Title; Maybe this time ( Part 21)
Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ni Arabella. sa bawat yugyug ng balikat at hagulhol nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. May kung sa ano siyang naramdaman na hindi niya ma-pangalanan. Parang pinagkukurot ang puso niya sa bawat hikbi ng dalaga.
" Tahan na" bulong niya sa tainga rito habang yakap-yakap niya.
rinig na rinig parin niya ang bahagya pag hikbi nito.
Mula sa kanilang kinatayuan ay narinig nila ang pag tatapos ng tugtug sa kinanta ni Arabella kanina " Falling inlove with you"
Hindi niya binitawan si Arabella mula sa pagkakayakap naka subsub parin ang mukha nito sa kanyang dibdib. Dahan dahan niya itong ginalaw
sinasayaw niya ito. Naramdaman niya ang bahagya paggalaw nito.
Dahan dahan niya inangat ang mukha nito hawak ng kanyang dalawang kamay. Nag tama ang kanilang mga paningin.
Mula sa mga liwanag sa mga mumunting ilaw naka adorno sa paligid. Nakita niya ang pag daloy ng luha ni Arabella sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nakatingin sa kanya. May sa kung anong nagtulak sa kanya para halikan ang namamasang mga mata nito.
Bahagyang napa-awang ang mga labi niya sa ginawa ni Jolo. Tinitigan siya nito nakipag titigan siya rito. Bumaba ang mga labi nito sa naka-awang niyang mga labi. Natagpuan niya ang sarili gumanti sa halik nito. Pansamantala niyang nakalimutan ang sakit na naramdaman niya. Ninamnam niya ang matatamis nitong halik sa kanya.
Pareho silang natigilan ng biglang pumutok ang fire works. Inakbayan siya nito sabay nilang pinanuod ang fireworks.
" Sana, darating ang araw mahalin mo rin ako, katulad ng pagmamahal ko sa'yo" naihiling niya habang nakatingala sa fireworks.
Inaya siya nitong umuwi. Ayaw pa niya sana matapos ang gabing ito kahit ito ay pagpapanggap man lamang.
Inakay siya nito papunta sasakyan. Pareho silang walang imik habang inalalayan siya nito maka upo sa passenger seat.
Hindi niya alam ano ang sasabihin niya kay Arabella habang naglalakbay sila. Sinulyapan niya ito nakatingin sa labas ng bintana.
" Arabel-----"
Natigil siya ng makita ang sasakyan ng ama nakaparada sa madilim dilim na bahagi ng daan. Hininto niya ang sasakyan.
" Bakit?" takang tanong ni Arabella
" Sasakyan kasi yan ni dad, ano kaya ang ginagawa niya rito sa oras ng gabing ito, saka bakit nandito siya sa madilim ng bahagi ng daan?" taka niyang tanong.
Kinakabahan si Arabella, saka pa niya na alala nakita nila ang ama nito sa mall.
" Dito ka muna Arabel ha, lapitan ko lang si dad, baka napaano siya" alalang sabi niya saka bumaba ng sasakyan.
Palapit na siya ng marinig niya ang boses ng ama nakipag talo sa babae. dahan dahan niyang nilapit ang tainga sa kalapit na bukas ng bintana ng sasakyan nito.
" Hindi ko pwedi iwanan ang asawa ko!" narinig niyang sigaw ng kanyang ama.
" I love her" dagdag nito
" Paano ako? Hanggang kabit nalang ba ako, itong pinag-bubuntis ko paano ito? Lalaki nalang ba itong bastarda?" Namulagat siya ng marinig ang boses ni Melissa.
" Hindi ko naman yan, pababayaan. Mag bibigay naman ako ng sustento"tugon ng ama niya rito.
"Hindi naman yan ang gusto ko, ang gusto ko naman may amang magisnan tong anak mo pag labas niya sa sinapupunan ko. Bakit kasi hindi mo ma control ang anak mo pakasalan ako" anang Melissa.
Hindi na niya na tiis ang sarili. Lumabas sa kanyang pinagkublian.
" Kaya pala dad, gusto mo akong ipakasal sa kanya, para tabunan yang kataksilan mo kay mom"
Nagulat ang mga ito ng makita siyang nakatayo sa tabi ng bintana.
" Jolo, what are you doing here?" gulat na tanong ng ama.
" Mahalaga paba yan kung ano ang ginagawa ko rito? Paano mo ito nagawa kay mommy?" Galit niyang sabi rito.
" Ikaw, wala nabang natitirang kahihiyan sa katawan mo? Ganon kana ba ka despirada patulan ang daddy ko na kahit alam mong may-asawa na ha? at nagpabuntis kapa talaga sa kanya at pinaako mo pa sa akin" Galit niyang baling kay Melissa. Kung hindi lang ito babae baka nasapak na niya ito.
" Jolo, that's enough!" sigaw ng kanyang ama
" Anong klase kang ama dad? simula palang alam mo pala ikaw ang ama ng dinadala niya pero gusto mong ipaako sa akin, para linisin ko ang baho mo?" galit niyang sabi rito.
Bumaba ito ng sasakyan.
" Kaya, pala galit na galit ka sa akin, at tinatakwil mo ako dahil lang sa hindi ko masunod ang gusto mo, na magiging ama sa anak mo sa ibang babae. Manloloko!" tila nakakalimutan niyang ama niya ang kausap niya.
" Pagkatapos kitang palakihin, ganyan muna akong sagot sagotin. Walang utang na loob!" sinapak siya nito sa subrang galit.
Nahawakan niya ang mukhang na tamaan ng suntok.Tumingin siya rito sa mukha." Ang laki ng respito ko sayo, hinahangaan kita pero wala ka palang kwentang ama!"
Muli siya nitong sinapak na nagpasadsad sa kanya sa sahig. Agad siyang dinaluhan ni Arabella.
" Tama na po" awat ni Arabella hinarang ang katawan kay Jolo ng akma itong hilahin ng ama.
" Sino kang babae kang nakiki-alam rito?" galit na baling nito sa kanya
" Umalis ka riyan kung ayaw mong masaktan" akma siyang hilahin nito.
Mabilis nakatayo si Jolo " Wag kang mang damay ng ibang tao. Isa lang ang masasabi ko sayo dad, pag may mangyari kay mommy, patawarin ako ng Dios pagsisihan ko ikaw ang nagiging ama ko" galit siyang tinalikuran ito hinila si Arabella pabalik sa kotse.
Awang awa siyang nakatingin kay Jolo na seriouso ang mukha nag mamaneho.
" Ihatid na kita sa inyo" anitong hindi tumingin sa kanya.
Nag-alala siya para rito, alam niyang hindi madali para rito ang nasaksihan na may babae ang ama.
" Samanahan na muna kita, hindi pa naman ako inaantok" aniya tumingin rito
" Kailangan natin magamot yang sugat ng nasa mukha mo" alala niyang sabi ng makita ang dugo sa mukha nito.
" Natamaan ng sing-sing ni dad" anitong pinahid ang dugo mula sa pisngi.
Dumeretso sila sa pad nito para magamot ang dumudugo nitong mukha. Naka upo ito sa sofa nasa mukha parin nito ang galit para sa ama.
" Parang ayaw ko parin maniwala na nagawa ito ni dad sa amin ni mommy. Hindi ko lubos maisip na nakuha niya kaming lukuhin" Basag nito sa katahimikan.
Hindi niya alam paano it aluin. Binaba niya ang bitbit niyang maliit na palanggana na may-laman malamig na tubig.
" Magiging maayos din ang lahat" dahan dahan niyang pinahid ang maliit na basang towel sa mukha nito.
Saglit itong natigilan tumingin sa kanyang mga mata. Hinawakan nito ang kanyang kamay.
" Salamat Arabella, sinamahan mo ako. Kailangan ko talaga ng kausap"
Napangiti siya sa sinabi nito" Walang ano man, hindi naman kita pwedi iwan na ganyan ang situation mo" pinagpatuloy niya ang ginagawa sa pag punas ng mukha nito.
Tinitigan siya nito saka, banayad na hinaplos ang kanyang pisngi. Nagka-titigan silang dalawa. " Thank you for being nice"
Nilapit nito ang mukha sa mukha niya, hindi siya umiwas ng bumaba ang mga labi nito sa labi niya. Natagpuan niya ang sarili gumanti ng halik rito. Parehong naging mapusok ang mga halik nila sa isa't isa.
Mabilis na hubad ni Jolo ang sout niya lumantad ang mapuputi niyang dibdib sa harapan nito. Pi-naglakbay nito ang kamay sa hubad niyang katawan. Habang parehong malamlam ang mga matang nakatingin sa isa't isa.
Siniil siya nito ng halik. Tuluyan siyang nagpalunod sa kanyang nadarama para rito. Nagpa ubaya na siya ng tuluyan siyang angkinin nito. Wala na siyang paki-alam na suklian nito ang pagmamahal niya. Nakatulog siya sa pagud ng matapos siyang angkinin nito.
Tinitigan niya ang dalaga na-kapikit ang mga mata nakahiga sa tabi niya. Bahagya siyang napa igtad ng mag ring ang kanyang celphone. Agad niya iyong kinuha bago magising si Arabella.
" Margaret napatawag ka?" Pumasok siya sa c.r.
Kumirot ang puso niya ng marinig na binigkas ni Jolo ang pangalan ni Margaret. Nasasaktan siya. Kahit na binigay na niya rito ang pagka babae niya pero ito parin ang mahal ni Jolo.
Pinikit niya ang kanyang mata ng maramdaman ang pagbukas ng pintuan ng c.r. at narinig niya ang yapag ng binata palapit sa kanya.
Naramdaman niyang humiga ito sa kanyang tabi. Maya-maya banayad nitong hinaplos ang kanyang pisngi. Na amoy niya ang mabango nitong hininga. Kasunod ang paglapat ng labi nito sa labi niya.
Naramdaman niyang gumanti si Arabella sa kanyang mga halik. Sa muling inangkin niya ang dalaga.
" Salamat Arabella, for being with me" aniya rito humiga sa tabi ng dalaga. Niyakap niya ito ng mahigpit saka pinikit ang mga mata.
Tulog pa si Jolo ng magising siya. Tinitigan niya ang guwapo nitong mukha. " Sapat na sa akin ang ma-ipadama ko sayo ang pag mamahal ko na kahit hindi mo ma suklian" naramdaman niya ang pagdaloy ng kanyang luha sa kanyang pisngi.
Tumayo siya at inayos ang sarli. Nasa pintuan na siya ng sulyapan niya ang natutulog na si Jolo. Humakbang siya palapit rito at umupo sa tabi nito saka nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga nito " Mahal na mahal kita" dinampian niya ng halik ang mapupula nitong labi bago tuluyan lumabas ng pad.
Dilat na si haring araw ng imulat niya ang kanyang mata. Kinapa niya si Arabella sa tabi. Napa balikwas siya ng bangon ng hindi ito mahagilap. " Arabel?' pumunta siya ng c.r ng hindi ito sumagot. Nanlumo siya ng hindi niya ito makita.
Naisip niya na baka, maaga itong umalis dahil maaga pa itong pumasok sa coffee shop. Nag mamadali siyang naligo para sundan si Arabella.
Nadaanan niya ang flower shop. Napangiti siya saka pumasok roon. Bilhan niya ng bulaklak si Arabella." ito ang bagay sa maganda kung dilag" Inamoy amoy niya ang mabango na roses." Im sure, Arabella would love this" nakangiti niyang sabi sa sarili.
Its already 10: 15 ng dumating siya Sa coffee shop nagtaka siya na wala si Arabella doon.
" Cathleen hindi paba dumating si Arabel?"
" Wala pa po sir eh" tugon nito.
Kinuha niya ang celphone para tawagan ito ngunit cannot be reach ang number ni Arabella.
" Ano kaya ang nangyayari don?" Naisipan niyang puntahan ito sa tinitirhan nito.
Laglag ang kanyang balikat sa sinabi ng may-ari sa kanya. Umalis na si Arabella kanina umaga.