Title; Maybe this time ( Part 12)
“ Balik napo ako sa trabaho sir” agad kinuha ni Arabella ang basahan kunwari nag pupunas ng mesa. Gusto niya makawala sa harap ng amo nakatingin sa kanya.Para siyang matutunaw sa hiya.
“Ano ba ang nangyayari sa lukarit na yan” anang Santi sumunod kay Jolo pumasok sa loob ng office
“ Bayaan mo nanga yan. Anong oras ba tayo pupunta kina matt?” pag iba niya sa paksa nila.
“ Gusto mo ngayon na tayo pupunta” tugon nitong umupo sa kanyang tabi.
Mula sa monitor ng cctv nasa harap ng kanilang inu-upuan ay natanaw nila si Arabella naka tunganga kaharap ng kaha.
“ Tignan mo ang lukaret na yan, kanina lang tawang tawa”
Tinignan niya ito sa monitor. Alam niya kung bakit ito malungkot” tao nga naman, kahit gaano kasaya at kapalangiti pero sa likod nang kanilang masasayahing mukha ay may tinatago mga hinagpis” binaling niya ang mga tingin sa kanyang celphone.
“ Kaya nga, ayon sa kasabihan, you dont know what happend to them behind the close door” dagdag nito sa sinabi niya.
Sinulyapan niya uli si Arabella sa monitor, napansin niyang nagpahid ito ng mukha, sa tantiya niya siguro na iyak ito baka naalala ang ginawa ng bf at pinsan nito. Sa tagpong iyon ay kaharap nito ang isang kasamahan si Cathleen.
Nag-aagaw dilim at liwanag. Naunang kumain ng hapunan si Arabella, na iwan ang dalawang kasamahan nito nakatayo sa likod ng counter.
Palabas na siya ng office papunta kina Matt na una na si Santi sa kanya sasakyan. Nadaanan niya ang dalawang babae nag uusap.
“ Cathleen, ano yong sabi mo kanina ni luluko si Arabels?” narinig niyang tanong ng isang kasamahan.
“ Kasi nga———“
“ Cathleen” putol niya sasabihin sana nito.
Binalingan niya ang kasamahan. “ Don’t ask her to tell you about someone’s life. Kung may gusto kang malaman don ka mismo magtanong sa tao” Hininaan niya ang boses para hindi marinig ng costumer.
Saka tinignan si Cathleen” And you, kahit alam mo ang kwento niya still, it’s not your story to tell. Yaan mo siya ang mag sabi ng tungkol sa buhay niya. Because we dont know what the whole story, and we don’t know what she felt inside
Napayuko ang mga ito nahihiya sa kanyang sinasabi. “ Sorry po sir” halos magkasabay nitong bigkas.
Pinapasok niya si Cathleen sa loob ng office, wala siyang balak na pagalitan ito pero itatama niya lang ang pagkakamali nito. Alam niya na pag hahayaan niya ang mga itong pag usapan ang buhay ng may buhay, baka ito ang pagsisimulan ng away ng tatlong babae, baka ma apektuhan pa ang negosyo nila.
“ Cathleen, wag mo mamasamain ang sasabihin ko sayo ha?” Pasiuna niya ng tuluyan silang makapasok sa office.
“ hindi ako galit pero kailangan lang kitang papaalalahanan. Pag sinabihan ka ng tao ng secreto niya, keep it to your self, dont spread it. That’s what we called intigrity, okay?”
Tumango tango itong nakayuko.
“ Hindi kasi maganda Cathleen matapos magsabi sa iyo ng tao ng saloobin eh, pagkalat mo din”
“ Sorry po talaga sir, hindi na po mauulit”
Tinangoan niya lang ito” sige na makakalabas kana”
Mabilis niyang tinungo ang sasakyan ni Santi matapos maka usap si Cathleen
“ Bakit ang tagal mong lumabas?” bungad ni Santi sa kanya ng maka upo siya sa tabi ng driver seat.
“ May inayos pa kasi ako. Sina Sandy at Christian darating ba sila?”
“ Ewan ko, pero sinabihan kuna ang mga yon. Tatawagan ko nalang ulit pagka rating natin kina Matt”
“Kumusta naman pala ang araw mo sa bago mong negosyo?” tanong nito sa kanya naka pako ang mga tingin sa dinadaanan nila.
“ Well, okay naman. Sa awa ng dios sana makaraos” tugon niya rito
“ Ikaw naman nakahanap kana ng pwesto mo para sa itatayo mong club?” balik niyang tanong habang ini-escroll escroll ang celphon ng di sadyang makita ang number ni Margaret. Bigla siyang natahimik.
“ Nakatulog kabang luko ka? kanina pa ako salita ng salita hindi ka manlang sumasagot” untag sa kanya ni Santi sa kanyang pananahimik.
Ilang minuto lang ang lumipas ng marating nila ang bahay ni Matt.
“ Hey, kumusta kayo?” bungad nito sa kanila ng mapagbuksan sila ng gate.
“ Santi, you look great” baling nito ng makita ito sa bagong hitsura
“ Great lang? Hindi ba ako maganda?” natatawa nitong sabi
Agad sila nitong pinapasok sa loob, marami rami rin ang bisita nito, nakipag inuman sila sa iba pa nitong mga kaibigan.
“ Si Sandoval at Christian darating ba?” tanong nito sa kanila.
“ Ang sabi darating daw, tatawagan ko ulit” tugon ni Santi saka naglakad palabas ng bahay. Sumunod siya rito
Umupo siya sa tabi ni Santi habang kausap nito si Sandoval.
“ Sandoval, ano ba darating kaba oh hindi?” ani Santi
“ Mag papaalam pa ako kay Aby”
“ Galingan mo mag paalam dahil, darating si Christian”
“ Si Jolo darating ba?” tanong ni Sandy sa kabilang linya.
“ Andito nga katabi ko, di ko lang alam anong nangyari rito lukot ang mukha eh” sinulyapan niya si Jolo, totok ang mata sa celphone.
“ Ngayon mo lang ba alam yan? Matagal na kaya yan lukot ang mukha niyan” anitong natatawa
“ Gaga! Sige na mag papaalam na ako, balitaan mo lang ako, pag pumayag na si Aby” agad pinutol ni Santi ang tawag
“ Hoy, Jolo nagpunta tayo rito para makisaya, hindi makilibing, tong damuhong to sasakyan kapa ah!” Baling nito sa kanya ng matapos itong makipag usap kay Sandoval.
“ Eh, kasi yong ex ko” aniya sa malungkot na boses.
“ Sa mukhang mo yan may ex kapa? Kailan kaya yan panahon ng kupong kupong?”
“ Sira, nag karoon din kaya ako ng nobya noon”
“ Na, kamukha mo rin?” pang aasar nito
“ Mag seriouso kanga”
“ Oh sya, pagbibigyan na kita mag moment, ano naman ang problema sa ex mo?”
“ Nakita ko kasi sila sa restaurant, ang sweet nila, nag susubuan. Ginawa kuna man yan dati sinusubuan ko rin siya,Alam mo yong sinusubuan mo siya ng kanin namay ulam? tapos yong sinusubo niya sayo kanin lang”
“ Wow.... Tol hanep ang problema natin ang bigat ah, ulam lang pala problema na hindi sinusubo sa’yo kaya nag e-emote kana” anitong nag boboses lalaki. “ Kakaibang problema yan ah” pang-aasar nito.
“ Sira, hindi mo naman na intindihan eh!”
“ Ano ba——-“
“ Sandali nag text siya” mabilis niyang putol sasabihin pa sana ni Santi ng makita ang number ng ex sa screen ng celphone na hawak-hawak niya. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
“ Oh ano daw sabi?” anitong sinilip ang screen ng celphone niya.
“ Sabi niya gusto niya daw may kausap. Hindi ko muna replayan mag papakipot muna ako”
“ Hampasin kita nitong dede ko, kanina nagpa emote emot ka, ngayon pakipot kana” angil nito
Nag isip siya ano ang sasabihin rito maya-maya. Nag ta-type” Ano ang pag uusapan natin?” saka se-nend niya ito.
“ Nag kakalabuan kasi kami ng bf ko”
“ Sayang naman” ani ni Jolo
“ I think he deserved someone better”
Bigla siyang nabuhayan ng dugo sa sinabi nito” Bakit ano ba ang nangyari?” agad niya itong senend.
“ Inlove kasi ako sa iba”
Parang gusto nang magtatalon ng kanyang puso sa tuwa “ Kanino naman?”
“ Someone that I love from the past”
Lumalakas ang kabog nang kanyang dibdib sa subrang tuwa, “ Santi, she’s inlove with me” Naibulalas niyang sabay suntok sa hangin sa subrang saya.
Napatitig si Santi sa kanya” Pabasa nga sa text baka nagkamali lang siya ng type sa pangalan mo”
Hindi niya pinansin si Santi, rinig na rinig niya ang puso niyang nagtatambol sa tuwa sa sinabi nitong inlove ito sa ex. “ Malamang ako yon” muling nag type ng message.
“ Masayang masaya ako. Gusto mo puntahan kita para makapag usap tayo ng maayos?”
Ilang minuto lumipas ng mag reply ito.
“ Salamat Jolo ha, balak ko siyang sundan sa probinsya nila para sabihin ko sa kanya mahal ko parin siya. Pwedi mo ba akong ipag-drive pa punta sa kanila?” Pakiusap nito
Biglang naglaho ang kanyang tuwang nararamdaman “ Santi paano ba e block ang number nato?” nakasimangot niyang tanong rito.
“ Hulaan ko sablay kana namang damuho ka, assumero kasi, yan napala mo. Isang minutong kasiyahan” pinag cross nito ang mga paa.
“ Bakit ba lahat ng gusto ko, may ibang mahal?” napakamot siya sa ulo
“ Wagka nang magtatampo. Andito naman ako, dadamayan pa kita sa pagiging single mo. Pero sana lang damuho ka, makahanap kana ng para sayo dahil pati yata ang lovelife ko nanadadamay sa’yo sablay ka. May balat ka ata sa itlog na damuho ka. Pati lovelife ko nadamay sa kamalasan mo”
Natatawa siyang niyayakap ito” At least dalawa tayong walang love life, hindi tayo natulad kina Christian at Sandy, takosa” natatawa niyang sabi rito.