Maybe this time Episode

1210 Words
Title; Maybe this time ( Part 10) Genre; Com Ngiting ngiti si Jolo, pumasok sa kanyang maliit na opisina nasa loob ng coffee shop. Hindi niya inakalang gumamit si Arabella ng ganon. Mula sa monitor ng cctv, kitang kita niya si Arabella naka sandal sa dingding sa likod ng counter kaharap nito ang dalawang kasamahang babae. Napahagalpak siya ng tawa, nakatingin sa monitor. Sa tingin niya kumakanta si Arabella umaaksiyon action ito habang ang kanang kamay hawak-hawak ang pink na vibrator na tinapat sa bibig na animo'y micropono ang hinawakan. Maya-maya kiniskis nito sa mukha ng kasamahan na minamasahi ang mukha. Biglang tinago nito sa likuran ang hawak-hawak nito ng may lumapit na costumer. " Tigang na tigang siguro tong si Arabella" aniya sa sarili napapa iling. Napalingon siya sa kanyang celphone ng mag blink blink. Inabot niya iyon saka binasa ang mensahi mula sa kaibigan. Inanyayahan siyang makipag kita nito sa restaurant. Tumayo siya at sinilip si Arabella mula sa pintuan" Miss Castro ali kanga rito" " Naku, tinawag ako ni principal" Narinig niyang sabi ni Arabella sa kasamahan bago siya tumalikod pabalik sa loob. Kinabahan si Arabella, bakit siya pinatawag ni Jolo tinago niya ang hawak niyang mahiwagang mic at nagmamadaling pinuntahan ang amo " Sir?" " Pakisara ang pinto" " Huh, bakit? na seduce kuba si sir dahil sa mahiwagang nagkalat kanina. Mapapalaban naba ako, hindi pa ako handa, wag muna ngayon sir, lowtide ako" bulong niya sa sarili " E-lock ko ba sir?"hinawakan niya ang door knob. Nakita niya ang pag kunot ng noo nito. " Isarado mo lang para hindi makalabas ang aircon" " Taray, ng aircon mo sir may paa?" " Sala ula talaga tong babaeng to" bulong ni Jolo sa sarili. " Sila lang naman ni Aby ang magka kilala pero bakit nakuha nito ang ugali ni Sandy, ang pagiging pilosopa." " Pinatawag kita may pupuntahan ako, ikaw na muna ang bahala rito" " Sige, po sir, enjoy po kayo sa pupuntahan niyo" " Just incase you don't know, I saw you behind the counter" nginitian niya ito nang nakakaloko. Napaisip si Arabella kung ano ang ibig sabihin ng amo. " Come" utos nito ng mapansin ang pangunot ng kanyang noo. Lumapit siya sa desk nito first time niyang pumasok sa loob ng maliit nitong office nagulat siya ng makita ang dalawang kasamahang nakatayo sa may counter. Ibig sabihin nakita siya nito sa kanyang ginagawa kanina. " Ah, katuwaan lang po yon sir, gusto mo po yon po ang gamitin kung panghalo sa kape niyo?" aniya natatawa "Tigilan mo nga ako miss Castro" " Sige po sir, wala napo ba kayong ipagbilin?" umiling iling ito. " Sige po sir, labas napo ako" " Parang maluluka ako kay Arabella" bulalas niya ng maiwan siya nito. Pinagpatuloy niya ang pagligpit na kalat nasa ibabaw ng desk. "Ano na ang nangyari sa kaibigan ko tumatawang mag-isa putol sa kanya ni Santi ng bigla nitong buksan ang pinto Agad niya itong pinalapit sa mesa. Tawang tawa ito sa pinapakita niya." Mahiram ko nga yong isa kay Arabella" anitong natatawa parin sa nakitang kalukuhan ni Arabella. " Santi pahiram muna ako sasakyan mo, hindi naman ako magtatagal" tumayo siya at kinuha ang susi nasa kamay ni Santi. " Siyanga pala dumating pala si Matt, ininbitahan tayo magpunta sa kanila mamayang gabi may kunting salo salo raw" Huminto siya saglit ng matapat siya sa pinto" Sige, sabay nalang tayo magpunta don mamaya " binuksan niya ang pinto at muling sinara ng makalabas siya. Nadaanan niya si Arabella nagpunas ng mesa. Bigla siyang napatawa ng makita ito " Sir, baka mapag kamalan na kayo niyan" Hindi na niya ito pinansin nag tuloy siyang lumabas ng coffe shop at tinungo ang nakaparadang sasakyan ni Santi. Papasok na siya sa sinabing resturant ng kanyang dating kaibigan ng matanaw niya si Margaret may kasubuang lalaki. Kumirot bigla ang kanyang puso, ganon na ganon sila dati malambing sa isat isa, nag susubuan sa tuwing kumakain sila. " Ang tagal na noon bakit nasasaktan pa ako?" Napatingin sa kanyang direction si Margaret lilingon sana siya sa kabilang side ng tawagin siya nito winawagayway nito ang kamay. Wala siyang nagawa kundi ang lapitan ito " Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Margaret ng makalapit siya " May kikitain lang ako" Pinakilala siya sa kasama nitong nobyo, kinamayan niya ito at agad nagpaalam sa dalawang magka sintahan. " Arabella hali ka nga" anang Santi ng makita siya nitong naka upo. " Arabel, gusto mo may extra income ngayon araw?" " Bakit, ano ang gagawin ko?" curious niyang tanong " May papabili sana akong regalo sayo sa mall, babayaran kita" " Naku, baka magalit si sir Jolo sa akin" Lumingon ito sa paligid iilan lang ang costumer. " Ipag-paalam nalang kita sa amo mo" kinuha nito ang celphone na nilapag nito sa mesa saka dinael ang number ng amo. Agad nitong sinagot ang tawag ni Santi. Pumayag naman ito, basta bayaran ni Santi ang extra service niya. Nagpunta siya sa loob ng mall, para ibili ang inutos ni Santi. Matapos mabalot ang regalo ay nag mamadali siyang umalis. Palabas na siya ng mall nang mapa daan siya sa fast food, umagaw sa kanyang attention ang dalawang paris mag karahap na umupo. Kaya pala biglang nagbago ang dati niyang nobyo ay may kinakalantari na pala itong iba. Ang masakit sa pinsan niya pa. Hindi niya napigil ang sarili na hindi lapitan ang dalawa. " Kailan kapa lumuwas rito?" pukaw niya sa dalawa ngunit sa pinsan niya siya nakatingin. Napa angat ang mga ito sa kanya parehong nabigla ng makita siya. Binaling niya ang tingin sa nobyo," kaya pala hindi kana nagreply at sumagot sa mga tawag ko may iba kana palang pinagka abalahan" " Arabella magpapaliwag ako" " Ano pa ipaliwanag mo nakita kuna kayo. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit bigla kang nawala, bakit hindi ka nagreply sa mga text ko kung tatawagan naman kita, hindi mo sinasagot. Sana manlang sinabi mo ayaw muna sa akin para naman may closure ako nang hindi naman ako umasa" tinalikuran niya ito Mabigat ang kanyang loob na humahakbang palabas ng mall. Hindi ma alis sa kanyang isipan. Tuwing gabi, naalala niya ang nobyo, kung ano ano na ang naisip niya kung bakit bigla itong nagbago sa kanya yon pala nabaling ang pagtingin nito sa pinsan niya. " Sana man lang sinabi niya sa akin na may mahal na siyang iba" ngat ngat niya sasarili Wala sa isipan binuksan ang puting kotse nakaparada sa tabi ng taxi. Gulat na gulat si Jolo ng biglang bumukas ang pintuan ng backseat at umupo ang babae. " Manong ihatid mo ako sa J.S.C coffee" aniya hindi nag angat ng tingin " Arabella?" Napa- angat ng tingin si Arabella, kung pwedi lang ibalik ni Arabella ang luha nasa kanyang pisngi ginawa na niya ng makita si Jolo nasa driver seat. " S-sir?" akward niyang sambit sa pangalan rito " Paano mo nalaman ako ang sakay rito?" Napaisip siya bigla, ang buong akala niya ang taxi nakaparada ang binubuksan niya. Nalilito naman si Jolo sa kanyang hitsura. Ngayon lang siya nito nakitang malungkot ang mukha. Dahil sa tuwing nakikita ito ay lagi itong naka bungisngis. " Baka inagaw nga ni Santi ang mahiwaga nitong laruan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD