JOURNEY 2

1851 Words
Journey 2 ♡ "Mommy Yuyu!" Tumatakbong lumapit sa kanya ang kanyang anak. Nasa kusina kasi sya at kasalukuyang nagluluto ng pang'hapunan nila.  Binaba nya ang sandok na hawak at hininaan din nya ang apoy. Tsaka sya humarap sa kanyang anak. "Why baby?" Masuyo nyang tanong kay Cloud.  Lumuhod sya dito para magkapantay sila. "Momny can we visit Lola Mamouh and Lolo Papouh tomorrow? Miss ko na kasi sila eh." Nakapout na pahayag ng kanyang anak.  Mga magulang niya ang tinutukoy nito. Malapit kasi ang loob ng bata sa mga ito dahil nung panahon na ipagnagpapatuloy nya ang kanyang pag-aaral eh sa mga magulang nya ito iniiwan para pabantayan. Ayaw naman nya kasing kumuha ng Yaya na mag-aalaga sa anak nya. Hindi naman sa wala syang tiwala sa mga katulong, iba pa rin kasi kapag kilala mo ang nagbabantay sa anak mo. Mas panatag ang loob mo na nasa mabuti itong kalagayan. "Eh anak kakabisita lang natin doon ng Lunes ah? Atsaka baka wala doon ang Lola Mamouh at Lolo Papouh mo don." Masuyo nyang sabe dito.  "Ha? Eh Mommy Yuyu Saturday na ngayon. Namimiss ko na sila Lola. I want to play with them. Atsaka saan naman pupunta sila Lola kung wala sila doon sa Mansion?" Nakapout pa din ang kanyang anak.  Suskopo! Bat napakacute ng batang kaharap nya? Ang hirap tuloy tanggihan. Hindi naman sa ayaw nyang dumalaw sa mga magulang nya, ang kaso baka hapuin na naman ang dalawang matanda sa pakikipaglaro sa kanyang makulit na anak. Nung huling bisita lamang nila sa mga ito eh hinapo ang dalawang matanda sa pakikipaghabulan kay Cloud. Buti na lang at napainom nya agad ng gamot ang mga ito. "Please na Mommy Yuyu? Dalaw na tayo kila Lola." Pakiusap sa kanya ng anak. Gumamit pa ito ng beautiful eyes na lalong nagpacute dito kaya hindi na sya nakatanggi pa. Atsaka matitiis ba nya ang kanyang Unico Hijo? "Aish! Sige na nga. Pasalamat ka mahal ka ni Mommy." Nangingiting sabe nya sa anak. Ngumiti naman ng pagkalapad lapad sa kanya si Cloud at dinamba sya ng yakap. "Yehey! Salamat Mommy Yuyu! I love you po." Naglalambing na sabe nito. She chuckled. "I love you most baby." And she kissed the top of his head. Pagkatapos nilang maghapunan eh dumiretso na sila sa kwarto nila ni Cloud. Yes. Magkasama sila sa iisang kwarto. Ayaw nya kasing magkaroon ng sariling kwarto si Cloud dahil nangangamba syang baka may mangyareng masama dito kapg tulog na sila. Baka bangungutin ito o kaya sumpungin ng Asthma. Mahirap na. Kaya't minabuti na lamang nyang magkasama sila sa kwarto.  "Anak shower ka na. Tapos tutulog na tayo. Maaga pa tayong pupunta kayla Lola." Utos nya sa kanyang anak.  "Opo Mommy!" Pumasok ito sa loob ng banyo. Kumuha lamang sya ng tuwalya bago sya sumunod dito. Pagpasok nya eh nakita nyang nagtatampisaw ang kanyang anak sa bathtub. "Cloud! Nako baka madulas ka!" Taranta syang lumapit dito at pinaupo nya ang anak sa marmol na bathtub nila. "Anak naman. Wag mo na ulit gagawin yun hu? Baka madulas ka." Paalala nya sa kanyang anak. Bahagyang tumango si Cloud at pagkuwa'y nilaro nito ang mga bula. Habang pinupunasan nya ang mga braso ni Cloud eh. Nagulat sya ng magsalita ito. "Mommy Yuyu kailan uuwi si Daddy?" Tanong ng kanyang anak sa kanya na labis nyang ikinabigla. Ngayon na lang ulit nagtanong si Cloud tungkol sa ama nito. "Ha? Ah Baby kasi nagttrabaho pa doon si Daddy mo. Baka matagalan pa sya ng uwi dito." Pagsisinungaling nya rito. Masakit para sa kanya ang magsinungaling sa anak. Pero ayaw naman nyang sabihin dito ang katotohanang iniwan sila ng kanyang ama dahil sa kagagahan nya. "Pero Mommy mayaman naman tayo ah? Hindi na nya kailangan pang mag-work sa malayong lugar." Hindi nakatinging sabe sa kanya ni Cloud.  Napapalatak naman sya. Diyos ko! Bakit ba pinanganak na napakadaldal nitong si Cloud? At anong mayaman? Oo mayaman sila pero ang yaman nila ay galing sa mga magulang nya. Wala pa kasi syang trabaho kaya't kumuha sya ng suporta sa magulang nya. Hindi rin sya makapagtrabaho dahil walang magbabantay sa anak nya. "Anak makinig ka kay Mommy ok?" Hinawakan nya ang mukha ng anak at pinaharap sa kanya. "Oo mayaman tayo pero ang kayamanan madaling maubos. Hindi permanente ang pera sa mundo anak kaya kailangang magtrabaho ni Daddy sa malayo para sa atin. Atsaka diba gusto mo nang pumasok sa school? Pinagiipunan ni Daddy ang pagpasok mo." She said.  Oo, gusto nang mag-aral ni Cloud sa darating na pasukan. Balak nya itong ipasok sa Daycare Center na malapit lamang sa kanilang lugar. Sa totoo lang eh naghahanap na sya ng trabaho para paghandaan ang pagpasok ni Cloud. Gusto na rin naman nyang mag-aral ang anak para kahit papano eh may makasalamuha naman itong ibang bata. Madalang kasi makipaglaro si Cloud sa ibang bata na kapit bahay lamang nila. Mailap si Cloud sa ibang tao. Ang kalaro lang nito ay si Zeke. Ang anak na panganay nila Nanalie at Trake. "Talaga Mommy?" Tumango sya. "Oo. Atsaka papasok ka na this coming school year." Nakangiti nyang sabe sa anak. Lumaki naman ang mga mata ni Cloud. "Talaga Mommy? I'm going to school na?" Natatawang tumango sya. "Yehey!" Masayang sabe ni Cloud. Masayang masaya ito dahil matutupad na ang kagustuhan nitong pumasok sa eskwelahan. "Pero Mommy Yuyu hindi ba pwedeng dito na lang magtrabaho si Daddy? Para naman makasama na natin sya. Tapos hindi ka na rin maiiyak sa tuwing maaalala mo si Daddy." Nagulat sya sa tinuran ng anak. Alam nitong umiiyak sya sa tuwing naaalala nya ang ama nito?  "C-Cloud." Lumungkot ang mga mata ng anak nya na labis na dumurog sa kanyang puso. Ang makitang malungkot ang anak eh ang pinakamasakit na bagay sa kanya. "A-anak kasi.." Hindi nya alam ang sasabihin dito. Natatakot sya na baka mas lalong lumungkot ang anak nya kapag nalaman nito ang katotohanan. "Mommy Yuyu hindi ba tayo love ni Daddy? Ayaw nya ba tayong makasama kaya lumayo sya?" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Cloud.  Nataranta si Euphemia at mas lalong nadurog ang puso nya. Ang pangungulila sa ama na nakikita nya sa mga mata ng anak ang mas lalong dumudurog sa kanyang puso. "H-hindi naman sa ganoon anak. Pero kasi." "Pero ano Mommy?" Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Cloud. Napapikit sya ng mariin ng makita iyon. Gaaaddd! Anong gagawin nya para maibsan man lang ang pangungulilang nadarama nito sa ama? Simula ng ipinanganak nya si Cloud eh ipinangako na nya sa kanyang sarili na gagawin nya ang lahat mapasaya lamang ang anak. Pero hindi pa din pala sapat. Kailangan pa din nito ng isang AMA.  "M-mommy Yuyu?" Umiiyak na tawag sa kanya ng anak. Dumilat sya at hindi na lang nagsalita pa. Niyakap nya ng mahigpit si Cloud. Hindi alintana na basa ang katawan ng bata. "Sshhh. Wag ka na umiyak Cloud. Don't worry pauuwiin natin si Daddy para makasama mo na sya ok? Wag mong isipin na hindi ka mahal ni Daddy, ok? M-mahal na m-nahal ka nya." Naiiyak na turan nya dito. Tumango tango naman ang sumisigok sigok na si Cloud. Pagkaraan eh itinuloy na nya ang ginagawang pagpaligo dito at nang matapos eh pinatulog na nya ang bata. "Sorry Baby. I'm so sorry." Hinaplos haplos nya ang buhok ng natutulog na si Cloud at hinalikan nya ito sa noo. "Gagawin ni Mommy Yuyu ang lahat makasama mo lang ang Daddy mo." She said at humiga na sya sa tabe ng anak at mahigpit itong niyakap.  Nakapagpasya na sya. It's time para ipaalam sa pamilya ni Lelouch ang tungkol kay Cloud. At para na rin makasama na nito ang Ama. Kinabukasan eh maagang gumising ang mag-ina upang maghanda sa pagbisita nila sa Mansion ng mga magulang nya. Maaga silang nag-ayos at kumain ng almusal.  At eto na nga at nasa byahe na sila papunta sa Mansion nila. Lulan sila ng isang taxi. "Mommy Yuyu excited na ko makipaglaro kala Lola Mamouh at Lolo Papouh!" Excited na sabe ni Cloud. Natawa sya ng mahina at ginulo ang buhok ni Cloud. "Nako ikaw talaga. Wag mong papagurin sila Lola ah?" Paalala nya dito. Tumango tango naman si Cloud. "Opo." "Ay Kuya dito na lamang ho." Sabe nya sa taxi driver at pagkuwa'y huminto ito sa tapat ng kanilang Mansion. Inabot lamang nya ang bayad dito at umibis na sila ng sasakyan. "Hi po Manong guard." Magiliw na bati ni Cloud sa Guard ng kanilang Mansion nang sila'y papasukin nito. Ngumiti lamang ang guard sa anak nya at binate sya. Nagtuloy tuloy sila sa pagpasok sa loob.  "Lola Mamouh! Lolo Papouh!" Tumakbo si Cloud pagkapasok nila sa loob ng Mansion. Andun ang kanyang mga magulang sa sala at nakaupo sa mahabang sofa. Tumayo ang mga ito ng marinig ang pagsigaw ni Cloud. "Apo!" Salubong ng mga ito sa bata. Yumakap sa kanila si Cloud at binigyan sila ng tig-isang halik sa pisngi. "Hi Ma. Hi pa." Bati nya sa mga magulang nya.  Ngumiti ito sa kanya. Lumapit sya sa mga ito at nakipagbeso.  "Napadalaw kayo anak?" Tanong sa kanya ng kanyang ina. Ngumiti sya dito. "Eh ito kasing apo nyo biglang nagyaya dito. Tutal wala naman kaming gagawin sa bahay kaya pinagbigyan ko na din." Sagot nya rito.  Tumawa naman ang mga magulang nya at binalingan si Cloud na nakaupo na pala sa marmol na sahig at naglalaro ng dala nitong robot. May dala kasi itong maliit na bag at andun nakalagay ang mga laruan nito. "Namiss yata kami ng apo ko." Natatawang sabe ng kanyang ama. "Oo nga eh." Sagot nya.  Nagkatawanan sila habang tuwang tuwang pinagmamasdan ang bata na masayang naglalaro.  Lumapit dito ang kanyang ama at nakipaglaro dito. Nanatili lamang syang nakamasid sa anak habang tuwang tuwa na nakikipaglaro sa Lolo Papouh nya. "Ang gwapo talaga ni Cloud." Nakangiting sabe ng kanyang ina. Ngumiti sya at tumango. Proud na proud sya na anak nya si Cloud Henry. Bukod kasi sa ubod ng gwapo ang anak eh napakalambing at napakabait din nito. Yun nga lang mailap ito sa ibang tao na di nito kilala. "Euphemia anak, kailan mo balak ipakilala si Cloud sa pamilya ng asawa mo?" Nawala ang mga ngiti nya sa tinuran ng ina. Malungkot syang tumingin dito. "Ewan ko. Di ko alam. Matatanggap ba nila si Cloud? Baka katulad ng ginawa sakin ni L-Lelouch eh itaboy din nila ang anak ko. At yun ang ayokong mangyare." Malungkot nyang turan dito. Napabuntong hininga ang kanyang ina. "Anak hindi mo pwedeng ilihim sa kanila habang buhay ang tungkol kay Cloud. Si Cloud ay parte rin nila. Apo nila sa Cloud. Atsaka malay mo, yun ang maging daan para makilala ni Cloud si Lelouch. Ang kanyang ama." Turan ng kanyang ina. "Ma.. Natatakot ako. Paano kapag nalaman ni Lelouch ang tungkol kay Cloud? Tapos itaboy nya si Cloud? Ma masasaktan lang yung anak ko." Naiiyak nyang sabe dito.  Bilang isang ina, ayaw na ayaw nyang nakikitang nasasaktan, nalulungkot ang kanyang anak. Dahil parang dinudurog ang kanyang puso.  "Gusto mo bang lumaking walng kinikilalang ama ang anak mo?" Tanong sa kanya ng ina. Umiling sya. "Of course not ma!" Bumuntong hininga sya.  Lumaki syang Buo ang pamilya nya. Andyan ang kanyang ina para alagaan sya. Andyan ang kanyang ama para gabayan sya. Gusto nyang maranasan ni Cloud ang naranasan nya. Gusto nyang lumaki ang kanyang anak na buo ang kanilang pamilya. Ayaw nyang ipagkait sa bata ang lumaking buo ang pamilya. "Ma di ko alam yung gagawin ko." Pinahid nya ang iilang luha na tumulo sa kanyang pisngi.  "Just do the Right thing, honey. We're here for you anak. Andito lang kami ng Dad mo."  Her mother tapped her shoulder ay ngumiti ito sa kanya. Ngumiti sya sa ina. She's so lucky to have them as her parents. "Thanks Ma." She lovingly said.  "Anything for you and Cloud, anak." Nagngitian sila mag-ina. At pagkuwa'y tumingin sa maglolo na masayang naglalaro.  Gagawin na nya kung ano ang tama. Para sa kapakanan ng Anak nya. Sa ikasisiya ni Cloud.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD