Chapter 14
Marianne
Shades of blue and scent of chocolates. Ang kama ni Ben ay makitid at maliit pero mataba ang kutson. May cartoon character na naka-imprint sa unan at kumot nito. Ang dingding ay nakukulayan ng madilim na asul at ang sahig ay nababalutan ng velvet na carpet in the shades of blue. Ang kwartong ni Ben ay naghuhumiyaw ng kulay asul.
Sa corner, sa tabi ng bintana niya ay may naka-display na lifesize figure ni Iron Man. Ang kanya namang estante ay naka-hang sa dingding ay naglalaman din ng kanyang collection ng action figures. Marvel heroes, Star Wars at mga maliliit na sasakyan.
Sa ulunan ng kama ay may nakadikit na poster ng Anime. Modern ang pagkakaguhit sa Anime na iyon. At ang tanging alam ko lang yata na Anime ay Ghost Fighter. May presence din ng bookshelf, study table and chair. Ang mga laruan nito ay nakagarahe sa gilid o hindi kaya sa sulok ng kwarto. May gaming console na naka-hang sa likod ng flatscreen TV. Basketball na nakasabit sa likuran ng pinto na may net pangsalo.
Tinunghayan ko siya sa kanyang study table na nagsasagot ng maiksing quiz na binigay ko. Mahiyain siyang bata. Siya iyong may ugali na masungit sa umpisa, pero dahil siguro hindi niya mahawakan ang sarili kung paano iha-handle ang pagiging mahiyain. Some, may misunderstood him. Kung iisang point of view lamang titingnan at kung hindi kikilanin ng may tiyaga ay susukuan din siya.
Tahimik ito pero marunong makinig. He’s the kind of student na malimit pag-usapan sa klase pero kapag tinanong ay may isasagot sa iyo. An aloof, bright and shy boy.
Nilipat ko ang atensyon sa librong binabasa ko. May assignment pa kaming tatapusin. Tatlong oras ang Tutorial namin. Out of curiosity, nilingon ko ang nakasaradong pinto. Sinusubukan kong pakinggan ang kalabog sa labas at baka lumabas na rin ng kwarto niya si Rochel. Hindi ko kasi siya nakita nang dumating ako. Si Tetay naman ay halos walang kibo sa akin. Nanghinala ako kanina na baka wrong timing na naman ang dating ko. Pero naabutan ko si Ben sa sala at ang sabi sa akin ay hinihintay niya raw ako.
I summoned a sigh and went back to reading. But my mind was suddenly hacked by the man named Ryan Del Carmen.
Normal kaya itong nararamdaman ko? Iyong pagpasok ng pangalan sa isipan ko ay siya ring pagbilis at pagpaparamdaman sa aking tumitibok pala ang puso ko. I also felt the knots in my stomach. Then his kisses flew like a wind in my soul. His touch, his warmth, his murmurs. All went back like a missing parts of my body.
Napalunok ako at ayos ng upo. Sinuklay ko ang buhok at tumikhim. No, not here at work. Not on my first day. But it was just last night---at dawn—the last time we made love. The last time he moved me closer to him and murmured how much he wanted to make love with me again. Those sweet and determined words he used. His palms were so hot. And lips and mouth surely I wouldn’t forget for the rest of my life.
Tumikhim ulit ako. Heat patches my face until it covered my whole skin.
Kinuyom ko ang mga kamao para umalpas ang init na unti-unting lumulukob sa balat ko. Sinuklay ko ang buhok. Nainis pa ako dahil wala akong dalang goma para pang-ipit. Sweats ascends from my pores. Hindi ako makakapagtrabaho nang maayos kung ganitong palaging lumilitaw sa isipan ko si Ryan.
Alam na rin niya ang tungkol kay Bruce. Tinanggap niya ang katotohanan na para bang hindi ako nagsinungaling. Is making love enough to him?
Syempre hindi. Pero pwede rin iyong maging kabayaran sa ginawa ko----
“I’m done.” Ben suddenly said and passed his notebook infront of me.
Tiningnan ko ang sagot niya at nilagyan iyon ng check. Napangiti ako. “Good job, Ben.” Bati ko.
Nakita ko ang pagbabago sa reaksyon ng mukha niya. Namilog ang kanyang mga mata na para bang nagulat ito at estranghero ang salitang sinabi ko.
Sinarado ko ang notebook. Pinatong ko ang siko sa mesa. “Bakit? Parang nagulat ka,” kinakausap ko siya sa magaan na boses. Pinipili ko rin ang mga salitang gagamitin at baka hindi ko makuha ang tiwala niya. It will take time before he finally relax with me.
Inalis niya ang tingin sa akin at bahagyang yumuko. Tinaas niya nang palihim ang paningin. Sinundan ko iyon ng tingin. Kumunot ang noo ko. Sa ilalim ng TV ay may magkakatapong na malalaking notebook. Hindi. Sketch book, hula ko.
Nangalumbaba ako. It’s fascinating to watch him with new character I discovered. “Ano ‘yon, Ben?” tanong ko.
Umiling siya. Ngumuso. Ang cute. Ben is a thin boy. Pero normal pa rin naman sa kanyang edad kung tutuusin. Kapansin-pansin din ang mahaba at makakapal niyang pilik-mata. Mestisuhin din at mamula-mula ang pisngi nito.
“I have some . . . sketches . . .” nahihiya niyang tawid sa salita.
Nginitian ko siya at sinulay ang buhok niya ng isang beses. Ganito rin ang gawi ko kay Bruce.
“Really? Pwede ko bang makita?”
Tiningnan niya ulit ang pinaglakagyan ng sketch books niya. Tila nag-isip bago ito walang kibong tumayo at kinuha ang isa sa ibabaw. He opened them and flipped a few pages. Pagbalik sa upuan ay dahan-dahan o ninerbyos niyang pinakita sa akin ang drawing niya. I assumed since he owns it.
Walang kulay iyon. Sakop ang buong papel ng kanyang drawing. Hindi muna ako nagsalita. I know, it add burden to him but I’d like to take a few minutes staring at his drawings. Unbelievably. Gawa ba talaga ito ng isang eight-year-old boy? A hand so little and yet so talented--so creative.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He jolted a bit. Nginitian ko siya nang may paghanga. “Ikaw ba talaga ang gumawa nito, Ben? You did a great job.” Totoong sabi ko.
Naalala ko rin ang mga drawing ng Kuya Stefan ko. Noong elementary days niya nakikita ko siyang nagdo-drawing sa likod ng kwaderno niya hanggang sa magtagpo ang drawings niya at lesson sa eskwela. Kaya madalas ko siyang nakikitang napapagalitan ng Mama namin dahil kailangan na naman niyang bumili ng bagong notebook.
Hindi man ako professional sa ganitong larangan pero kahanga-hanga pa rin ang talent ni Ben sa ganitong edad.
“T-that’s just my hobby, Teacher.” Kinakabahan niyang sabi sa akin.
“What I can see is a talent, Ben. Tell me,” binaba ko ang sketch book niya sa mesa at deretso siyang tinanong. “What is your dream?” nag-e-enjoy ako kapag nagbibigay ng tanong sa mga bulilit kong estudyante. Ang pagpukaw sa kanilang pangarap ay isa sa mga magagandang unang hakbang para bigyan sila ng pag-asa sa buhay. A vision. Kids are full dreams and it motivate them to finish their studies. Adults shall guide them and nurture them until they can stand on their own feet.
Nakita ko ang pananabik sa mga mata ni Ben.
“I want to be a graphic artist.” Sabay-kibit balikat at hawak sa kanyang lapis.
“A graphic artist. That’s good. You have the talent and you only have to nurture, develop it. I’m happy for you, Ben.”
Umiling siya. “It’s just a dream, Teacher. Pero hindi naman iyon ang gusto ng Papa ko. He will take me to business colleges in Manila after my High School. I will leave in Manila and finish my course. There’s no time for arts.” Humilig ito sa mesa, pinatong ang baba sa braso at sinimulang dugtungan ang mata ng naiwan niyang drawing.
Hindi ako sumagot at pinagmasdan siya. Napakabata pa ni Ben at tila ba ngayon pa lang ay nakatali na ang mga kamay niya.
I thrust my hands on the table. Hindi niya ako pinansin at gumawa ng sariling mundo habang tinatapos ang drawing nito. “Gusto mo ang Business course?” banayad kong tanong.
Nakibit-balikat ito. “My Papa wants it for me.” walang timpla niyang sagot. Na para bang sumasagot lang din ito sa klase.
“May puwang ba sa puso mo ang kursong iyon?” he’s still so young. Pero nakaplano na ang pang kolehiyo niya. Habang lumalaki siya ay pwede ring magbago ang tatahakin niyang landas.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “It’s just a course, Teacher.”
Nginitian ko siya nang nakakaintindi. Na kahit hindi niya ako sagutin ng tama o buo ay alam ko na ang nilalaman ng isipan niya.
Nilingon ko ulit ang pinto. “Alam ba ‘yon ni Rochel?”
“She knows, ofcourse.” Bored niyang sagot.
Kinuha ko ang notebook niyang may assignment. Awtomatikong tinigil ni Ben ang ginagawang pag-drawing. Tumayo ito at binalik ang sketch book sa pinaglalagyan nito. Pagkaupo ay tahimik nitong hinintay ang ibibigay kong task sa kanya.
Nang matapos ang tutorial namin ay magpapaalam sana ako kay Rochel para mahiram ang ilang libro ni Ben. Nang hanapin ko siya kay Ben at tikom naman ang bibig nito. Kakatukin ko sana si Rochel sa kwarto nila pero pinigilan ako ni Ben.
“You better not ask her now.” May pananakot niyang sagot sa akin. Bumalik ito sa loob ng kwarto niya. Pagkalabas ay inabot sa mga kamay ko ang librong gusto kong iuwi sa bahay.
May pagtataka kong nilingon ang pinto ng kwarto nina Rochel. Bigla iyong bumukas at lumabas si Tetay. Nakita ko ang kama. Naroon si Rochel. Nakahiga at may hawak na hot o cold compressor sa kanyang pisngi.
“Ay Ma’am Marianne! Nandyan mo pala kayo,” gulat na tanong sa akin ni Tetay.
Hindi ko siya pinansin. Dahil ang paningin ko ay nasa kapirasong puwang kung saan ko nakita si Rochel. Nakapikit ito. Kalahati lamang ng mukha niya ang nakikita ko. At ang paligid ng isang mata ay nangingitim. Namamaga. Nagsalubong ang mga kilay ko.
Agad na sinarado ni Tetay ang pinto. Mabilis. Napahakbang ako para puntahan si Rochel--hinarangan ako ni Tetay. I gave her a question look.
She gave me a nervous smile. “Natutulog pa po si Ate Rochel.”
“Nakita ko siya. Gising na.”
Napakamot ito sa batok. Ang tray na hawak na nanginig. Nang tumabingi ay agad itong hinawakan. “Inaantok pa po si Ate,”
Naramdaman kong ayaw niya akong padaanin para makita ang kaibigan ko. Hindi na ako nagpumilit at hindi ko naman ito bahay. “May sakit ba siya? May pasa yata siya sa mukha,” kahit ako ay nakaramdam ng alarma at kaba nang masabi ko ang salitang iyon.
Nakita ko ang pagragasa ng kaba sa mukha ni Tetay.
“Ah, hindi! Hindi ‘yon pasa, Ma’am.” Tiningnan niya rin si Ben sa likod.
Nilingon ko ang bata. He stood quietly. Nang tingnan niya ako ay wala na akong makitang reaksyon sa mga mata niya. It was cold. Lifeless.
Bumuntong hininga na lang ako at isang beses na sinulyapan ang pinto ng kwarto nina Rochel. “Pakisabi na lang kay Rochel na nanghiram ako ng libro ni Ben. Gagawan ko siya ng lesson plan.” Paalam ko.
Mabilis siyang tumango. Nagmamadaling mga tango. “Sige-sige po. Sasabihin ko mamaya kay Ate.”
Hinatid ako ni Ben hanggang sa gate ng bahay niya. He’s gentleman after all. Nang kumaway ako sa kanya ay nahihiya pa itong kumaway pabalik sa akin. Halos hindi nga kaway iyon dahil tinaas lang niya ang kanang kamay at sabay baba rin at takbo papasok sa loob ng bahay.
Nang makalabas na ako ay parang sorbetes na natunaw din ang ngiti ko sa labi. Ang isipan ko ay bumalik kay Rochel. Naaksidente kaya siya kaya may pasa ang mukha niya? Ayaw ba niyang pumunta ng ospital?
Hindi naman siguro seryoso, sagot ko rin sa sarili. Baka mas gusto niya lang na magpahinga.
May isang parte sa isipan ko ang nagbubuga ng maitim na salita. Sinaktan ba siya? At base sa kilos ni Tetay, malamang na alam niya kung paano iyon natamo ni Rochel. Tinatakpan niya ang amo mula sa akin. Hindi iyon pasa?
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pantalong suot. Huminto ako sa paglalakad at sinilip iyon. Tumaas ang mga kilay ko nang makitang may load na pumasok sa numero ko. Malaking halaga. Ni hindi ko ito mauubos sa loob lang ng isang linggo. Iri-remind ko na lang siyang huwag akong ipa-load every week.
Sa bukana pa lang single gate sa bahay ni Ryan ay nakita ko na agad ang dalawang bagong security guard doon. Naka-uniform na sila. Wala na rin ang maraming tauhan niya magmula kaninang umaga.
Agad nila akong pinagbuksan at pinapasok. Mas friendly sila kaysa sa mga dating tauhan ni Ryan na mas tahimik at hindi halos ngumingiti.
“Panay ang tanong sa inyo ni Sir Ryan, Ma’am. Kapapasok nga lang po.” Tipid niya akong nginitian sabay turo sa loob ng bahay.
Kumunot ang noo ko. Maayos naman akong nagpaalam kanina bago umalis. “Nagagalit po ba?” wala naman siyang dapat na ikagalit. Maayos din siyang kausap kanina.
“Hindi po ako sigurado, Ma’am.”
Nagtuloy na ako sa pagpasok sa loob. Walang tao sa sala. Tumawid ang paningin ko sa pinto ng opisina niya. Baka nandoon siya. Pero wala akong balak na puntahan siya sa mga oras na ito dahil nagwawala ang puso ko sa pagtuntong ko pa lang sa tiles ng bahay niya. The scent of the house is fruity. But his manly scent’s waving in my system.
Pinuntahan ko muna sina ate Ephie sa kusina. Mag-isa lang siya roon nang abutan ko. Nakabukas ang radio at nasa mababang volume. Kalmado rin ang kantang nakasalang. “Nasaan po si Bruce, Ate Ephie?”
Mula sa pagbabalat ng kalabasa ay nag-angat ito ng tingin sa akin. Sa harapan niya ay nakalatag ang iba pang gulay na lulutuin niya para sa hapunan.
“Oh Ganda. Nakabalik ka na pala,” tumalikod ito at pinatay ang gripo. Nagpunas ng mga kamay sa bimpo mula sa counter at nagbalik ulit sa pagbabalat ng gulay na iyon. “Binabantayan ni Ser Ryan sa opisina niya. Kanina ka pa nga nu’n hinihintay. Panay ang hanap sa ‘yo. Para bang nauusukan ang puwitan niya.”
“Puntahan ko lang sila, Ate.” Agad kong paalam.
May bumundol na pag-aalala sa dibdib ko. Magmula nang malaman ni Ryan na pamangkin ko lang si Bruce, hindi na ito nagtanong pa ulit. Pero napapansin ko ang mga titig niya sa bata. Para bang pinag-aaralan o tinatandaan ang itsura ng bata.
Hindi na ako kumatok at deretsong binuksan ang pinto. Naglalaro sa isipan kong nakaupo si Bruce at matiim itong tinitigan ni Ryan. Parang specimen at hihimay-himayin. At bakit niya iyon gagawin?
Exactly! Bakit?
At tila may mga ibong nakawala sa dibdib ko’t malayang lumipad sa kalangitan nang makita kong nasa harapan ng kanyang computer si Ryan. Hawak niya sa isang braso si Bruce at nakaupo sa kandungan habang may----nilulukot na mga papel sa mga kamay.
“Bruce!” I burst into running and save the paper from his tiny hands. Sinagot niya ako nang malakas na iyak matapos magulat sa pagsigaw ko sa pangalan niya.
Binagsak ko ang mga libro sa gilid ng mesa.
Kalmado itong inalu ni Ryan. Sinayaw-sayaw sa kandungan niya. Mas tinuon ko naman ang pansin sa pagtuwid sa papel at plantsa sa mga palad ko.
“Relax. Scratch paper na ‘yan.” Untag sa akin ni Ryan habang pinapakalma si Bruce.
Huminto sa pag-iyak si Bruce nang itaas niya ito sa ere.
Para nga akong tinakasan ng kaluluwa nang makita ko ang hawak ng pamangkin ko. Inisip kong importanteng dokumento iyon sa trabaho ni Ryan.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang dalawa. Parang naging mas malapit si Ryan kay Bruce. At kahit nasa gitna ng trabaho ay inaalagan pa ang pamangkin ko. Kung siya talaga ang Daddy ni Bruce . . . napaisip akong, ganito rin kaya siya kung totoong nabuntis niya ako noon?
Agad kong binura sa isipan ang mga imaheng iyon. “Akin na,” kinuha ko si Bruce sa kanya. Saka niya napansin ang mga librong dala ko.
Nagtaas siya ng kilay. Sumandal sa inuupuan.
“Are you going to be busy?” he’s curious and worried.
Sinulyapan ko pa rin ang mga libro bago inayos sa pagkabuhat si Bruce sa braso ko.
“Hindi naman. Isa pa lang ang estudyante ko.”
“Magdadagdag ka pa?”
Nagkibit-balikat ako. “Kung may darating. Saying din ang kikitain ko ro’n.”
Maingay itong nagbuntong hininga. His mood suddenly change. Wala na iyong ngiti na nakita ko sa mga mata nito.
“Hinahanap mo raw ako?” mahigit tatlong oras lang akong nawala. “May kailangan ka ba sa akin?”
“It’s weird.”
Kumunot ang noo ko. “Ang alin?”
Nakatingin siya sa screen ng computer niya. Siguro ay hindi dapat ako nagtanong at baka hindi naman para sa akin ang mga salitang iyon.
Pagkatapos ay tumayo siya, inusod ang upuan at tumapat sa akin. Tinaas niya ang mukha ko at hinalikan sa labi.
“It’s weird. Ilang oras ka lang nawala pero nami-miss na kita agad.” He lowered his face and crushed his mouth on mine. I felt his tongue slipping in my mouth and it turn on the alarm system of my body. Screaming: dark red alert.
Noong una ay hindi na ako nakagalaw sa gulat. Pero dahil buhat ko si Bruce, humakbang ako paatras. Naiwan ang init ng labi niya sa akin. Tumikhim ako at binigyan siya ng tinging may banta.
Hindi na niya kailangang magtanong. Yumakap sa akin si Bruce at dinantay ang ulo sa balikat ko. Hinagod ko ang likod niya. Siguro ay inaantok na.
“I’m not sorry for kissing you.” His answer to my stares.
“Huwag sa harapan ng pamangkin ko.” pagalit kong sabi. Kung sana ay wholesome na halik lang, matatanggap ko pa. Pero ang klase ng halik na iyon ni Ryan ay para bang Tigre na hindi pinapakain. Parang uhaw na uhaw. At nang nakatikim ng tubig ay wala nang pakielam sa paligid.
Napakamot ito ng pisngi. “Kailangan kong umalis bukas.” Pag-iiba nito sa usapan.
I remain calmed but silently mad. Kahit na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. “Saan ka pupunta?”
Humalukipkip siya at umupo sa gilid ng mesa. With his long legs stretch and chilling at each other. “May surprise inspection ako sa mga tao ko. Around Metro Manila at dito sa Batangas.” Ang tingin niyang ginawad sa akin ay tinging nanghahamon.
“Matagal ka bang mawawala?”
“Maghapon siguro.”
“Dito ka maghahapunan?”
“Hindi ako sigurado. ‘Wag niyo na lang ako hintayin. Kumain ka. Tatawagan kita.” Utos niya sa akin na para bang hindi nga ako kumakain.
Bigla akong nahiya sa pagsagot sa kanya. Tinitigan niya ako. Matagal. Kaya halos manlambot ang mga tuhod ko na animoy naging gelatin ang mga buto ko.
Nagawa ko pang humakbang para makaupo sa upuan na naroon. Sinundan niya ako ng tingin. Pinagpatuloy ko lang ang pagtapik sa likod ni Bruce.
“Anong oras ka tatawag?” bigla akong nahiya pagtanong kong iyon.
“Sa tuwing may libre akong oras.” Mabilis niyang sagot.
Marahan akong tumango. Magmula naman kasi na tumuloy kami rito sa bahay niya ay bihira na ring umalis si Ryan. Inilipat niya ang opisina rito. Hindi ako nagtanong kung bakit kailangan niya pa iyong gawin. Lalo pa at nandito na rin si Ephie at idagdag pa ang mga tauhan niyang pinadala rito.
Hindi ko nagustuhan iyong tauhan niyang nakabantay sa labas ng kwarto namin ni Bruce. Inalis niya rin iyon agad. Pinalipat niya ako sa kwarto niya at kanina lang din ay dalawa na lamang ang guard sa labas.
He gave me some questionable attempt to secure us. For what reason? Hindi pa naman niya alam noon ang mga pinagkakautangan namin. Posible kaya na . . . na alam na niya noon pa? Pero dapat ay kinumpronta niya na ako noon bago pa man ang nangyari sa amin kagabi. Sa huli, questionable iyon. Pero natatakot akong maunang magtanong. Natatakot akong marinig ang ibabato niyang sagot.
Tinititigan niya ako. Mas lalo akong kinabahan.
Napalunok ako. “Siya nga pala, ‘wag mo ‘kong pa-loadan linggo-linggo. Hindi ko naman kasi mauubos ‘yon.”
Tumaas ang isang kilay niya. That menacing looks. “Matagal pa naman ang expiration, ‘di ba? Ipunin mo na lang.” sagot niya na para bang nakaplano na iyon sa kanya.
“Masasayang nga lang. Pwede ko namang tipirin ‘yon,”
“Paanong masasayang? Ipantawag mo rin sa akin. Tapos!”
“Pero Ryan—“ tinaas niya ang isang kamay bilang pamputol sa sasabihin ko.
Binaba niya ang kamay. Sinuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. “It’s not a big deal, baby. I’m also thinking of lending you my card.”
Namilog ang mga mata ko. “Sobra na ‘yan.” Awat ko na para bang inaabot na niya iyon sa akin.
He smirked. A sideways smirk merely lost my focus on our issue. Issue nga ba itong maitatawag?
“Ang dami mong tutol sa mga gusto ko, Marianne. Wala kang pera ngayon. At gusto kong bilhin mo ang kailangan mo.”