JOURNEY 3

2013 Words
Journey 3 ♡ Hindi mapakali si Euphemia habang nasa tapat ng gate ng mansion ng mga Santos. Para syang natataeng ewan dahil pinagpapawisan sya ng malapot. Parang gusto na nyang umuwe.  Pero hindi eh. Andito na sya. Nakapagpasya na sya. Gagawin na nya ang matagal na dapat nyang ginawa.  Nagpunta sya dito sa Mansion ng mga Santos upang ipaalam ang tungkol kay Cloud. Tama ang ina nya. Karapatan nilang malaman ang tungkol sa bata. Apo nila ito. Nag-iisang apo dahil solong anak lamang si Lelouch.  Hindi nya kasama si Cloud dahil tulog na tulog ang kanyang anak pagkatapos makipaglaro sa mga magulang nya. Napagod siguro. Ayaw na nyang gisingin pa ang bata at hinayaan na lang nya. Sa susunod na lang nya ipapakilala sa personal si Cloud sa mga biyenan nya.  Humugot sya ng malalim na paghinga bago nya pinindot ang door bell.  Agad na pinagbuksan sya ng guard ng makilala sya. Pinatuloy sya nito at iginaya papunta sa Mansion.  "Sige Ho Ma'am. Pasok na lang po kayo." Sabe sa kanya nung guard.  Matipid nya itong ningitian at pinasalamatan na din.  Bumuntong hininga muna sya ulit bago pumasok sa loob ng kabahayan. "Good afternoon po." Magalang nyang bate nang sya'y pumasok. Napatingin sa kanya ang mag-asawa na nakaupo sa mahabang sofa habang ang mga ito'y nagkkwentuhan sa salas. Napatayo ang ina ni Lelouch ng makita sya. "Oh My! Euphemia is that you?" Natutop ng ginang ang bibig sa pagkakakita sa kanya. Alanganin naman syang tumango.  Napatakbo naman ang ginang palapit sa kanya. "Oh my God Hija! It's been 5 years since the last time i saw you. God! I missed you hija. " Hinaplos haplos ng ginang ang kanyang buhok at niyakap sya.  Napayakap na din sya dito.  Napadako naman ang tingin nya sa biyenang lalaki. Matiim lamang sya nitong tinititigan.  Alam nyang galit ito sa kanya.  Hindi nya ito masisisi.  Humiwalay ang ginang sa kanya. "What brought you here hija?" Magiliw nitong tanong sa kanya. Sasagot na sana sya ng putulin sya ng Biyenang lalaki. "Andito ka ba para sa anak ko? Sorry, Ms. Wala dito si Lelouch. Nasa Amerika pa sya at masaya na doon kaya tumigil ka na. Wag mo na ulit syang guluhin pa." Malamig nitong sambit. Nanikip naman ang kanyang diddib at napayuko na lamang. Masakit para sa kanya ang malamang galit na galit ang ama ni Lelouch sa kanya pero mas masakit na malamang masaya na ang lalaki sa ibang bansa.  Para tuloy nagdadalawang isip na sya kung gagawin pa nya ang dahilan ng pagpunta nya dito. Masaya na ang lalaki? Guguluhin pa ba nya? Pero paano naman ang anak nya? "Custodio! Tumigil ka dyan hu?" Saway ng ginang sa asawa nito. Narinig nya ang mahinang 'tss' nito kaya lalo syang napayuko. Hinawakan naman ng ginang ang kanyang kamay. "Hija pagpasensyahan mo na tong lalaking to. Sige na. Ano ba ang dahilan mo kaya pumunta ka rito?" Nag-angat sya ng tingin at nakita nyang nakangiting nakatingin sa kanya ang biyenang babae. Pero ang asawa nito'y kulang na lang patayin sya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya. "G-gusto ko lang pong sabihin sa inyo ang tungkol sa.." Putol nya sa sasabihin nya.  Parang may bumara sa kanyang lalamunan at ayaw na nyang ipagpatuloy pa ang sasabihin.  "Sa? C'mon. About what?" Napabuntong hininga sya at tumitig ng diretso sa mga biyenan. "Tungkol po sa a-apo nyo." Mahina nyang sabe sa mga ito. Napalunok sya ng saglit na napatigil ang mga ito.  "What did you just say Hija?" Paniniguro ng ginang.  "May apo na po kayo." Napabitaw naman ang ginang sa kanya at parang hihimatayin na lumayo sa kanya. "Oh my God!"  "Hon." Maagap na dinaluhan ng asawa nito ang biyenang babae. Gosh! Kinakabahan na sya. Papaniwalaan kaya sya ng mga ito? "Ano bang sinasabe mo dyan hu? Wala pa kaming apo. Wala pang anak si Lelouch." Inis na turan sa kanya ng biyenang lalaki. Nataranta naman sya at umiling. "No! Hindi po ako nagsisinungaling. May apo na po kayo. May anak na po kami ni Lelouch." Naiiyak na turan nya. Pinipigil nyang tumulo Ang mga luha nya. "Is that true hija?" Naluluhang tanong sa kanya ng biyenang babae. Marahan syang tumango. "Maniwala po kayo please. May anak na po kami ng anak nyo." Pinahid nya ang traydor nyang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. "B-buntis ako noong iniwanan ako ni L-Lelouch. I'm 8 weeks pregnant that time. Alam kong sya ang ama ng dinadala ko kasi sya lang ang bukod tanging lalaking hinayaan kong umangkin sa katawan ko." Umiiyak na pahayag nya. Pero mukhang matigas ang puso ng kanyang biyenang lalaki at inungkat nito ang madilim nyang nakaraan. "Pero diba nagalaw ka ng Ex mo? So, how can you be so sure na sa anak ko ang dinadala mong bata that time?" Halos madurog ang puso nya sa tinuran nito. May pinagmanahan pala si Lelouch pagdating sa panghuhusga.  "Wala po talagang nangyare samin. He only kissed and touched my body pero hindi nya ko tuluyang naangkin. Believe me. Alam yan ni Tita kasi ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat." Sagot nya sa pagitan ng pagluha. Bumuntong hininga sya at lumuhod sa paanan ng mag-asawa. Ibababa na nya ang pride nya. Alang ala sa anak nya. "P-please maniwala kayo. Anak ni Lelouch si Cloud. Ok lang kahit itaboy nyo ako, wag lang ang anak ko. Parang awa nyo na. " Lumuluhang sabe nya.  "My God Hija! Stand up." Gulat na wika ng ginang. Tila di inaasahan ang ginawa nyang pagluhod. "Si Cloud. Gusto ni Cloud makasama ang ama nya. Please po? Kahit para na lang sa bata, pauwin nyo si Lelouch. Hindi po ako nanggugulo. Masaya ako na malamang masaya na si Lelouch sa Amerika. Pero kasi yung bata, gusto nyang makasama ang ama nya. Parang awa nyo na po. Hayaan nyong maging parte ng pamilya nyo si Cloud. Kahit yung anak ko na lang. Kahit hindi na ako." Pagmamakaawa nyang muli.  Napahikbi na sya. Ganto nya kamahal ang anak. Kaya nyang gawin ang lahat mapasaya lamang ito. Kahit ang magmakaawa at magpakababa. Lumuhod ang ginang at hinawakan sya sa balikat.  Katulad nya'y umiiyak na rin ito. "Bakit ngayon mo lang sinabe samin?" Tumingin sya sa ginang. "Kasi ayokong guluhin pa kayo. Natatakot akong baka ipagtabuyan nyo ang anak ko. At ayokong mangyare yon. Pero ngayon, lumalaki na si Cloud at nagkakaisip. Hinahanap na nya ang ama nya." Nagpahid sya ng luha. At malungkot na ngumiti dito. "Kagabe habang pinaliliguan ko sya, naalala nya ang kanyang ama. Sinabe nya sakin na gusto na nyang makita ang ama nya. Makasama at makalaro. Umiyak si Cloud at yun ang pinaka masakit sa isang ina. Ang makitang umiiyak ang kanyang anak." Pinahid nya muli ang kanyang mga luha. "Bilang ina, masakit saking makita si Cloud na malungkot dahil sa pangungulila sa kanyang ama. Lumaki ho akong buo ang pamilya. Lumaki akong may AMAng gumagabay sakin. At yun ang gusto kong maranasan ng anak ko. Gusto kong iparanas sa kanya kung paano gabayan at alagaan ng isang ama. Gusto ko syang makita masaya sa piling ng ama nya. Kahit sya na lang. Kapag masaya ang anak ko masaya na din ako. Kahit hindi na mabuo ang pamilya namin. Kahit hindi na kami magkabalikan, ok lang sakin. Makasama lang ni Cloud si Lelouch. Ang kanyang ama." Napahagulgol na sya.  Tuluyan na syang nagbreak down. Totoo ang kanyang mga sinabe. Ok lang sa kanya kahit na sila magkabalikan ni Lelouch, basta makasama lang ito ni Cloud. Yun ang mahalaga. Isa na syang ina at hindi na mahalaga pa ang nararamdaman nya ngayon. Para sa kanya mas mahalaga na ngayon ang nararamdaman ng kanyang anak. "Hija." Niyakap sya ng biyenang babae. Kapwa sila umiiyak.  Nagmamakaawa naman nyang tinitigan ang asawa nito. Nagmamakaawa sya dito na paniwalaan sya. "Hija where's your son?" Tanong ng ginang ng humiwalay ito sa kanya. "Nasa bahay po ng parents ko. Nakatulog po sa sobrang pagod dala ng pakikipaglaro sa mga magulang ko. Sumaglit lang po ako dito at babalikan ko din ang anak ko." Pinahid nya ang kanyang mga luha. Nakakahiya na. Baka may sipon na palang nakahalo sa luha nya. "I want see him. I want meet my Grand son." Umiiyak na sabe ng ginang sa kanya. Napaiyak naman sya sa tinuran nito. My God! Ibig ba sabihin nito, makakapasok na si Cloud sa buhay nila? Makikilala na nito ang ama nya? "T-tanggap nyo po ang anak ko?" Naluluha nyang sabe rito.  Tumango ang ginang. "Yes. I know in my heart na apo ko ang tinutukoy mo. Naniniwala ako sayo hija." Hinaplos nito ang buhok nya at muli syang niyakap. Napaiyak na naman tuloy sya. Hindi nya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. "Salamat po. Salamat." Humiwalay sa kanya ang ginang at tumayo. Inalalayan din sya nitong tumayo. "Bring him here tomorrow. I'm so excited to meet him." Nakangiting sabe ng kanyang biyenang babae. Nakangiti naman syang tumango.  Bumaling sya sa biyenang lalaki. "Wala na kong magagawa pa. Dalhin mo dito ang apo namin bukas. Itatawag ko kay Lelouch ang tungkol sa bagay na ito." At umakyat na ang ginoo sa matayog na hagdan ng mansion at pumasok sa master's bedroom. Binundol naman ng kaba ang dibdib nya sa sinabe nito.  Itatawag na agad kay Lelouch? Papauwiin na nila agad dito? My God! Handa na ba syang makitang muli ang lalaki? Pero no! Hindi nya pwedeng pairalin ngayon ang kanyang damdamin. Para sa anak nya ang ginagawa nya at hindi para sa kanya. Isa na lang ang hiling nya ngayon. Sana hindi itaboy ni Lelouch si Cloud. Dahil yun ang hindi nya kakayanin.  "Hija?" Pukaw ng ginang sa kanyang isipan. "Ah tita." Ngumiti muli ang ginang sa kanya. "Naniniwala akong maayos pa ang sa inyo ng anak ko." Hinawakan nito ang kanyang kamay pero agad din nya itong hinila ng madinig ang sinabe nito. "Hindi na po ako umaasa Tita. Para sa anak ko tong ginagawa ko at hindi para sakin." Lumamlam ang mga mata nito at malungkot na tumingin sa kanya. "Mahal mo pa ba ang anak ko?" Natigalgal sya at lumakas ang kabog ng kanyang puso.  "Po?" "Mahal mo pa ba ang anak ko?" Jusmiyo! Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang puso. Sa hinaba haba ng panahon ngayon na lang ulit ito pumintig ng ganito kalakas. Mula kasi ng magkahiwalay sila, hindi na muling tumibok pa ng pagkalakas lakas ng kanyang puso. "Hija?" Umiwas sya ng tingin.  "O-opo." Namumula nyang sagot.  Oo mahal nya pa ang lalaki. Mahal na mahal kaya masakit para sa kanya ang malamang masaya na ito sa Amerika at wag na nyang guluhin pa. Pero on the other side, masaya na rin sya para rito. Mukhang nakamove on na ang asawa nya sa nangyare 5 years ago. Sya na lang naman itong nananatili pang nakakapit kahit wala na syang kakapitan pa. "Glad to hear that. Alam kong maayos nyo pa yan." Muli syang umiling. "Hindi na po ako uma--" Hindi na sya pinatapos pa ng ginang. "Sshh. Wag kang magsalita ng tapos. God has a plan for you, for Cloud and for Lelouch. May plano ang Diyos para mabuo ang pamilya nyo." Mabubuo pa nga ba?  Ngumiti na lang sya ng malungkot dito. Maya maya lang eh nagpaalam na din sya na aalis na dahil hapon na at babalikan na nya ang kanyang anak.  Pagdating nya sa Mansyon nila eh naabutan nyang nakaupo sa sofa ang anak habang naglalaro sa Tablet nito. Sa katapat na Coffee table eh may nakapatong na isang basong juice at platong may mga Cookies. "Anak." Tawag nya rito. Tumingin ito sa kanya.  "Mommy Yuyu!" Ibinaba nito ang tablet na hawak at patakbong lumapit sa kanya.  Sinalubong nya ang anak ng yakap at kinarga. "Hi Baby!" Bate nya dito. "Saan ka galing Mommy Yuyu? Paggising ko wala ka na." Nakapout nitong sabe. Natatawang hinalikan nya ito sa noo. "May pinuntahan lang si Mommy Yuyu." Nakangiti nyang sabe rito. "Saan? Why you didn't wake me up? Sana nasamahan man lang kita. Paano kapag may Bad guys na umaway sayo Mommy? Wala ako to protect you." Nakanguso pa din nitong sabe. Natatawang ibinaba nya ito at lumuhod para magkapantay sila. "Ikaw talaga! Kaya na naman ni Mommy ang mga bad guys na yun. Atsaka ang himbing ng tulog ng baby ko kaya i didn't bother to wake you up." Nakangiti nyang pinisil ang ilong ng anak. Ngumiwi ito kaya natawa sya. "Aray Mommy!" "Hahaha. Sorry baby! Halika nga dito. Give Mommy A power kiss" Ngumuso sya dito at binigyan naman sya ng matunog na halik ng anak sa kanyang labe. "Mwuaahhhh!" Niyakap nya itong muli. "I love you baby." She said at mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa anak. "I love you too Mommy." At gumanti ng yakap sa kanya si Cloud.  Ipinikit nya ang mga mata nya. Bukas panibagong tao na naman ang makakasalamuha ng anak nya. Panibagong buhay na papasok sa buhay ng anak nya.  Ano kayang mangyayare bukas? Sana naman ay itrato nila ng maayos si Cloud bukas. At sana tanggap na tanggap nila ang anak ko. Sigaw ng kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD