya ang bag at nilatag sa tabi ng armrest. Umusod siya sa kabilang dulo ng sofa at inihiga ang pamangkin. Bahagyang tinapik ang hita para makahimbing ulit.
Humikab si Marianne at pinasadahan ng tingin ang labas ng opisina. Hindi kalakihan pero malinis at maayos ang loob. They were at the second floor. Carpeted ang sahig at malakas pa ang aircon. My salaming divider sa labas ng opisina ni Mr Del Carmen. Para bang sinadya para sa mga kasunod na kakausapin.
At dahil kulob ay lumilikha na ng ingay kahit ang simpleng paghinga niya. The silence stretch. At kimunot ang noo niya nang marinig ang ilang mahinang halinghing na nanggagaling sa pintong nasa tapat niya.
What the.. hell?
Kumalabog ang dibdib niya nang may kumalabog din sa pinto at sinundan ng mahinang tawa. A woman’s giggle. Then a small sound banging against the door.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Halinghing at munting hampas sa pinto.. may iba bang nangyayari sa likod ng pintuang iyon?
Her heart beat erratically. And her cheeks flared. Napalunok siya. At namilog ang mga mata niya nang mas lumakas ang mga daing at ungol sa loob.