Hello. It's been a long while since I started this story. I know, I opened it with third person's pov and had a plan to write it with 20 chaps only, containing 5k words. But now, I feel more comfortable using first person's pov huhu. Will you forgive me? Here is Marianne's pov, loves.
-----
Chapter 5
Marianne
Napalunok ako. Lumingon pa ako sa labas kung mayroon ding ibang nakakarinig. Pero imposible. Ako itong naghihintay sa labas na para bang malaking aquarium at medyo closed ang area. Kung may lalabas mang ingay mula sa opisinang iyon ay ako lang ang makakarinig. Natutulog pa si Bruce.
Napalunok ako. Alam ko ang ibig sabihin ng mga ungol at kalabog na iyon. Pero ayokong gumawa ng imahe sa isipan ko.
Isang kalabog pa ang narinig ko. Pagkatapos ay hindi na nasundan pa. Biglang tumahimik sa loob.
Kinakabahan akong tumingin sa bagong dating na receptionist dala ang tasa ng kape para sa akin. Iniabot niya iyon sa akin. Nakangiti. Hindi tulad kong naeskandalo ang isipan.
"Here's your coffee." She stopped and stared at me. "Bakit parang namutla ka riyan? Okay ka lang ba?" bigla niyang nag-aalalang tanong sa akin.
Lumunok ako. Nanginginig ang mga kamay kong nilapag sa katabing lamesita ang tasa ng kape. "O-okay lang po,"
Alam kong hindi siya kumbinsido. Pinagmasdan pa niya ako ng ilang segundo. Naputol lamang nang bumukas ang pinto ng pribadong opisina.
Mula roon ay lumabas ang isang babaeng matangkad at maganda. Binaba nito ang dulo ng suot na bestida at inaayos ang nagulong buhok.
"Oh tapos na pala. Halika, samahan kita kay Sir Ryan." Aya sa akin ng receptionist.
Tila iba ang naging dating sa akin ng mga salitang 'tapos na pala'. Pagkadumi-dumi na yata ng utak ko kaya iyon ang naging meaning sa akin.
Para hindi na ako mapagmasdan pa ay binuhat ko si Bruce at sumunod sa kanya. Iyong babaeng kalalabas lang ay nilingon ako at pinasadahan ng tingin. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa loob ng opisina.
Narinig ko ang masayang bati ng receptionist.
"Boss may naghahanap sa inyo. Marianne Larazano ang pangalan," pakilala niya sa akin at sabay lingon sa likuran niya.
I felt my feet froze. Humigpit ang pagkakabuhat ko kay Bruce na nakasandal sa balikat ko at tulog pa. Nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa kanyang itim na computer chair. Deretso rin itong nakatingin sa akin. May naiwang ngisi sa labi na unti-unting nalusaw.
Nanlamig ako. Baka hindi na niya ako nakikilala? Baka mabalewala rin ang pagpunta ko rito.
Ang titig niya sa akin ay matiim kahit na nasa gitna pa namin ang receptionist niya. Nakabihis naman siya ng kulay light brown na longsleeves polo na nakabukas ang nauunang mga butones sa tuktok. Ang kanyang kanang kamay na may suot na gold and silver watch ay nakapatong sa tabi ng mouse pad. Makapal ang buhok niya at may iilang bumagsak na bangs sa kanyang kaliwang kilay, na parang inayos ng mabilisan tapos ay nagulo pa rin. Ang papatubong balbas at bigote ay para bang dala ng nagdaang pagod at puyat.
But still, he took my breath away. He matured. Pero mas lalo siyang gumwapo. Lumaki ang kaha ng katawan. His lips were parted a little. He closed them immediately. Then he looked at Bruce. Binalik niya rin sa akin ang kanyang paningin.
Napalunok ako. Kaya ko ba siyang mapaniwala? Ang lahat ng hinanda kong plano ay parang nalusaw ang pundasyon at inaaya na akong bumalik sa Lipa.
It's impossible. It's impossible! He must be a wise man.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.
"Cielo, Marianne Cielo." He recited my name.
Mula sa kanyang bulsa ay inilabas ng receptionist ang business card na iniabot ko sa kanya kanina. "Ito ang dala niyang card niyo, boss. Kaya pinaakyat ko na siya rito." May confident niyang dagdag sa salita. Siguro ay pang mahalagang transaction lang ang card na iyon.
Tiningnan iyon ni Ryan at tinaas. Tinabingi niya ang ulo at tiningnan ulit ako. "I see." Tinapon niya ang card mesa. "Maupo ka," pautos niyang sabi sa akin at turo sa couch.
Nang magkaayos ay nagpaalam na ang kanyang receptionist. She smiled at me, at tila gusto ko ring sumunod sa kanya pagkatapos kong makita ulit si Joe Ryan Del Carmen.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay para akong ipapakain sa dragon. But I composed myself. Pumikit ako at huminga nang maayos bago siya muling hinarap.
He was still sitting there like as if it was his throne. Pero ngayon ay nakahalukipkip na at pinagmamasdan ako at si Bruce.
Katahimikan ang unang namayani. Nanginginig ang mga tuhod ko kaya't napilitan akong umupo sa pandalawahang itim na couch. Inayos ko si Bruce pati ang bag na dali namin. There's no way na magpapatalo ako sa gawi ng titig niya sa akin.
"How may I serve you, Ms Larazano?" the timbre of his voice were controlled but there is secret message into it. Tila patuya, pang-aasar o panunuya. Dahil ba sa itsura ko ngayon? Losyang ba akong tingnan?
Hindi ko alam. Hindi ko masyadong tiningnan ang sarili bago umalis ng motel dahil sa problemang kinakaharap ko. Pero dapat yata ay nag-ayos ako. Maging pormal man lang tingnan.
Tumikhim ako at kinakabahang nag-angat sa kanya ng tingin. "K-kailangan ko ng tulong mo, Ryan." Sa wakas ay lumabas sa akin. Pero dumoble-kayod pa yata ang t***k ng puso ko.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Tulong? Anong klaseng tulong? Gusto mo ba ng personal bodyguard?"
Hindi ko mawari kung seryoso ba siya o nang-iinis talaga. Personal bodyguard? Ang ganito ko bang itsura ay may kakayahang kumuha ng ganoon?
Pero wala nang atrasan ito. Kung kakagat siya sa sasabihin ko, malalayo ako sa mga humahabol sa akin. At kung hindi naman . . . kailangan kong mag-isip ng ibang paraan. Wala na akong pera. Wala na kaming matitirhan ni Bruce.
I gulped and looked at him. "K-kailangan ko ng sustento mo."
Naisip ko ring humingi na lang ng tulong sa kanya nang hindi nangangailangang magsinungaling o gumawa ng kwento. Alam kong malaking kasalanan ito. Pero . . . hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatakas ni Bruce. Sa trabaho ay palagi nila akong ginugulo kaya't paano ako magkakaroon ng kita gayong sila ay palaging naroroon. Ilang taon pa ang kakailanganin bago ko iyon matapos bayaran.
At isa pa ay pinatay nila si Seb. Wala silang sinisino. Gusto rin nila akong pagtangkaan!
Nanginig ang kalamnan ko at dumagundong ang dibdib ko. Para kay Bruce. I have to do anything for him to survive. Siya na lang ang nagdudugtong sa akin at sa Kuya ko.
Tiningnan ko si Ryan. Buong akala ko ay babagsak ang panga niya. Magwawala o hindi kaya ay magagalit. But he smirked. Na para bang nag-joke ako.
"Sustento? Sa iyo?" turo niya sa akin.
Nag-init ang buong mukha ako. Mas mabuti pa yatang umutang na lang ako sa kanya. Kaysa . . .
Tumikhim ako ulit. Bahagyang gumalaw si Bruce at akmang iiyak kaya tinapik-tapik ko siya.
Mangangalangan siya ng gatas, tubig, diapers at masisilungan. Lahat ng iyon sa umikot sa isipan ko na parang nililipad na listahan. Kaya't tumapang ako. "Para kay Bruce . . . anak mo siya!" I just blurted.
Gumaan ang kanyang itsura. Nawala ang mga pinormang guhit sa noo dala ng pangungutya. And his lips formed an O-shape. Matagal niya akong tinitigan na para bang nakasulat sa mukha ko ang sinabi ko.
He then stood up. Marahas. Ang likod ng computer chair niya ay halos tumama sa drawers sa likuran nito.
Tinalikuran niya ako. Tumanaw sa nakasaradong bintana at hinilot ang batok. Walang sinabi kundi minasahe lamang ang kanyang batok.
Napalunok ako. Baka ang ganitong tao ay nag-iipon lang ng lakas tapos ay mambubuga ng apoy sa akin.
Sumasakit na ang dibdib ko sa mabilis ng t***k ng puso ko.
"Nagkaanak tayo? Huh?"
Mas lalo akong kinabahan. Tanong na patuya ang dating no'n sa akin.
Bigla siyang humarap sa akin. Maangas ang kanyang mukha pati ang pagkakatingin sa akin.
"Sigurado ka bang ako ang ama niyan?"
Tila nag-drain ang mukha ko. Natigilan ako.
Umikot siya sa harapan ng mesa at naupo sa gilid no'n. Humalukipkip. Ang mahaba niyang mga hita ay nagpapakita ng kayabangan at pagmamataas sa akin.
"Aware ako sa sideline mo noon, Marianne. Kahit ako ang nauna sa 'yo, pwedeng may sumunod din sa akin."
"Hindi na ako bumalik sa Secret Service pagkatapos—" nang malaman ng Kuya ko ang pinasok kong iyon ay bumitaw na ako. Pero hindi ko kailangang sabihin pa iyon sa kanya. "Ikaw lang ang, ikaw pa lang una at h-huli kong k-karanasan." It's true. Hindi ko gustong ipagmalaki iyon sa kanya o kahit sino dahil hindi naman maganda ang naging ugat no'n.
Even if Seb was courted me, hindi ko makita ang sarili na nakikipagniig sa ibang lalaki. My first night with Ryan always haunted me. I have reserve myself for the same experience with the man I will marry someday. But seeing him again . . . the buried memories flashed back.
Sadyang ganito siguro dahil nakita ko siya ulit. Narinig ko ulit ang boses niya at nakita ang titig ng kanyang mga mata. It's his character. Marahil ay ganoon din ang pinaranas niya sa babaeng kalalabas lang kanina.
Bigla siyang tumawa. Umalog ang mga malalapad na balikat.
"So, bakit ngayon mo lang ako pinuntahan kung nabuntis pala kita? Alam mo namang kaya kong buhayin ang anak ko sa 'yo. Even if you were expensive that night."
"Dahil ngayon ko lang kailangan ng tulong . . . mo." Sumagitsit ang hirap na paglunok sa lalamunan ko.
"Ows? Wala ka nang ibang malalapitan?" tuya pa niya. "Lover boy? Sugar daddy, wala ka?"
Napapikit ako at napagod sa mga salitang iyon. "Wala. Binuhay ko si Bruce nang mag-isa."
"At ngayon, hindi mo na kayang mag-isa?"
Napabuntong hininga ako. Ang mahabang byahe at sobrang pag-iisip ang nagparamdam ng pagod sa akin. Gusto ko nang kumain, matulog at magpahinga. Pero ang interrogation niya sa akin ay nakabitin pa.
I opened my eyes. "Lumalaki si Bruce. Lumalaki rin ang pangangailangan niya,"
"So, you are a single mom?"
I bit my lower and simply nodded.
Sandali niya akong tinitigan. Sinusuri marahil sa isipan niya kung nagsasabi ako ng totoo. And I hope, he will believe me.
"May boyfriend ka?"
Pinagtaka ko iyon. Umiling pa rin ako. "Wala." Mahina kong boses na sagot.
Kumunot ang noo niya. "Nagkaroon ka ng boyfriend?"
Napalunok ako. "May nanligaw . . ." my kirot sa dibdib kong inalala si Seb. Ni hindi ko man lang nakita ang katawan niya o ang makadalaw sa burol niya. Marahil ay galit sa akin ang pamilya niya sa pagdamay nito sa problema ko.
"Alam niyang may anak ka?"
Tumango ako. Napabuti ni Seb kahit kay Bruce. At alam niya ang totoo tungkol kay Bruce.
"Nasaan na siya? May balak kang sagutin?"
He is dead. Gusto kong isigaw sa kanya nang matapos na ang pagtatanong niya. But no. I need him. I need shelter and food. And protection.
"W-wala na." Matipid kong sagot.
He tilted his head. "Hindi ka kumportableng pag-usapan siya? Bakit may gusto ka rin sa kanya?"
Matiim ko siyang tinitigan. "Your questions are too personal."
Ngumisi siya at kinamot ng isang daliri ang sintido. "Suplada." He almost murmured. He sighed, "Gusto kong makasigurong anak ko nga si . . . Bruce. DNA testing."
And I felt the coldiest degree on my troubled face. A DNA test. Gusto niya ng DNA test. No. Hindi pwede iyon. My chest panting. My heart's in danger beating.
Dahan-dahan akong umiling. "Ayoko."
Natigilan ito at nagtaas ulit ng kilay. "Ayaw mo? Bakit?"
Ni ayaw gumalaw ng labi ko. Kung igigiit niya iyon, wala na akong magagawa kundi ang umalis dito. Kailangan kong maghanap ng ibang mapupuntahan.
Sa mga Lola Josie? Sa bahay ng mga Salvaterra? Pero malaking gulo ang dadalhin ko sa Lolo at Lola ko. Matatanda na sila at ang dala ko pa ay gulo at away. Mababait ang pamilya Salvaterra. Pero hindi ko alam ang hangganan no'n. Baka alisin nila sa trabaho ang Lolo at Lola ko kapag nakarating doon ang problema ko.
Pero kay Ryan . . . kung sasabihin ko lang na anak niya si Bruce, madali kaming makakahingi ng tulong sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin na may humahabol sa amin. Sa tulong niya ay kaya kong manirahan panandalian dito sa Agoncillo. Magsisimula kami ni Bruce ulit. Mag-iipon at aalis ng Batangas. Hindi ko na kailangang magmakaawa para makaligtas sa mga taong iyon. Ang kailangan ko ay tulong pinansyal at masisilungan.
Alam ng Lolo at Lola ko ang tungkol kay Bruce. Sinabi ng Tiyahin ko. Alam nilang kay Kuya siya nanggaling.
Nanlamig na naman ang mukha ko. Kapag nakausap ni Ryan ang Lolo at Lola ko, malalaman niya ang totoo!
Tila mas dumagdag pa iyon sa problema ko. Hindi ko kailangang magtagal pa rito. Hindi talaga siya ang malalapitan ko.
Agad akong tumayo at kinuha ang gamit namin. Baka matuwa pa ito kapag umalis na lang ako. "Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin. Pero hindi ako makikipag-cooperate sa 'yo sa DNA test na 'yan." Taas-noo kong tinungo ang pinto. Pero ang dibdib ko ay nakahinga nang maluwag dahil makakalayo na ako sa kanya.
But he held my elbow and stopped me from my track.
"Sandali." awat niya sa akin.
Nilingon ko siya. I felt uneasy when he hold me. Nagrambol ang puso ko. Masyado siyang malapit sa akin. He towered me. He's so tall. So manly, so big. Tila siya isang pader.
Kinabahan na naman ako. Bakit niya ako pinigilan? Hindi ba mas okay sa kanyang umalis na lang kami?
He sighed and freed my elbow. Mula sa likurang bulsa ng pantalon niya ay nilabas ang itim na leather wallet nito.
Naestatwa ako. Humugot ito ng ilang libong piso. Binalik ang wallet sa bulsa at inabot sa akin ang pera. Naguguluhan ko siyang tiningala.
"Kunin mo 'to."
"Ba-bakit?"
Mabigat siyang bumuntong hininga. Inipit niya ang pera sa kamay kong may bitbit na bag. Bumalong ang luha sa mga mata ko at tiningnan siya.
"Kailangan mo ng pera. Hindi mo kailangang magmalaki sa akin," naiinis niyang litanya sa akin.
Napalunok ako. "Hindi ka naman naniniwala."
"Maniwala man ako o hindi, alam kong kailangan mo ng pera. May matutuluyan ba kayo rito? Saan ka nakatira?"
Yumuko ako. Hindi ko pa alam. Ewan ko. Maghahanap ako ulit pero rito muna sa Agoncillo. Matitiis kong magutom. Si Bruce ay kailangan ng gatas at malinis na tubig.
Binigyan niya ako ng pera. Magagawa kong kumuha ulit ng motel na malapit para makaraos ngayong araw. "S-salamat." Maiksi kong sagot sa kanya. Hindi ko na sinabi pa ang tungkol sa tutuluyan namin.
Umalis ako sa opisina niyang tila dinurog ang dignidad ko. Ginusto ko ito, hindi ba? Bakit nasasaktan ako?
Nahihiya ako sa pinagsasabi ko. Tila ako nanlimos. Dapat ko pa bang alalahanin ang nararamdaman ko gayong nakuha ko naman ang kailangan ko? Saka na ang pride, si Bruce ang kailangan kong isipin ngayon.
Sa pagbaba ay agad akong nginitian ng receptionist.
"Aalis na kayo?" para bang kay bilis namin natapos.
Lumunok ako. Tumango ko at pilit na ngumiti. Huminto ako sa harapan ng desk niya. "May . . . malapit bang motel dito?" nahihiya kong tanong sa kanya.
Nag-isip ito at lumingon sa labas.
"Alam ko meron. Pero kailangan mong sumakay ng jeep pa, teka samahan kita sa labas," umalis ito sa pwesto at sinabayan kami sa paglabas.
Sinabi niya sa akin ang pangalan ng motel at ang itsura no'n. Habang naghihintay ng masasakyang jeep ay bumaba ang paningin niya sa bag na hawak ko. Alam kong nakita niya ang perang nakaipit doon. Pero hindi ito nagkomento at ngumiti lang ulit.
Umuungot si Bruce. Nangangawit na rin ako kaya binaba ko muna ang bag. Nilagay ko sa bulsa ang mga perang papel at inalu ang pamangkin.
"Nagugutom na siguro ang anak mo," nakangiti niyang komento rito.
Kailangan ko munang makarating sa motel para mapadede siya. O hindi kaya sa loob na ng jeep.
"Nagpapa-breastfeed ka pa ba?"
Hilaw ko siyang nginitian at umiling.
"Naku, sayang naman. Mas makakatipid ka kung breastfeed ang anak mo. Eto na pala," sabay para nito sa paparating na jeep. Paghinto ng jeep ay siya pa ang nagbilin sa driver sa address na bababaan namin.
"Thank you."
She smiled. "Marcy. Marcy ang pangalan ko. Ingat kayo!" binuhat niya ang bag namin at siyang nagsakay sa loob ng jeep. May mga pasahero namang nag-usod no'n sa tabi ko.
She waved at us. I waved back.
Iniayos ko ang higa sa braso ko si Bruce at nilabas sa bag ang bote ng gatas niya. Agad itong tumahimik sa pag-ungot. Pumikit ulit habang dumidede.
**
Napanatag ako sa rate ng kwarto sa motel. Pero alam kong hindi pangmatagalan iyon.
Sa labas ay bumili ako ng isang order ng kanin at ulam. Biscuit at tubig. Hindi ako pwedeng magtagal sa labas dahil baka magising agad si Bruce kapag wala ako sa tabi niya.
Nilalabas ko pa lang ang pagkain sa plastic ay natatakam na ako. Nanghingi ako ng plastic na kutsara at tinidor. Nanginginig ang mga kamay ko habang sumusubo. At nang makakain na ay kay sarap sa pakiramdam. Tila ako nabuhayan ulit.
Habang kumakain ay dinukot ko ang pera sa bulsa. Nilingon ko si Bruce sa manipis na kutson, mahimbing pa rin ang tulog. Malamang mamayang gabi ay buhay na buhay ito.
Nilapag ko ang lilibuhing pera sa plastic na mesa. Nabaryahan na ang isang libo kanina. He gave me ten thousand pesos. Pagod akong napapikit. Saan kami pupunta pagkatapos dito? Babalik ba ng Lipa? Anong aabutan ko sa bahay namin?
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Kinuha ko ang cellphone. Tinawagan ko si Wilma. At mabilis niyang sinagot ang tawag ko. Galit at pag-aalala ang binungad niya sa akin.
"Nasaan ka ba?! Bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko?! Pambihira naman 'to, oh, nag-aalala ako sa inyong magtita,"
I bit my lower lip. Humugot ako ang hangin at nilakasan ang boses. "Nakalayo na kami dyan, Wil. Kumusta sa bahay namin?"
"Kaya gusto kitang makausap, Marianne. Wala na 'yung bahay niyo . . ."
"Paanong wala na?"
"May sumiklab na sunog mula roon. Galit na galit nga sa inyo ilang kapitbahay niyo sa 'yo. Pati bahay nila ay nadamay. Tapos itong Tiyahin mo, ni hindi ka man lang pinagtanggol. Nakibuyo pa!"
Napapikit ako at dumaing sa sakit na naramdaman sa dibdib. "Pa'no kapag nalaman ng Lolo at Lola ko ang tungkol sa bahay? Mag-aalala 'yon, Wilma . . ." lumandas ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kayang pigilan.
"'Wag mo munang intindihin iyon. Nasa maayos naman ang Lolo at Lola mo. Ikaw, nasaan ba kayong dalawa? Saan ka tumuloy?"
Pinunasan ko ang pisngi. "Mas mabuting hindi mo muna malaman at baka madamay ka rin." Nanghina ako nang maalala ang kaibigan. "S-si Seb?"
"Nakaburol na. Marianne, 'yung parents niya . . ."
I gasped. "Alam ko. Nadamay si Seb nang dahil sa akin."
"Tsk! Hindi mo naman kasi utang 'yan eh!" naiiyak niyang sabi. "Sa Kuya mo 'yan! Bakit ikaw ang kailangang magdusa at tumakbo na parang ikaw pa ang kriminal! Sisihin mo ang kapatid mo!"
Si Kuya Stefan. Siya dapat ang nasa katayuan ko ngayon. Buhay pa sana si Seb. Nasa Lipa pa sana ako at nagtuturo. . . pero malayo sa sitwasyon ko ngayon. I have with me my two-year old nephew.
Kinagat ko ang ibabang labi para sana takpan ang papalapit na paghikbi ko. Kaya lang ay hindi ko na kaya. Natuloy-tuloy ang paghikbi ko habang nasa linya pa si Wilma. She was listening to my cries. Pilit niya akong pinalalakas. Nagpresintang tutulong basta tawagan ko lang siya.
Nawalan na ako ng isang kaibigan. Hindi ko kakayanin kung pati si Wilma ay mawala rin. I just need to cut my contact with her.
At ang Lolo at Lola, kapag sinabi ng Tiya Belen ang tungkol sa bahay tiyak na mag-aalala iyon at hahanapin ako.
Si Ryan . . . baka magtanong din siya tungkol kay Bruce at malalamang nagsinungaling ako. Ginawa kong tanga ang sarili nang dahil sa desperasyon.
Binaba ko ang cellphone at pinalaya ang sarili sa pag-iyak. Hindi man nito masasagot ang problema ko . . . kahit kaunting gaan lang ang hinihingi ko.
Tumabi ako kay Bruce. Pinagmasdan ko siya. Inisip ko si Kuya. Siya kaya nasaan na? Ligtas ba? O nagtatago ring katulad namin?
Nakatulog akong iyon ang iniisip.
Naalimpungatan ako sa mga sunod-sunod na katok sa pinto. Tila pa ako ay hinihilo. At nang mag-sink sa akin ang malalakas na katok ay napabalikwas ako ng upo. Si Bruce ay nagulat din kaya't nagising at nag-iiyak.
"Ssssh, Bruce, please . . ." pakiusap ko sa kanya para tumahan.
Ito na naman ang kalabog sa dibdib ko.
Tumingin ako sa bintana. May rehas doon. Sa banyo, hindi kami kakasya. Anong gagawin ko? Paano kung nahanap din nila kami?
Naging desperado ang mga katok. Halos gusto na yatang gibain ang pinto. And Bruce cried louder. Marahil na natakot sa katok. Kinuha ko na siya at binuhat. Maliksing kilos kong niligpit ang ibang gamit ni Bruce.
Malakas na naman itong kumatok sa pinto.
"Open the damn door, Marianne!" galit na sigaw mula sa labas.
Namilog ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyon. My lips parted. Pero . . .
"Sisirain ko 'to o bubuksan mo?!" pagbabanta na niyang tanong.
Talaga bang nandito siya? Agad kong nilapitan ang pinto at in-unlock ang doorknob. Hindi ko agad nilakihan ang puwang. But he demandedly opened the door.
"What took you so long to open the damn door?!" galit na tanong sa akin ni Ryan. Maangas siya kung tumingin at magreklamo na para bang pag-aari niya ang paligid.
"Na-natutulog kami . . ." paliwanag ko. At bakit ako kailangan magpaliwanag sa kanya? Siya itong galit kung makakatok.
He invited himself in and closed the door. Pinasadahan niya ng tingin ang loob ng kwarto. Halatang hindi niya gusto. May stain ang pintura ng pader at maalikabok pa nga ang sahig dito. Pero sa gipit na tulad ko, okay na ito para sa akin.
He sighed heavily. Tiningnan ang lamesang pinaglalagyan ng pinagkainan ko. Hindi ko natapos ang pagkain ng kanin. Ang biscuit at tubig ay naroon din.
"Kunin mo ang mga gamit niyo. Sasama kayo sa 'kin." Deretso niyang utos sa akin.
"Bakit?"
Tiningnan niya at si Bruce sa braso ko. Tumahimik si Bruce nang nakita siya.
"May karapatan naman ako sa anak ko, 'di ba? Hindi ako papayag na sa lansangan mo patirahin ang anak ko."
"Hindi pa rin ako papayag sa DNA na 'yan." Mahinahon kong salita.
He sighed. "'Wag kang makulit. Mag-impake ka na o okay na ba 'yan?" turo niya sa mga gamit namin na hindi pa naman nailalabas sa bag. Maliban sa bote ni Bruce at bimpo.
Naglakad siya at sinamsam ang mga gamit. Iyong pagkain ay iniwan niya sa mesa. "Teka lang—"
Nauna pa itong lumabas ng kwarto! Ni hindi man lang ako tinanong kung gusto kong sumama sa kanya. Napakayabang.
Kaya sinamsam ko sa plastic bag ang biscuit namin. Si Ryan na ang nagbibit ng galon ng tubig. Nang makita kong wala na akong naiwan pa sa kwarto ay sumunod na rin ako palabas. Kahit na hindi ko pa alam kung saan niya kami dadalhin.