JOURNEY 5

1962 Words
Journey 5 ♡ Ang mainit na panahon at ang mga usok na galing sa mga sasakyan ang agad na nabungaran ni Lelouch pagkalabas nya ng Airport. Andito na sya ngayon sa Pilipinas.  Naka'polo sya asul at Kupasing pantalon lamang sya. Simple pero nagpadagdag sa kagwapuhan nya. Naka-aviators din sya. Nasa gilid nya ang travelling bag nya.  Agad syang pumara ng taxi at sumakay. Pinahid nya ng kanyang panyo ang pawis sa kanyang leeg at iilang pawis sa kanyang noo.  Sa limang taong paninirahan sa Amerika eh hindi na sya sanay sa klima sa Pilipinas kaya agad syang pinagpawisan.  "Sir, saan ho tayo?" Tanong ng driver sa kanya. Sinabe nya ang address ng bahay nila.  Habang nasa byahe eh, pinagmamasdan nya ang mga dinadaanan nila.  Wala pa rin namang nagbago. Mausok at maalinsangan pa rin.  Bigla ay nakaramdam sya ng pagkamiss sa bansang kanyang sinilangan.  Namiss nya ang mausok at maalinsangang lungsod ng Maynila. Isama mo na ang ingay ng mga sasakyan.  Bumilis ang pintig ng puso nya ng madaanan nila ang Condominium Tower ng date nyang Condo unit. Pinagmasdan nya ang Building. Wala pa ding pinagbago.  Bigla eh samo't saring alala ang bumalik sa kanyang isipan. Naitanong nya din sa sarili kung kamusta na ba si Euphemia? Doon pa kaya nakatira iyon sa kanyang condo unit?  Naipilig nya ang kanyang ulo. No! Hindi nya dapat isipin ang babaeng iyon. Ang babaeng dahilan ng pagkawasak nya at ng puso nya. Ang babaeng minahal nya ngunit sinaktan lamang sya. "Manong dito na lang ho." Sabe nya sa taxi driver nang makarating na sila sa tapat ng Mansion nila.  Binigay nya ang bayad dito at bumaba na.  Pinagmasdan nya ang Mansion.  "It's good to be back, Lelouch." Naibulong nya sa kanyang sarili. Hila hila ang travelling bag na lumakad sya palapit sa mataas nilang gate at nag door bell. Agad naman syang pinagbuksan ng gate ng guard. Gulat pa nga ito ng makita sya. "Sir. Lelouch!" Gulat na sambit nito. Itinaas nya ang kanyang aviators at nakangiting pinagmasdan ang guard. "Hi! I'm back. Andito ba sila Mom and Dad?" He ask. Nataranta naman ang guard at agad syang pinapasok. Kinuha din nito ang travelling bag na dala dala. "Ah oho Sir. Nako! Siguradong masusurpresa ang Don at Donya kapag nakita kayo. Aba'y miss na miss na kayo ng mga magulang nyo ho Sir!" Masayang turan nito sa kanya. He just smiled at naglakad na sila patungo sa loob ng Mansion. Pagpasok nya eh agad nyang nabungaran ang Ama na pababa sa matayog nilang hagdan.  "Dad!" Pukaw nya sa atensyon nito. Napatingin ito sa kanya. At agad namilog ang mga mata nito ng makita sya. "Son!" Dali dali itong bumaba at sinalubong sya. "Hi Dad! I'm back! Where's Mom?" Nakangiting tanong nya rito. Nag manly hug sila ng Daddy nya. "Nasa kusina. Wait I'll call your Mom!" Akmang sisigaw na ang daddy nya ng pigilan nya ito. "No Dad! I'll surprise her." Nakangisi nyang sabe rito. Naglakad na sya patungo sa Kusina at dumungaw.  Doon ay nakita nya ang Ina nyang nakatalikod sa kanya habang nagluluto. Namimilog naman ang mga mata ng mga katulong nilang nakatingin sa kanya. Sinenyasan nya ang mga ito na tumahimik lamang. Agad na nagsitanguan naman ang katulong.  Tahimik syang humakbang palapit sa ina nya at nang makalapit rito'y agad nyang tinakpan gamit ang dalawang kamay ang mga mata nito. "Ayy Jusmiyo! Ano ka ba naman Custodio! Ano ba yang pakulo mo at may nalalaman ka pang ganyan! Tigilan mo nga ako. Kita mo nang nagluluto ako eh." Natatawang anas nito. Mahina syang tumawa. Akala ng ina nya eh ang ama nya ang nagtatakip sa mga mata nito. "Leonardo ano ba!" Di nakatiis ang Mommy nya at humarap na ito sa kanya. Inalis din nito ang mga kamay nyang nakatakip sa mata nito.  Gayon na lamang ang gulat ng ginang ng makita sya. "Surprise?" Nakangiti nyang anas rito. Namimilog naman ang mga mata ng ginang habang naluluhang nakatingin sa kanya. "L-Lelouch? A-anak? Ikaw ba yan?" Naiiyak na tanong ng ginang sa kanya. He chuckled at pahilang niyakap ang kanyang ina. "Of course Mom! It's me! Your one and only Handsome son!" Natatawang anas nya habang yakap yakap ang ina.  Hindi na naman nakatiis ang kanyang ina at umiiyak na ito sa kanyang malapad na dibdib. Muli syang natawa. Kahit kailan talaga. Ang iyakin ng nanay nya. "Oh my God! I miss you Son!" Umiiyak na bulaslas nito. He chuckled. "I miss you too Mom!" At hinigpitan nya ang yakap nya sa Mommy nya. Humihikbing humiwalay ang kanyang ina sa kanya. "Bakit bigla bigla ka na lang umuwi na walang pasabe? Hindi man lang tuloy ako nakapagluto." Nakapout na sabe nito bagamat humikhikbi pa rin. Natatawang pinahid nya ang luha sa pisngi ng ina. "Ok lang yon Mom. Atsaka i want to surprise you. Kayo ni Daddy. Atsaka ayan nga oh! Nagluluto ka na." Nangingiting sabe nya rito. Humarap naman ang ina sa kanyang niluluto.  "Ay! Oo nga pala! Yung niluluto ko!" Atsaka ito patakbong bumalik sa niluluto. Natawa tuloy sya. "Mom! I'll just go to my room Ok? Aayusin ko lang ang gamit ko." Paalam nya sa ina. Saglit na tinapunan lang sya ng tingin nito. "Ok son! Basta bumaba ka kaagad ok? Malapit ng maluto itong kaldereta. Sabay sabay tayong kakain ng lunch." "Ok Mom!" Atsaka sya lumabas ng kusina. Naabutan nyang prenteng prenteng nakaupo sa sofa ang kanyang ama habang may binabasang Diyaryo. "Ano? Nasurpresa mo ba ang Mommy mo?" Nakangiting tanong ng kanyang ama at pagkuway ibinaba nito ang Diyaryong binabasa. "Yeah. She even cried." Natatawa nyang sagot.  Nangingiting na napailing na lamang ang kanyang ama. "Ang Mom mo talaga! Kahit kailan Iyakin." Natatawa ring sabe nito. He laugh. "Yeah! Sinabe mo pa, Dad." "Anyway son. Pinaakyat ko na sa kwarto mo ang mga gamit mo." Tumango tango sya. "Ok Dad. Thanks. I'll go upstairs" Paalam nya. Tumango lang ito at nagumpisa na syang umakyat sa matayog nilang hagdan. Pumasok sya sa kanyang kwarto at nakita nya sa isang sulok ang travelling bag nya. Pinagmasdan nya ang kanyang kwarto kung may nagbago ba. Pero wala naman.  Ganon pa din ang pagkakaayos nito. Walanh pinagbago. Maliban na lamang sa kanyang kobre kama at mga kumot. Pati ang pundan ng unan. Sa pagkakatanda nya, kulay black ang kulay ng kobre kama nya at ng kumot nya. Puti naman ang punda ng unan nung huli nya itong iniwan. Pero ngayon, black and white ang kulay ng kobre kama nya at ng kumot nya. Grey naman sa punda ng unan nya. Malamang pinalitan ito ng kanyang ina. Well, ok lang naman iyon sa kanya. As long as manly pa din ang dating ng kwarto nya. Lumakad sya patungo sa kinalalagyan ng kanyang travelling bag at hinila ito patungo sa walk in closet nya. Maayos nyang isinalansan ang mga gamit nya. At nang matapos eh tsaka sya umupo sa kanyang malambot na kama. Namiss nya din ang kanyang kwarto. He's safe haven. Namiss nya din ang mga magulang nya. He's beloved parents.  Napatingin sya sa bedside drawer. Binuksan nya iyon at bumungad sa kanya ang napakaraming litrato.  Litrato ni Euphemia.  Kinuha nya iyon atsaka isa isang tinignan. Napatigil sya sa isang litrato ng babae. Nakangiti ito sa picture at mukhang masayang masaya. Kuha ito nung nasa Korea sila. Pinagmasdan nya ang mukha ng babae.  Muling lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Napatulala sya. Kamusta na kaya ang babae? Anong nangyare dito pagkatapos nya itong iwan? Nagkabalikan na kaya ito at ang ex nito?  Sa isiping iyon eh, kumirot ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon andun pa din ang sakit ng nakaraan.  Ang sakit na pumatay sa kanya five years ago. Napapikit sya ng mariin sabay ng pagkuyom ng kanyang kamao.  No! Stop thinking about her, about them. Wala ka ng pake sa kanila Lelouch. Wala na! Sigaw nya sa kanyang isipan. Muli syang nagmulat at nakita nya ang nalukot na picture sa kanyang kamay. Ipinilig nya ang kanyang ulo. Tumayo sya. Dala dala ang mga larawan ng babaeng minsan nyang minahal, lumapit sya sa basurahan na nakalagay sa gilid ng kwarto nya at walang emosyon na itinapon nya ang mga larawan.  "I don't need that damn pictures of hers anymore. Wala na kong pake sa kanya. Hindi ko na sya mahal." Malamig nyang turan sa sarili at walang sabe sabeng lumabas sa kanyang silid. Samantalang.  Nasa isang parke naman ang mag-inang Euphemia at Cloud. Nangako kasi si Euphemia sa kanyang anak na dadalhin nya ito ngayong araw sa parke. Buti na lang hindi ganon katibdi ang init ngayon dahil kung di hindi nya ito dadalhin dito. Ayaw na ayaw nya kasing naiinitan ng sobra si Cloud. Namumula ito ng sobra dala ng pagkatisoy nito. "Mommy yuyu! Doon lang po ako hu? Magpapalipad ng kite!" Masiglang paalam ng anak nya sa kanya. Itinuro rin nito ang parte kung saan magpapalipad ng saranggola ang anak. Hindi naman ito masyadong kalayuan kaya pinayagan nya ito. "Wag kang lalayo, Cloud? Ha? Mag-iingat ka din." Ngumiti naman sa kanya ang kanyang anak. "Mommy diyan lang po ako." Nakangiting sabe nito. Sumimangot sya at pinisil ng marahan ang pisngi ng anak. "Basta mag-iingat ka. Wag na wag kang lalayo. Naiintindihan mo?" Bilin nya sa anak. Tumango lang ito at hinalikan sya sa pisngi. Atsaka tumakbo dala dala ang saranggola.  Umupo sya bench na kalapit. Katatapos lang nilang kumain ng panghalian. Dito sila kumain sa parke dahil may dala silang pagkain.  Pinagmasdan nya si Cloud habang masaya itong nagpapalipad ng saranggola.  Cloud is her little angel. Nagpapasalamat sya sa Diyos dahil ibinigay nito si Cloud sa kanya. Na kahit iniwan sya ng lalaking kanyang minamahal, nag-iwan ito ng isang ala ala sa kanyang sinapupunan. At iyon nga si Cloud.  Laking pasalamat nya talaga ng dumating si Cloud sa buhay nya. Dahil kung wala ito ngayon, baka hindi na nya alam kung ano pang mangyayare sa kanya.  Si Cloud ang nagbigay sa kanya ng pag-asang mabuhay pa. Na hindi pa katapusan ng buhay nya.  Nang dahil kay Cloud, ang namatay nyang puso ng iwan sya ni Leleouch ay muling tumibok ng isilang nya si Cloud. Her Baby Cloud.  Mahal na mahal nya ang kanyang anak. At ikamamatay na nya talaga kapag nawalay pa ito sa kanya.  Sa sobrang pag-iisip eh, biglang nakaramdam ng antok si Euphemia. Bigla syang napasandal sa punong nasa likod ng bench na inuupuan nya at doon na sya tuluyang nilamon ng antok.  Alas kwatro na ng hapon ng magising sya. Napabalikwas sya ng tayo. Oh my God! Nakatulog sya at ngayon lang sya nagising.  Inis na napakamot sya sa kanyang pisngi. "Ano ba yan Euphemia! Nakatulog ka na naman! Hindi mo na nabantayan si Cloud!" Inis na sabe nya sa kanyang sarili. Speaking of Cloud, tinignan nya ang parte ng parke kung saan ito nagpapalipad ng saranggola kanina.  At ganun na lang ang panglalaki ng mata nya ng makitang wala doon si Cloud.  Agad syang napatakbo doon. Wala nga si Cloud. Iilan na lang din ang mga batang nagpapalipad ng saranggola doon. My God! Asan si Cloud? Asan ang anak nya? Nagsisimula na syang kabahan at nagpapanic na din sya.  Sino ba namang hindi? Eh nawawala na ang anak nya? At dahil yon sa kanya. Kung hindi sana sya napatangay sa antok eh di sana'y nabantayan nya ang kanyang anak. Nang dahil na naman sa katangahan nya may mawawala na naman sa kanya.  Kahit naiiyak na sya eh pinilit nyang tatagan ang sarili. Bumuntong hininga sya at sinumulan na nya ang paghahanap sa kanyang anak.  "Cloud?" "Cloud? Anak?" "Baby! Asan ka na?" "Cloud!!" "Cloud naman! Wag kang ganyan! Lumabas ka na! Alam kong tinataguan mo lang si Mommy. Labas ka na baby. Pakita ka na baby." Halos nalibot na nya ang buong parke kakahanap sa kanyang anak. Pinagtitinginan na rin sya ng mga tao dahil sa kakasigaw nya pero wala syang pake. Ang mahalaga ngayo'y mahanap nya ang kanyang anak.  "Cloud!!!" Nagsimula na ding tumulo ang mga luha nya. Labis labis na syang nag-aalala sa kanyang anak. Hindi nya alam kung nasaan ito. Hindi nya alam kung nasa maayos ba itong kalagayan. Ahhh! Bakit kasi natulog sya?! Kung di sana sya natulog edi sana hindi mawawala ang kanyang anak.  "Cloud! Huhu!" Humihikbing napaupo sya sa isang bench.  Saan nya ngayon hahanapin ang kanyang anak? Nag-aalala na sya ng sobra. Hindi nya kakayanin kapag may nangyare hindi maganda sa anak nya.  "Diyos ko! Wag nyong papabayaan si Cloud kung nasaan man sya ngayon. Please. Gabayan nyo ang anak ko at ingatan." Mahina nyang usal sa pagitan ng paghikbi.  Pinahid nya ang kanyang mga luha at Tumayo na muli.  HAhanapin nya muli ang kanyang anak. Hindi sya uuwi hangga't hindi nya nakikita si Cloud.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD