Maybe this time Episode 11

1066 Words
Title; Maybe this time ( Part 11) Tinitigan ni Jolo ang mukha ni Arabella “ Bakit ganyan ang mukha mo?” “ Na puwing lang po ako sir” “ Miss Castro, wagka mag sinunggaling sa akin. Inagaw ba ni Santi ang mahiwaga mong laruan?” Napangiti si Arabella sa sinabi niya. “ Sir naman mapag biro din pala kayo” pinahid nito ang luha nabitin sa ere. Pinaandar ni Jolo ang sasakyan. Saka tinungo ang ibang direction na daan. Itinabi niya ang sasakyan sa isang tabi ng daan na walang masyadong dumadaraan. “ Bakit po tayo nagpunta rito sir?” Nilingon muna siya nito bago ito nag salita” hindi ka pweding bumalik sa shop na ganyan ang ayos mo, baka mamalasin ang coffee natin pag malungkot ang mag-seserve sa mga costumer” mabilis itong lumabas mula sa driver seat. Hindi na niya inantay pagbuksan siya nito, lumabas narin siya. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan nakatingin sa kawalan. Umupo siya sa harapan ng sasakyan. Sinulyapan siya nito“ Now tell me, what is wrong? Why are you crying?” Napayuko siya nagdadalawang isip kung sasabihin ba rito ang dahilan. Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila pag kuwan ay na una itong nagsalita” alam mo bang, tinakwil ako ni dad sa family namin?” pasiuna nito sa kanya. “ Pero ito ako lumalaban sa hamon ng buhay” lumungkot ang mukha nito Humugot siya ng malalim na hininga” alam mo, hindi ko maintindahan, kaming mga mahihirap kahit gumagapang kami sa hamon ng buhay lumalaban kami para ma-ahon sa hirap ang pamilya namin. Maibigay ang magandang buhay. Samantang kayo mga mayayaman alisan ng mana kung hindi naman ipapakasal sa may pera para ma-e salba ang papalubog na negosyo” Ginalaw lang nito ang dalawang balikat bilang pagtugon sa kanyang sinabi saka tumingin sa kanya” So now tell me, bakit ka umiyak?” giit nito “ Iba talaga ka tsismosahan ni sir, hindi ka titigilan hanggang sa sabihin mo rito ang nangyari” kaloob looban niya Tinignan niya ito, nag tama ang kanilang paningin. Para siyang mapaso sa mga titig nito. “ Kasi, nakita ko ang boyfriend ko sa loob ng mall kasama niya ang pinsan ko” lumungkot ang kanyang mukha “ Eh, gago pala yong lalaking iyon, gusto mo balikan natin nag bigwasan ko?” Napatingin siya rito. Parang seriouso ito sa sinasabi dahil sa reaction ng hitsura nito. “ Naku, wag na, sayang lang energy mo sa lalaking iyon” Narinig niyang tumikhim ito” Nasaktan kaba?” Napangiti siya sa tanong nito” hindi naman ako nasaktan, ang sarap pala sa pakiram ang maluko sir noh? ang..... Saya saya sa subrang saya naiiyak ako” sarcastic niya tugon rito. Napakamot sa ulo si Jolo “ para akong nakikipag usap sa mga kaibigan ko” napabuntong hininga siya. Tumayo siya ng tuwid at tinitigan si Arabella nakatingin sa kawalan “ tayo na?” Napatingin siya kay Jolo ng marinig ang sinabi nito bigla namula ang kanyang dalawang pisngi bigla siyang na tense “ tama ba ang narinig ko? tinanong niya ako kami na ba? T***na nililigawan ako ni sir, ang haba ng buhok ko” inipit niya ang buhok sa likod ng kanyang tainga “ hindi ko muna siya sasagutin noh, magpapakipot muna ako, baka isipin pa nitong easy girl ako. Magpa hard to get muna ako” “Ano, tayo na?” ulit nito ng matahimik siya “ Pag-isipan ko muna yang sinasabi mo” nakangiti niyang tugon rito, kinikilig sa kaibuturan ng puso. “ Hoy, Arabella Castro ang sabi ko tayo na, bumaba kana riyan at bumalik na tayo sa coffee shop. Bigla siyang napatalon sa kanyang kina-uupuan. “ Oo nga sabi ko nga, tayo na. Kanina pa nag aantay si mam Santi sa pinabili niya sa akin” mabilis siyang umikot sa kotse. Napa-upo siya sa gilid ng kotse bago binuksan ang pinto. “ Lamunin muna ako please, itago mo ako” aniya nakatingin sa lupa. “ Bumukas ka lunukin mo ako ng buong buo, bwisit ka hiyang hiya na ako” nakatingin parin sa lupa. “ What’s wrong miss Castro?” Napaigtad siya sa pagka bigla saka nilingon ito nakatayo sa kanyang likuran. “ Masakit lang tiyan ko sir, magkaka LBM ata ako” Agad siyang tumayo at binuksan ang pintuan sa back seat. “ Dito kana umupo sa tabi ko, baka isipin ng makakita driver mo ako” “ Dito nalang ako sir, comportable napo ako rito. Baka isipin din ng mga makakita satin, mag syuta tayo” Napangiti ito sa kanyang sinasabi” Ikaw bahala. Sigurado ka riyan Arabella ha?” “ Bakit ba ang sarap pakinggan, tinatawag niya ako sa first name ko” “ Ayos ka lang ba? bakit hindi ka mapakali? untag nito sa kanya “ W-wala po sir, masakit lang talaga ang tiyan ko. Pwedi po ba sir wag niyo muna ako kasupin baka lang kasi bigla kumiwala eh” ayaw niya muna makipag usap hindi pa siya nakabawi mula sa pagkahiya sa sarili. “ ito kasi si sir, kung maka tayo na, hindi kinaklaro. Sana sinabi niya” Tayo na, uwi na tayo. Hindi yong. Ano, tayo na? Umasa tuloy ako” Mabilis na bumaba si Jolo sa kotse at nag mamadaling pumasok sa loob ng coffee shop. “ Arabel, bakit ang tagal mo?” puna sa kanya ni Santi nang makapasok siya sa loob “ Ka——“ “ Sinama ko muna siya” salo sa kanya ni Jolo “ Ano ang nangyari sayo? bakit ang tagal mong bumalik?” anang kasamahan niya ng makalapit siya sa counter Napahalgapak siya ng tawa ng maalala ang eksina kanina. “ Hoy, nababaliw kana ba?” “ Hahahhahaha” malutong na tawa ang pinapakawalan niya, hindi niya mapigil ang sarili, saka hinahampa niya ito sa balikat” ang sabi tayo na, yon pala uwi na kami” “ Arabella” sambit ni Jolo tumayo sa kanyang tabi. “ Hahahaha” malulutong parin ang kanyang tawa hinampas si Jolo sa balikat. “ Nasisiraan na ata ng bait tong si Arabella” anang Santi “ Hoy, miss Castro!” Saka pa siya natigil sa tawa “ Ngayon ibitin mo yang naka buka mong bibig sa ere, bruha ka. Tignan ko lang diyan manigas ang panga mong naka buka, sa kakatawa” anang Santi sa kanya. bigla siyang natigil ng mahimasmasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD