JOURNEY 1

1216 Words
Journey 1 "CLOUD HENRY!!!" Tawag ni Euphemia sa kanyang limang taong gulang na anak na lalaki. Nasa hardin sila ng kanilang bahay at hindi nya makita ang anak. Kanina pa nya ito hinahanap. "CLOUD!" Muli nyang tawag sa kanyang anak. Muli syang pumasok sa kanilang bahay at hinanap muli ang kanyang anak. Kanina pa nya nililibot ang buong kabahayan. Pero hindi pa din nya mahanap ang si Cloud. "Nako! Talaga naman ang batang yun! Saan na naman kaya yun nagsusuot suot?!" Turan nya sa kanyang sarili. Alam nyang malikot na bata ang kanyang anak. Halos araw araw ganito lagi ang eksena nya. Kung saan saan kasi sumusot ang bulinggit na yun.  Nung isang araw nakita nya ang kanyang anak sa basement ng kanilang bahay. Buong maghapon nyang hinanap ang kanyang anak tapos matatagpuan nya lang dun. Naglalaro ng remote control na kotse nito na bigay ng ninong nito. Halos mapalo nya si Cloud ng araw na yun dahil sa pagod at pag-aalala. "Cloud!" Muli nyang sigaw. Halos mapatid na ang kanyang ugat sa leeg sa kakasigaw. Nako! Malilintikan na sa kanya ang batang iyon kapag nahanap na nya. "Huy! Bess!" May biglang tumapik sa kanyang balikat. Napatingin sya dito at ang kaibigan nya palang si Nanalie kasama ang baby girl nitong si Nathalia.  May dalawa nang anak ang kanyang kaibigan. Ang panganay nito ay isang lalaki na kasing edad lang ni Cloud. At pangalawa nito ay ang dalawang taong gulang na si Nathalia. Kasal na din ito sa asawa nitong si Trake. Speaking of Trake, napatawad na nya ang lalaki. Wala na rin naman kasing mangyayare kapag patuloy pa din syang magagalit sa asawa ng kaibigan. May pinagsamahan din sila ng lalaki kahit papano. "Oh bess? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa kanyang kaibigan atsaka binalingan si Nathalia na buhat buhat nito.  "Hi Baby Nathalia! Ang cute cute mo talaga!" Atsaka nya pinisil ang pisngi ng inaanak. Ninang kasi sya si Nathalia.  "Huy! Malamog naman yung pisngi ng anak ko!" Tapik ni Nanali sa kanyang kamay na nakapisil sa pisngi ni Nathalia. Mahimbing na natutulog si Nathalia.  "Grabe ka naman!" At pagkuwa'y ibinaba nya ang kanyang kamay. Iginaya nya ang mag-ina na umupo sa sofa. Inihiga naman ni Nanalie ang natutulog na bata sa sofa.  "So, anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa kaibigan. Ngumiti ito sa kanya. "Dumadalaw. Alam mo na! Namimiss ko ang aking napakagwapong inaanak. Asan na ba si Cloud?" Nakangiting sabe ng kaibigan at hinanap ang anak nya.  Napasimangot sya. "Kanina ko pa nga hinahanap ang batang yun! Hindi ko alam kung saan na naman nagsusuot suot." Nakasimangot nyang pahayag.  Natawa naman ang kanyang kaibigan. "Hahaha ang likot talaga ng batang yun. Saan kaya nagmana ng kakulitan yun?" Natatawang sabe ng kaibigan at marahang hinaplos haplos ang pisngi ng natutulog na anak. "Oo nga eh. Kahit ako hindi ko din alam kung saan nagmana ang batang yun." Alam nya sa sarili na hindi sya ganoon kakulit nung bata sya. Hindi din sya sobrang likot. Kaya nagtataka sya kung saan nagmana ang bata. "Baka naman sa tatay nya nagmana yung anak mo." Nakangising sabe sa kanya ni Nanalie. Natigilan naman sya ng mabanggit nito ang tatay ni Cloud. May kung anong gumuhit na kirot sa kanyang puso. At may part din sa kanyang puso ang biglang nabuhay. Umiling sya.  "Hindi. Impossible." Sabe na lang nya at nagiwas ng tingin. Limang taon na ang nakakalipas pero hindi pa mahal nya pa din ang ama ng kanyang anak. Hindi na siguro mawawala ang pagmamahal nya para dito.  "Still bitter?" Muli na namang ngumisi sa kanya ang kaibigan. Alam kasi nito na mahal pa din nya ang lalaki. Na lagi syang umiiwas kapag ito ang usapan.  "H-hindi ah." At muli na naman syang nag-iwas ng tingin.  Narinig nya ang mahinang pagtawa ng kanyang kaibigan.  "Speaking of HIM, may balita ka na ba sa kanya?" Tanong ng kanyang kaibigan. Umiling sya. Simula kasi ng magkahiwalay sila eh wala na syang balita dito. Ni hindi na din sya nagpapakita sa pamilya nito. Ni hindi nga alam ng pamilya nito na may anak na sila.  "Hindi pa ba umuuwe?" Muling tanong nito. Nagkibit balikat sya. Hindi naman nya alam talaga. "Mukhang tuluyan ka ng nakalimutang ni L---" Tinignan nya ang kaibigan ng malungkot dahilan para mapatigil ito. Ayaw na ayaw nyang marinig ang pangalan nito dahil nalulungkot lang sya. Sumakit din ang kanyang dibdib sa sinabe ng kaibigan na baka tuluyan na talaga syang nakalimutan ng lalaki.  "Sorry." Hinging paumanhin sa kanya ng kaibigan. Ngumiti sya dito ng malungkot. "Ok lang." Malungkot nyang sabe dito. Lumapit sa kanya ang kaibigan at tinapik sya sa balikat.  "Ok lang yan. Andyan si Cloud. Yung anak mo na lang ang intindihin mo." Payo sa kanya ng kaibigan. Tumango sya. Masaya sya ng dumating sa kanya si Cloud. Walang kasing saya. Lahat ng paghihirap nya nang ipinagbubuntis nya ito eh nawala lahat ng isilang nya si Cloud. Ang kanyang baby boy. Ang kanyang ANGEL.  "Mahal na mahal ko si Cloud." Sabe nya. Ngumiti si Nanalie. "Alam ko. Kaya sa kanya mo na lang ibaling ang buo mong atensyon. Wag mo nang hintayin pa si Le--" Muli nyang pinutol ang kaibigan. "Oo alam ko." Naaawa lang sya sa kanyang anak dahil hindi nito nakakasama ang ama o hindi na makakasama pa. Gusto nyang makilala ni Cloud ang ama nito.  Alam ng kanyang anak na buhay pa ang ama nito. Na nasa malayong lugar lamang ito. Alam nyang gustong gusto na ni Cloud na makilala ang ama. Pero wala syang magawa para matupad ang gusto ng anak.  "Nako! Malungkot ka na naman. Wag mo na ngang isipan yun. Magkwentuhan na lang tayo." Sabe sa kanya ng kaibigan. Pilit pinapagaan ang loob nya.  Ngumiti sya dito at sumang ayon na lamang.  Nagkkwentuhan na sila ng biglang may isang batang lalaki ang pumasok at sumisigaw. "Mommy! Mommy Yuyu! Andito na me! Mommy Yuyu!" Napalingon sya sa pinto at dun nakita ang kanina pa nya hinahanap. Si Cloud na bitbit bitbit ang laruang robot nito. Napakagwapo talaga ng anak nya. Nakuha nito ang facial features ng ama nito. Maliban sa mata. Dahil sa kanya namana ang mata nito.  Tumayo sya at nilapitan si Cloud. "Anak! Kanina pa kita hinahanap. San kaba nanggaling?" Tanong nya sa anak at pinahid ang iilang pawis nito sa mukha.  "Dun lang po sa labas. Naglalaro ako ng robot na bigay ni Lola Mamouh!" Tukoy nito sa laruan na hawak hawak na bigay dito ng kanyang ina. Ginulo nya ang buhok ng anak. "Kung saan saan ka na naman nagpupunta. Di ka man lang nagpaalam." Sita nya dito. Nagpout si Cloud. Muntik na nyang pisilin ang pisngi ng anak sa sobrang kacute'an nito. "Sorry Mommy Yuyu!" Atsaka sya nito niyakap. Napangiti sya. Cloud is a sweet child. Pag may nagagawa itong kasalanan eh yayakapin ka nito.  Mommy Yuyu ang tawag sa kanya ng anak dahil sa pangalan nya. Euphemia. YUPHEMIA. "Hi There Baby Cloud!" Kumaway ang kanyang kaibigan sa inaanak nito. Humiwalay sa kanya si Cloud at tumingin sa Ninang nito. "Ninang Ganda!" Tawag nito kay Nanalie at patakbong lumapit dito. Nangiti sya sa anak. Napakalambing na bata at mabait pa.  "Namiss mo ba si Ninang Ganda?" "Opo!" Nakangiting sagot ng anak nya. "Ayyie! Sige nga. Give your Ninang a kiss." Iniumang ni Nanalie ang pisnge sa inaanak at binigyan naman ng matunog na halik ni Cloud ang ninang nya. "Ang sarap naman ng kiss na yun! Ang cute cute talaga ng inaanak ko!" At walang ano ano'y nagharutan ang mag ninang.  Napangiti sya habang pinagmamasdan ang tumatawang anak. Mawala na ang lahat. Wag lang ang kanyang MINAMAHAL NA ANAK.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD