Maybe this time Episode 13

1626 Words
Title; Maybe this time ( Part 13) Genre; Comedy “ Jolo, Santi bakit nandiyan kayo sa labas? hali kayo sa loob” tawag sa kanila ni Matt ng makita silang magkatabi nang upo. “ Hintayin namin si Christian rito ang sabi niya paparating na daw siya” tugon niya rito. “ Dito niyo na hintayin sa loob” giit nito Magkasunod sila ni Santi pumasok. Ilang saglit ang kanilang hinintay ay dumating si Christian. “ Buti pinayagan ka ni Aryana” agad niyang tanong ng makapasok ito “ Tumakas lang ako” tugon nitong nakangiti “ Si Sandy darating ba?” tanong nito ng hindi makita si Sandoval “ Mag-papaalam pa raw sa kanyang nanay Aby” sabad ni Santi “Christian, buti nakarating ka” Sabad ni Matt ng makabalik ito mula sa kusina. “ Salamat pare sa pag-inbita. Bakit ka nga pala napa-uwi?” tanong ni Christian. “ Napagud ako sa Japan pare, alam mo bang wala silang umaga at gabi roon?” anitong seriouso ang mukha napatitig sila rito” Talaga, paano nangyari yan?” “ Wala silang umaga at gabi, puro sila hapon” binunutan nito ng tawa. “ Jolo mag sindi ka nga ng kandila may joke namamatay” ani ni Santi Natigilan sila nang tumunog ang doorbell. Sumilip sila sa bintana para tignan kung sino ang dumating. Natuwa sila ng makita si Sandoval nang mapag buksan ng katulong ng gate. “ Ayan na pala si Sandy” ani ni Santi “ Buti, pinayagan ka ni Aby” tanong niya ng tulayan makapasok sa loob si Sandoval. “Nong una ayaw, pero kinukulit ko” tugon nito “Ano ang sabi?” tanong ni Santi “ Sabi niya, okay fine” tugon nito. “ Naku Sandy, umuwi kanalang kaya” Sabad ni Alvin Napakunot noo si Sandoval “ Bakit naman?” “ Pag yang mga babae mag sabi ng “ Okay fine” kabahan kana. Dahil ang totoo hindi sila okay” sabad ni Christian “ Naku Sandy, kulambo is waving at you” tukso ni Santi “ Uuwi nalang ba ako? Baka pwedi pa marisulbahan ito minuto palang naman nakalipas eh” anitong kinakabahan “ Andito kana manlang. Mag enjoy nalang tayo. De bali nang makulambo ka, importante naka gala ka” Sabad ni Matt sa kanilang usapan. “ Tandaan ang motto natin mag kaibigan” anang Christian. “ Enjoy now deads later!” halos magka sabay nilang bigkas na sinundan nila ng tawa. Binuksan ni Matt ang kahon pinaglagyan ng beer. “ Wala na pala tayong beer, uutusan ko lang katulong namin” anitong tumayo para tawagin ang katulong. “ Kami nalang ni Santi, may bibilhin din kasi ako sa labas” Alok niya rito saka hinila si Santi patayo. Tahimik na sa labas ng bahay ni Matt, mga tatlong minuto ang layo mula sa bahay nito papunta sa tindahan. Habang naglalakad sila papunta sa tindahan natanaw niya ang babaeng naka sandal sa kotse, mula sa liwanag ng ilaw ay tumambad sa kanya ang sexy katawan at halos mag sisitalonan ang dibdib nito sa sout nitong dress na v-shape ang style. Inakbayan niya si “ Santi, ang sexy naman niya” “ Sexy ka riyan, mas sexy ako no” Palapit siya ng palapit rito, nag dalawang isip pa siyang lapitan ito ng matapat siya nito. “ Uy, baka mabali yang leeg mo” saway ni Santi sa kanya Humakbang siya palapit rito para magpakilala. Nabigla siya ng itulak ni Santi ang ulo niya “ Laplapin mo yang susu niyang loko ka” napasubsub siya sa harapan nito. Mabilis siyang niyakap ng babae “ akin nayang celphone mo?” itinutok nito ang kutsilyo sa leeg niya. Agad lumabas ang kasamahan nitong lalaki nakakubli sa gilid ng kotse, nahalatang kanina pa nakatambay ang mga ito nag aantay ng mabibiktima. Naisipan niyang sikohin ang babae. “ Papang ibigay muna” utos ni Santi na takot na takot. “ Pati yang sayo” baling nito kay Santi “ Wag kana manlaban Jolo ha, ibigay muna lang hiningi niya” ani ni Santi na para bang nabasa nito ang iniisip niya. Nakita niya ang takot sa mukha ni Santi, kaya wala siyang nagawa kundi i-abot ang celphone rito. Napapikit siya ng kapkapin nito ang bulsa niya. Naisipan na niyang manlaban dahil ayaw niyang ibigay rito ang wallet niya, ngunit tila wala itong nakuha sa likuran ng bulsa ng maong na sout niya . Ang alam niya nilagay niya roon ang wallet niya bago siya lumabas ng opisina. nakahinga siya ng maluwag ng wala ito makuha mula sa kanyang bulsa. “ Pag nagtext yong ex ko pakireplayan muna lang pakisabi. Hindi ko siya masamahan sa pupuntahan niya” aniya rito ng bitawan siya nito matapos kapkapan. Nakuha ng mga ito ang celphone nilang dalawa ni Santi at ang kanyang relo. “ Santi, ang wallet ko wala sa bulsa ko, baka nahulog sasakyan mo” aniya ng maglakad sila pabalik sa bahay ni Matt. Putlang putla silang dalawa ni Santi bumalik sa bahay ng kaibigan. “ Ano ang nangyayari sa inyo?” agad na tanong ni Christian ng makapasok sila sa gate. Nasa labas ang mga ito ng bahay nag-aantay sa kanila. “ Na holdap kami papang” ani Santi na hindi parin maalis ang subrang kaba sa dibdib. “ Magpasalamat nalang tayo Santi hindi tayo nasaktan. Yong cel——“ napatigil siya sa pagsasalita ng makita babae, nakalugay ang mahaba nitong buhok naka sout ng longsleeve naka tuck-in sa puting jeans. Nagtama ang kanilang paningin nginitian siya nito na hindi parin ito natinag sa kinatatayuan. “ Santi, wag muna isipin ang celphone, makikita payon, ang mahalaga ay buhay tayo at hindi tayo nasaktan” aniyang hindi inalis ang mata sa babae nakatayo parin sa may pinto. “ Tol, aakyat ako ng ligaw, nakita kuna ang the one ko” aniya “ Gagong to, na holdap kana ng babae, hoy! uulit kapa ha?” ani Santi sinapok siya sa ulo. “ Ano ba, ibang babae nato matino to. Pareng Matt ilakad mo ako” baling niya rito Natawa ito sa kanya” luko may nobyo na yan nasa abroad at sasusunod na buwan ang dating” anito sa kanya “ Ayos lang yan, dipa sila kasal” tugon niya rito “ Hay, ewan ko sayo Jolo!” inis na sabi ni Santi “ Santi, ganito lang yan ang situation ha, magpagulong gulong tayo sa nangyari, mag sumbong pa tayo sa pulis, hindi na natin mababalik ang nawala sa’tin. Hanggang sa pa blotter lang tayo” “ Magsaya kana ngalang dahil buhay kapa. Yon, ang ipagdiwang mo ang pangalawa buhay mo dahil hindi nila tayo sinasaktan.” aniya ritong inakbayan ito saka hinalikan sa pisngi “ Yan na, may bunos kana sakin, sa pasko dublehin mo regalo ko” anitong tumatawa. “Yaan niyo bukas lapitan ko ang kapit bahay namin baka may nakalagay na cctv sa labas ng bahay nila baka nahagip ang nangyari sa inyo roon” sabad ni Matt Napanatag sila sa sinabi nito. Lumapit ang babae sa kanila, agad naman pinakilala sa kanila ni Matt. “ Hoy, Jolo bitawan mo nga ang kamay niya” saway sa kanya ni Santi ng hindi niya bitawan ito. “Maupo nangalang tayo rito” ani Matt sa kanila “ Diba Jolo, magaling ka mag guitara?” “ Abay, oo naman magaling nga akong kumanta” pa bibo niyang sagot dahil kaharap ang babae. Agad kinuha ni Matt ang guitara at inabot nito iyon sa kanya. “ Ikaw mauna, tol” aniya kay Christian Tumikhim muna si Christian na medyo maypagka lasing na. “ Kung ako’y mag aasawa ang pipiliin ko... Anak ng Jeepney driver Kambiyo ko siya, kambiyo niya ko kambiyuhan kami hanggang hating gabi. “ Ikaw naman Sandy” pasa nito “ Kung ako’y mag aasawa ang pipiliin ko... Anak ng isang bombero Bomba ko siya bomba niya ko bombahan kaming dalawa “ Akin nato” aniya Kung ako’y mag aasawa ang pipiliin ko.... Anak ng isang Carpentero Pokpok ko siya pokpok niya ko pokpokan kami——“ “ Sandali” putol ni Christian ng mag ring ang celphone nito at makita ang number ni Aryana. “ Wag kayong maingay ha?” pakiusap nito Tahimik silang nakikinig. “ Helo babe?” Ani Christian ng sagutin ang tawag ng asawa “ Nasaan ka? anito sa kabilang linya “ Nasa coffee shop. Lam mo naman wala akong oras sa araw dahil nasa office ako” pagsinunggaling nito. “ Ganon ba? Diba may Blender riyan? sige nga paandarin mo” anito sa kabilang linya Tulero siyang sumenyas sa mga kaibigan. “ Tol, nasaan ang blender rito?” balisa nitong tanong. Agad na intindihan ni Matt ang tanong niya, hinila siya nitong papasok sa loob ng bahay nito at dumeretso sa kusina sa subrang pagmamadali nila hindi pa maipasok pasok ang wire ng blender. “ Ayos na bayan babe?” agad niyang tanong nang mapa-andar ang blender. “ Oh, sige na, umuwi kana pagka galing mo riyan” anito sa kabilang linya. “ Matt, Christian, anong ginagawa niyo riyan sa kusina? Tagay pa tayo” untag sa kanila ng isang bisita. “ Ikaw Christian ha, nag sisinunggaling kana sakin. Pwes, diyan ka matulog sa coffee shop mo” sabay putol nito sa linya. “ Sabi kuna nga ba, mag aasawa ako ng anak ng carpentero para pokpokan kaming dalaw” natatawa niyang sabi sa mga kaibigan. “ Ikaw Sandy saan ka ngayon papatulogin ni Aby?” tanong ni Santi ng makita ang orasan alas 10 na nang gabi. “ Ayos payon, bata pa ang oras nagpapaalam naman ako. Si Christian ang kawawa” natatawa nitong sabi “Kaya stay single muna tayo Santi ha?” inakbayan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD