Title; Maybe this time ( PART 9)
Genre; Comedy
Sa subrang excited ni Jolo, maaga siyang nagpunta sa coffee shop para maihanda ang lahat. Gusto niya perfect ang lahat. alas nueve ng umaga ang bukas nila pero sa subrang excited niya ay mas inagahan pa niya ang pagdating.
Maaga nagising si Arabella unang araw niya sa trabaho ngayon at ayaw niyang mahuli, nakakahiya kay Aby kapag pumalpak siya sa kanyang trabaho saka medyo may kalayoan ng kunti ang kanyang tinirhan mula sa coffee shop. Kaya minabuti na niyang umalis ng alas otso. Habang nasa biyahe siya ay naisip niyang maghanap ng bagong tirahan na hindi malayo sa kanyang bagong trabaho. Para hindi na siya gagastos ng pamasahe. Antayin niya makapag sahod siya para may pambayad siya sa one month advance and one month deposit dahil ito ay ang patakaran sa mga pinaupahan. Kapapa dala lang niya sa kanyang mga magulang kaya kapos pa siya ngayon.
Ilang saglit lang ang lumipas ng marating niya ang coffee shop, mula sa labas ay natanaw niya si Jolo “ aba, ang aga naman nakikipag cha-cha ni sir sa mop. Di lang guwapo masipag pa”
“ Morning sir Jols” mabilis niya nilapag ang bag niya sa mesa. “ Ako na mag papatuloy niyan sir” sabay agaw niya sa mop mula sa pagkakahawak nito
“ Magandang umaga din miss Castro, ako nalang tatapos nito paki punasan nalang ang mga mesa at ang counter”
Agad niya sinunud ang utos nito.
“ Mabuti nalang maaga ka ngayon, nakalimutan ko kasing sabihan kay Cathleen na maaga sana siyang pumunta rito” anitong pinagpagtuloy ang ginawa
“ Unang araw ng trabaho kaya dapat agahan ko rin sir, ayaw kung mapahiya kay Aby” hindi niya ito nilingon pinagpatuloy niya ang pagpunas ng mesa saka sinunod ang upuan.
Iksaktong alas nueve ng mag bukas na sila. Hindi ma alis ang mga ngiti sa labi ni Jolo habang nakatingin sa magkasunod sunod na datingan ng mga costumer.
Pumasok siya sa kanyang opisina at umupo sa swavil chair habang kaharap ang monitor ng cctv. May tatlo silang tauhan kabilang si Arabella kaya confident siyang ma entertain ng mga ito ng maayos ang mga mga costumer.
Umagaw sa kanyang attention ang isang babae pumasok. Tinitigan niya ito ng maigi sa monitor “holy cow, its Margaret!” Hiyaw niya ng makita ang dating kasintahan nakatayo sa harapan ng counter.
“ Kailan ba ang huli nating pagkikita?” pinatong niya ang mukha sa dalawang palad habang naka tukod ang mga siko sa ibabaw ng mesa nasa harapan niya.
“ It was 7 years ago, tagal na pala noon, pero walang kupas ang ganda nito” tumayo siya saka tinungo ang pintuan ng opisina at abot tainga ang ngiting tumayo kalapit sa counter.
“ Hey, hey” pasiuna niya rito
Tinitigan siya nito pagkuwan ay ngumiti ito ng ubod tamis “ Jolo? Omg! How are yah?”
“ Im good. And you, how are you? its been along time since we’ve seen each other”
Hinalikan siya nito sa pisngi” wala parin pagbabago Jolo, guwapo ka parin”
“ And so do you, still as gorgeous as ever” Inalalayan niya ito pa upo sa isang bakanteng upuan nasa dulo.
“ Do you own this place?”
Nginitian niya ito bilang pagtugon.
Sinulyapan ni Arabella ang among may kausap na maganda at sexing babae. “ Hmmm, parang anghel na bumaba sa lupa” saka muling binalik ang attention sa pagprepara sa inorder nito. Matapos niya maayos agad naman iyon kinuha ng kasamahan at hinatid sa table ng amo.
“ Miss, asan ang menu niyo?” putol ng isang binatelyo sa kanyang ginagawa kasulukuyan siyang naglagay ng tissue sa lagayan nito.
Nag-angat siya ng tingin pagkuwan ay nginitian niya ito at tinuro ang mga choices ng coffe naka sabit sa ibabaw.
“ Menudo ang oorderen ko”
Napakunot-noo siya” coffee lang meron kami”
Ngumiti ito” Biro lang”
nginitian niya na lamang ito bilang pagtugon sa joke nito sa kanya.
“ Gusto ko ng, cappuccino”
“Okay sir, paki antayin niyo nalang po sa table”
“ Ah, miss hot mocha nalang pala ang gusto ko”
“ Okay po, anything you’d like to add sir?”
“ Ah, miss cappuccino nalang pala”
Nakaramdam na siya ng inis rito parang pinagluluko siya nito” relax Arabella Castro, hindi talaga maiwasan ang magkaroon ng ganitong klaseng costumer, kaya habaan mo nalang ang pasensiya mo” kalma niya sa sarili
Mabilis niya itong tinalikuran at pinaghanda ang order bago pa ito mag bago ng isip.
“ Alam mo, sa trabaho natin halo halo ang makakasalamuha nating mga costumer” anang kasamahan niyang si Cathleen na noon ay nakatayo sa kanyang tabi.
“ Oo nga, pero habaan nalang natin ang pasensiya, kaya nga nong pumasok ako sa ganito, hinanda ko ang sarili ko. Dahil sa iba’t ibang ugali ang ma meet natin araw-araw.”
Masayang nagpapalitan ng number si Jolo at ang dating ex na si Margaret. Pagkatapos ay bumalik sa loob na hindi parin maalis ang mga ngiti sa labi.
Pasado alas 11: nang dumating si Christian at Sandoval para silipin sila.
“ Wow naman, daming costumer” nakangiting bulalas ni Sandoval
“ Nasaan pala si Arabella?” agad natanong ni Christian ng hindi ito makita.
“ Pinakain ko muna. Binigyan ko pala sila ng allowance para sa kanilang ulam” pagbigay alam niya sa dalawa.
“ Ayos lang yon tol, bawas nalang natin sa kita” pag sang-ayon ni Christian.
Hindi na rin nagtagal ang dalawa babalik pa ito sa opisina.
Nagpapa-alam saglit si Arabella sa kasamahan may kukunin lang ito sa labas ng coffee shop. May pinasuyo ang kaibigan nito na dating kasamahan dahil sa hindi naman masyado marami ang costumer ng oras nayon ay nag skip muna siya saglit mga ilang hakbang lang naman mula sa labas ng coffee shop.
“ Ano po ba ito?” tanong niya sa kanyang kinatagpo bitbit nito ang maliit na paper bag.
“ Hindi ba sinasabi saiyo ng kaibigan mo?” balik nitong tanong
Umiling iling siya” debali nalang” agad iyon kinuha at ingat na ingat siyang binitbit iyon dahil hindi gaano ka tibay ang pinaglagyan nito. Nag mamadali siyang bumalik sa coffee shop
“ Miss Castro, saan ka galing?”
Agad niya nilapag ang bitbit niya sa ibabaw ng counter malapit sa kaha ng makita si Jolo
Sa taranta niya ng makita ito ay hindi niya nalapag ng maayos ang bitbit niya.
Nagulantang sila ng mahulog ang paper bag. Tumilapon ang laman nitong vibrator
“ Kanino yan?” patay mali na tanong ni Jolo, hindi alam kung ano ang magiging reaction sa nakita “ Gumamit si Arabella niyan?” gusto niyang ibigkas ngunit ayaw niya itong mapahiya.
Saglit natigilan si Arabella ng makita ang tatlong vibrator na ibat iba ang laki
“ Chill lang kayo guys, rolling pin lang to, pwedi din itong pang derma sa mukha” isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na vibrator.
“ Langya yong babaeng iyon, kaya pala ayaw sabihin ano to, may pa secret-secret pang nalalaman” ngatngat niya sa kaibigan.