Title: Maybe this time ( Part 20)
Humawak siya sa bisig ni Jolo inakay siya nito palabas.
" Santi, salamat ulit rito ha?" kumalas siya sa pagkaka hawak kay Jolo at niyakap si Santi.
" Basta, yong bilin ko sayo wag mo kalimutan" ulit ni Santi sa kanya.
Tumango siya rito.
Sumunod si Santi sa kanila palabas.
" Jolo,gamitin mo ang kotse ko, ayaw ko masira ang pinag hirapan ko kay Arabella" agad na putol ni Santi sa ginawa ni Jolo ng akma nitong ipasout ang helmet sa kanya.
" Thank you talaga Santi" ani Jolo kinuha ang susi mula kay Santi.
" Ingatan mo ang alaga ko Jolo" ani Santi
Inalayan siya nitong makaupo. Nahagip nito ang pabango binigay sa kanya.
" That perfume suits you very well"
Napangiti siya sa sinabi nito. Saka umikot sa kotse at umupo sa driver seat.
Nakayuko siya inayos ang seat belt. Napansin ni Jolo na parang nahihirapan siya. Nilapit nito ang katawan para tulungan siya ayusin ang seatbelt. Napaangat siya ng tingin rito ngunit huli na nang mapansin niya kung gaano kalapit ang mukha nito. Hindi siya makagalaw ito man ay natigil sa ginawa at titig na titig sa isat isa. Amoy na maoy nila ang hininga sa isat isa sa subrang lapit ng kanilang mukha.
" Tayo, na baka mahuli pa tayo"umayos siya ng upo. Ito man ay umayos din ng mahimasmasan.
" Salamat Arabella sa pagsama sa akin, ngayong gabi" anitong pina-andar ang makina ng sasakyan.
" Walang ano man, masaya akong nakatulong" nginitian niya ito
"Nagulat talaga ako, sa new looks mo." anitong nakatingin sa daan habang nag mamaneho.
" Ako nga rin eh, parang hindi parin ako maka paniwala na nabago ni Santi ang hitsura ko ngayon"
" Well, yan naman trabaho ni Santi, ganyan din si Sandy rati, bago ito binago ni Aby. Alam mo bang si Sandoval ang pumili ng wedding gown ni Aryana nong kinasal sila?"
Napangiti siya sa sinabi nito, kaya pala napaka feminine ni Sandoval gaya din pala ito ni Santi. " Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig noh? napapabago ang tao?"
" Parang ako, binago ako dahil sa pagmamahal ko sayo, ito ako nagpapagamit" sa kaloob looban niya.
" Here we are!" untag nito ng marating ang bahay ni Margaret
Humawak siya sa bisig nito habang nag lalakad papasok sa loob.
" Desidido ka parin bang tumuloy sa loob?" pinagala niya ang mga mata sa paligid. Ang daming bisita.
" Oo naman para makita ko si Margaret"
May biglat kumirot sa bahagi ng puso niya sa sagot nito sa kanya.
" Mahal mo talaga siya noh? Kahit alam mong may boyfriend na siya"
" Well, wala parin naman kasiguraduhan kung sila ang para sa isat isa" Tugon nito sa kanya.
"Malay mo kami ang tinadhana" natatawa nitong sabi.
" Paano kung magkahiwalay ka nga sila. Paano tayo? I mean paano mo sasabihin ang tungkol sa'tin?"
Nagkibit balikat ito" Saka nalang natin yan isipin. Madali naman yan solutionan"
Hindi na siya umimik pa.
" Kinabahan kaba?" untag nito sa kanyang pananahimik.
Tumango tango siya bilang pag tugon ngayon lang siya naka dalo nang ganitong klasing okasiyon.
" Hey, mr De vera?" tawag ng isang bisita kay Jolo
" What a surprise to see you here mr, Madrigal" Tugon ni Jolo
Bumitiw siya mula sa pag kakahawak rito.
Inakbayan ito ng lalaki at giniya papunta sa table nito.
Ayaw niyang sumunod baka mag mukha siyang tanga.
Nagpa lakad lakad siya," Hirap naman na wala tayong kakilala nag mukha akong tanga" sinulyapan niya si Jolo busy parin ito sa pakikipag usap sa kakilala nito.
Naisipan niyang mag punta ng toilet at don nalang muna siya magpa lipas ng oras.
Tinanong niya ang naka uniforme lalaki kung saan amg toilet.
Tinuro nito ang directio. Mas mabuti pang mag kulong nalang muna don kaysa mag mukhang tanga pagala gala.
" Sana hindi ako pumayag na sumama rito"sisi niya sa sarili sumandal sa pader ng c.r.
Napaigtad siya sa bigla ng may kumatok sa pintuan ng c.r napipilitan siyang lumabas.
Naisipan niyang balikan si Jolo baka, hinanap na siya nito.
Nakita niya si Jolo masayang nakipag kwentuhan kay Margaret. Kumirot ang puso niya sa nakita bumulong bulong si Jolo rito.
" Alam ko naman na mahal niya ito, bakit paba ako nasasaktan" maktol niya sa sarili. Naisipan niyang lumabas at umuwi nalang kaysa naman mag mukha siyang tanga na iniwan siya ng kanyang pekeng boyfriend.
" Arabella!" Tawag sa kanya ni Jolo ng tumalikod siya.
" Uwi na ako" aniya ng malapitan siya nito.
" Arabel, I'm glad that you came' agad siyang beniso beso ni Margaret.
Napilitan siyang ngumiti rito" Happy birthday Margaret"
Agad siyang niyakap ni Jolo. Saharapan ni Margaret. " Kahit alam kung ito ay pagpapangap lang pero sana hindi na matapos ang gabing ito" na-ihiling niya.
" Umupo na tayo babe" aya nito sa kanya saka hinawakan nito ang baywang niya
Parang musica sa kanyang pandinig ng tawagin siya nitong " Babe" nagpatianod siya rito
Inalalayan siya nitong maka-upo. Umupo ito sa tabi niyang hawak hawak nito ang kanyang kamay. Na ang mga mata nakatingin kay Margaret.
Nakatingin naman sa kanila si Margaret hinilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Jolo.
Parang gusto na niyang bumigay at sabihin rito nahulog na siya rito.
" Bakit ba hindi nalang natin totohanin ang lahat ng ito?" sa isip niya habang nakatingin sa kawalan.
" Arabella" pukaw sa kanya ni Jolo ng dinala siya nang kanyang imahinasyon mundong siya lang ang nakaka-alam.
" B-bakit?" taka niyang tanong
" Tawag ka ni Margaret"
" Arabella" ulit ni Margaret ng hindi niya ito narinig.
" Ladies and gentlemen, may mahalagang bisita ako na gustong gusto ko ang boses niya. Arabella please wag mo akong tanggihan" baling nito sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon. " Sira bang ulo ng babaeng ito. Bakit niya sinabi na gusto niya ang boses ko hindi niya naman ako narinig na kumanta." maktol ng kalooban niya.
Lumapit ito sa kanya at hinila siya nito pa punta sa gitna.
Sinulyapan niya si Jolo pumapalakpak itong nakatingin sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang mic na inabot sa kanya ni Maragaret. Pakiramdam niya gusto siya ipahiya nito. Papakita niya rito na nagkakamali ito.
Ni request niya ang falling inlove by Six part invention.
Pumapalakpak ang mga taong nasa paligid ng magsimula ang tugtug. Pero kay Jolo niya pinako ang kanyang mga paningin na noon ay nakatingin din sa kanya.
" in my heart I feel
that this is something real
I don't wanna let this moment go
Why, oh why do I feel this way
Why, oh why will I hide this way
When Im with you I feel so Alive
I can't help it I'm falling
Inlove with you.
Inalayo niya ang mic sa kanyang bibig. Napahikbi siya sa kakatuhanan na mahal na niya ito pero panakip butas lang siya.
Inabot niya ang mic kay Margaret at naglakad papunta ng toilet para doon ibuhos ang nararamdaman niya.
Hindi pa siya tuluyan nakalayo ng tawagin siya nito
" Arabella"
huminto siya sa paglalakad, hindi niya ito nilingon. Hinayaan niyang pumapatak ang kanyang mga luha.
Napansin ni Jolo ang pag yugyug ng kanyang dalawang balikat.
" Okay kalang ba?"
Hindi siya sumagot bagkus naglakad siya palabas ng bahay ayaw niyang bumigay sa harapan nito. Hindi na niya kaya ang sakit sa kanyang dibdib. Tanggap na niya na hanggang don nalang siya panakip butas.
"Arabella" Hinila nito ang kanyang kamay napa sub-sub siya sa dibdib nito.
Hindi na niya napigil ang kanyang nararamdaman tuluyan na siyang nadala sa labis na sakit na dulot ng pagmamahal niya rito.
" Mahal na kita, pero hanggang panakip butas lang ako sayo. Jolo, basag na basag na ako
Hindi kuna kaya itatago ang nararamdaman ko." Napahagolhol na siya sa subrang sakit hirap na hirap na ang kalooban niya.
" Ang tanga tanga kung pumayag sa gusto mo kahit durog na durog na ang puso ko"
Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya.
Hinayaan na niya ang kanyang sarili bumigay. Hindi na niya kaya ang mag panggap pa.