JOURNEY 4

2781 Words
Journey 4 ♡ "Mommy Yuyu anong ginagawa natin dito sa tapat ng Malaking bahay na to? Atsaka kaninong bahay ito?" Inosenteng tanong ng batang si Cloud kay Euphemia.  Nakatayo ngayon ang mag-ina sa tapat ng Mansion ng mga Santos. Maaga pa lang eh andito na sila mag-ina. Katulad ng pinag-usapan. Kanina pa sila nakatayo sa harapan ng mataas na gate ng Mansion pero hindi magawang pindutin ni Euphemia ang Door bell. Hindi nya alam kung bakit. "Mommy Yuyu?" Hinila hila ni Cloud ang laylayan ng suot nyang T-shirt. Napatingin sya sa anak na nakatingin din sa kanya. "A-Anak bahay ito ng Lolo at Lola mo." Nangunot naman ang noo ng anak. "Bagong bahay nila Lola Mamouh at Lola Papouh? Lumipat na sila?" Takang tanong nito.  Tumawa sya ng marahan at lumuhod upang magkapantay sila ng anak.  Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat. "Hindi anak. Bahay to ng Mommy at Daddy ng Daddy mo. Mga Lola at Lolo mo sa Father's side." Paliwanag nya kay Cloud. Matalino ang bata kaya nagets agad nito. Saglit na tumingin ang bata sa Mansion at muling tumingin sa kanya. "Mommy Yuyu mababait ba sila?" Nagulat sya sa tanong nito at napatawa. "Hahaha oo naman anak. Oh, ano? Pasok na ba tayo?" Tanong nya sa anak.  Tumango ito. Tumayo sya at hinawakan sa kamay ang anak.  Nagpakawala sya ng buntong hininga atsaka nya pinindot ang door bell. "Ma'am" Bate sa kanya ng guard ng pagbuksan sila nito ng Gate. "Ah andiyan ba sila Tito at Tita?" Tanong nya sa guard. Marahang tumango ito. "Ay. Opo ma'am. Pasok na po kayo." Niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate at pinapasok sila.  Nagtuluy tuloy sila hanggang sa Makapasok sa loob ng kabahayan.  Andun ang mga magulang ng dating asawa sa Salas. Nakaupo sa sofas at halatang hinihintay ang pagdating nila.  "Tito, Tita." Pukaw nya sa atensyon ng dalawang matanda.  Nilingon sila ng mga ito. At agad na napatayo ng Makita silang mag-ina.  Lumapit ang dalawa sa kanila. Lumuhod pa ang ginang upang pantayan ang anak nya. "Diyos ko! Ito na ba si Cloud?" Hinaplos ng ginang ang pisngi ng apo. Tumango naman ng marahan si Euphemia. "Mommy?" Tinignan sya ng anak. Tila nagtatanong ang mga mata nito kung sino ang mga TAONG kaharap. Ngumiti sya rito. "Baby sila ang mga Lolo at Lola mo. Magulang ni Daddy mo." Tumango tango ang anak. At tipid na ningitian ang ginang. "Hello po." Nag'bow ito.  "Ako po si Cloud Henry." Masiglang pakilala nito sa ginang.  Ngumiti naman ang ginang sa bata at niyakap ito. "God! You looks like your father. Kahawig mo si Lelouch ng bata pa sya." Humiwalay ang ginang dito at marahang pinisil ang pisngi nito. "Hello Apo. Ako si Lola Lumia mo. Mommy ako ng Daddy Lelouch mo." Pakilala nya ng ginang sa anak nya. Ngumiti si Cloud. "Nice to meet you po. Magiliw na sabe ni Cloud sa mga ito. Ngumiti naman ang ginang at tumayo. Binalingan nito ang asawa na nakatayo lamang sa likod ng asawa habang taimtim na tinitignan ang kanyang anak. "Anak say hi to your Lolo." Tapik nya sa balikat ng anak. Tinignan naman ni Cloud ang kanyang Lolo. "Hi po! Ako po si Cloud Henry." Magiliw ring bate nito. Tipid na ngumiti rito ang lalaki. "No doubt. This kid is Lelouch's son. My Grand Son." Lumapit ito sa bata at marahang pinat ang ulo nito. "Hey Little kid." Ngumiti si Cloud sa kanyang Lolo. "Kayo po yung Daddy ni Daddy?" Nakangiti nitong tanong. Tumawa ang matanda at tumango.  Natuwa naman si Euphemia nang makitang magiliw na tinanggap ng mga biyenan ang kanyang Anak. Walang pasidlan ang kanyang galak. "You want to see you father?" Tanong matanda sa kanyang anak.  Namilog ang mga mata ng anak. Kahit sya'y lumaki ang mga mata. Ano? Andito na si Lelouch? "Andito po si Daddy ngayon?" Tumawa ng mahina ang biyenang lalaki. "No. But i have a lot of pictures of him. Ipapakita ko sayo para makita mo ang itsura ng tatay mo. At kung gaano kayo magkamukhang magkamukha." Nahinga sya ng maluwag. Akala nya andito na muli si Lelouch. Hindi pa sya handang makita itong muli. Natuwa naman sya ng makita ang ningning sa mga mata ni Cloud. Sa wakas makikita na nito ang ama, kahit sa litrato lang. Wala kasi syang maipakitang litrato ni Lelouch dito. Naitapon nya kasi lahat ng pictures nito at maski ang pictures nila.  "Talaga po? Asan po? Asan po?" Kakabakasan ng excitement ang tono ng pananalita ni Cloud kaya natawa silang lahat. "C'mon. Let's go upstairs." Hinawakan nito ang kamay anak. Nilingon sya ni Cloud, humihibgi ng permiso. "Go ahead, baby." Nakangiting tumango sya sa anak. Sumama ito sa lolo nya at umakyat sa ikalawang palapag ng kabahayan. Nakangiting binalingan sya ng biyenang babae. "Thanks for bringing our Grand son here." Ngumiti sya dito. "Walang ano man po. Karapatan nyo pong makilala at makasama ang apo nyo. Ayokong ipagkait ang karapatang iyon." "Salamat, hija." Muli syang ngumiti rito. "Ah, Tita aalis po muna ako. Iiwan ko muna po rito si Cloud para masolo nyo man lang. May pupuntahan lang po ako." Paalam nya sa biyenan. Tumango ito. "Sige, hija." "Babalikan ko na lang po si Cloud. Kayo na pong bahala sa kanya." "Don't worry, Euphemia. We will take care of your son." Ngumiti muli ang ginang. "Sige na. Lumakad ka na para makabalik ka ng maaga." Tumango lang sya at muling nagpaalam atsaka umalis na.  Ang Totoo'y maghahanap sya ng trabaho kaya iiwan muna nya si Cloud sa mga biyenan. Kailangan na nyang maghanap ng trabaho. At isa pa, gusto nyang magkaroon ng quality time ang mga ito sa kanyang anak. "Haysss! Go Euphemia! Gora na para makahanap ka ng trabaho." Bulong nya sa sarili. Pumara sya ng taxi atsaka sumakay.  "Ayyyy! Nakakapagoood!" Hapong hapo na umupo si Euphemia sa mahabang sofa. Pinahid nya ang iilang pawis sa kanyang mukha at sa leeg "Oh tubig gurl." Inabutan sya ng isang basong tubig ng kanyang kaibigan na si Nanalie na malugod naman nyang tinanggap. Uhaw na uhaw na sya. Sa init ng panahon ngayon eh mabilis syang mauhaw.  Umupo ang kaibigan sa kanyang tabe. Pagkatapos nyang mag-hanap ng trabaho eh dito sya dumiretso sa bahay ng kaibigan. Ala una palang naman ng tanghali, maaga pa kung kukunin na nya ang kanyang anak sa mga biyenan nya.  "Oh kamusta gurl? May nahanap ka?" Tanong nito sa kanya. She frown. "Yun nga eh! Parang pinatay ko lang yung sarili ko sa paglalakad sa initan! Wala akong nakuhang trabaho!" Lugmok na sabe nya. Napagod sya sa kakalakad at halos mapudpod na ang kanyang sapatos sa kakahanap ng trabaho pero bigo sya. Lintek! "Ano ka ba naman kasi gurl! Bakit ka ba kasi naghahanap pa ng trabaho eh mayaman ka na naman?! Sinusuportahan naman kayong mag-ina ng mga magulang mo." Turan ng kaibigan. Lalo syang napasimangot. "Hay nako Nanalie! Palibhasa may asawa kang kumakayod para sa inyo kaya nasasabe mo yan. Syempre, iba pa rin kapag sariling pera mo ang pinanggagastos mo sa anak mo. Yung dugo at pawis ang nilaan mo para paghirapan ang perang yon. Atsaka papasok na si Cloud ngayong darating na pasukan. Ayokong pa ito iyon eh iaasa ko pa sa mga magulang ko." Mahaba nyang litanya sa kaibigan.  Nahihiya na rin sya mga magulang nya dahil simula ng maipanganak nya si Cloud eh ito na ang sumusuporta sa araw araw nilang pangangailangan. Panahon na para sya naman ang bumuhay sa anak. "Ewan ko sayo gurl! Atsaka hoy hindi ako umaasa sa asawa ko noh! Anong feeling mo sitting pretty lang ako? May maliit kaya akong business." Sagot sa kanya ng kaibigan.  Ang tinutukoy nito eh ang maliit na pastry shop na itinayo nito nung nakaraang taon lang. Pero kahit bago bago lang ito, malakas na agad ang kita nito dahil ang asawa lang naman nitong Si Trake ang taga bake ng mga pastries na itinitinda nila. Masarap kasi magbake ang asawa nito. May company rin si Trake na pinapatakbo. "Anyway, asan ang mga bata?" Taka nyang tanong ng mapansing walang maiingay at magugulong bata sa kabahayan.  Umirap si Nanalie. "Ayun! Sinama ng magaling nilang tatay. Magba'bonding daw silang mag-aama. At hindi man lang nila ako nagawang isama!" Maktol ng kanyang kaibigan. Natawa tuloy sya. "Nakakabuwisit ka daw kasing kasama." Pang-aasar nya rito. Ngumuso naman ang kanyang kaibigan. "Che! Kung ayaw nila akong kasama! Edi wag!" Naiinis na pahayag nito. Ngumisi sya. "Oh! Wag kang iiyak!" Nang mapansing naiiyak na ito. Palihim syang natawa. Ang iyakin talaga ng kaibigan nya. "Che! Di ako iiyak noh!" Nagkibit balikat na lang sya at dumi kwatro ng upo. "Kanina pa ba umalis ang mag-aama?" Tanong nya rito.  "Oo. Kanina pang umaga." Napatango tango sya. Talagang hindi isinama ang kanyang kaibigan.  "Hayaan mo na friend. Enjoyin mo na lang ang oras na ito habang wala pa ang makukulit mong mga chikiting kasama ng iyong pasaway na asawa." Natatawa nyang sabe rito. Napasimangot naman ang babae.  Kahit makukulit ang mga anak nito ay sigurado namang mahal na mahal ni Nanalie ang mga anak. At kahit ubod ng pasaway ang asawa nito eh alam din nyang mahal na mahal ito ng kaibigan. At syempre mahal na mahal din ni Trake ang kaibigan nya.  Ang kaibigan nya at ang pamilya nitong ang nakikita nyang larawan ng MASAYA AT KUNTENTONG PAMILYA. Na ikinaiinggitan nya. Kung sana lang eh hindi sya nagpakagaga noon edi sana buo rin ang pamilya nila ngayon. Kasama ni Cloud ang ama nito ngayon.  Sa isiping iyon eh hindi maiwasang makaramdam ng kalungkutan si Euphemia. Na agad namang napansin ng kanyang kaibigan. "Hoy friend! Malungkot ka na naman." Mapait syang ngumiti rito. "Hindi ah." Tanggi nya. Pinat naman ni Nanalie ang kanyang balikat. "Wag kang mag-alala. Maayos din ang lahat. Mabubuo din ang pamilya na inaasama mo." Malungkot syang umiling sa sinabe nito. "Malabo ng manyare iyon. Masaya na sya sa America." Malungkot nyang tugon. Muli nya na namang naramdaman ang pagguhit ng sakit sa kanyang dibdib. "Hu? Paano mo naman nasabe yan gurl?" Takang tanong ni Nanalie. "Sinabe sakin ng Daddy nya. Sabe nya sakin, masaya na daw si Lelouch sa America. Wag ko na daw guluhin." Malungkot nyang sabe rito. Lumungkot din ng bahagya ang ekspresyon ng kanyang kaibigan. Tila nahahabag ito sa kanyang kalagayan. "Nakausap mo na pala ang mga biyenan mo. Naipakilala mo na din ba si Cloud sa kanila?" Tumango sya. "Buti at natanggap nila ang bata." Bumuntong hininga sya. Pinagpapasalamat nya ang bagay na yun. Kahit na sya ang itaboy ng mga ito, tatanggapin nya. Wag lang ang anak nya dahil hindi nya ito maaatim. "So, i wonder why kung bakit hindi mo kasama ang gwapo mong anak." Tumango syang muli. Narinig nya ang pagbuntong hininga ng kaibigan. "Aww! Wag ka nang malungkot gurl! Kung hindi talaga kayo ni Lelouch ang para sa isa't isa, dadating ang panahon na Makilala mo ang lalaking nakatadhana para sayo." Nakangiting wika nito sa kanya. Umiling sya. "Hindi na. Ayoko na. Kuntento na ko kay Cloud. Masaya ako na single mom ako. And I'm very proud of that kasi kahit mag-isa lang ako nagagawa kong palakihin ng maayos at mabuting tao si Cloud. Ang mahalaga makilala at makasama ni Cloud ang tatay nya. Kahit yun lang, masaya na ko." Malumanay nyang sabe. Ayaw na rin nyang umibig pang muli kung hindi lang din naman si Lelouch ang taong iyon. Nangako sya sa sarili na si Lelouch na ang huling lalaki sa buhay nya. Ang huling mamahalin nya.  At ayaw nyang mabali ang pangakong iyon. Para sa kanya si Lelouch lang ang para sa kanya. At siguro hindi sya ang para rito. Muling gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib.  "Aww! Friendd! Hayaan mo, God has a better plan for you. I know He has. Just trust HIM. Hindi ka pababayan ng Nasa ITAAS. Just have a FAITH on HIM." Atsaka sya buong pusong niyakap ng kaibigan.  Ngumiti naman sya. Yes. God has a better plan for her. Sa kanila ni Cloud. At kung ano man ang plano ng PANGINOON sa kanya, malugod nya itong tatanggapin at haharapin. Magtiwala lang sya DITO. Samantalang... Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ng bintana at nakatanaw sa labas ng kanyang Condo unit.  May hawak syang isang kopita na may lamang white wine.  Tila malalim ang kanyang inisip. "Hi babe." Mula sa likuran eh may yumapos na mga braso sa kanyang bewang. Hindi sya kumibo bagkus ay ininom lang sya sa kanyang Kopita. "A penny for your thoughts? Hu babe?" Malambing na wika ng babae at ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat. Hindi sya umimik.  "Lelouch." "Leave me alone, Monique." Kalmado pero malamig na sabe nya rito. Sumimangot ang babae at humiwalay sa kanya. Iniharap sya nito sa kanya. "Why so sungit babe?" Nakangusong tanong ng babae. Palihin syanng napairap. Napakakulit talaga ng babaeng ito. Hindi marunong makaintindi.  Monique is his EX FLING! Yes Fling. Sa loob ng limang taon nyang paninirahan dito sa America eh maraming nagbago sa kanya. Naging siryoso syang tao. Well, matagal na syang siryoso pero mas lumalala ngayon. He also became distant and cold. Naging maiinitin din ang ulo nya at naging tahimik. Bihira umimik. At naging mapaglaro sya sa BABAE. Walang araw na pumapalya sya sa pagpapalit ng babae. And lahat ng babaeng iyon eh naikakama nya at pagkatapos parang basura nyang itatapon lang. Ganon na sya kasama sa mga babae. Ang tingin na nya sa mga ito eh isang LARUAN. Wala syang pake kahit may nasasaktan na sya. So, what?! He don't care for their feelings, the important thing here is to SATISFIED his needs. And Monique is one of them. Matagal na silang tapos ni Monique. Sa totoo lang eh dito lang sya tumagal. Umabot ng isang buwan dahil magaling ang babae sa kama. She can bring you to CLOUD NINE.  Pero nagawa pa rin nyang magsawa dito. Kaya matapos ang isang buwan ng pagiging lovers nila in bed, itinapon nya na rin ito katulad ng ginawa nya sa mga babaeng nauna rito.  Pero sadyang makulit at malakas ang tama ng babae sa kanya. Kahit ilang ulit na nya itong ipinagtabuyan, patuloy pa ding bumabalik ang babae sa kanya.  "What are you doing here? Diba sabe ko sayo, tapos na tayo?! Now! Get out and Leave me alone!" Malamig nyang utos rito.  Pero ningisihan lang sya ng dalaga. Nakakaakit na humawak ito sa kwelyo ng kanyang polo. "Ah-ah. No babe. Alam mo kung gano katigas ang ulo ko, right? And infact, i don't wanna leave you babe. Dahil alam kong mamimiss mo ko." Mapang akit nitong sabe at dinilaan pa ang kanyang leeg. A typical w***e.  Bulong nya sa kanyang isipan. Inis na itinulak nya ang babae palayo sa kanya. Monique is a FILIPINA kaya nagkakaintindihan sila. "Stop! You w***e! Stop Pestering me for Fvck's sake. We're over damn it!" Bahagyang napaatras ang babae sa ginawa nyang pagsigaw. Natakot din ito ng makitang galit na galit ang mga mata nya. "Ano bang nangyayare sayo Lelouch? Why are you keep pushing me away? Can't you see? Kaya ako hindi umalis sa tabe mo because i Love you!" Naiinis na sigaw ng babae sa kanya.  Natawa naman sya ng mapakla sa sinabe nito. Sumimsim muna sya sa hawak na kopita atsaka sya malamig na nagsalita. "Love?! Wow! Sayo pa talaga nanggaling ang salitang yan, Monique. Kailan ka pa natuto magmahal Monique? A typical w***e and a b***h like you is capable for a word LOVE? Funny, b***h!" Nakangisi nyang sabe rito. Tila naasar at nasaktan naman ang babae sa sinabe nya kaya hindi nito napigilan ang sampalin sya.  Nabaling ang mukha nya sa kanan sa lakas ng pagkakasampal nito. "How dare you! Oo, mahal kita! Oo, I'm a b***h and a w***e pero tao lang din ako, marunong din akong magmahal. Masaktan! Bakit?! Bakit ka ganyan?!" Nanunumbat na sabe nito at dinuro pa sya. Malamig syang bumaling rito. "Kasi ganito na ako simula ng makilala mo ako." Naiiling ang babae sa tinuran nya. "You're unbelievable! You don't believe in LOVE, do you?" "Oo. I don't believe in Love. Love is just a word. It's bullshit! Love is bullshit!" Malamig nyang turan pero mababakasan ng pait ang kanyang boses. "Why? Because of Euphemia?" Napatulala sya ng marinig ang pangalan nito. Parang may kung anong tumunaw din sa kanyang nagyeyelo nyang puso. Bumilis ang t***k ng kanya puso.  Euphemia.  Ang babaeng kanyang Minahal. Pero sinaktan lamang sya. "Why you just can't move on? I'm here. I'll help you." Nagmamakaawang lumapit ito sa kanya pero umatras sya. "Stop! I don't need you. I don't need a b***h like you." Muli syang sinampal ng babae. "Fvck you Lelouch! Ano?! Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko, basta basta mo na lang akong itatapon na parang basura?! No way! Hindi ako papayag! Ako si Monique Reyes! At kung ano ang gusto ko, nakukuha ko! At ikaw! I will assure you that you'll gonna love me soon!" At padabog itong lumabas ng kanyang condo unit.  Naiiling na sumimsim na lamang syang muli sa kopita at umupo sa couch.  Love? Tss. He's not capable of that. Not anymore.  Pagkatapos sirain ng babaeng kanyang minahal ng lubusan ang kanyang puso eh sa tingin nya magagawa pa nyang umibig muli? No way! Hindi na ulit! Hindi na ulit sya maniniwala sa PAG-IBIG na yan.  Para sa kanya ang LOVE ngayon ay isang salita na lamang. Hindi na iyon mage-exist pa sa kanya. Hindi na kailanman. Tama na ang pagkadurog ng puso nya. Ngayong buo na ulit ito eh hindi na nya ulit ito hahayang madurog muli. Ibinalot na nya sa makapal na yelo ang kanyang puso. At wala nang makakatunaw pa non.  Muli syang napasimsim sa kanyang kopita. Pinababalik sya ng kanyang ama sa Pilipinas. Sa hindi nya malamang dahilan. Ayaw na nyang bumalik pa sa bansang iyon, pero wala na syang magagawa pa kapag AMA na nya ang nag-utos.  Kaya nakapagdesisyon syang bukas s na bukas rin eh lilipad syang pabalik ng Pilipinas.  Ang bansa kung saan nadurog ang kanyang puso.  Ang bansa kung saan nya INIWANAN ANG KANYANG BABAENG MINAHAL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD